Prangkahan at Gulatan

Ang bias kong bakla

 

“Ano ba naman ito. Akala ko ba magkikita kami before class?” Nakasimangot si Haneul habang nakaupo sa bench sa may school garden.  Dalawang oras nalang at pupunta pa siya sa admin office ng university para ipasa ang mga iba pang requirements needed for graduation, dahil na rin busy siya malabo nang magkita sila ng kanyang boyfriend.

“Sorry natagalan ako, kinuha ko pa kasi yung bag ko sa locker.” Sagot ni Jonghyun nang umupo ito sa tabi ni Haneul.

“Okay lang, galing naman akong classroom ni Sungjee para ihatid yung mga muffins niya.” Sabi ni Haneul habang inaayos ang kwelyo ni Jonghyun. “Sinabi mo na?”

“Hindi pa.” Agad sagot ni Jonghyun habang tinitignan si Haneul. “Baka di ako tanggapin.”

“Ba’t di ka naman tanggapin?” Tanong ni Haneul at nakataas pa ang kilay. Nakakimbit balikat lang si Jonghyun at nagpabugtonghinga naman si Haneul.

“Alam mo X, kung magulang mo talaga sila. Tatanggapin nila kung ano mang desisyon yun, di yung puro ganito. Kelangan ba talaga sa ganitong paraan pa?” Tanong ni Haneul at tinignan si Jonghyun. “Oh yan, gwapo mo na.”

“Thanks X, kaya mahal kita eh.” Sabay kurot sa pisngi ni Haneul.

“Masakit!” Reklamo ni Haneul at pinagigigilan na naman ni Jonghyun ang kinurot nitong pisngi.

“Ang cute mo kasi!”

Habang naglalampungan, di nila alam na may audience pala sila.

“Haneul noona?” Agad napatingin sina Haneul at Jonghyun sa nagmamay-ari ng boses at nakita si Baekhyun na nakatingin sa kanila.

“Baekhyun! Nandito ka pala.” Ngumiti si Haneul at tumayo nang papunta sa kanila si Baekhyun. “May maitutulong ba ako sayo?”

“Ah…eh…” Napakamot tuloy nang di oras si Baekhyun sa kanyang batok at tinignan sina Haneul at Jonghyun. Medyo natagalan nga lang siya sa pagtitig kay Jonghyun na pinagtaka ni Haneul.

“Uhmm.. Baekhyun, si Jonghyun nga pala.. Jjong, si Baekhyun.” Nakangiti ang dalaga habang pinapakilala ang kasama sa binata habang si Baekhyun naman..

‘May boyfriend na pala siya? Akala ko ba wala? Akala ko.. tanga Baek! Maganda si Haneul, obviously may boyfriend siya for sure!’ “Di ko talaga naisip yun ah.” Pabulong na sabi ni Baekhyun tapos tumingin ulit kay Haneul. “Boyfriend mo?”

“Ex-boyfriend.” Ngising sabi ni Jonghyun na ikatuwa ng diwa ni Baekhyun. Agad nitong kinuha ang kamay ni Jonghyun para makipag-shakehands.

“Nice to meet you sir!” Nakangisi pa rin si Baekhyun dahil nga masaya ito kasi walang boyfriend si crush…

.

.

.

. pero wala nga ba?

“Ayan na pala ang hinihintay mo Haneul.” Sabi ni Jonghyun at agad itong kumaway sa bandang likuran ni Baekhyun. Napasunod naman ng tingin si Baekhyun at may nakitang papalapit na lalaki.

“Prince, sorry kung natagalan ako. Inasikaso pa ni Manager Hyung yung papers naming kanina.” Agad akbay ng lalaki sa balikat ni Haneul na halatang kinakilig naman ni Haneul.

“Okay lang Princess.” Ngising sagot ni Haneul at tumingin kay Baekhyun. “Ah, Baekhyun, si Jin nga pala. Boyfriend ko.”

“B…boyfriend mo?” Tanung ni Baekhyun na agad tinanguan ni Haneul. Ngumiti ito tsaka tumingin kay Jin. “Zup!, I’m Byun Baekhyun nga pala.”

“Kim Seokjin.” Nakipag-handshake ito sa binata at tumingin kay Haneul.

“Ang haba ng hair mo girl.” Nigising sabi ni Baekhyun at nagpaalam. “Hahanapin ko pala si Kai, una nako.” Paalis n asana siya nang naalala niya may dala siya. Agad niya itong inabot kay Haneul at nagpaalam ulit.

 

“Is it just me o may pagka-weird pala siya personal?” Tanong ni Jonghyun at tinignan ang paper bag na hawak ni Haneul. “Anong binigay sayo?”

“Di ko alam. To Haneul, Fr. Baekhyun <3” Matapos binasa ni Haneul ang nakasulat ay agad kinuha nito ang laman.

“Make-up kit?!?” Nagtinginan ang tatlo at medyo may nafoformulate na conclusion si Haneul pero ayaw pa niya tong iconclude. ‘ma-obserbahan nga’

 

_________________________________

Alas-onse na ng umaga ng nagising si Nijin.Buhay graduating nga naman. Kagaya ni Haneul, compile-compile nalang ang peg sa buhay at labas pasok lang ng university dahil OJT. Pakamot-kamot pa ito ng tyan nang binatukan siya sa ulo.

“Aray naman!” Inis na sabi niya at tinignan ang salarin. “Ano b---KUYA?”

“Oh, ako nga.” Sagot ni Kyuhyun at tinignan siya. “Diba may OJT ka ngayon?”

“Ano kasi….” Nag-isip si Nijin ng idadahilan dito pero wala syang maisip na rason. ‘Ba’t di sinabi ni tatay o nanay man lang na uuwi si kuya?’

“Ano na? Umabsent ka noh?”

Ngumisi lang ang dalaga at agad na pumasok sa banyo.

 

“Kelan ka pa natutong magbulakbol at di pumasok sa klase?” Mahinahong tanong ni Kyuhyun habang nasa may kitchen counter si Nijin na nakatayo.

“Kuya naman kasi, masakit ang ulo ko kaninang umaga. Sabi ko kanila Tita di muna ako papasok ng morning shift ko, ngayong hapon na ako papasok.” Paliwanag ni Nijin. “Tumawag naman din ako kay lolo para humingi ng consent, pinayagan niya ako.”

“Pasalamat ka kasi sa kompanya ka ni lolo nag-oojt kamo.” Sabi ni Kyuhyun at kumain ng almusal. Tinignan ulit nito si Nijin na nakayuko at ngumiti, “kamusta pala ang mga dalawa kong kapatid?”

“Eeeee! Kuya!” Agad sinapak ni Nijin kay Kyuhyun.

“Inaano ba kita? Nagtatanong lang ako ah!” Depensa ni Kyuhyun nang akmang babatukan ulit siya ng kapatid. “Balita ko may lovelife ka na raw, sabi ni Shiwon?”

“Wala! Si tatay kasiiiii! Dakilang er!” Inis na sabi ni Nijin at hinila-hila ang buhok ng kuya.

“Aray naman! Sa akin isisisi ang ginawa ni tatay agad?” Reklamo ni Kyuhyun at pinagkukuha ang kamay ni Nijin. “Di ako si Song Seungheon, ako si Song Kyuhyun, ah.”

Song Kyuhyun, ang panganay na anak ni Seungheon at panganay na apo ng Song-Lee Family. Graduate sa pagiging piloto at kasalukuyang namamahala ng SongDae Airlines Company. Minsan lang umuuwi ng bahay dahil sa kanyang propesyon, at dahil minsan lang makapagbakasyon, sinisigurado nitong nakabakod ang mga kapatid nya sa kanya.

 

“Kyuhyun!”

“Lolo!” At agad nagyakapan si President Lee at ang apo nito sa gitna ng lobby.

“Kamusta ang apo kong gwapo?”

“Eto, ubod pa rin ng gwapo.” Ngising sagot ni Kyuhyun habang nakaside-comment naman si Nijin sa gilid.

Samantalang sakto ang pagdating ng ibang EXO members sa building at nakita agad ni Yixing si Nijin. Tatawagin na sana niya ito pero naunahan lang siya ng nakakabata.

“Hi Nijin!” Tawag ni Chanyeol at kumaway sa dalaga.

“Hi!” Ngumiti si Nijin at napatingin rin ito sa mga kasama nito.

“Good Morning Nijin!” Pagbati ni Yixing sa dalaga at binate rin ito pabalik.

“Good morning President, Miss Nijin, Sir Kyuhyun, nandito po ang EXO para tapusin yung pictorial kahapon.” Sabi ng receptionist at tumango ang ulo.

“Manonood ka ulit ng pictorial?” Tanong ni Yixing kay Nijin pero umiling ang dalaga.

“I’m here for my OJT.” Tipid na sagot nito na medyo nahihiya.

“Kaibigan mo?” Protective na tanong ni Kyuhyun kay Nijin habang nakatingin kay Yixing.

“Ah, slight. Kuya, si Yixing, Yixing, kuya ko nga pala, Kyuhyun.” Pagpapakilala ni Nijin sa dalawa. Nakipag-handshake ang binata dito at tinanguan naman ni Kyuhyun.

“Good Morning Sir.” Bati ni Yixing kay Kyuhyun pero tinarayan ang kuya nyo.

“If I’m not mistaken, you’re the guy my uncle mentioned that got my sister into a fangirl fight.” Medyo natameme si Yixing doon at napatango lang.

“Yes sir. At di ko po sinasadya yun.” Agad pag-aapology ni Yixing at muling tinignan si Nijin. “Nijin, office attire ba kayo sa OJT ninyo?”

Tumango lang si Nijin at ngumiti, “Formal attire lang tapos kung Wednesdays and Friday naka-polo shirt at slux, natanong mo?”

“Wala lang, napansin ko lang sa suot mo.” Sabi ni Yixing, sasagot n asana si Nijin pero natameme ito sa susunod na sasabihin ng binata. “Okay sana kung alisin mo nalang yang blaizer mo tapos tuck-in ang floral blouse mo sa skirt mo. Bagay rin ang brown heels sa A-line skirt mo pero tingin ko mas maganda ang pencil skirt.” Dada nang dada si Yixing na habang sina Kyuhyun, President Lee at Nijin ay nakanganga na sa pinagsasabi niya.

“Mukhang ang dami mong nalalaman sa fashion ah,” sabi ni Kyuhyun nang tumigil si Yixing.

“Di naman masyado, medyo lang. ”Nakangising sagot ni Yixing. Nagpaalam ang tatlo at agad na inakbyan ni Chanyeol si Yixing.

“Pustahan hyung, akala ni Nijin bading ka sa sinabi mo kanina.”

Samantala napa-isip naman si Kyuhyun sa nakita niya mula sa binata ang tumingin kay Nijin.

“Anong tinitingin-tingin mo dyan?” Sabay napataas ang isang kilay ni Nijin.

“Sis, sigurado ka bang crush mo yun?”

 

 

Alas-tres na ng hapon nang pinagbreak si Nijin mula sa shift niya. Pero since on duty pa rin, di ito pwede pumunta sa tambayan nila magpipinsan kaya pumunta ito sa pantry para maghanap ng makakakain. Pagkagaling mula sa pantry ay nakita nito si Yixing na naglalakad.

“Okay na baa ng ayos ko?” Tanong ni Nijin na rumampa papalapit kay Yixing at nang nakalapit ay umikot ito sabay wink kay Yixing.

“Better than kanina.” Sabi ni Yixing at inalis ang scrunchie na nakaipit sa buhok. “Now you look stunning.”

Namula naman si Nijin sa sinabi ng binata at nginitian nito. “So, kamusta ang pictorial kasama ang mga sabon?”

“Okay lang, si Kris hyung ang nakasalang dun ngayon.” Sagot ni Yixing habang nakangiti kay Nijin.

“Bakante ka ngayon?” Tanong ni Nijin sa kanya.

“Oo, fifteen minutes break. Bakit?” Tanong nito sa dalaga.

“Gutom na kasi ako. Samahan mo akong kumain.” Sabi nito at agad hinila si Yixing.

 

Nalula si Yixing sa dami ng inorder ni Nijin na pagkain sa canteen. Di niya maisip paano mapagkakasya sa maliit na katawan ng dalaga ang sandamakmak na order nito.

“Ah, Nijin, sigurado kang mauubos mo yan lahat?” Tanong nito sa dalaga.

“Bakit? Wala kang tiwala sa akin?” Kaswal na tanong ni Nijin sabay kuha ng chopsticks. “I will eat well,” at nagsimulang kumain.

“Para sa katawan mo, parang imposible na maubos mo lahat ng ito.”

“Ako si Nijin the Great, chicken lang lahat ng ito sa akin.” Ngising sabi nito habang kumakain. “Nawindang mo si kuya kanina ah. HAHAHA!”

“Bakit? Anong ginawa ko?” Tanong ni Yixing na napatawa si Nijin.

“Yung sa fashion thing, mas may alam ka pa kaysa sa akin. Daig mo pa si Haneul ah!”

Napakamot agad si Yixing sa ulo nito, “nakakabading ba?”

Tinignan siya ni Nijin at tumango ito, “Aminin mo nga, bading ka ba?”

 

___________________________________

Pagkarating na pagkarating ni Jaemin sa Bubble Tea House ay agad na itong pumasok at hinanap ang taong dinalo niya.

“Jaemin!” Agad hinanap ni Jaemin ang taong tumawag sa kanya at ningitian nito.

“Mr. Lau!!” Binaba ni Henry ang kanyang kamay at agad na tumayo para paupuin ang dalaga. “Napakagentleman naman, thank you!”

“No biggie.” Sagot nito at uminom ng bubble tea. “And drop the formalities, magkakaedad lang tayo.”

“Sorry kung natagalan, umuwi pa ako ng bahay para mag-bihis.”

“Bakit? Ayaw mo bang makita kita na nakateacher’s uniform?”

“May pagkaganun na nga.” Ngising sagot nito at tinignan ang binata. “Salamat nga pala at pumayag kang makipagkita sa akin.”

“Okay lang naman. Sabi kasi ni Sir Donghae urgent daw kaya di nako nagdalawang isip.” Sagot ng binata. “Anyway, baka gutom ka na, let’s order?”

 

“Kuya, anong meron at nandito tayo?” Tanong ni Ahra habang nasa may pintuan ng bubble tea shop kung saan naroon sila Jaemin at Henry.

“Maghahapunan.” Sabi ni Jaejoong at tsaka sila pumasok magkapatid at Minho.

“Maghahapunan o maman-manan kay ate Jae?” Pagbubuking ni Ahra sa kapatid pero tumawa lang ito sa harap niya. “Indenial pa.”

Napa-ayos naman ang kuya at tinignan si Minho at Ahra. “Nandito tayo for dinner and for me to know your boyfriend.”

“Hyung, you know me for years. Aminin mo na kasi.” Banat ni Minho at pinagtawanan nila si Jaejoong.

Naglakad ang ito at agad nakita ang sina Jaemin sa may side na nakaupo.

 

“Jae, nandito ka pala?” Kaswal na tanung ni Jaejoong kay Jaemin na agad na kinagulat ng dalaga.

“Jae, hi! I didn’t notice you there! Sino kasama mo?” Tanong ni Jaemin habang umupo si Jaejoong sa may table katabi nila. Sakto naman na dumating ang magsing-irog at umupo kasama niya.

“Hi Ate!” Bati nung dalawa na nakangiti.

“Ahra at Minho. They’re treating me dinner.” Sagot ni Jaejoong na nakangisi at kinabigla ng dalawa.

“MWOOOH? Kaming manlilibre?” Tanong ni Ahra at tumingin sa kuya nito. “Kuya, baka ibig mong sabihin na IKAW ang manlilibre sa amin ni Minho.” At agad sinipa ito mula sa ilalim.

“ay, ako pala.” Fail na tawa ni Jaejoong na ikinaweirduhan ni Jaemin. “Ikaw lang ba?”

“Nope. I’m with Henry.”

‘Henry? First name basis na sila?’ “Henry?” Nakakunot noo si Jaejoong at tinignan ang lalaking parating.

“Sorry kung natagalan,” Sabi ni Henry at umupo sa tapat ni Jaemin.

“No, it’s okay.” Sagot ng dalaga at pinakilala siya kanila Jaejoong. “Henry, you remember Mr. Kim right? Jaejoong, Si Sir Henry Lau, assistant ni kuya sa insurance company. Henry, si Jaejoong of Kim Corporations.”

“I remember, from the university festival.” Sabay handshake ng dalawa sa isa’t isa. “Nice to meet you again,”

“Same to you.” Sagot ni Jaejoong. From Ahra at Minho’s point of view, mukhang magpapatayan na anytime soon. Sa dalawang binata naman, matatalim ang tinginan habang wala lang ito kay Jaemin.

Mukhang matatagalan pa ang titigan kaya naisipan ni Ahra na dapat nang ibreak ang ice. “Kuya, gutom nako. Order na tayo.”

“Henry, let’s go back to our discussion na?” Tanong ni Jaemin at agad na tinanguan ito ni Henry.

“Sorry, where were we again?” Tanong ni Henry na agad ningitian ni Jaemin.

“Dun sa pagpublish na ng html para maging java.” Agad na sabi ni Jaemin at balik sa pag-uusap si Henry at Jaemin at etschapwera ang beauty ni Jaejoong.

 

“Triple dead na ang karne. Kawawang karne.” Sabi ni Ahra habang tinitignan nito ang pagkain ng kuya niya. Tinignan rin naman ito ni Minho.

“Kuya, dahan-dahan at baka matunaw ang kalaban.” Sambit ni Minho habang patingin-tingin it okay Jaejoong at sa pagkain niya.

Mahigit isang oras na at di pa rin tapos kumain si Jae. Halos nakatuon lang ang kanyang mga mata kay Jaemin at Henry na nag-uusap at nagtatawanan. Natapos na kumain ang dalawa, siya nalang ang hinihintay.

Napatingin si Jaemin kay Jaejoong at napansin na di pa ubos ang pagkain nito. “Jae, okay ka lang?”

Napatingin ito sa dalaga at tumango lang. “Eh bakit di ka kumakain?”

“Wala lang. Busog pala ako.” Yun lang at padabog naumalis si Jaejoong.

“Anong nangyari dun?” Tanong ni Jaemin tapos tumingin kay Ahra at Minho.

“Selos.” Bulong nila Ahra na narinig naman ni Jaemin.

 

__________________________________________

Matapos mamili sila Lu Han ay nagpaalam na ito kanila Yenne at lumabas na sila ni RiSeu sa grocery store. Akmang hahakbang na sana ulit si Lu Han nang hawakan ni RiSeu ang hoodie ng binata.

“Ano ba Riseu, para san ba yun?” Tanong ni Luhan at nakita ang nakakalokong ngiti ng dalaga. “Uy ano yan? Nagtratransform ka na para maging bff ni the grudge ah! Aray!”

Agad naman itong sinapok ni Riseu at inayos ang postura. “Kung maka-the grudge, sampalin kita dyan eh!”

“Eh ba’t ka kasi nakangiti parang asong ulol?”

“Kelan pa kayo ni Tita Yenne na yun? Infairness Lulu, magaling kang pumili ng babae!” Sabay palakpak ni Riseu na akala mong nanalo sa lotto. “May girlfriend na ang kaibigan ko! Akala ko talaga nung una babae ka at aagawin mo si Myungsoo sa akin, yun pala nakikibase ka na!”

“Hindi pa kami, advance ka mag-isip.” Sagot ni Lu Han at tumuloy na sa paglalakad pero hinila na naman ang hoodie nito.

“Talaga? Ba’t ganun? Ang slow mo naman.” Kutya ni Riseu sa kanya. “Pero di nga, medyo nagselos ako kanina.”

Biglang napangiti si Lu Han at tumingin kay Riseu, “talaga?” At tumango naman si Riseu, tinignan ito ni Luhan at pinalapit ang mukha kay Riseu na halos ang lapit na ng mukha nila sa isa’t isa, “narealize mo siguro na may pagnanasa ka rin pala sa akin at naisip mo, ‘sana ako nalang yun’!” Sabay wink ni Lu Han kay Riseu.

Namula si Riseu at biglang tinulak si Lu Han palayo sa kanya, “Cool mo magjoke ah. Sira! Hahahahah!”  Tumayo ng maayos si Lu Han at tinignan si RiSeu.

“Eh ba’t ka nga kasi nagseselos?” Tanong nito sa dalaga.

“Wala lang, kasi di mo pinapakilala sa amin. Tita lang pala ni Haneul, yung pinsan ni Nijin na kaklase ko nung high school. Di ka pala talaga bakla! Masosolo ko na si Myungie!” Ngising sabi ni Riseu at pinisil ang pisngi ni Luhan. “Salamat friend!”

Naunang umalis si Riseu habang nakatayo pa si Lu Han sa kung san siya iniwan at napailing. “Kala ko ‘yun na ‘yun! Tsk!”

 

 

“Noona, bakit mas maraming pagkain si hyung kesa sa’kin?” Tanong ni Chanyeol habang tinitignan ang plato ni Lu Han.

“Kasi itong kaibigan natin, big boy na!” Ngising sabi ni Riseu na patuloy na pinagsisilbihan si Lu Han. Nakangisi naman si Lu Han dahil sa atensyon na bigay ni Riseu sa kanya.

“Talaga?” Ngising sabi ni Chanyeol habang nakikinig ang iba.

“Hyung, sinabi mo na sa kanya?” Confirm naman ni Sehun.

“Na may nililigawan siya? Oo!” Sagot ni Riseu na mas napalaki ang ngisi ng mga lalaki sa dorm.

“Talaga? So kilala mo na?” Tanong ni Lay sa dalaga at tumango lang ito.

“Di ka galit?” Tanong ni Xiumin.

“Ba’t naman ako magagalit? Eh sa gusto niya si pretty girl!” At pwersahan dinuro ang pagkain sa bibig ni Lu Han.

“Bakit parang inis ka dyan?” Tanong Suho habang pinagmamasdan ang kaibigan na halos di na makahinga sa mga pagkaing nilalagay sa bibig niya.

“Di ako inis ah!”  Ngisi ni Riseu, “actually natutuwa nga ako kasi sa dami daming girls na napili, si Yenne unnie ang napili.”

Agad napaluwa at nabilaukan ang mga kalalakihan.

“Si Tita Yenne?” Laking gulat ni Kai at tumingin kay Lu Han na umiiling.

“Oo. Nagkita kami sa grocery store kanina, naalala ko siya nung nakita ko kasama niya si Shiwon. Yung makulit na kapatid ni Nijin.” Sagot ni Riseu at nag-wink kay Lu Han. “Lu Han bro, you just wait. I’ll help you with Tita Yenne.”

Napatulala nalang ang lahat pati si Chanyeol na bet sana ang hyung sa kapatid.

“Torpe mo hyung, nandamay ka pa.” Yun lang ang nasabi ni Chanyeol at nagpatuloy sa pagkain.

 

_______________________________________________

“Ate Naru, may bisita ka!” Tawag ni Sungjee at agad na pumunta si Naru sa sala.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Naru nang nakita si Jongin na nakaupo sa sofa habang kausap si Taemin at Kyuhyun.

“Yung assignment daw sa journalism ang punta niya dito.” Sagot ni Kyuhyun at tumayo na sila. “Jongin, ikaw na bahala sa pinsan naming ah.”

“No problem hyung. Aalagaan ko si Naru!” Ngising sabi ni Kai at tumingin kay Naru. “Pwede kang umupo.”

Umupo si Naru sa sofang tapat kay Jongin at huminga ng malalim. “Kung punta mo talaga dito eh ang assignment, don’t worry ginagawa ko na. Nagnote-taking ako sa ginawa natin kanina kaya keri ko na yun.”

“Pero di ako sanay na wala akong effort na ginagawa para sa assignment natin.” Sabi ni Jongin na nakangisi. Napatayo naman sila nang dumating si Nijin na kapapasok ka lang ng bahay.

“Naru, Kai, naka-istorbo ba ako sa inyo?” Tanong ni Nijin pero agad na sumagot si Jongin.

“Wala naman.” Sabay kamot sa batok na akmang nahihiya. Napansin ito ni Naru na agad naman nakaramdam ng konting selos mula sa pinsan.

“Ah, oh sige. Akyat nako.” Nagpaalam si Nijin at ngumiti si Naru sa nakakatandang pinsan.

Nang nawala na si Nijin agad naman tumingin si Naru sa binata. “Mukhang nagka-effort ka na sa assignment mo. Gandang bitamina sa mata.” Direktang sabi ni Naru na galit.

“Ah? Anong ibig mong sabihin Naru?” Tanong ni Kai na parang nagtataka sa kilos ng dalaga. “Anong ibig mong sabihin na bitamina ng mata? Di kita naiintindihan.”

“Sorry to be frank, but I know that you’re after my cousin and not for the assignment.”

“Naru, di nam—,”

“Okay lang,you don’t need to deny it kasi kitang kita naman palagi. Nagdahilan ka pa na kaibiganin ako.” Yun lang at umalis na si Naru habang tameme at di makakilos si Kai mula sa puwesto.

 

___________________________

Kill.me.now. +_+

Sorry kung sabaw ang update.

Di ko na nahintay ang birthday ko para mag-update! xD

 

Subscribe.Comment.Upvote.

 

<3missdauxian

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
uikaxxlockheart
#1
Chapter 16: Nag-backread dahil naaliw!
uikaxxlockheart
#2
Chapter 15: Iisipin ko na birthday gift mo ito saken 'te
uikaxxlockheart
#3
Chapter 15: Wait lang shemay nagbabanyo pa ako emerged ate!!!!! You updated! Hart hart
uikaxxlockheart
#4
Nami-miss ko to. :(
uikaxxlockheart
#5
Chapter 14: Why am I shipping the maknae line with Yunhee? /facepalm.

Pero HeeMyeon talaga.O(∩_∩)O

Eh tapos authentic HunHan! *^o^*

Yaaay napasaya ako ng chap na to. The best!
RiCa1826 #6
Chapter 14: Ang cute ni Yunhee. HAHAHAHA sarap sapakin xD
tapos kinilig ako ng slight nung pinaligiran siya ng maknae line. Wala lang kasi ang cute nung maknae line ang sarap nilang i-squish

Bet ko din yung tandem ng Yunhee+Maknae line since si Yunhee halos kasing edad lang nila, para lang silang magbabarkada at magakakapatid na nagbabangayan lol

Shiwon and Hanbyul why. HAHAHA. gamitin ba naman si Yunhee. pero okay lang keribels naman xD

TaoRis. Alam na this! XDDD
uikaxxlockheart
#7
Chapter 13: okay masungit talaga si Yenne. :))) Bara lang ng bara.

"ano bang nangayari sa buhay mo at ganyan ka nalang kaseryoso?" ---hahahaha madalas itanong to sa akin. :)))))

Pero 2min shipper ako huhuhu.

Shetttttt! may date ang LuYenne :))) <3 <3

Munggago ni Yi Fan lol. selos?

Kamusta ang MiMin. :)))) *eeeh di ako makapag-spazz gawa may YumiXing feels ako.* :))))

Meeeehhhh yung NaKai ang lande ples. :))))


Wuhuuuuuu ChenRa! ChenRa! ChenRa na yan!!!!! *_*

KookJee <3 <3 <3
Paninininini
#8
Chapter 13: love triangle na ituuu
heyitsbabyjoojoo
#9
Chapter 13: ATE APRIL I LOVE YOU!!! Kookie wag na taung mag pa ligoy ligoy pa please tau na oh ahahahahaha cge na!! Legit na eh!! Pede na!


Ahjumma haba ng hair mo sinasabi ko sau!
NaKai♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ 5ever!

Pastry pa tawagan nmn ptfffahajsgajfoa!!! Kahit kanino na sa Kris oh basta akin c Jungkook mamahalin kita ng lubusan ate april!
bananamilk23
#10
Chapter 13: te, bukas na ako magcocomment... di ko pa nababasa ng buo eh... hehehehehe