Ang Maeksenang Hapunan

Ang bias kong bakla

 

 

Nakasurvive nang matiwasay si Sungjee mula sa kahihiyaan na ginawa niya nung isang araw. Pero kahit papaano ay di niya magawang kausapin ang binata, ‘eh sa nahihiya pa rin ako!’

“Sungjee, tama ba itong ginagawa ko?” Tanong ni Jungkook at pinakita ang batter na gawa niya para sa baking class nila. Pinapagawa sila ng simpleng chiffon cake with chocolate frosting.

“Paano nalang ito? Sa dinami-rami pa kasi ng mga araw, ba’t yun pa?” Di makamove-on na sabi ni Sungjee habang iniisip pa rin ang nangyari.

“Sungjee?”

“Huh? A..ano yu---?” Agad lingon ni Sungjee nang may naramdaman siya sa balikat niya.

“Huli ka!” Sabay ngising sabi ni Jungkook. Natulala lang si Sungjee sa ginawa ng binata habang pinahid ulit ni Jungkook ang icing na nilagay niya sa pisngi nito.

“So..sorry if I’m spacing out.” Sabi ni Sungjee tapos tinignan ang ginagawa ng Jungkook. “Ano nga ulit yung tinatanong mo?”

“Etong ginawa ko ba’y tama?” Pakita ni Jungkook sa batter at tinignan ni Sungjee at hinalo.

“Kulang pa ng egg white,” agad sagot ni Sungjee at kinuha ang sangkap para sa chocolate frostings. “Nga pala Jungkook, sorry nung nakaraang araw.”

“Saan dun? Yung nagsungit ka?” Ngising tanong ni Jungkook at tinignan ang dalaga sandal bago daluhan ang hinahalong batter. Napakagat labi naman si Sungjee at di umiik. “Ano ka ba, okay lang yun noona. Wala yun!”

“Pero kasi---, wait nga lang, tinawag mo ba akong noona?” Tanong ni Sungjee at lumingon dito sabay taas kilay.

Tumango lang si Jungkook, “bakit? Sinong mas matanda sa atin?”

“Ako.”

“Yun naman pala eh.”

“Aba’y bata ka!” Sabay pingot ni Sungjee sa tenga ni Jungkook, “mas matanda lang ako ng tatlong buwan sa iyo no!”

“Araaaay!” Sabay iwas ni Jungkook sa mga kamay ulit ni Sungjee, “Chillax, NOONA!”

 

Natapos na sa batter ay agad na inilagay nila Jungkook at Sungjee ito sa baking pan at pinaluto sa oven. Dahil walang magawa ay naglinis ang mga ito sa kanilang work table at naglaro.

“Wag mo na akong tatawaging noona, di naman malayo ang tanda natin.” Sabi ni Sungjee na tinanguan naman ni Jungkook, “at tsaka, eto.”

“Ano yan?” Tinignan lang ni Jungkook ang vvip tickets na inaabot ng dalaga.

“Sinosoli ko.”

“Bakit?”

“Bakit hindi?”

Tinulak pabalik ni Jungkook ang mga tickets kay Sungjee at ngumisi. “Manood ka ng performance namin, sayang rin naman yan.”

“Bakit naman kasi sa lahat ng pwede mong ibigay, ito pa?”

“Eh sa di ko mabigay sarili ko.” Sagot ni Jungkook sabay wink kay Sungjee.

“Ang flirt mo,” Irap ni Sungjee sabay tago sa ticket.

“Joke lang, at least mapanood mo ako diba? At dahil friends na tayo,” agad na may kinuha si Jungkook mula sa bag at nilagay sa harap ni Sungjee.

“Ano naman ‘toh?” Sabay kuha sa maliit na box at binuksan, “muffin?”

“Oo, kasi ikaw si Miss Muffin ko.” Ngising sabi ni Jungkook na ikinamula ni Sungjee ‘My feels! Please control me! Di pwede ito!”

Nakaramdam agad ng awkward feeling si Sungjee ngunit na save-by-the-bell nang nag-ring ang cellphone nito. Agad nito dinampot mula sa bag at tinignan ang number.

Unregistered number? Agad naman sinagot ito ni Sungjee “Yoboseyo, Sungjee speaking.”

“Sungjee, si Kris ito.”

‘Si Kris?’ “Kris? Sinong Kris?” Tanong ni Sungjee habang pinagmamasdan si Jungkook na nakikinig.

“Si Kris ng EXO.”

Agad nanlaki ang mga mata ni Sungjee, “O..oppa! Napatawag ka?” Agad pigil sa nararamdaman si Sungjee, di siya makapaniwala tinawagan siya ng bias-slash-ex-bias niya. ‘Ang feels, dapat pigilan.’

“Oorderr sana ako ng cupcakes, 12 pieces, can I get it this afternoon?”

Tinignan ni Sungjee ang oras at napasimangot, “sorry oppa, pero straight ang klase ko today at baka wala na akong time magbake, bigay ko nalang bukas.”

“Sure. Thanks. Text mo lang ako magkano ang babayaran ko, bye.”

“Bye.” Sabay baba nito sa phone.

“Sino yun?” Tanong ni Jungkook at nilagay sa lamesa ang freshly baked cake nila.

“Hmm? Ah, si Kris ng EXO gusto umorder ng cupcakes ko.” Normal lang sinabi ni Sungjee habang inalis nito ang cake mula sa baking pan.

“Weeh? Di nga?” Tanong ni Jungkook at tinanguan lang ito ng dalaga. “Baka mamaya diyan sabihin mong kapatid mo si GiKwang sunbae.”

“Di ko siya kapatid, tito ko siya.” Kaswal na sabi ni Sungjee habang naglalagay ng frosting. Tinignan niya si Jungkook at nanlaki ang mata. “Oh my gosh!”

“Seryoso? PAMANGKIN KA NI Gikwang---,” di natapos ni Jungkook ang sasabihin kasi agad tinakpan ni Sungjee ang bibig ng binata.

“Wag mo ipagkakalat kung ayaw mong ikaw ang ipasok ko sa oven.” Banta ni Sungjee, di sa di niya ‘tong pwede ikalat, ayaw lang niyang mapasali sa limelight ng tito niya.

Agad na inalis ni Jungkook ang kamay ng dalaga at hinila ito palapit sa kanya. “Wag kang mag-alala, tsaka lang ako maniniwala kapag nakita ng dalawang mga mata ko na kasama mo sila.”

 

 

“Oh, pano naniniwala ka na?” Tanong ni Sungjee habang nakatayo sila sa harap ng gate kung saan nakapark ang van na sasakyan nito pauwi. Day off ni Gikwang kaya siya mismo ang susundo sa mga pamangkin sa university. Bumaba itong suot ang knapsack at shades at sinalubong ang pamangkin, agad naman nagkiss si Sungjee sa pisngi nito.

“Sungjee, nasan na sila Haneul?” Tanong nito sa pamangkin.

“Parating na siguro yung mga ‘yun.” Sabi ni Sungjee at tumingin kay Jungkook. “Ah, nga pala tito kambal, si Jungkook, kaklase ko.”

Agad naman na nakipaghandshake si Jungkook sa nakakatanda.

“Hello hyung, ako nga pala si Jungkook ng BTS.” Pakilala ni Jungkook na malaking ngisi.

“Nice to meet you,” Ngiti ni Gikwang habang nakatingin sa binata.

 

“Tito Kambal!” Masiglang tawag ni Haneul sa tito kasama ang nakasimangot na kapatid nito. “Kanina ka pa?”

“Kababago lang.” Sagot nito.

“Jungkook, nandito ka pala. Kanina ka pa hinahanap nila Princess Jin.” Sabi ni Haneul at agad sinabi kung saan ang mga ito ngayon. Nagpaalam ang binata  sa mga ito at umalis.

“Sakay sa sasakyan habang hinihintay si Naru.” Utos ng tito na agad naman nilang sinunod. Nang nasa loob na ng van ay agad naman nito tumingin sa likod para obserbahan ang pamangkin.

“Anong nangyari sayo? Busted na?” Tanong ni GiKwang habang nakatingin kay Taemin na nakasimangot.

“Wala ‘dy. Actually, kami na.” Malungkot na sagot ni Taemin.

“Eh kung kayo na, bakit ka nakasimangot?” Tanong ni Donghae na pinagtaka rin ng dalawang dalaga.

“Eh maghaharap kami ni Kris hyung mamaya.”

 

Nang kumpleto nang lahat ay agad na pumunta sila sa mansyon para sa dinner na inayos ng lolo nila. Simpleng dinner lang ito ngunit may mga bisita na inimbita kaya dapat sila presentable sa mga ito. Nang makarating sa mansyon ay agad na silang pumasok sa kanilang sari-sariling mga kwarto para magbihis. Samantalang sila Yenne at Jaemin ay nasa kusina tumutulong sa mga lulutuin.

“Miss Jaemin, Miss Yenne, kami na pong bahala diyan.” Pagmamakaawa ng family head butler nila.

“Nako Butler Nam, kami nang bahala ni ate dito. Paminsan-minsan lang naman eh.” Ngising sabi ni Yenne habang sinasabayan ang ate nito na magluto.

“Pero miss, baka pagalitan kami ni President Lee sa ginagawa ninyo.”

“Ano ka butler Nam, nasanay na si appa. Wala ito sa kanya.” Sagot ni Jaemin na naghihiwa ng mga sangkap na gagamitin sa ibang lutuin.

“I’m here! What do I need to do?” Tanong ni Gikwang na agad na kinuha ang isang chef hat sa isa sa mga chef at nagsuot ng apron. “Hi Butler Nam.”

“Kuya kambal, pakitingin nung baka kung malambot na.” Sabi ni Jaemin.

“Butler Nam, magpahinga naman kayo. Kami nang bahala sa pagluluto.” Sabi ni Joongki na naka-hello kitty apron at pink head cap.

“Pero master Joong--,”

“Hep hep hep! Nandito pa kami.” Sabay sunod ni Seungheon at Donghae na naka-identical apron kay Joongki.

“Tignan mo Butler Nam, everything is under control. Wag na masyadong istressin ang sarili.” Sabi ni Yenne at saka sinamahan ang mga kuya para palabasin ang mga kasambahay.

Nang makaalis na ang lahat ng kasambahay ay agad na isinara nila Yenne at Seungheon ang pintuan at nagsimula na ang magkakapatid na magluto.

“Ate, kamusta ang date niyo ni Mr. Lau kahapon?” Tanong ni Yenne habang sinasabayan si Jaemin sa pagluto ng mga putahe.

“Anong date? Inaya ko lang siyang magdinner kasi nagpapatulong ako sa javascript.” Sagot ni Jaemin.

“IT naman si Taemin ko, ba’t di ka sa kanya nagpatulong?” Ngising tanong ni Donghae.

“Nagtanong ako kay Taemin pero di daw niya ‘yun alam.”

“Bakit di sa akin?” Tanong ni Gikwang at inagaw ang sandok mula sa kakambal. “Graduate naman ako ng Computer Science.”

“Kasi busy ka sa buhay artista mo, tsaka dami ninyong guestings nung nakaraan.”

“Ano ba kayo, inaasar niyo naman si Jaemin ah.” Pagitna ng ni Seungheon at inakbayan si Jaemin. Nanahimik ang lahat at saka palakas na bulong na tinanong ang kapatid, “nag-enjoy ka ba sa date?”

“KUYA!” Sabay layo ni Jaemin sa pagkaka-akbay at sinapak ito. “Kayo ah! Wala na kayong ginawang matino kundi pagka-isahan ako!”

“Pano naman kasi kung sinagot mo lang si Kuya Jae noon malamang di ka naming iseset-up sa kung sino-sinong lalaki ngayon.” Sagot ni Yenne na nakapamewang.

“Binusted ako ‘nun.” Kaswal na sagot ni Jaemin at patuloy sa pagluluto.

Nagtiningan ang magkakapatid at agad na tinignan ang dalaga, “BINUSTED KA?”

“Ang kulit lang?” Sabay taas ng isang kilay ni Jaemin, nagmamaldita na naman. “Tsaka mga kuya, little sister, don’t get me wrong. Di naman ako nanligaw, tinanong ko lang siya noon tsaka halatang malabo maging kami ‘nun.”

“Eh teka nga, kung di ka nanligaw paano mo nalaman na busted ka?” Tanong ni Joongki habang papalapit ito kay Jae.

 

“Jae, may tanong ako.” Sabay tingin ni Jaemin kay Jaejoong habang nagbabasa ng libro. Nasa library ang mga ito dahil free period ng mga junior at seniors.

“Ano yun Jae?” Tanong ni Jaejoong na di inaalis ang tingin sa binabasa.

Kinuha ni Jaemin ang libro na binabasa at sinirado ito. “Ayaw ko nang distorbo, etoh eh what if question lang. Naalala ko lang kasi tinanong ni Mrs. Jung nung sa homeroom namin. Anong gagawin mo kapag in love pala sa iyo ang best friend mo?”

“In love sa akin ang best friend ko?” Tanong ni Jae sabay turo sa sarili, “so si best friend na ito will be, ikaw?”

“May iba ka bang best friend?” Taas kilay na tanong ni Jaemin at umiling si Jaejoong. “Sagutin mo nalang.”

“Hindi ko alam.” Sagot ni Jaejoong.

“Bakit di mo alam?”

“Di ko lang alam, siguro kung yan nga mangyayari, siguro lalayo nalang ako.” Sagot ni Jaejoong at inagaw ang libro na binabasa nito kanina.

“La..lalayo? Bakit ka naman lalayo?” Tanong ni Jaemin na mukhang nalungkot sa sinabi.

“Kasi ayaw ko isugal ang pagkakaibigan natin para lang sa mga ganyan, mahal kita pero hanggang pagkakaibigan lang tayo. Takot ako na  baka mag-away tayo, aayawan na natin ang isa’t isa.” Sagot ni Jaejoong at tumingin kay Jaemin. “Does that satisfy your answer?”

Malungkot man ay tumango lang si Jaemin at nag-agree sa sinabi ng nakakatanda. “Tama ka nga, siguro nga rin di tayo para isa’t isa.”

 

“Kaya ba ‘nung high school tayo iniwasan mo siya ng ilang linggo?” Tanong ni Gikwang na tinaguan naman ni Jaemin.

Pinagmasdan naman ni Jaemin ang mga mukha ng mga kapatid nito at natawa nalang ito, “ano ba kayo, naging biyerne santo agad ang mga mukha ninyo. Okay lang yun, it’s all in the past.”

“Pero ate, paano kung gusto ka pala niya pero di mo lang alam?” Tanong ni Yenne, nagbabasakaling may liwanag na makikita sa ship na tinataguyod ni Ahra.

“Well, that’s nice to hear but too late to realize already.” Yun lang ang sinabi ni Jaemin at nagpatuloy sa pagluto.

 

___________________________________________________

Sa walang pag-aalinlangan ay agad binuksan ni Shiwon ang board room ng bahay nang malaman nito nasa loob ito.

“Lolo, I invited Hanbyul over for dinner kasi magslesleepo---,” Di humihingi ng permiso o kaya nagremind man lang, ganyan ang batang si Shiwon. Alam kasi nito na cool lang ang lolo. Natigilan naman ito sa paglakad kasama si Hanbyul nang makita ang mga kasama ng lolo nito sa board room. She scaned the place and saw her love of her life. Dali-dali itong tumingin sa lolo.

“LOLO! BA’T DI MO SINABI NA BISITA NATIN ANG EXO!” Sabay hila nito kay Hanbyul para gawing human shield. Namula ito dahil naka-pororo pajama lang ito at bitbit ang isang malaking pororo doll.

“Himala at nahiya ka,” kutya ni Hanbyul sa kanya nan aka-pink and blue combination na pajama at ngumiti lang kay President Lee. “Good evening lolo.”

“Good evening Hanbyul, mukhang reading-ready na kayo sa sleepover ninyo ah?” Ngising sabi ng lolo ng kaibigan.

“Half day lang po kasi sa school tapos dumiretso na kami dito ni Tita Jaemin. Nakatulog kami sa room kaya ganito.” Kaswal na sagot ni Hanbyul at nagbigay galang sa matanda. Matapos ‘nun ay may nararamdaman siyang tumitingin sa kanya at tinignan ulit ang mga tao sa room. Naispatan nito ang lalaking katabi ng best friend ng pinsan ni Shiwon na nakatingin sa kanya. Agad itong tumingin sa president.

“This was supposed to be a surprise for dinner pero nakita nyo nang dalawa.” Natatawang sagot ni President Lee. “Anyway, the two of you get dress and tell the others as well. Shiwon, apo?”

“Yes lolo?” Tanong ni Shiwon habang inayos ang sarili at tumingin sa lolo.

“Behave ka mamaya. Alam kong takbo ng nasa isip mo.” Yun lang at agad nang lumabas ang dalawa.

 

“Sorry for my apo, Shiwon is just being Shiwon.” Ngising sabi ng President at tumawa.

“President Lee, pwedeng magtanong kung sino yung kasama ng apo mo kanina?” Diretsahang tanong ni Sehun at tinignan ng mga kasama.

“Nagiging lover boy na si bunso?” Asar ni Luhan at sinagot lang ito ng ngiti ng nakakabata.

“Ah, si Park Hanbyul, kaklase at matalik na kaibigan ni Shiwon. Her mom is the partner of Shiwon’s dad sa persecuting office, and her dad is a high rank general ni Airforce.” Ngising sabi ni President at agad na napalunok si Sehun. “Interested?”

“Aahhh… Slightly interested po.” Yun lang at napainom ng isang basong tubig si Sehun.

 

___________________________________________________

“Friend, simulan na natin ang plano!” excited na pagkakasabi ni Shiwon matapos maligo at mag-ayos.

“Are you kidding me? Di mo ba narinig sabi ng lolo mo? He told you to behave.” Pagreremind ni Hanbyul habang sinusuklay ang buhok.

“Don’t worry. I’m not the one whose doing it.” Ngising sabi nito at tinignan si Hanbyul.

“NO.” Yun lang ang sagot ni Hanbyul at pinaupo ang kaibigan sa silya tapat ng dresser.

“Come on Byul! Magmamanman lang naman tayo.” Sabi ni Shiwon habang sinusuklayan ito ni Hanbyul. “Tignan lang natin ang mga kinikilos---,”

“Tapos ano? Gagawa ng eksena, titignan ang mga reaksyon at dali-dali mong kukunin si dodong mo at magtatanan na naman kayo?”

“Uy, pano mo nalaman yun?”

“Shunga!” Pitik ni Hanbyul sa noo ni Shiwon at tinapos ang pag-aayos sa buhok ng kaibigan. “Kahit kelan talaga puro kalokohan.”

“We’re all in this together best friend!”

“I know, but not now. No dirty tricks Song Shiwon, magmanman lang tayo.” Sabi ni Hanbyul at umupo sa kama.

“Nga pala, bago ko makalimutan. What’s with you and Sehun?” Tanong ni Shiwon at lumapit sa kaibigan.

“What do you mean? Wala naman ah?” Direktang sagot ni Hanbyul na may pataas pa ng kilay.

“Don’t deny, nakita kong tumingin ka sa kanya kanina at siya naman tutok na tutok sayo!”

“Kasi siguro nagsasalita ako? Kasi nakatago ka sa likod ko?”

“Pero di eh, may something.”

“Ano ka ba, kung may something man in which wala naman talaga, sasabihin ko sa iyo.”

“Pero kasi yung titigan na yun, yung mga ganun..” Pang-asar na sabi ni Shiwon. “Totoo man o hindi, iimbistagan ko ito.”

“At simula pa ngayon sinasabi ko na wala lang yun.”

 

____________________________________________

 

Matapos na magluto ay agad na naglinis at nag-ayos ang magkakapatid para sa dinner. Di nila alam kung sino ang mga bisita ng kanilang mga magulang kung kaya’t nagdecide sila magkakapatid na  casual lang ang susuotin.

Dahil sa katamaran ay tumambay muna si Yenne sa kwarto ni Jaemin at doon na rin naligo. Kaya mula sa kwarto ng ate ay nagmadali itong naglakad papunta sa kwarto niyang limang metro ang layo habang naka bathrobe at tuwalya sa ulunan. Nang malapit na makaabot ay nakabunggo naman siya ng tao, dahilan rin na matapon ang juice na dala nito.

“I’m so sorry.” Agad na pinulot ni Yenne ang baso at tinignan ang lalaki. “Yi Fan?”

“Sorry din, di kita napansin.” Sagot ni Kris sa kanya.

“Ba’t ka nga pala nandito?” Tanong ng dalaga at tumingin sa kung saan man siya galing. “Kayo ba bisita nila appa?”

“Oo, lumabas ako ng board room para maghanap ng CR pero mukhang may iba pa pala akong proproblemahin,” sabi nito at tinignan ang polo nitong namanstahan.

“Sorry, I still have your wolf shirt in my closet ata, yun nalang gamitin mo.”

Binuksan ni Yenne ang kwarto at pinapasok si Kris.

“Are you sure okay lang sayo dito ako?” Tanong ni Kris at tinignan ang buong kwarto. White and black combination ang room at may mga posters ng mga kpop groups sa isang side. Nakita nito ang isang poster na nilalaman ay siya at napangiti.

Si Yenne ay abala na hinanap ang wolf shirt ay agad lumabas mula sa walk-in closet at binigay ang t-shirt sabay tingin kung saan nakatingin ang binata, “Uhmmm..”

“So bias mo ako?” Diretsang tanong ni Kris na nakatingin sa kanya.

“Bigay lang yan ng pamangkin ko sa akin.” Ayaw aminin ni Yenne na siya ang bias nito kaya dinahilan si Sungjee para makatakas sa tanong.

“okay, sabi mo eh,” ngising sabi ng Kris at akmang huhubarin na ang suot nang sinapak ito ni Yenne.

“Hoy! Hoy! Hoy! Anong ginagawa mo?” Tanong ni Yenne na nanlaki ang mata.

“Magbibihis.” Kaswal na sagot ni Kris at nakatikim na naman ng sapak. “Aray! Namumuro ka na ah!”

“May CR kasi, doon ka magbihis, hindi dito!”

“Para magbibihis lang,”

Agad na may kumatok mula sa pintuan at nagsalita, “Yenne, si kuya to. Papasok ako ah.”

“Hoy! Dun ka nga sabi!” Itutulak ni Yene sana si Kris papuntang CR pero natapakan nito ang paa ni Kris dahilan para mabalanse ang binata.

“AAAAH!”

“Yenne, may sukla---,” pagbubukas ni Joongki at nakita ang saktong pagbagsak at aftermath ng dalawa.

*booosgh*

Minulat ni Yenne ang kanyang mga mata, gayun din kay Kris at napansin nila ang di kaganda-gandang posisyon. Nakahiga si Yenne sa kama ngunit ang ulo ay salo naman ng kamay ni Kris at nakahawak naman siya sa braso ni Kris. Habang si Kris naman ay nasa taas ni Yenne, hawak ang bewang nito pangsuporta. Nagkatitigan at medyo napansin nila na parang may nakalapat na malambot na bagay sa kani-kanilang mga labi. Agad nanlaki ang mga mata nito at dali-daling tumayo.

Agad na pumasok si Joongki sa loob at sinirado ang pintuan tsaka hinarap ang dalawa. “Yenne, magbihis ka na. Mr. I-don’t-who-you-are, go to the CR if you will be using it.”

Nagmadali ang dalawa at pumunta sa kani-kanilang mga lungga.

 

___________________________________________________

 

Nang nakaayos na ang lahat ay isa-isang nagsibabaan ang magpipinsan mula sa kani-kanilang mga kwarto at tumungo sa dining hall.

“Dapat ba talagang nakapormal tayo?” Tanong ni Sungjee na naka-blue dress at flat shoes.

“Wag ka nang magreklamo, di ka naman nakaformal.” Asar ni Naru dito habang naglalakad.

Nang makaabot ang mga ito sa dining hall ay nakita nila na ang iba ay nakaupo na kasama ang mga bisita.

“There are my grand children.” Ngising sabi ni Chairman Lee at pinaupo ang mga dalaga.

“Hi Lola! Look who’s with me!” Sabay halik ni Shiwon dito at pinakita ang kasama na si Hanbyul.

“Hanbyul! Ang ganda mo na. Kamusta ang mommy at daddy mo?” Tanong ng chairman. “Ang kuya Sungmin mo?”

“Okay lang po chairman. Nasa training camp po si kuya kasama ni Appa.” Sagot ni Hanbyul at umupo tabi ni Shiwon at tapat naman ni Sehun.

“Again, how many times do I have to tell you to drop the chairman and president? We treat you as one of our grand children.” Masayang pagkasabi ng chairman.

“Nasaan na ang mga tatay at tita ninyo?” Tanong ng president na sakto pagpasok ng magkakapatid dala ang mga pagkain kasama ng mga maid.

“Appa, surprise!” Galak na sabi ni Seungheon at isa-isa nilang nilapag ang mga pagkain sa hapag-kainan. Namangha ang mga ito lalo na ang mga bisitang EXO.

“Nakialam na naman kayo sa kusina?” Tanong ni Chairman na tinanguan naman ng magkakapatid.

“Minsan lang naman naming ito nagagawa na kumpleto kami.” Sabi ni Seungheon at umupo sa gitna nila Nijin at Yixing.

Agad na siniko ni Nijin si Kyuhyun, “tignan mo na naman si tatay.” Natawa nalang si Kyuhyun habang pinagmasdan ang ekspresyon ng ama nila.

Agad na siniko ni Minseok si Lu Han at nagsalita, “bro, lipat ka muna ng pwesto.”

“Huh? Bakit?” Tanong ni Lu Han at tinignan kung saan tumitingin si Minseok. “Ah, I get it.” Agad itong tumayo at lumipat sa tapat nito kung saan nakaupo si Yenne.

Papunta na sana sa tabi ni Chairman Lee si Jaemin nang hawakan ito ni Minseok sabay tayo ng binata.

“Monay? Bakit?” Tanong ni Jaemin nang napatingin ito kay Minseok.

“Tabi na tayo mamon.” Agad lahad ni Minseok sa upuan na tabi niya. Napangiti naman si Jaemin at umupo sa tabi ng binata.

“Monay? Mamon? Kelan pa kayo naging close?” Tanong ni GiKwang na nakataas ang isang kilay.

“Kaklase ko siya majority sa mga Math ko nung college.” Sagot ni Jaemin habang nagsisimula sila kumain.

“Eh bakit nung photoshoot nung pinakilala kayo eh parang di ninyo kilala ang isa’t isa?” Tanong ni Naru na interesado rin sa status ng dalawa.

“Tsaka ko pa naalala nung sinabi niya matapos nung pagpapakilala.” Sagot ni Jaemin.

“Eeeeett! Kinikilig ako!” Pagsisimula ni Shiwon na nakatanggap nang titig mula sa tatay. “Tatay naman eh! For just this night, let me spazz!”

“Kasalanan mo yan, magdusa ka.” Sagot ni Seungheon habang pinapatuloy ang pagkain.

“Pero paano naging monay at mamon?” Tanong ni President Lee. “Para sa magklaklase nung college, parang awkward bigyan ng petname ang isa’t isa.”

“Mukha daw kasi akong monay dahil sa pisngi ko sabi ni Jaemin, tapos si Jaemin naman parang mamon, super fluffy!” Ngising sabi ni Minseok na tinawanan nila. “Isa pa, crush ko siya simula nung college.”

Agad na namula si Jaemin at nanahimik.

 

“Ang sweet nyo naman.” Komento ni  Naru habang kinakagat ang tinidor at nakatingin sa dalawa. “Sana may kaganyanan rin ako sa school.”

“Tayo Naru, sweet naman rin tayo sa classroom ah.” Segway ni Kai pero inirapan lang ito ni Naru.

“Jong In, may tatanong ako sa iyo.” Agad na nagsalita si Joongki at tinignan ang binata.

“Ano po iyon?” Tanong ni Kai at agad natense sa tingin ng nakakatanda.

“Nakapagresearch kasi ako sa internet na ang tawag mo daw sa mga aso mo eh mga anak mo at ikaw yung daddy nila,” panimula ni Joongki at tumango naman si Kai. “Gusto mo bang si Naru ang maging mommy nila?”

Nahinto ang lahat sa pag-uusap at ang lahat ng atensyon, maliban kay Naru, ay natingin kay Kai. Mabuti at wala ang mga managers nila at baka masermonan ito. Napalunok naman si Kai at nakatingin kay Naru pero di pa rin nakatingin ang dalaga. Huminga ito ng malalim tsaka tumingin kay Joongki at ngumiti.

“Kung bibigyan ng pagkakataon, syempre oo.” Sagot ni Kai at kagat-labing nakangisi at tumingin ulit sa dalaga.

“Kung bibigyan ng pagkakataon, syempre oo,” rinig ni Naru at napahinto ng pagkain. Walang umiimik hangga’t sa unang nang-asar ang lolo at lola nito sa kanilang dalawa.

“Magkakalove-life na ang apo kooooo!” Sigaw ni Chairman Lee na ikinatuwa ng lahat.

“Okay nak, ngayon pwede ka magpakafangirl ngayon.” Sabi ni Seungheon kay Shiwon at agad naman nagfangirl si Shiwon over sa sailing ship niya na NaKai.

Samantalang si Joongki ay nakangisi lang at pinipisil ang pisngi ni Sungjee. “Dad! Ano ba! Masakit!”

“Sorry, naexcite lang.”

Tumingin si Naru kay Jong In at nakita nitong nakatitig sa kanya ang binata tsaka ngumisi sa kanya. At some point, nawala ang alilangan at selos na naramdaman niya at napalitan ng saya.

 

 

Nagkatingin sina Chanyeol at Baekhyun sa isa’t isa at tinignan muli sina Lu Han at Yenne na nag-uusap bago naisipang kausapin ang dalawa.

“Lu Han hyung,” tawag ni Chanyeol na agad naman nilingunan ni Lu Han.

“Ano yun?” Tanong ni Lu Han. Magkakatabi lang ang tatlo kaya pwede lang magbulungan.

“Wala ka bang plano ipakilala kami sa nililigawan mo?” Tanong ni Baekhyun.

“Nililigawan? Sinong nililigawan?” Tanong ni Lu Han na di gets ang tanong ng nakakabata.

“Yung sabi ni Riseu, yung si Yenne.” Sabi ni Baekhyun.

“Ah yun ba?” agad naman napaisip si Lu Han kung sasabihin ba niya sa kanila na di totoo yung panliligaw pero baka mabuking ni Riseu, nasa isip nito.

Agad itong lumingon kay Yenne at may sinabi.

“Anong ibig mong sabihin na nanliligaw ka sa akin?” Tanong ni Yenne na di alam tinutukoy ng binata.

“Magpanggap ka na nililigawan kita.” Paliwanag ulit ni Lu Han.

“Eh bakit ko naman gagawin ‘yun?”

“Kasi magkaibigan tayo.”

“Kelan pa?”

“Wag ka nang magtanong. Just act natural.” Yun lang at lumingon ulit si Lu Han sa dalawang binata. “Guys, si Yenne. Yenne, I know you know them, Chanyeol at Baekhyun.”

“Hi! Ako rin pala si Tao!” Sabay pakilala ni Tao sa sarili na katabi ni Yenne.

“Hi. I’m Yenne.” Sabay shake hands nito sa binata.

“So, nanliligaw ba talaga si gege sayo o set-up lang para magustuhan rin siya ni Riseu noona?” Tanong ni Tao kay Yenne.

Napanganga ang tatlong binata sa tanong ng EXO-M Maknae habang si Yenne ay tulala sa tanong ni Tao. Huminga siya ng malalim at nginitian si Tao, “Alam mo bang sa tanong mong yan ay nakaka-offend ka ng tao?”

Napanganga naman si Tao dahil di niya alam na nakaka-offend pala ang sinabi niya, “I didn’t mean it that way noona, an--,”

“Kung nililigawan ako ng Lu Han gege mo, ano naman sayo yun?” Tanong ni Yenne sa kanya.

Nagtinginan sina Chanyeol, Baekhyun at Lu Han sa isa’t isa at parang gusto matawa na hindi. Tinitigan lang ni Yenne si Tao hanggang sa napansin nito na may namumuo nang luha mula sa mga mata nito. Ilang segundo nalang siguradong iiyak na ito. Agad naman naawa si Yenne at pinaglaruan ang buhok ni Tao.

“Ano ka ba, kalalaking tao iiyak.” Sabi ni Yenne tsaka inayos ang kwelyo ni Tao.

“Noona naman kasi eh, nakakatakot ka.” Sabi ni Tao na tumahan at nagpahid ng luha.

“Sa susunod rin kasi ayusin mo ang gusto mong sabihin, kagaya ngayon. Tingin mo nagtatanong ka lang di moa lam offensive pala sa sa iba.” Paliwanag ni Yenne at ngumiti kay Tao.

Lumambot ang puso ni Lu Han nang nakita niya ang ginawa ni Yenne. Kahit galit ito at nao-ffend ay nagawa pa rin itong ngumiti at makipag-ayos kay Tao. Ngumiti ito at biglang kinurot ang pisngi ni Yenne.

“Para ‘san yun?” Tanong ni Yenne habang hinimas-himas ang namumulang pisngi.

“Ang cute niyo kasing pagmasdan.” Sabi ni Lu Han at ngumiti sa dalaga.

 

“Selos ka?” Tanong ni Shiwon kay Kris na katabi lang niya.

“Anong pinagsasabi mo?” Tanong ni Kris at tinignan ni Shiwon.

“Kanina mo pa tinititigan sina Tita Yenne at Tito Lu Han eh.” Sagot nung dalaga habang ngunguya-nguya.

“Tito Lu Han?! Kelan mo pa naging tito si  hyung?” Tanong ni Kris at patuloy sa pagkain.

“Mga ten minutes ago, simula nung pinakilala niya si Tita kanila Chanyeol oppa at Baekhyun oppa,” sagot ng bata at ngumisi, “bagay nga sila eh.”

Agad naman napadiin ni Kris ang hinihiwa niyang karne dahilan para makabuo ng tunog mula sa plato. Kanina pa inoobserbahan ng palihim nila Shiwon at Hanbyul ang mga tao at naisip nilang pagtripan an g taong nasa gitna nila na para sa kay Shiwon ay malakas ang kutob nito na bakla, unless otherwise ay lalaki kung magselos man ito sa tita Yenne niya at Lu Han.

“May problema ba sa pagkain mo Yi Fan?” Tanong ni Yenne at agad naman umiling si Kris.

“Nadiinan lang,” sagot nito tapos tumingin kay Tao. Pasimpleng sinundan nung dalawa ang tingin at nang nakita nito kung sinong tinitignan ay gumana ang kanilang telepathy skills.

“Nagtitigan, mukhang may something.”

“Di purket tinignan lang, may something na.”

“Pero te, nagsisipaan sa ilalim.”  

“Nagsisipaan?” Agad napalingon si Hanbyul at tumingin kay Shiwon na sumegway na tinuro ang baba. Pasimple namang hinulog ni Hanbyul ang kanyang tinidor at nag-excuse para pulutin ang tinidor sa ilalim.

Napansin ito ni Sehun at pasimple rin na hinulog ang kutsara at nag-excuse para kunin ito.

“Aray, nasan na ba yun?” Tanong ni Hanbyul sa sarili para kuno naghahanap ng tinidor at nang mabuklad niya ang tela ay nakita niya si Sehun. Nabigla ito pero patuloy sa paglingon. Wala namang nagsisipaan ah?

Agad na pinulot ni Hanbyul ang kanyang tinidor at sa aktong aalis na siya ay tsaka siya pinigilan ni Sehun.

“May kailangan ka?” Tanong ni Hanbyul sa binata at tinignan ito.

“Minamanmanan mo ba ng mga hyung ko?” Tanong ni Sehun habang nakatingin ito sa kanila.

“Excuse me, di purket sikat minamanmanan na.” Sagot nito at agad na umalis mula sa ilalim ng lamesa.

 

 

“Hyung ayaw ko ng gulay,” sabi ni Tao at aktong ibibigay na sana nito kay Kris ay napahinto naman ito dahil sa sinabi ni Hanbyul.

“Nako oppa, papagalitan ka ni tita Jaemin kung nalaman niya di mo kakainin niyang kinuha mo.” Sabi ni Hanbyul na parang nasayangan sa itatabi ni Tao.

“Pero si hyung ang kakain.” Sabi ni Tao.

“Sayang naman pinaghirapan ni tita kung gaganyanin mo lang naman yan.” Rason na naman ni Hanbyul, “ang daming taong di nakakakain pero ikaw sinasayang mo.”

“Di mo mapipilit ang tao kung ayaw niya,” sabat ni Sehun na katabi ni Tao.

“Pero sayang rin naman. Tutal kinuha mo, dapat mong ubusin.” Sagot ni Hanbyul dito.

“Wag na Sehun, tama naman si Hanbyul.” Sabi ni Tao at kinain ang gulay. “I need to face my fears.”

Ngumiti lang si Hanbyul at nang nakita nitong nakatingin sa kanya si Sehun ay agad naman nawala ang ngiti at tumingin sa kinakain.

“Lolo, pwede na bang kumain ng dessert?” Tanong ni Shiwon at napahinto ang lahat.

“I think all of us are done, then yes. Kainin na natin kung ano mang dessert ang inihanda nila Seungheon.” Sabi ng matanda.

“Ako nang kukuha.” Sabi ni Jaemin na agad naman pinigilan ni Minseok.“Huh?”

 Nagtaka ang dalaga sa binata pero ngumiti lang ang binata. “tulungan na kita.” Tatayo na sana si Minseok nang pigilan ito ni Shiwon.

“WAIIIIIT!” Lumingon na naman sila kay Shiwon. “Kami na ni Hanbyul ang tutulong kay tita Jae, mamaya na ang ligawan session niyo.”

“A..ako?” Nagtaka si Hanbyul at sa halip na tatapusin ang last bite ng steak ay hinila na ito ng bff papuntang kusina.

 

“Nakita mo silang nagsisipaan?” Tanong ni Shiwon nang nakarating sila sa kitchen.

“Wala naman,” kagat labi si Hanbyul at naisip yung sinabi ni Sehun. “Best friend, may sasabihin ako.”

“Ano yun?” Tanong ni Shiwon.

“Kasi…” Sasabihin na sana ni Hanbyul pero may biglang nagsalita mula sa likuran.

“Tutulungan ko na kayo.” Sabi ni Sehun at kinuha ang tray na daling binigay ni Shiwon.

Nang nawala na ulit si Sehun ay focus ulit si Shiwon kay Hanbyul, “Anon a byul?”

“Shiwon, Hanbyul, pakidistribute sa labas.” Bigay ni Jaemin sa iba pang tray habang inaayos ang dessert na naiwan.

“Usap tayo sa kwarto mamaya.” Sabi ni Shiwon at dali-daling lumabas na nakangiti.

 

___________________________________________

 

Chapter 11 updated! <3

 

Subscribe. Comment. Vote

 

<3 missdauxian

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
uikaxxlockheart
#1
Chapter 16: Nag-backread dahil naaliw!
uikaxxlockheart
#2
Chapter 15: Iisipin ko na birthday gift mo ito saken 'te
uikaxxlockheart
#3
Chapter 15: Wait lang shemay nagbabanyo pa ako emerged ate!!!!! You updated! Hart hart
uikaxxlockheart
#4
Nami-miss ko to. :(
uikaxxlockheart
#5
Chapter 14: Why am I shipping the maknae line with Yunhee? /facepalm.

Pero HeeMyeon talaga.O(∩_∩)O

Eh tapos authentic HunHan! *^o^*

Yaaay napasaya ako ng chap na to. The best!
RiCa1826 #6
Chapter 14: Ang cute ni Yunhee. HAHAHAHA sarap sapakin xD
tapos kinilig ako ng slight nung pinaligiran siya ng maknae line. Wala lang kasi ang cute nung maknae line ang sarap nilang i-squish

Bet ko din yung tandem ng Yunhee+Maknae line since si Yunhee halos kasing edad lang nila, para lang silang magbabarkada at magakakapatid na nagbabangayan lol

Shiwon and Hanbyul why. HAHAHA. gamitin ba naman si Yunhee. pero okay lang keribels naman xD

TaoRis. Alam na this! XDDD
uikaxxlockheart
#7
Chapter 13: okay masungit talaga si Yenne. :))) Bara lang ng bara.

"ano bang nangayari sa buhay mo at ganyan ka nalang kaseryoso?" ---hahahaha madalas itanong to sa akin. :)))))

Pero 2min shipper ako huhuhu.

Shetttttt! may date ang LuYenne :))) <3 <3

Munggago ni Yi Fan lol. selos?

Kamusta ang MiMin. :)))) *eeeh di ako makapag-spazz gawa may YumiXing feels ako.* :))))

Meeeehhhh yung NaKai ang lande ples. :))))


Wuhuuuuuu ChenRa! ChenRa! ChenRa na yan!!!!! *_*

KookJee <3 <3 <3
Paninininini
#8
Chapter 13: love triangle na ituuu
heyitsbabyjoojoo
#9
Chapter 13: ATE APRIL I LOVE YOU!!! Kookie wag na taung mag pa ligoy ligoy pa please tau na oh ahahahahaha cge na!! Legit na eh!! Pede na!


Ahjumma haba ng hair mo sinasabi ko sau!
NaKai♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ 5ever!

Pastry pa tawagan nmn ptfffahajsgajfoa!!! Kahit kanino na sa Kris oh basta akin c Jungkook mamahalin kita ng lubusan ate april!
bananamilk23
#10
Chapter 13: te, bukas na ako magcocomment... di ko pa nababasa ng buo eh... hehehehehe