Pagkikita

Ang Dakilang Friendzone

Pagkadating ng grupo nila Jaejoong sa studio ng ikatlo nilang schedule ngayong araw ay agad silang sumabak sa recording. Naka ilang ulit din sila ng pagsayaw bago sila natapos.

“Grabe! Unang recording pa lang nakakapagodn na,” reklamo ni Changmin pagpasok nila sa dressing room.

“Konting tiis na lang, after naman ng mga goodbye stage natin this week eh medyo mahaba na ang binigay na bakasyon sa atin,” sabi naman ni Yunho na naupo sa sofa.

“Naku! Ako ata walang bakasyon ngayon,” reklamo ni Yoochun.

“At bakit naman?” tanong ni Changmin.

“May taping pa kaya akong nakaschedule,” reklamo ulit ni Yoochun.

“Next week pa naman yung bakasyon natin eh, Lunes pa ngayon,” sabi naman ni Junsu.

“Di lang ikaw ang may schedule sa bakasyon ng grupo eh. Si Jaejoong din ata may shooting,” sabi ni Yunho.

“Jae may sched ka ba next week?” tanong ni Yoochun sa walang imik na Jaejoong. Tila lumulutang naman si Jaejoong at nasa sariling nitong mundo, iniisip pa rin ang kanyang panaginip.

 

Di narinig ni Jaejoongang tanong ni Yoochun at nabatukan niya ng wala sa oras si Jaejoong.

“Hoy! Nandito ka pa ba? Kasama ka pa ba naming?”

“Aray! Ano ba?” nagising naman si Jaejoong mula sa daydream.

“Kanina ka pa wala sa sarili mo, ano ba talagang nangyayari sa’yo?” ani Junsu.

“Sinabi ko na sa inyo di ba?”

“Ano ba kasi nangyari sa panaginip mo? Sino ba kasi yang kinababaliwan mo?” –Yunho

“Ang kulit niyo, di ba nga sinabi ko na sa inyo,” inis na sabi ni Jaejoong at lumabas ng dressing room.

 

Lunch nila Jaemin at nasa gazebo siya sa harap ng building nila, gumagawa ng thesis niya at working lunch ang peg.

“Jaemin! Sorry na late ako, ang tagal kasi mag-dismiss nung prof ko eh,” dumating na ang best friend ni Jaemin na si Minhee.

“Ok lang Min,” nakangiting bati ni Jaemin.

“Ikaw working break na naman ang peg mo,” sagot ni Minhee at tinuro niya ang lunch ni Jaemin na binili niya sa fastfood chain malapit sa eskwelahan.

“Gusto ko na kasi matapos itong thesis na to eh, sakit kasi nito sa ulo.”

“Oo nga eh, ako nga stress na stress na diyan.”

“Sinabi mo pa! Ai teka, ikaw kumain ka na ba?” tanong ni Jaemin sa kaibigan.

“Di pa, pero nagabaon ako,” sabi ni Minhee at linabas ang bento box na baon nito.

“Wow naman, himala at nagbaon ka ngayon,” pang-aasar ni Jaemin sa kaibigan.

“Tipid tipid din ‘pag may time eh,” nakangising sagot ni Minhee at inumpisahan na ang paglantak sa pagkain nito.

 

RIIING~ RIING~  Tumunog ang cellphone ni Jaemin.

“Hello Kuya Hae! Napatawag ka, bakit?” sagot ni Jaemin pagkaraan ng ilang ring ng cellphone niya.

“Bawal ka nab a tawagan ngayon?” sagot naman ng Kuya Donghae ni Jaemin sa kabilang linya.

“Kuya naman eh…alam ko kasing medyo busy ka.”

“Oo na! Tumawag lang ako kasi nakapagpaalam na ko.”

“Para?” nawala sa isip ni Jaemin ang sinabi ng mga kuya niya kaninang umaga.

“Di ba sinabi nila kuya sa’yo na mawawala sila ng ilang araw?”

“Ahh…oo nga pala. So, sa bahay ka na muna uuwi?”

“Oo, kaso sa Thursday pa, kaya sabi ni Kuya Joongki sa dorm ka na muna umuwi mamaya hanggang Wednesday.”

“Bukas na, dib a nandito pa naman si Kuya Joongki. Bukas pa naman alis niya.”

“Maaga kasi daw siya aalis baka medaling araw,” paliwanag ni Donghae kay Jaemin.

“Ok sabi niyo eh…wala nap ala akong klase ngayong araw, uuwi na ko maya-maya.”

“Umuwi ka na muna sa bahay, sunduin na lang kita. Mag-dala ka na lang ng gamit.”

“Sige kuya itetext na lang kita kapag ready na ako. Bye!” yun lang at binaba na niya ang cellphone tsaka binalik ang atensyon sa kaibigan.

“Kuya mo?” tanong ni Minhee na tapos na sa pagkain.

“Oo, si Kuya Hae nagbilin na dun muna ako sa dorm nila kasi aalis yung iba kong kuya at mag-isa lang ako sa bahay.”

“College ka na, di ka pa rin nila gusto maiwan mag-isa?”

“Kaya nga parang walang tiwala sa akin na kayak o mag-isa, palagi nila akong bine-baby,” reklamo ni Jaemin.

“Palibhasa kasi bunso ka nila at only girl pa,” ani ni Minhee.

“Kung sa bagay, at mas gusto ko na rin’to, kesa saw ala silang pakialam sa akin,” sabi ni Jaemin at nag-ayos ng gamit.

“Oo naman, mas mabuti na yan…so, ano pa-check na natin itong mga thesis natin ng maka-uwi na tayo?”

Tumayo naman na si Minhee at ang dalawa ay nagtungo na sa faculty room ng kanilang department.

 

After magpa-consult tungkol sa thesis ang dalawa ay nagpaalam na sila sa isa’t isa at si Jaemin ay sumakay na ng bus pauwi.

 

Pagkadating nito sa bahay nila ay nag-ayos na ng gamit na dadalhin. Pagkatapos nitong makapag-ayos ay akmang kukunin na nito ang kanyang cellphone upang itext ang Kuya Donghae niya ng mag-ring ito.

“Hello kuy? San ka na?” sinagot ni Jaemin ang cellphone niya sa pangalawang ring nito.

“Min san ka na? Si Henry na lang susundo sa’yo madadaanan naman niya ang bahay papunta dito.”

“Kuya nakakahiya naman, maaabala pa natin si Henry,” nagulat si Jaemin sa sinabi ng kuya at bigla itong kinabahan.

“Huwag ka na mahiya doon. Ano ka ba close naman kayo,” sagot ni Donghae sa kapatid.

“Oo na kuya, sie hihintayin ko na siya sa harap ng bahay,”parang sasabog naman ang dibdib ni Jaemin sa sinabi ng kuya niya. Matagal na kasi siyang may gusto sa kaibigan ng kuya. Tinatago lang niya ito dahil di niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga kuya niya.

“Aish! Bakit siya pa kasi! Ano ba yan!”natataranta si Jaemin pagkababa nito ng telepono niya. Di tumitigil ang malakas na pagkabog ng puso niya, feeling niya tuloy maaatake na siya.

 

BEEP! BEEP! Naputol ang pakikipag-usap ni Jaemin sa sarili bago pa siya matuluyang mabaliw. Pumunta si Jaemin sa may bintana at tinignan kung ito nab a ang kanyang hinihintay.  Pagsilip nito ay nakita niyang lumabas sa sasakyan na nagpark sa harap ng gate nila ang kaibigan ng kuya niyang si Henry.

“Oppa!” binuksan ni Jaemin ang front door nila.

“Jaemin! Long time no see!” bati ni Henry kay Jaemin at ngumiti.

Utang na loob! Huwag ka ngumiti kinikilig ako~ Parang matutunaw naman si Jaemin. “Pasok ka muna, nagmamadali ba tayo?”

“May practice kasi,” nakangiti pa rin itong sa pagsagot sa tanong ni Jaemin.

“Ohh…sige kuya, kunin ko lang yung gamit ko.”

 

“Balita ko malapit ka na daw grumaduate?” basag ni Henry sa katahimikan sa loob ng sasakyan.

“Oh…oo, kaso nakakastress,” reklamo ni Jaemin.

“Naku! Kaya mo yan! Ikaw pa!”

“Kampate na ko sa nga subjects ko, ang problema ko lang yung thesis ko ,” sambit ni Jaemin sabay nag-pout.

“Ang cute mo kapag naka-pout,” tumingin si Henry kay Jaemin.

Namula naman agad si Jaemin. “Cute? Saang parte? Ang pangit ko kaya,” umiwas ng tingin si Jaemin.

“Totoo namaneh,” pilit ni Henry.

“Alam ko sinasabi mo lang yan out of politeness.”

“Bahala ka na nga basta totoo yung sinasabi ko…dito na tayo,” sabi ni Henry at itinigil na ang sasakyan. Bumaba na rin si Jaemin bitbit ang gamit niya.

“Ako na magbibitbit niyan,” ani Henry at kinuha ang gamit ni Jaemin at sinimulan na maglakad.

 

“Oppa…bakit ang daming tao dito?” tanong ni Jaemin na nakasunod kay Henry at inoobserbahan ang paligid.

“Ahh…may taping kasi si sunbae.”

“Dito sa parking lot?”

“Oo…yun yung scene eh,” sagot ni Henry.

“Ahh…”sagot ni Jaemin at pilit na sumisilip sa shooting.

“Gusto mo sumilip muna?”

“Ok lang ba?” tumingin it okay Henry.

“Tara…”hinila ni Henry ang kamay ni Jaemin.

 

Sa kabilang banda naman ay nasa kalagitnaan si Jaejoong ng scene nila ng leading lady niya sa dramang shino-shoot nila. Napatingin ito sa kanyang harapan kung nasaan ang mga camera. Ginala nito ang tingin sa mga tao doon pero binalik niya agad ang atensyon sa ginagawang scene.

 

Inilapit ni Jaejoong ang mukha sa leading lady niya at hinawakan ang magkabilang pisngi nito tsaka pinaglapat ang kanilang mga labi. Pagkaraan ng ilang segundo ay may nakitang pamilyar na mukha sa mga taong nanonood si Jaejoong. Kahit sa gilid lang ng paningin niya ito nakita sigurado si Jaejoong na ito na ang babaeng para sa kanya, yung ‘OTHER HALF’ daw niya. Napukaw ang atensyon niya sa ginagawa at dali-daling tinungo ang babaeng iyon.

“YAH! JAEJOONG! DI PA TAYO TAPOS!” inis na sigaw ng director pero di ito pinakinggan ni Jaejoong.

 

“Bes! Bes!” tawag ni Jaejoong sa papaalis na babae.

“Jaemin…kilala ka ba ni sunbae? Ikaw ata tinatawag niya,” nakita ni Henry na papalapit si Jaejoong sa kanilang direksyon.

“Huh?” taking tanong ni Jaemin.

“Ikaw ata tinatawag ni Jaejoong hyung eh,” tumigil sila sa harap ng elevator.

“Bes!” naabutan ni Jaejoong ang dalawa.

“Bes, sorry ang anga at ang manhid ko…at yung kiss nay un kanina, it’s all for work,” hingal na wika ni Jaejoong habang hawak ag mga braso ni Jaemin.

 

Tumingin si Jaemin kay Henry na uno ng pagtataka tasaka sumagot…

“Sorry, but I think you have mistaken me for the wrong person,” at inalis ni Jaemin ang pagkakahawak ni Jaejoong sa mga braso niya.

DING~! Bumukas na ang elevator door at pumasok na ang dalaga sa loob.

“Mauna na kami sunbae,” nagbow si Henry at sinundan si Jaemin sa loob ng elevator at nagsara na ito.

Naiwan naman si Jaejoong mag-isa at tulala.

“Di man lang niya ko nakilala,” sabi nito sa isip niya at puno ng panghihinayang.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
missdauxian
#1
Chapter 3: feels over HanGeng! <3 <3 <3 pero crush rin naman ni Jaemin si Henry dibuuuh? dibuuuh? :)

..hwaiting for Chapter 4! <3
HanGeng feels all over! I miss that chinese guy! >.<
singulartoaster
#2
Chapter 2: How come Jaejoong really thinks Jaemin would know him because it was just his dream? Poor him. However, good job miss author! Jaejoong is one of my bias, please don't make him suffer too much..^_^
uikaxxlockheart
#3
Chapter 2: Halakajan.shemerged ung last part para sa 2jae.huhubels.

Pero like 'te April said, nakakakilig ang MinRy (jaemin-henry) otp.wow
missdauxian
#4
Chapter 2: neeeext! chapter 3 na!..bitin naman yun! pero okay lang, kinikilig ako kay mochi ko! <3 hahaahaha!

..kooooya! di ka niya kilala! wag mapilit..
at sino itong minhee na tinutukoy aber? hahaha!
uikaxxlockheart
#5
Chapter 1: Nauurat ako kay kuya Jae!!!!! Nakakaines xa. Dapat talaga yung mga ganyan sinusunog ngmng konti ng mawala ang threshold resistance kemerloo ang manhid putspa.
missdauxian
#6
Chapter 1: uhmmmm.. wait, natatawa ako..hahahahha!

..nakalimutan ko na panaginip siya kaya shock ako nung una.. sheeeeeeeems~! teeeeeeee! this is a real life story kaya bawal baliwalain..
missdauxian
#7
emergeeeeed! kinikiliiiiiig ako! <3 update na pwede? hahahahah! thanks nak!