First Court

Ang Dakilang Friendzone

“Magkakilala kayo ni Jaejoong Sunbae?” tanong ni Henry kay Jaemin.

“Nope ngayon ko lang siya nakita eh but yung tawag niya sa akin kanina medyo familiar…parang may tumatawag na sa akin ng ganoon dati di ko lang matandaan,” sagot ni Jaemin na pilit iniisip kung sino at kung saan niya narinig na tinawag siya ng ganoon.

“Jaemin! Ano na? Diyan ka na lang bas a elevator?” di namalayan ni Jaemin na nasa floor nap ala sila ng practice room ng kuya niya at nakalabas na ng elevator si Henry.

“Sorry kuya…napalalim ata yung pag-iisip ko,” sagot ni Jaemin haban papalabas na ng elevator.

“Nandito nap ala kayo! Salamat sa pag-sundo sa kapatid ko Henry,” bati ni Donghae pagpasok ni Henry at Jaemin sa practice room.

“Kuya!” yinakap ni Jaemin ang kuya nitong ilang linggo na din niyang di nakikita.

“Hi Jaemin!” binati siya ng isa pang kagrupo ng kuya niya. Namula naman si Jaemin ng makitang nakangiti sa kanyasi Hangeng. Isa pa itong si Hangeng na nagpapabilis ng tibok ng puso ng dalaga. May gusto ang binata sa kanya at ganoon din si Jaemin at sa totoo lang ay nanliligaw na ito sa kanya, di nga lang alam ng mga kuya niya.

“Hello~”

“Kumusta ka na? Ang tagal mo din hindi nabisita dito ah.”

“Busy sa thesis eh…” matipid na sagot ni Jaemin.

“At nauna ka pa mangumusta sa kapatid ko,” pabirong sabi ni kuya Donghae ni Jaemin kay Hangeng, “nililigawan mo nab a itong kapatid ko?”

“Kuya! Ano ka ba?” pinalo ni Jaemin sa braso ang kuya niya, “bawal nab a ang mangumusta?”

“Naninigurado lang naman Min, baka dumadamoves na kasi si Hangeng sa’yo eh,” inakbayan ni Donghae ang kapatid. Binabakudan ba. XD

“Kaya di nagkakaboyfriend itong si Jaemin eh.”

“Naku kailangan muna dumaan sa amin ng mga gusto manligaw sa bunso naming,” sagot naman ni Donghae.

“At talagang yung love life ko ang trending pag-usapan?” segway ni Jaemin sa usapan at baka kung saan pa mapunta ang usapan ng dalawang lalaki.

“Di naman Min, ito kasing si Hangeng interesadong interesado.”

“Ai naku! Magparactice na nga kayo!” pagtataboy ni Jaemin sa dalawa para maiwasan ang usapang love life.

“Oo na para makauwi na tayo,” sabi ni Donghae at tsaka naglakad papunta sa mga ibang di tumigil sa pag-practice nagdumating si Henry at Jaemin.

“Jaemin ito nga pala binili ko para sa’yo,” may iniabot si Hangeng kay Jaemin ng makalayo na ang kuya nito tsaka kinindatan ang dalaga bago sinaluhan ang mga kasama.

Bitbit ni Jaemin ang maliit na box na bigay ng binatang si Hangeng hanggang pag-uwi nila sa dorm ng kuya niya at ng iba pang miyembro ng Suju-M.

“Min dito ka na lang muna sa kwarto ko matutulog, makikitulog na lang muna ako kay Hyukjae,” bilin ni Donghae sa kapatid at iniabot ang kanyang spare key sa kanya, “eto susi ng dorm para di ka na maghintay pagkatapos ng mga klase mo.”

“Salamat kuya…pero ok lang naman sa akin na sa couch na lang, baka kasi di ok sa mga kasama mo na makikitulog ka sa kanila.”

“Ano ka ba, ok lang yun! Best friends naman kami ni Hyukjae,” sagot ng kuya ni Jaemin tsaka binuksan ang pinto ng kwarto pati na rin ang ilaw.

“Ok sabi mo eh..bakit din a lang kasi sa bahay ka muna tumuloy?” pumasok si Jaemin sa kwarto at nilapag ang gamit sa sahig.

“Sa Wednesday pa matatapos ng promotion naming kaya sa Thursday na lang tayo ng umaga umuwi.”

“Sakto deadline ng thesis ko yun! Naku kuya ok lang ban a magdamag ang ilaw dito?”

“May lamp naman diyansa study table ko, isaksak mo na lang kasi may lights off kami ng twelve.”

“Ahhh…ok sige kuya,” lumapit si Jaemin sa study table at inilapag ang cellphone nito pati na rin ang maliit na kahon na kanina pa niya di mabitaw-bitawan.

“Ano yan?” pansin ng kuya niya sa kahon.

“Ahh..eto? Wala binili ko lang kanina,” alibi ni Jaemin

“Patingin ako,” sabi ng kuya ni Jaemin sabay abot ng kahon.

“Kuya akin yan! Ibalik mo yan,” nakapameywang na sabi ni Jaemin.

“Titignan ko lang naman eh.”

“Akin nga yan kuya! Binili ko! Akin na kasi kuya!”

At sa ganun nga nagsimula ang habulan ng magkapatid sa loob ng dorm ng SUJU-M na ikinagulat ng iba pang mga kasama nila doon, ngunit pinanood lang nila ang dalawa at natatawa pa sa asal ng magkapatid.

“Kuya! Isa!” tumigil si Jaemin sa kakahabol sa kuya niya.

“Silip lang talaga…” tinanggal ni Donghae ang ribbon na nakatali sa kahon at tinangka naman ni Jaemin na kunin ito ngunit mabilis ang mga reflexes ng kuya niya kaya naiiwas niya ito at itinakbong muli.

“Kuya talaga din a ito nakakatuwa,” sinundan ni Jaemin ang kuya niya na tumakas na papuntang living room.

“Sabi kong titignan lang eh,” sabi ni Donghae sabay bukas ng kahon, “uy! Sarap nito ah! Yung paborito mo to di ba?”

“Oo kuya paborito ko yan kaya akin na!” sabi ni Jaemin at inilahad ang mga palad kahit di naman talaga niya alam kung ano ang linalaman ng kahon.

“Patikim muna ako nito, mukhang masarap eh,” inilabas ni Donghae ang laman ng kahon na chocomallow cupcake, “isang kagat lang.”

Nagulat si Jaemin sa kung ano ang laman ng kahon. Nagulat siya dahil alam ni Hangeng ang paborito nito at sa paborito din niyang pastry shop galing. Ganoon na lang ang kagustuhan ni Jaemin na makuha ang cupcake sa kuya niya dahil sa di lang niya paborito ito ngunit galling pa ito sa isang espesyal na tao.

Aagawin n asana ni Jaemin ang cupcake sa kuya niya bago pa niya ito makagatan ngunit natisod siya sa gusot ng carpet kaya natabig niya ang kamay ng kuya Donghae niya kaya nalaglag ito at tuluyan na siyang nanghinayang.

“Ahh! Kuya kasi! Nasayang tuloy yung cuocake ko,” nakapout na reklamo ni Jaemin habang binabalanse muli ang sarili.

“Eh kung sana pinabayaan mo na lang akong tignan at tikman yun di sana di nahulog.”

“Ai naki! Bahala ka na nga. Magpapahinga na lang muna ako,” bago umalis si Jaemin ay tinignan muna niya si Hangeng na nakaupo sa sofa at bumulong ng paumanhin tsaka bumalik ng silid.

Pagkatapos mag-hapunan nila Jaemin ay nagpaalam na ito sa kuya nito at sa iba pang kasama nila na papasok na siya ng kwarto para ipagpatuloy ang kanyang ginagawang thesis.

“Nakakainis talaga itong si kuya Hae eh! Sayang talaga yung cupcake kanina,” inis na sambit ni Jaemin sa sarili. Di niya maalis sa isipan na nasayang lang ang cupcake na binigay ng binatang iniirog niya sa kanya, di tuloy siya makaconcentrate sa thesis niya at nahihiya na rin siya kay Hangeng.

Gising pa rin si Jaemin at inabot na siya ng lights off kaya naman ang ilaw na lang sa kwarto nia ngayon ay ang lamp sa study table. Pilit pa rin niyang inaayos ang thesis niya kahit na hindi siya makapag-focus.

-KNOCK KNOCK- Biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto na ikinagulat ni Jaemin dahil ang alam niya tulog na lahat ng mga kasama niya dahil nga nag-lights off na.

“Sino yan?” tanong ni jaemin at tsaka binuksan ang pintuan, ngunit walang tao pagbukas niya ang tanging nakita lang niya ay isang maliit na kahon na kaparehong kapareho ng binigay ni Hangeng sa kanya na nakalapag sa harap ng pintuan. Napangit ang dalaga ng buksan ang note na nakadikit sa kahon at nakita ang drawing na smiley na naka-wink, dahil ditto ginanahan na ulit si Jaemin ipagpatuloy ang kanyang thesis at inabot na siya ng medaling araw bago siya tumigil sa pag-gawa.

-------

sarreh ang pangit /kils self/

naihabol ko sa bday mo nay :D

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
missdauxian
#1
Chapter 3: feels over HanGeng! <3 <3 <3 pero crush rin naman ni Jaemin si Henry dibuuuh? dibuuuh? :)

..hwaiting for Chapter 4! <3
HanGeng feels all over! I miss that chinese guy! >.<
singulartoaster
#2
Chapter 2: How come Jaejoong really thinks Jaemin would know him because it was just his dream? Poor him. However, good job miss author! Jaejoong is one of my bias, please don't make him suffer too much..^_^
uikaxxlockheart
#3
Chapter 2: Halakajan.shemerged ung last part para sa 2jae.huhubels.

Pero like 'te April said, nakakakilig ang MinRy (jaemin-henry) otp.wow
missdauxian
#4
Chapter 2: neeeext! chapter 3 na!..bitin naman yun! pero okay lang, kinikilig ako kay mochi ko! <3 hahaahaha!

..kooooya! di ka niya kilala! wag mapilit..
at sino itong minhee na tinutukoy aber? hahaha!
uikaxxlockheart
#5
Chapter 1: Nauurat ako kay kuya Jae!!!!! Nakakaines xa. Dapat talaga yung mga ganyan sinusunog ngmng konti ng mawala ang threshold resistance kemerloo ang manhid putspa.
missdauxian
#6
Chapter 1: uhmmmm.. wait, natatawa ako..hahahahha!

..nakalimutan ko na panaginip siya kaya shock ako nung una.. sheeeeeeeems~! teeeeeeee! this is a real life story kaya bawal baliwalain..
missdauxian
#7
emergeeeeed! kinikiliiiiiig ako! <3 update na pwede? hahahahah! thanks nak!