Just a complicated Love Affair

Ang bias kong bakla

 

“Alam mo nakakaloka ka.”

“Nakakaloka ako? Paano?” Tanong ni Luhan habang nakatingin kay Yenne.

“Pano kasi, nandyan na sa harap mo. Saktong kukunin mo na, inayawan mo pa.” Sagot ni Yenne sa kanya, “Naisip ko tuloy kung seryoso ka ba talagakay RiSeu o hindi,”

“Pero seryoso ako!”

“Eh bakit mo binigay sa iba?” Tanong ni Yenne sa binata, akmang sasagot na sana si Luhan pero naunahan ito ng dalaga, “Dahil ayaw niyo masira pagkakaibigan niyo? Ganun?”

“Eh---,”

“Eh pano mo nalaman masisira? Nasubukan mo na ba?”

“Hindi pa,”

“Eh yun naman pala eh.”  Hindi alam ni Yenne kung kakalbuhin ba niya si Luhan o bubugbugin dahil sa katorpehan nito, “Isa kang malaking paasa.” Tahimik lang si Luhan sa sinabi nito, “Di mo ba naisip ang nararamdaman ni RiSeu?”

 

*Flashback*

“Anong gagawin mo kung niligawan ka ni Luhan?” Tanong ni Yenne kay RiSeu na halatang gulat.

“Tita, anong klaseng tanong iyan?” Tanong ni RiSeu kay Yenne, “di ba parang awkward yang tanong mo sakin? To think nililigawan ka ni Luhan?”

Napangiti si Yenne at halatang okay lang ito sa kanya, “Tanong lang naman RiSeu, di naman sasakit ang damdamin ko sa tanong na yan.”

“Hindi ko alam.”

“Anong hindi mo alam?” Pagtataka ni Yenne sa sagot ng dalaga.

“Di ko alam ang gagawin ko kung liligawan ako si Luhan.”

“Okay, may isang tanong pa ako.” Sabi ulit ni Yenne na agad tinignan ni RiSeu, “may nararamdaman ka ba para kay Luhan?”

“Ate,”

“Kahit katiting lang. Meron ba?”

“Sa totoo lang? Hindi ko alam.” Sagot ni RiSeu, “sorry tita pero kasi… nung di ko pa alam na may nililigawan si Luhan, lagi niyang sinasabi ni may gusto siya sa akin. Aaminin ko, kinilig ako nung sinabi niya yun, di naman siya babaero kagaya nung ibang lalaki na kakilala ko at wala ring pangit na bisyo.”

“Anong naging hadlang?” Tanong ni Yenne dito,

“Hadlang?”

“Ramdam kong may humadlang. Ano yun?” Tanong ni Yenne habang nagkatitigan silang dalawa, di man sabihin ni RiSeu, alam na ni Yenne ang sagot nito. “Okay lang kung ayaw mong sagutin.”

“Galit ka ba?”

“Hindi,” Sagot ni Yenne sa dalaga, “Alam mo, sayang nga eh.”

“Bakit sayang?”

“Kasi gusto ko kayong dalawa.” Nakangiting sagot nito na kitang kita ang sinseridad sa mata. Napangiti si RiSeu dito.

 

*End of flashback*

 

“Ano naman ang mararamdam nun?” Tanong ni Luhan, “bukam bibig naman nun eh si Myungsoo.”

Napakagat-labi naman si Yenne, iniisip bakit kasi manhid si RiSeu si feelings niya kay Luhan at sa pagtingin ni Luhan na one-sided ang love story nila.

‘Nakakloka naman tung dalawa,’

 

___________________________________

 

“May natipuhan ka na ba?” tanong ni Henry kay Jaemin habang umiikot sila sa Mall. Gaya ng sabi ni Jaemin, naghahanap sila ng laptop dahil plano ni Jaemin palitan na ang laptop nito.

“Hmmmm, gusto ko yung nakita natin dun sa pangalawang store pero parang maganda rin yung nakita natin bago lang sa kabila.” Sagot nito sa binata, “Ang hirap maghanap.”

“Eh sa previous laptop mo, sinong kasama mo?” Tanong ng binata sa dalaga.

“Ayun ba? Si Jaejoong.” Ngising sabi ni Jaemin, “actually, more like regalo niya yun.”

“Ang galante naman,” sagot ni Henry.

“Sobra, di yun maka-ayaw sa akin.” Sagot ni Jaemin, “Best friend ko yun eh,so dapat lang.”

“Kahit siguro ibang kasama mo, gagawa yun ng paraan na makasama ka,” natatawang sabi ni Henry na agad tinanguan ni Jaemin.

“Pano mo nalaman?” Tanong ni Jaemin na aad tumingin kay Henry.

 “Simula nung dumating tayo sa mall, nakasunod na siya,” sagot ni Henry sa dalaga.

“Hindi nga?”

 “four o’clock, white polo, grey sweater and black pants.”

Pasimpleng sumilip si Jaemin at kitang kita niya ang ulo ni Jaejoong na nakatingin sa kanya, napangiti ito at tumingin kay Henry, “He usually does that,”

“So, any plans?” Tanong ni Henry sa kanya.

 

 

“Ba’t tayo nandito?” Tanong ni Nijin kay Haneul habang nakaupo sa may bench sa Mall.

Tinuro ni Haneul si Jaejoong na abala sa pagsisilip kanila Jaemin at Henry mula sa kanilang kinakaupuan.

“Pano nga ba tayo napa-oo?” Tanong ulit ni Nijin.

“Free books for a year.” Sagot ni Haneul kay Nijin habang umiinom ng bubble tea.

“Umalis na sila, let’s move.” Tawag ni Jaejoong sa kanila.

“Inisip ko tuloy kung ganito rin ba buhay ni Tita Ahra kung minaman-manan ni tito jae si tita.” Pahayag ni Hanuel habang tinitignan nila si Jaejoong na parang may pinagtataguan habang sila ay normal na naglalakad sa likod nila.

“Kawawa naman, pinagkait si tita Ahra ng college life niya.” Comment ni Nijin habang naglalakad.

“Hinto.” Agad sabi ni Jaejoong. Nahinto naman ang magpinsan at napansin na pinagtitinginan sila ng mga tao, lalong lalo na si Jaejoong.

‘Ang cute naman nung lalaki!’

‘Bakit siya nakatago?’

‘Gwapo sana, weird lang.’

Aawatin na sana nung dalawa ang binatang CEO nang nakita nila si Henry sa tapat nilang nakatingin at si Jaemin na nakapa-meywang.

“What are you doing?” Tanong ni Jaemin kay Jaejoong na agad nakatayo at himas-himas ang batok.

“Jae, nandyan ka pala!” Pagulat na sabi ni Jaejoong, “di kita napansin.”

Napa-facepalm naman ang dalawang dalagita sa likod niya dahil sa epic fail na palusot niya.

“Really?” Nakataas ang isang kilay ni Jaemin habang tinututukan si Jaejoong, agad naman umiwas ng tingin si Jaejoong. “What were you doing then?”

“Cleaning the floor.”

“With no cleaning materials?”

“I’m just making sure it’s clean. I have a good eye sight.” Sagot ni Jaejoong at para mawala ang nakakahiyang pangyayari sa isip nila ay agad itong nag-change topic, “So, nakakita na kayo ng laptop?”

 

 

“Jae, I’ll pay you back. I promise.” Sabi ni Jaemin habang hinahabol si Jaejoong. Pano ba naman kasi, siya na naman nagbayad para sa laptop ni Jaemin. Galante lang ba talaga o nagpapalakas?

“No. I’ll give that as a gift.”

“You don’t have to do this all the time.” Sabi ni Jaemin nang huminto ito. “I can afford it.”

“I know, but since best friend kita, gusto kita bigyan ng regalo.” Sabi ni Jaejoong, “so ‘san tayo ngayon?”

“Gutom kami.” Sabi ni Nijin na nakangisi.

“Okay, edi pakiinin mo ang mga pamangkin ko,” sagot ni Jaemin kay Jaejoong habang hinablot si Henry.

“At ikaw?”

“May date kami!” Ngisi ni Jaemin at naglakad papalayo kasama si Henry.

 

__________________________________

 

Two days after was just an ordinary weekend. Si Ahra may date with Minho, si Yenne di alam kung makikipagkita kay Luhan kasi tumawag ito. Si Jaemin naman nagdecide na magrelax habang nanonood ng chick flick kasama ang mga pamangkin  habang si Naru ay naimbitahan nag mamasyal kasama si Kai.

“Ate, anong oras uwi mo?” Tanong ni Shiwon habang nakaupo sa lapag ng sala kung saan nakahelera ang tita at iba nitong mga ate.

“around 6pm, bakit?” Tanong ni Naru habang kinukuha ang mga sapatos.

“Pwedeng sumama?”

“Grounded.” Sabi nila Kyuhyun at Nijin habang kumakain ng popcorn at nakatutok sa TV.

“Pero nagpakabait ako dun sa van!” Pangangatwiran ni Shiwon.

“Walang utos mula sa tatay mo kaya bawal.” Sagot naman ni Jaemin.

“But it’s so boring here!”

“And you decided to be a er to NaKai then?” Tanong ni Sungjee habang nakataas ang isang kilay nito habang tinitignan si Shiwon.

Napasimangot naman si Shiwon, “pero seryoso, ang boring!”

Mukha namang may nakarinig sa pakiusap ni Shiwon at may nagdoorbell mula sa gate.

“May bisita kayo?” Tanong ni Jaemin sa lahat pero walang tumango. Binuksan ni Naru ang pintuan at nakita si Hanbyul na nakangisi.

“Oh Byul, ikaw pala yan.” Bati ni Naru at pinapasok ang dalaga, “Ba’t ka nandito?”

“May usapan kasi kami ni Shiwon ngayong araw eh,” sabi ni Hanbyul at agad umupo katabi ni Kyuhyun na kumakain ng popcorn, “penge.”

Agad namang binigyan ni Kyuhyun si Hanbyul, “Teka, san kayo pupunta eh grounded yang kaibigan mo?”

“Alaka! Oo nga pala!” Agad napasigaw si Shiwon nang nakalimutan pala niya yung hidden agenda nila ni Hanbyul sa weekend. ‘paano yan? Grounded ako?’  

“Ay Ate! Diba may shoot ngayon ang EXO?” Tanong ni Ahra na biglang lumabas mula sa room niya.

Tumango si Jaemin at tumingin dito, “Mamaya 11 am, bakit?”

“Si Minho mamaya pang 3pm bakante, kung pupunta kayo sama ako.” Sabi ni Ahra, “di ako nakasama nung photoshoot eh,”

“Eh anong oras kayo pupunta?” Tanong ni Naru, walang schedule si Jong In kaya okay lang ito di pumunta sa photoshoot, unless may change of plans.

“Kayo? Anong oras na ba?” Tanong ni Jaemin.

“Punta tayo 11am para saktong lunch time!” Ngising sabi ni Shiwon.

“Bakit, sino may sabing kasama ka?” Tanong ni Sungjee.

“Bakit, ikaw ba si tatay ha? Ikaw ba?” Tanong ni Shiwon dito. Magsisimula na naman magbangayan ang dalawa nang inawat ito ni Haneul.

“Gusto niyong ma-time out ulit kayo ni Naru?” Simpleng tanong ni Haneul at tinignan naman nung dalawa si Naru na nakameywang habang nakataas ang isang kilay.

“Hindi ah!” Agad sagot nung dalawa.

“Tita, sama ako!” Sabi ni Hanbyul na pinayagan nila Jaemin.

 

 

*Sa LEE GC Building*

 

“So dito pala kayo nagshooting last time?” Tanong ni RiSeu kay Baekhyun habang tinitignan ang buong set. “Ang luwag-luwag ah,”

“Oo, medyo maingay rin nung nakaraan kasi nandito yung mga apo nung president ng kompanya,” Sabi ni Baekhyun.

“Baekhyun, get ready!” Tawag nung assistant ng photographer at agad naman iton nagpaalam kay RiSeu.

Patuloy sa pagtitingin si RiSeu nang may tumapik sa kanya, “Oh Lulu.. Ikaw pala.”

“Di ka pagod?” Tanong ni Luhan sabay upo nila sa bakanteng upuan sa may make-up area. “Sabi ni Chanyeol busy ka daw kagabi kaya di ka nya nakausap.”

“Ah yun ba? Medyo.” Sagot ni RiSeu, “ Busy yung Preschool Department for the past days, tapos malapit na rin matatapos yung internship namin.”

“Ganun ba? Magpahinga ka naman.”

“Mukhang mas ikaw dapat magpahinga kaysa sa akin,” sabi ni b sabay haplos sa mukha ni Luhan na biglang kinagulat ng binata pero di nito pinahalata, “kumakain ka pa ba?”

“Ano ka ba, wala to,” Ngisi ni Luhan. “Kamusta naman kayo ni Myungsoo? Lumabas daw kayo nung isang araw?”

Agad namula si RiSeu at halatang high sa itsura, “Buti natanong mo! Ang sweet niya! Binigyan niya ako ng fix-it-felix plushie mula sa claw machine!”

“Eh ang bulsa niya sa paglalaro?” Tanong ni Luhan sa kanya.

“Ayun, buslot.” Simangot ni RiSeu, “Naubos sa pagbili ng token para lang makuha yun.”

“Pero masaya ka pa rin?”

Tumango si RiSeu sabay yakap sa sarili, “Sinong hindi? Pinaghirapan niya yun eh.”

“So, nanliligaw na ba?” Tanong ni Luhan sa kanya.

Agad napahinto sa pagbubunyi si RiSeu at tumingin sa kanya at ngumiti, “Oo.”

Tumango lang si Luhan at ngumiti nito, “So, dapat na ba magcelebrate?”

“Huwag muna, tsaka na kapag kami na.” Ngiti ni RiSeu sa binata, ‘Pero bakit ganitong nararamdaman ko?’

‘Wala na ba talaga akong pag-asa?’ tanong ni Luhan sa sarili at tumingin kay RiSeu na nakasimangot, “Hoy, anyare sayo?”

“Huh?”

“Akala ko ba masaya kasi nililigawan na ni crush? Bakit Byerne-santong byerne-santo ang mukha mo?”

“Hindi ah!”

“Denial!”

“Hindi!”

“Asus! Nanghihinayang ka siguro kasi di ako yun.”

“Sira! Asa ka!” Patuloy sa pag-aasaran ang dalawa pero still, halatang in denial ang dalawa sa feelings nila sa isa’t isa.

 

 

“Tignan mo yun,”

“Ang alin?”

“Si Ate at si Luhan hyung, mga indenial sa mundo.” Sabi ni Chanyeol habang kumakain sila ni Sehun at Kai sa snack table.

“Selos ka?” Tanong ni Sehun kay Chanyeol habang si Kai nag-hihintay sa reaksyon ng nakakatanda.

“Ako? Magseselos?”, Tanong ni Chanyeol dito. “Ba’t naman ako magseselos?”

“Kasi sila lumalove-life, ikaw wala pa?” Tanong agad ni Sehun sa kanya.

“Nagsalita! Bakit? May love life ka na rin ba?” Tanong ni Chanyeol

“Wala.” Sagot ni Sehun.

“Eh pareho pala kayo eh! Hahahaha!” Kutya ni Kai sa dalawa na agad tinignan ng dalawa.

“Nagsalita ang nasa ligawan stage pa.” Komento ni Sehun sa binata.

“May pag-asa pang mawala yang inaasam mong Oo!” Saway naman ni Chanyeol  dito, “teka nga, ba’t ka ba nandito? Akala ko may lakad ka kasama yung crush mo?”

“Ayun, nagtext nako sa kanya na mamayang gabi nalang kami mamasyal.” Sagot ni Kai sabay kain ng chichirya, “ Medyo delikado kasi baka makita ako ng kung sino, baka maluto pako ng buhay ni Gikwang sunbae. Plus pinatawag ako ni manager hyung, kasali daw ako sa photoshoot.”

Agad may naalala si Sehun at tumingin kay Chanyeol, “Hyung, may tatanong ako sayo.”

“Ano yun?” Walang alinlangan na tanong ni Chanyeol habang umiinom ng juice.

“Totoo bang may nililigawan ka daw mula sa school namin?”

Agad nabuga ng wala sa oras ang iniinom ni Chanyeol at tumingin sa dalawa, “Sinong nagsabi sa inyo?”

“We have our ways.” Ngisi ni Sehun.

“Not until you tell me first kung sino yung sinusuyo mo sa SM Academy.” Bwelta ni Chanyeol sa binata.

“Sinusuyo? Meron ba?” Tanong ni Sehun na nalilito.

“H’wag ka nang mag-maang maangan pa.” Nakangiti si Chanyeol, “Balita ko yung kaibigan nung pinsan ni Naru, sino nga yun Kai?”

Agad namula si Sehun habang tinitignan si Kai na nakangising abot sa tenga. ‘Halata ba?’

“Amin amin din pag may time,” Kutya ni Kai na di pinansin ni Sehun.

 

“Ewan ko nga sa inyo!” Agad dampot ng binata sa may cheesecake na  aktong kukunin din ng nasa harap niya. Tumingin ito sa harap at nakita ang babaeng ayaw na gusto rin namang makita, ‘Anong ginagawa niya dito?’

“Hanbyul! Nandito na pala kayo,” bati ni Kai kay Hanbyul.

“Oo, sila Ate Naru papunta na. Nauna lang kami ni Shiwon nang dating.” Sagot ni Hanbyul sabay kuha nung cheesecake kay Sehun. “Pwede sa akin nalang ito?” Tanong nito kay Sehun na agad tinanguan ng binata.

Tinignan lamang ito nila Chanyeol at Kai kung anong susunod na gagawin. Kapag magkasama kasi sina Hanbyul at Sehun sa isang lugar, tiyak na never-ending quarrel ang nanyayari kahit tahimik ito. Ngayon ay parang nag-iba ang ihip ng hangin.

“Talaga?” Nakangiti si Hanbyul na tinanguan ulit ni Sehun, “Ang bait mo ngayon, salamat!”  Agad na itong umalis at iniwan ang tatlong lalaki.

 

*ehem* pamekeng ubo nila Chanyeol at Kai para makuha ang atensyon ng bunso.

“Halata ba?” Tanong ni Sehun sa mga ito.

“Halatang halata.”

 

__________________________________________________

 

Nagsidatingan ang magpipinsan at agad na pumunta sa designated place ang mga staff at managers. Si Sungjee ay kasama sina Haneul at Ahra na pumunta sa may computer para tignan ang results ng mga pictures habang si Naru at Taemin ay magkasama na pumunta sa may make-up area para umupo sa mga upuan. Si Hanbyul at Shiwon? Ayun, palihim na nag-seset up ng sariling command center para sa operasyon nila.

“Hi!” Bati ni Chanyeol kay Nijin na nasa pintuan at di pa gumagalaw.

“Chanyeol, ikaw pala yan.” Bati ni Nijin, “May kailangan ka?”

“Wala naman. Kanina ka pa kasi nakatayo diyan,” sagot ni Chanyeol, “Noona, pwede magtanong?”

“Ano yun?”

“Anong tingin mo kay Yixing-hyung?” Agad na tanong ng binata na ikinamula ng dalaga.

Naiisip pa rin nito ang tanong nito nung nakaraang araw. Mabilis ang pangyayari at di niya alam ang gagawin. Nagdadalawang-isip nga ito sa pagsama dahil sa nahihiya ito sa binata. “Uhmm, mabait siyang bata, pero may pagka-bading kung magbigay ng comment.” Sagot ni Nijin. “Even so, he is a fine gentleman.”

“Mabuti naman.” Sabi ni Chanyeol, “diba type mo siya?”

Nanlaki ang mata ni Nijin sa mga tinatanong ni Chanyeol habang tinitignan ito mula sa kinakatayuan. Kasalukuyan kasi ito kinukunan ng litrato sa set kung kaya’t di pa niya napapansin ang dalaga. Napangiti naman si Nijin na parang nakita na niya ang sagot niya sa tanong ni Chanyeol.

“Wisheart, pwede bang magtanong?”

“Ano yun?” tanong naman ni Chanyeol sa dalaga, medyo naiilang pa rin ito sa pagtawag na wisheart  pero keri na rin niya kumpara nung unang tawag nito sa kanya.

“Posible bang ma-inlove ang tao in just a short notice?”

“Parang love at first sight?”

“Something like that.”

“hindi ko alam Noona pero siguro posible.” Sagot ni Chanyeol sa dalaga, “pwede bang sagutin ko yan kapag nahanap ko na ang sagot?”

Napatingin si Nijin sa binata at nginitian ito, “Hihintayin ko yan. So, kamusta naman ang photoshoot?” tanong nito sa kanya habang naglalakad sila sa bakanteng silya.

 

“Good take Lay. Next one, Tao and Xiumin!” Tawag ng photographer sa dalawa at agad namang pumunta si Lay sa snack table para kumuha ng inumin.

“Hyung!” Sigaw ni Chanyeol nang nakita nito si Yixing.

Napangiti si Yixing nang nakita niya si Chanyeol mag-isa at umupo tabi nito. “Kelan ka kukunan?”

“Susunod kong take kasama si Baekhyun pagkatapos nila Umin hyung.” Sagot ng nakakabata.

“Yur, pasensya kung natagalan, ma--,” nahinto sa pagsasalita si Nijin nang nakita si Yixing na nakaupo sa inuupuan niya kanina, “Uhmmm..”

“Nijin, please take a seat.” Agad na tumayo si Yixing para paupuin si Nijin at kumuha ng bagong silya.

“Thank you.” Tipid na sagot ni Nijin.

 

“CHANYEOL! BAEKHYUN! IN THE SET, NOW!” Sigaw nung assistant nung photographer at tumayo na si Chanyeol.

“Maiwan ko muna kayo.” Paalam ni Chanyeol at tsaka pumunta sa set.

Ngayong nawala na ang isa, tumahimik naman ang paligid. Si Nijin ay napatingin lang sa may set habang si Yixing ay prenteng nakaupo pero sa iba dinadala ng kanyang isipan. Nag-iisip ang binata pano nito kakausapin ang dalaga, halata pa kasing nahihiya ito sa nangyari. Sa kakaisip niya, di niya namalayan may tumatawag pala sa kanya.

“Yixing.” Sabay bato ni Nijin ng plastic cup nito sa binata.

“Huh?” Agad napatingin si Yixing sa kay Nijin, “Bakit mo yun ginawa?”

“Kanina pa kita tinatawag pero di ka sumasagot.” Sabi ni Nijin habang pinulot ang tinapong plastic cup at bumalik sa kanyang upuan, “mukhang malalim ang iniisip mo.”

“Wala ito, tungkol lang dun sa sinabi ko sayo.” Sabi ni Yixing na agad na ikinamula ni Nijin, “Okay lang naman di mo sagutin yung tanong ko ngayon. Maghihintay ako.”

“Salamat sa pag-intindi Xing.” Sabi ng dalaga, “I feel awkward, actually. Di ko kasi alam pano ako haharap sayo pagkatapos ‘nun.”

“Maiintindihan ko naman.”

“Talaga? Maiintindihan mo?”

“Mahihiya ka dahil sa biglaan kong pag-confess, mismo nga ako nahihiya na kaharap ka.”

 

 

“Eh kung puro hiya-hiya lang kayong dalawa, wala talagang mangyayari.” Singit ni Kyuhyun at umupo sa gitna nila Yixing at Nijin. Mas lalong namula tuloy ang dalawa at tinignan lang niya ito, “ngayon pa kayo nahihiya sa akin eh basang basa ko na kayo simula nung nakaraang araw pa.”

“Kuya,”

“Sir,”

“Ano?” Tanong nito pero tahimik lang ang dalawa, “Tingin niyo sa akin? er?”

“Kuya naman eh!” Pagsisimula ni Nijin pero tinignan lang ito ng kuya niya, “AAAAHHH!” Sigaw nito B napahinto ang lahat sa sigaw niya. Nagtantrums ito sa harap ng lahat at agad umalis sa set.

Sumenyas si Kyuhyun sa isa sa mga head ng photoshoot at pinabalik na ang lahat sa trabaho. Tumingin naman si Kyuhyun kay Yixing na tahimik lang sa upuan.

“Zhang Yixing, right?” Tanong nito at tumango lang ang binata, “This is our third meeting today at gusto ko lang malaman, gaano ka kaseryoso sa kapatid ko?”

“Seryosong seryoso po.”

“Less than three weeks, if I’m not mistaken simula nung magkakilala kayo.” Panimula nito, “Within those weeks, paano mo masasabi na mahal mo siya at seryoso ka sa kanya when you barely know each other.”

“Sir, may tatanong ako sa inyo.” Panimula ni Yixing sa kanyang sasabihin.

“Ano yun?”

“Do you believe in love at first sight?”

“No.”

“Neither do I,” Sagot ni Yixing, “Pero believe it or not, nung una kong nakita ang kapatid niyo, agad tumibok ang puso ko.”

“What are you trying to say? Na-love at first sight ka sa kapatid ko?”

“Kung sasabihin kong oo, maniniwala ba kayo?”

 

_________________________________________   

 

“Answer the phone.”

“I don’t want to.” Sagot ni Sungjee at ni-cancel ang call. Kanina pa sila sa may make-up at computer area para tumingin ng mga results at kanina pa may tumatawag sa kanya.

“Sino ba kasi yang tumatawag?” Tanong ni Ahra sa nakakabata.

“Si Jungkook ba?” Tanong ni Haneul at tumango naman si Sungjee, “Katatawag lang ni Jin sa akin, kanina pa tumatawag sa iyo si Jung Kook pero di mo sinasagot.”

“Ui! LQ?” Tanong ni Ahra na tumingin kay Sungjee, “may development.”

“It’s not how it looks like, apparently.” Sagot ni Sungjee at umupo sa bakanteng upuan harap ng vanity mirror. “Tito Kambal called last night, asking about the IG post ni Jung Kook.”  

“Anong sabi mo?”

“Sinabi ko na the shot was a candid, medyo natagalan na nagshink na camera shot pala yun.” Explain ni Sungjee, “medyo nagka   gulo sa IG post and let’s just say, may mga ANTIs na.”

“Wow ha, magsisimula pa lang kayo may mga anti na.” Komento ni Haneul. “I just saw the post the minute nung pinakita sa akin ni Jin,”

Nag-vibrate agad ang phone ni Sungjee at  this time, kailangan na niya itong sagutin.

 

“Hello?”

“NOONA? HELLO NOONA? IKAW NA BA YAN?” kakasigaw ni Jungkook sa kabilang linya

“Sino pa bang sasagot? And stop shouting Jung Kook!” Kampanteng sagot ni Sungjee dito.

“Noona, kasi naman eh. Sorry sa nangyari, sinusubukan ko na lahat para mawala yung mga nangbubully sa iyo.”

“Well, you better do something.” Iritang sagot ni Sungjee.

“Ginagawa ko na lahat Miss Muffin, bahala na sila. Wag ka lang mawala.” Sagot nung nasa kabilang linya.

“What the heck? Jungkook, no drama please.”

“Eh sa ayaw mo akong kausapin.”

“Just fix this thing or else,”

or else what?”

“Gagawin kitang cookie mismo at isasama sa koleksyon ni cookie monster!” Agad baba ni Sungjee sa telepono.

 

“So? Ano na ngayon?” Tanong nila Ahra at Haneul sa kanya.

“Hindi ko alam.”

 

____________________________

Updated!

 

Yan lang muna, wait for the other OTPs!

 

<3 missdauxian

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
uikaxxlockheart
#1
Chapter 16: Nag-backread dahil naaliw!
uikaxxlockheart
#2
Chapter 15: Iisipin ko na birthday gift mo ito saken 'te
uikaxxlockheart
#3
Chapter 15: Wait lang shemay nagbabanyo pa ako emerged ate!!!!! You updated! Hart hart
uikaxxlockheart
#4
Nami-miss ko to. :(
uikaxxlockheart
#5
Chapter 14: Why am I shipping the maknae line with Yunhee? /facepalm.

Pero HeeMyeon talaga.O(∩_∩)O

Eh tapos authentic HunHan! *^o^*

Yaaay napasaya ako ng chap na to. The best!
RiCa1826 #6
Chapter 14: Ang cute ni Yunhee. HAHAHAHA sarap sapakin xD
tapos kinilig ako ng slight nung pinaligiran siya ng maknae line. Wala lang kasi ang cute nung maknae line ang sarap nilang i-squish

Bet ko din yung tandem ng Yunhee+Maknae line since si Yunhee halos kasing edad lang nila, para lang silang magbabarkada at magakakapatid na nagbabangayan lol

Shiwon and Hanbyul why. HAHAHA. gamitin ba naman si Yunhee. pero okay lang keribels naman xD

TaoRis. Alam na this! XDDD
uikaxxlockheart
#7
Chapter 13: okay masungit talaga si Yenne. :))) Bara lang ng bara.

"ano bang nangayari sa buhay mo at ganyan ka nalang kaseryoso?" ---hahahaha madalas itanong to sa akin. :)))))

Pero 2min shipper ako huhuhu.

Shetttttt! may date ang LuYenne :))) <3 <3

Munggago ni Yi Fan lol. selos?

Kamusta ang MiMin. :)))) *eeeh di ako makapag-spazz gawa may YumiXing feels ako.* :))))

Meeeehhhh yung NaKai ang lande ples. :))))


Wuhuuuuuu ChenRa! ChenRa! ChenRa na yan!!!!! *_*

KookJee <3 <3 <3
Paninininini
#8
Chapter 13: love triangle na ituuu
heyitsbabyjoojoo
#9
Chapter 13: ATE APRIL I LOVE YOU!!! Kookie wag na taung mag pa ligoy ligoy pa please tau na oh ahahahahaha cge na!! Legit na eh!! Pede na!


Ahjumma haba ng hair mo sinasabi ko sau!
NaKai♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ 5ever!

Pastry pa tawagan nmn ptfffahajsgajfoa!!! Kahit kanino na sa Kris oh basta akin c Jungkook mamahalin kita ng lubusan ate april!
bananamilk23
#10
Chapter 13: te, bukas na ako magcocomment... di ko pa nababasa ng buo eh... hehehehehe