Revelation

SunsetGlow.Com

Tila nag-pause ang mundo ko nang makita ko ang kanyang mala-anghel na imahe. Ang kanyang makinis na mukha, ang kanyang maputi at glowing skin, ang kanyang katangkaran, ang perpekto niyang postura, ang kanyang kalinisan (sa malayo pa lang parang ramdam mo na ang kanyang malinis at mabangong amoy), ang kanyang pamatay na tingin at ang kanyang malalim na boses...

Napa-inhale ako ng sobrang lalim nang bumukas ang pinto at bumungad ang lalaking madalas na dahilan ng aking pagpupuyat, si Chanyeol, si Chanyeol na walang ka-alam alam sa pagtingin ko sa kanya o nagbubulag-bulagan lang siya dahil ayaw niya akong masaktan 'pagkat hindi ako ang tipo niya na obvious naman sa itusura ko. Mas mabuti na ngang alam ko ang 'nakatagong katotohanan' atleast alam ko kung saan ako lulugar. Ngunit, subalit, datapwat, umaasa pa rin ako na magustuhan din niya ako... someday...

"Si Ji Yeon?" Ang malakas na tanong ni Chanyeol pagkabukas niya ng pinto, sabay ngiti sa akin? Oo, ngumiti muna siya sa akin bago niya ibinaling ang kanyang tingin kay Ji Yeon.

"Bakit?" Tanong din ni Ji Yeon at tumayo mula sa kanyang kinauupuan. Bale, nakaupo siya sa kabilang side ng classroom habang ung seat ko naman nasa opposite side ng row niya. hihihi... Just to inform lang para majustify ko na sa akin nakangiti si Chanyeol kanina.

"Tawag ka ni ma'am Park." Sagot ni Chanyeol habang binubuksan ng todo ang pinto upang paraanin si Ji Yeon bago siya umalis. Sadyang gentleman talaga si Chanyeol kahit sinong tanungin mo dito sa school yan din ang maiddescribe nila about him. 

"Eun Jung!! Nakita mo yun? Nginitian ako ni Chanyeol! Sabi ko sa'yo eh. It's really a long process and I believe that patience is a virtue!" Masaya kong sinabi kay Eun Jung habang ang lahat ay busy nanaman sa kanilang ginagawa.

"Asus, Seohyun... sa lahat naman ganyan ang trato niya. Walang espesyal dun kaya gising na bess (bestfriend)... kung ako sa'yo humanap ka na lang ng iba dahil sa umpisa pa lang masama na talaga kutob ko diyan sa Chanyeol na yan." Ang pakalmang sabi ni Eun Jung. 

Sa ganitong pagkakataon, ayoko nang patulan pa ang bestfriend ko baka mag-away lang kami at ayokong si Chanyeol ang maging dahilan ng aming samaan ng loob kaya mas mabuting manahimik na lang ako at lasapin ang mga sandaling naranasan ko ang matamis na ngiti ni Chayeol <3

"Bakit daw ako pinapatawag ni Ms. Park?" Tanong ni Ji Yeon kay Chanyeol habang sabay nilang nilalakad ang hallway papuntang faculty room.

Biglang hinatak ni Chanyeol si Jiyeon paakyat ng rooftop na 1 floor lang naman mula sa hallway na kanilang nilalakaran.

"Ano ba? Saan mo ba ko dadalhin? Akala ko ba tinatawag ako ni Ms. Park?!" Pagtataka ni Ji Yeon habang hawak ni Chanyeol ang kanyang kanang kamay. 

In no time, narating nina Chanyeol at Ji Yeon ang rooftop kung saan ang buong paligid ay dead silent dahil silang dalawa lang ang naroon because, everybody are downstairs waiting for the morning assembly. Dahan-dahang binitiwan ni Chanyeol ang kamay ni Ji Yeon at hinila niya ang braso nito upang bigyan si Ji Yeon ng sinsero't mainit na yakap, yakap na may pinahihiwatig...

"Ji, I'm sorry... kailan mo ba ko mapapatawad? Ano ba ang kailanga kong gawin matanggap mo lang ulit ako." his warm and deep voice whispered.

"Pwede ba? Alam mo na ang sagot ko dyan... TA-POS-NA-TA-YO." Ji Yeon confidently said at nagpumiglas mula sa yakap ni Chanyeol.

Just for information, parehong first love nina Ji Yeon at Chanyeol ang isa't-isa at mahaba-haba na rin ang kanilang napagsamahan. Ngunit, dahil may repotasyon at imaheng iniingatan si Ji Yeon sa school, ang kanilang relasyon ay mistulang "for their eyes only". Oo, tama ang iniisip mo. They are secretly together. They are secret lovers. The type of relationship they had is risky and requires a lot of sacrifices.

 Matapos, makawala ni Ji Yeon mula sa mahigpit na yakap ni Chanyeol ay saktong nag-ring ang bell for the morning assembly. without leaving a reply, tinalikuran ni Ji Yeon si Chanyeol at dahan-dahang lumakad papalayo habang si Chanyeol naman ay naiwang nakatayo mula sa kanyang kinaroroonan at tahimik na pinagmasdan ang kanyang papalayong minamahal.

"B--But, If I could show you... H--How much I--I deserve you and love you. Will you still give me another chance?" Chanyeol pleads and swallowed his pride.

Napatigil si Ji Yeon nang marinig niya ito. Tumingin siya sideways sabay ihip ng malakas na hangin which makes her hair to have this "windy dramatic effect" as she gives Chanyeol a secretive smile...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ExoticBeaSehunnie #1
Author.... Edited po ba yung photo na medyo pangit si Seohyun??
pikaseo
#2
Chapter 3: WTF?!! ang sama nilang dalawa! wait and see chanyeol, kapag gumanda si seohyun parang lumang bayo ka nalang!
pikaseo
#3
Chapter 2: :0........... CHANYEOL U FREAKKK!!! MAHAL KA NI SEOHYUN!!!!!!!!!!!!!!!! DAPAT MAHALIN MO DIN SIA!!
marisa88 #4
Chapter 1: Omg, I can't understand what its mean, please translate to english soon....
pikaseo
#5
Chapter 1: Hi kapwa filipino! Ang galing ng 1st chapter mo! Update more nxt time :)