Ang Pagod na si Taemin
Pahinga lang!! (Tagalog/Filipino) ()Ang pagal kong katawan
naghahanap ng pahinga
Ang pagal kong isipan
naghahanap ng pahinga
Ma-minsan man lang
nais ko ay kaluwagan
Ma-minsan man lang
nais ko ay kalayaan
"Hoy, bumangon ka na dyan at me lakad tayo, pupunta tayo dun sa ensayo natin."
"hmmmm Antok pa ko."
Sabay tapik sa balikat, "Bumangon ka na dyan, sabi e."
"Pwede bang magpaliban?"
"Parang pwede, ano? Sige na, tayo na."
"hmmm Ayaw. Antok pa ko. Gusto ko talagang matulog maghapon."
"Me topak ka ano?"
"Bakit, di ka ba napapagod? Kasi ako pagod."
"Tao lang, syempre napapagod din."
"Eh di pahinga muna tayo. 'Wag na tayong pumunta."
"Parang ganun lang un, na pagna-isipan mong 'wag pumunta, 'wag na lang."
"Pwede naman, di ba?"
"Sira! Hoy, sige na, bangon na dyan, maliligo ka pa at mag-aalmusal."
Parang wala akong lakas
na buhatin ang sarili
Parang wala akong takas
na para lang sa sarili
Na ibigay ko na ng lubos
na pawawala na
Ako na na-uubos na upos
na pawawala na
Di pa rin tumatayo sa pagkakahiga sa kama, bahagyang nakatingin sa ka-usap na nakakatanda, "Wala akong lakas. Pakiwari ko, magkakasakit ako."
Kumunot ang nuo ng bahagya, "hmmm Bakit, ano ba ang nararamdaman mo? "Yumuko at bahagyang hinawakan ng magaan sa may noo ang mas nakababata, "May sinat ka ba? O Sisipunin ka ba?" Umayos ng pagkakatayo, at pinagmamasdan ang ka-usap.
Umiwas ng tingin, "Di ko alam e, basta ang nararamdaman ko, napapagod ako."
"Baka naman nagugutom ka. Nagluluto na si Key ng almusal. Mamaya-maya lang nakaluto na un. Hayaan mo, mamaya, ibibili kita ng maiinom na pampalakas."
Bumulong, "Kuya," huminga ng malalim, "di ka ba nagsasawa sa ginagawa natin? Di ka ba napapagod?"
"Matanong kita," pinagpatong ang mga braso sa harapan ng dibdib, habang pinagmamasdan ang nakahigang ka-usap, "bakit mo na-isipang pumasok sa mundo ng larangan ng aliwan?"
Di agad nakasagot ang nakababatang ka-usap, at bahagyang nag-isip,"Dahil, sa umpisa pa lang e hilig ko na ang umawit at sumayaw. Nais kong makatulong sa pamilya ko. At, aaminin ko, ng walang pasubali, nangarap din ako, na magiging sikat ako."
"At, di ba, ang lahat ng 'yan e natutupad ngayon?"
"Aaminin ko, totoo 'yun, natutupad ko na ang pangarap ko. Pero, napapagod rin ako. Di ba maaaring magpahinga rin, habang tinutupad un?"
Comments