Panaginip

Ang Dakilang Friendzone

Chapter 1: Panginip

 

“Guys! May surprise ako kay Shin Hye mamaya. Tulungan niyo naman ako,” lumapit si Jaejoong sa table ng kanilang barkada sa cafeteria ng school nila.

“Uso bumati bago humingi ng pabor,” sabi ni Jaemin na umandar na naman ang kabitteran.

“Ampalaya on na naman bes? Ano ba agahan mo? Ampalaya?” Tinignan ni Jaejoong si Jaemin na umiwas naman ng tingin.

“Anong meron at may pasurprise surprise ka pang nalalaman? Sa kanya ka naman may surprise, bakit kailangan pa na damay kami diyan?” tanong ulit ni Jaemin.

“Hayaan mo na yang si Jaemin, diet na ata ang ampalaya eh,” sabi ni Yonghwa at natawa naman sila kay Jaemin na wala lang at pinagdidiskitahan ang merienda.

“Paano ka ba naming tutulungan?” lihis naman ni Yoochun.

“Ganito kasi anniversary naming ngayon eh gusto ko sana maging memorable sa kanya yun. Eh naisipan ko na isurprise siya…pumayag na din yung manliligaw ni Jaemin, yung anak nung may-ari ng arcade sa mall na doon ko na gawin yung surprise ko.”

“At paano mo naman yun napapayag?” tinaasan ng kilay ni Jaemin si Jaejoong.

Di sinagot ni Jaejoong ang tanong ni Jaemin at ngumiti lang siya, yung ngiting ang daming laman? (basta yun yun XD)

“Hoy ikaw lalake! Kapag ako na naman dinahilan mo dun para pumayag patay ka sa akin!” banta ni Jaemin na masama na talaga ang tingin kay Jaejoong.

“Ohhh…tama na yang bangayan niyomalapit na mag-umpisa ang klase,” awat ni Yoochun sa dalawa.

“Basta tutulungan niyo ko, ok?” –Jaejoong

“Oo na…ano ba maitutulong naming sayo kamahalan?” pabirong tanong ni Yoochun, at sinabi na ni Jaejoong ang plano niya sa mga kaibigan.

 

“Shin Hye!” tinawag ni Jaemin si ShinHye na papalabas na ng school gate na tila may hinahanap.

"Jaemin ikaw pala, nakita mo si jaejoong?"

“Si Jaejoong agad hinanap,” bulong ni Jaemin sa sarili.

“Ano yun Min?” tanong ni ShinHye.

"Ahh…wala. Sabi ko nauna na sila sa arcade nila Chunnie bilin niya na magkita tayong lima sa arcade," dahilan ni Jaemin.

"Ah ganoon ba? Bakit daw?”

"Ewan ko dun, basta tara na sabay na tayo pumunta dun."

 

Naglakad si Jaemin at Shinhye papuntang arcade dahil di naman ito malayo sa eskwelahan nila.

“Jaemin…”mahinang tawag ni Shinhye sa kaibigan.

“Ano yun?” sagot ni Jaemin at sabay tumingin sa kasama.

“Matalik mong kaibigan si Jaejoong di ba?” seryosong tanong ni Shinhye.

“Oo naman…matagal na kaming magkakilala,” binalik ni Jaemin ang tingin sa kanilang dinadaanan.

“Jaemin…may gusto ka ba kay Jaejoong?” biglang tanong ni Shinhye.

Napatigil si Jaemin. “Ako?! Magkakagusto dun sa gurang na yun?” pilit na tumawa si Jaemin.

“Di ka naman siguro magsisinungaling sa akin, magkaibigan naman tayo di ba?”

“Oo naman,” inakbayan ni Jaemin si Shinhye, “tsaka paano naman ako magkakagusto dun? Eh sa pagkaka-alam ko eh ginayuma ka lang nung gurang na yun,” pabirong sabi ni Jaemin kay Shinhye.

 

Nasa arcade na sila Jaemin at Shinhye, nakita nila sila Yoochun at Yonghwa sa entrance.

“Jaemin! Shinhye!” tinawag ni Yoochun ang dalawa.

“Oh nandito nap ala kayo. Di niyo man lang ako hinintay!” reklamo ni Jaemin pagkalapit sa mga kaibigan.

“Sa ang tagal mo eh,” naka ngising sagot ni Yonghwa.

“Nga pala Shinhye, sabi ni Jaejoong puntahan mo daw siya dun sa karaoke booth,” nginitian ni Yoochun si Shinhye.

“Ano ginagawa niya doon?” taas kilay na tanong ni Shinhye.

“Di ko alam nagpasama lang siya dito eh,” sagot ni Yoochun.

Pinuntahan ni Shinhye si Jaejoong gaya ng sinabi ni Yoochun at naiwan ang tatlo sa entrance.

“So tapos na tayo dito?” Pwede nab a tayong umalis?”tanong ni Jaemin sa kasama niyang naiwan.

“Ano kasi…Jaemin…” medyo nauutal na sabi ni Yoochun.

“Anong ano?” taas kilay na tanong ni Jaemin.

“Si Jaejoong kasi pinarsrve ang buong karaoke booth ng arcade,” sabi ni Yonghwa.

“Eh ano kinalaman ko doon?” pataray na tanong ulit ni Jaemin.

“Di naman niya kayang bayaran ang renta noon eh,” sabi ni Yoochun sabay kamot sa ulo.

“So? Ano gusto niyo sabihin? Ako magbabayad?”

“Medyo…si Jaejoong kasi kinausap yung manliligaw mong anak nung may-ari nitong arcade,” nagpaliwanag si Yoochun.

 

Pumasok si Jaemin sa arcade at tinungo ang mga karaoke booth pero sa kasamaang palad pagkapasok pa lang niya ay tumambad sa kanya ang naghahalikang Jaejoong at Shinhye. Di alam ni Jaemin ang gagawin, nanlabo ang kanyang paningin. Oo, nasasaktan na siya na palagi na lang siya sa friendzone ng kanyan best friend. Pero mas nasaktan siya na yung mismong pinakamamahal niya ang nagtutulak sa kanyasa iba. At ngayon lubusan na ang sakit na nararamdaman niya dahil sa nakikita niya, nanlabo ang mga mata niya at di na niya napigilan ang kanyang mga luha.

 

RIIIIIIIINNNGG!

 

Minulat ni Jaemin ang mga mata na medyo namamasa-masa pa na tila ba umiyak ito habang natutulog. Wala siyang maalala kung bakit siya naiyak habang tulog. Hindi niya matandaan ang kanyang panaginip. Ang naaalala lang niya ay malungkot siya at parang dinurog ang puso niya.

 

“Min! Gising na!” tawag ng panganay niyang kapatid sa kanya.

“Gising na kuya,” sagot nito sa Kuya Seungheon niya.

“Bangon na, gusto mo malate sa school?” pumasok na ang Kuya Seungheon ni Jaemin sa kwarto ng dalaga.

“Oo na Kuya,” bumangon na ang dalaga habang kinukusot ang mata at pinagsa-walang bahala na lang ang nararamdaman at ang di niya maalalang panaginip.

 

Si Jaemin ay graduating student na sa Seoul University of Liberal Arts. Ilang buwan na lang at gra-graduate na ito sa kinuha niyang kurso na Journalism. Siya lang ang babae sa kanilang limang magkakapatid, kaya naman over protective ang mga kuya nito sa kanya at dahil din nasa malayo ang mga magulang nila.

 

Pagkatapos mag-ayos ni Jaemin ay bumaba na siya at pumunta sa kusina.

“Anong breakfast?” tanong ni Jaemin pagka-upo sa dining table.

“Pancakes,” sagot naman ng isa pa niyang kuya na si Joongki.

“ikaw nagluto kuya?”

“Hindi, si Sungheon may gawa niyan,” sagot ni Joongki at uminom ng kape niya.

“Ahh…bakit parang may pupuntahan ka kuya? Para saan yung mga maleta sa may hagdanan?” tanong ni Jaemin habang nginangata ang pancakes na linagay niya sa plato niya.

“Akin yun…may overseas taping kasi kami, kaya mawawala muna ako ng ilang araw,” sabi ni Seungheon na kakapasok lang ng kusina at umupo sa tabi ni Jaemin.

“Grab kayo! Palagi niyo ko iniiwan~,” patampong sabi ni Jaemin na tapos na sa pagkain.

“Eto parang di sanay,” tinignan si Jaemin ng Kuya Joongki niya.

“Andito naman si Joongki eh,” sabi naman ni Sungheon sabay turo kay Joongki gamit ang tinidor niya.

“Aalis din ako bukas. May taping kami sa Jeju,” sagot ni Joongki.

“Yan kayo eh,” sabat ni Jaemin sa mga kuya nito at nag-pout pa.

“Huwag ka na mag-alala, kinausap ko naman na si Donghae eh,” ginulo ni Joongki ang buhok ng bunso.

“Dito muna siya habang wala kayo?” pinalo ni Jaemin ang kamay ng kapatid at tsaka inayos ang buhok.

“Ang sabi niya magpapaalam siya,” sagot ni Joongki.

“Paano kapag di siya pinayagan?” tanong ni Seungheon.

“Gagawan niya ng paraan yun,” paniniguradi ni Joongki.

“Bakit di na lang si Kuya Kambal?” tanong ulit ni Jaemin.

“Eh bakit ang dami mong tanong?” pabirong sagot ni Joongki sa kapatid.

“Busy yun sa comeback nila kaya baka di makakauwi yun ditto sa bahay,” si Seungheon na sumagot sa tanong ni Jaemin at nagsisimula na naman ang asaran ng dalala niyang nakababatang kapatid.

“Matagal ko na siyang di nakakasama,” nagpout si Jaemin.

“Huwag ka sa amin magpa-cute bunso,” ginulo ulit ni Joongki ang buhok ng kapatid.

“Kuya! Namumuro ka na ah!” inis na sambit nito.

“Ui si bunso…napipikon,” udyok pa ni Joongki.

“Kayong dalawa tama na yan. Joongki ikaw na mag-hugas nitong pinagkainan, ako na lang maghahatid kay bunso sa university,” pinutol na ng tuluyan ng panganay ang pagtatalo ng dalawang kapatid.

“Oo na kuya,” tumigil na sa pang-aasar si Joongki.

“Tara na Jaemin,” tumayo na si Sungheon.

“Bye Kuya Joongki!” nagpaalam na si Jaemin sa Kuya Joongki niya at sinundan ang isa pa niyang kuya palabas ng bahay.

 

Samantala may isa pang nilalang ang nagising sa pareho ding panaginip. Ang pinagkaiba lang nit okay Jamin ay tandang-tanda nito ang lahat ng pangyayari ngunit ang pangalan lang ng matalik niyang kaibigan ang di niya maalala.

“Hyung! Gising na!” sigaw ni Changmin mula sa sala ng kanilang dorm.

Bumangon si Jaejoong at nag-unat ng kaunti tsaka lumabas ng silid.

“Jae bilis na, malalate na naman tayo sa schedule natin ngayon,” sabi ng leader na si Yunho na katatapos lang maligo. Lagi siyang pinapaalalahanan ng mga kagrupo na bilisan ang kilos, lalo na sa umaga, dahil ito ang pinakamabagal mag-ayos sa kanila, daig pa nito ang mga babae.

 

Parang ipo-ipo na ang apat na kagrupo ni Jaejoong sa pag-aayos upang di mahuli sa kanilang schedule ngunit tila wala lang na nag-aayos si Jaejoong.

“Jae! Ano ba? Wala na bang ibibilis yang pagkilos mo?” saway ni Junsu kay Jaejoong.

“Ang ingay mo! Teka nga at may inaalala ako,” sagot ni Jaejoong.

“Sorry naman daw…malalate lang naman kasi tayo kapag di mo pa binilisan yang pagkilos mo diyan,” sarkastikong sagot ni Junsu.

“Ano ba kasi yang inaaalala mo?” mas importante ba yan kaysa sa schedule natin?” tanong ni Yoochun habang nag-aayos ng buhok sa harap ng salamin.

“Nanaginip kasi ako,” sabi ni Jaejoong at lumabas ng silid, “hindi ko lang maalala yung pangalan nung babae sa panaginip ko.”

“Yun lang?” taas kilay na tanong ni Junsu kay Jaejoong

“Oo, importante yun! Kasi siya na yung aking the one! My other half!” madramang sagot ni Jaejoong.

 

 

 

 

A/N: @missdauxian sorry ang tagal tagal tagal nay! :D

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
missdauxian
#1
Chapter 3: feels over HanGeng! <3 <3 <3 pero crush rin naman ni Jaemin si Henry dibuuuh? dibuuuh? :)

..hwaiting for Chapter 4! <3
HanGeng feels all over! I miss that chinese guy! >.<
singulartoaster
#2
Chapter 2: How come Jaejoong really thinks Jaemin would know him because it was just his dream? Poor him. However, good job miss author! Jaejoong is one of my bias, please don't make him suffer too much..^_^
uikaxxlockheart
#3
Chapter 2: Halakajan.shemerged ung last part para sa 2jae.huhubels.

Pero like 'te April said, nakakakilig ang MinRy (jaemin-henry) otp.wow
missdauxian
#4
Chapter 2: neeeext! chapter 3 na!..bitin naman yun! pero okay lang, kinikilig ako kay mochi ko! <3 hahaahaha!

..kooooya! di ka niya kilala! wag mapilit..
at sino itong minhee na tinutukoy aber? hahaha!
uikaxxlockheart
#5
Chapter 1: Nauurat ako kay kuya Jae!!!!! Nakakaines xa. Dapat talaga yung mga ganyan sinusunog ngmng konti ng mawala ang threshold resistance kemerloo ang manhid putspa.
missdauxian
#6
Chapter 1: uhmmmm.. wait, natatawa ako..hahahahha!

..nakalimutan ko na panaginip siya kaya shock ako nung una.. sheeeeeeeems~! teeeeeeee! this is a real life story kaya bawal baliwalain..
missdauxian
#7
emergeeeeed! kinikiliiiiiig ako! <3 update na pwede? hahahahah! thanks nak!