Classroom

SunsetGlow.Com

"Hoy, Seohyun!! Ang aga mo ah?!" Nadistract tuloy ako sa pag dday dream dahil dito sa bestfriend ko na si Eun Jung. 

Oo nga pala, si Eun Jung lang ang nag-iisa kong bestfriend sa buong mundo kasi sa kanya ko lang nararamdaman ang comfort and the feeling that I can be my true self whenever I'm with her. Honestly, siya lang ang tao na kaya sa akin sabihin ang totoo ng harapan ng walang halong kasinungalingan kasi napakaprangka niyang babae.

"Di nanaman kasi ako makatulog, eh..." Sabi ko habang tinatanggal ko ang aking eye glasses para linisin ang aking mata sabay unat ng mahahaba kong biyas.

"Naku, iba na yan, sis. Antalino mo kasi pareho kayo ni Kim Hyun Joong tagal makatulog, antataas kasi ng IQ niyo eh." Sagot niya habang inilalagay niya ang kanyang bag sa chair next to mine. We're seatmates actually.

"Patay na patay ka talaga dun noh? Sa Koreanong aktor yun. pati oras ng pagtulog niya hindi mo pinapalampas." Ang sabi ko.

May konting minuto pa naman bago mag-flag ceremony kaya naisipan kong ilabas muna ang homework na pinagkaka-abalahan ko kagabi para i-check kung tama ba yung mga computations na ginawa ko. Nakakahiya naman kasi kung ibibigay ko 'to sa kanya na may mali baka hindi na ulit siya magpagawa sa akin. Ito ang masakit na katotohanan, school works lang ang nag-uugnay sa aming dalawa pero ayos lang yun maybe, someday, he'll appreciate me not just because of my effort but as who I am. Loving someone is a very long process compared to photosynthesis, instead of sunlight and carbon dioxide, patience is needed in order to have a sweet and life worth result. 

"Seohyun... Ano ba nanaman yan?" Tanong ni Eun Jung (naiirita) nang makita niya ang math notebook ni Chanyeol na nilabas ko.

"Math notebook, duh?" I obviously said as I recompute my solutions.

"Seohyun, hindi ako tanga. Alam ko kung ano yan... Please, lang naman. Tigilan mo na ang pagkamartyr mo sa Chanyeol na yan. Obvious, naman na utak mo lang ang kailangan niya sayo." Ang panenermon nanaman ni Eun Jung.

Sa totoo lang, ilang beses niya na akong pinagsasabihan tungkol sa pagtulong ko kay Chanyeol pero hindi ko rin masisi ang sarili ko, kung bakit I don't see any negativities about him. 

"Hindi siya manggagamit. Kailangan lang talaga niya ng tulong. Plus, every two weeks na nga lang siya kung magpagawa sa akin ng assignments. Ibig sabihin na talagang gipit na talaga siya at wala ng ibang matatakbuhan... Kundi... Ako <3" Ang pagtatanggol ko sa kanya habang kinikilig dahil parati ako ang huli niyang tinatakbuhan.

"Dahil sa huli... sa akin din siya babagsak... because, you can't really defy gravity <3" I added.

"Wow!! tama ba ang narinig ko?" sigaw ni Boram habang papalapit siya sa amin ni Eun Jung.

Si Boram ang pinakamaliit pero ubod naman ng ganda at kayhan halos lahat ata may gusto sa kanya. Kaya lang kung minsan, may pagka bully siya 'pag tinotopak. Ayan, tinotopak nanaman ata siya. 

"Si Chanyeol? mahuhulog sa'yo?" sabi ni Boram habang nananalamin (hawak niya) papunta sa kanyang chair.

"Hoy, Boram. Tinotopak ka nanaman noh? Kulang ba tulog mo?" matapang na sagot ni Eun Jung kay Boram.

"Hindi naman. Aish... Ano ba yan?! Ambilis naman mag-fade nitong bago kong haircolor!! Kainis!" sabi ni Boram habang inaayos niya ang kanyang buhok sa seat niya.

Naku, iniba nanaman niya ang topic. Takot talaga si Boram kay Eun Jung dahil iba kung magalit 'tong Bestfriend ko. Masuwerte talaga ako na naging bestfriend ko siya dahil wala siyang pinipiling lugar at sinasanto kapag may nagkamali sa akin.

Hindi nagtagal ay dumating na rin ang iba naming kaklase at ayan, halos lahat sabay-sabay na pumasok kasama si Ji Yeon, ang pinakamagandang estudyante sa aming paaralang na ubod din ng talino pero mas matalino ako sa kanya kasi ako ang Top 1 eh. Top 2, actually... na para na ring Top 1 kasi maganda at mabait pa kaya lahat gustong-gusto siya.

"Oh, Seohyun, ano yang sinasagutan mo? Matagal pa finals natin, nagrereview ka na?" Bati ni Ji Yeon with matching ngiti.

"Ah, hindi. Wala 'to..." ang sagot ko habang patuloy akong nagrerecompute.

"Ohhh... I see. Keep it up." sabay sabi ni Ji Yeon nang mapansing busy talaga ko kakagamit ng calculator.

Lahat nasa loob na ng classroom at ang inaantay na lang ay ang pag-ring ng bell for flag ceremony. Bawat isa busy. Si Suho ang vain kong classmate, abala sa paglalagay ng moisturizer sa kanyang napakaporselanang mukha na walang bahid ng pimples na di tulad ko binahayan na ng tigyawat ang mukha ko sa kakapuyat. Si DO busy sa games niya sa phone, adik gamer kasi kahit mga apps sa phone hindi na pinatawad pero kahit ganyan siya, antaas pa rin ng nakukuha niyang grades sa klase. Si Hyomin, naku, konti na lang matatapos niya na yung librong pinahiram ko sa kanya. Napakahilig talagang magbasa niyang babaeng yan kulang na lang pati mga technical books sa library basahin niya. Si Baekhyun, ang tahimik na si Baekhyun, na wala ng ginawa kundi ang makinig sa Ipod niya, kung alam niyo lang napagaling niyang kumanta, aksidente ko kasing narinig siyang kumakanta sa bacolny last time. Si Q-ri, ang bestfriend ni Boram na maganda rin, sa kanya nakukuha ni Boram ang karamihan sa kanyang mga beauty secrets, na gusto ko rin sanang malaman kaya lang nahihiya naman akong magtanong sa ganda nilang dalawa. Si Soyeon, ang artist ng class, napakagaling niyang mag-paint at mag-scalp, ang parati niyang model si Ji Yeon. Si Kai tulog nanaman, napuyat ata kakapractice sumayaw, pangarap niyang maging idol someday kaya ilang linggo na rin siyang puyat kakapractice nga kasi next week na yung open audition sa SMEnt. Si Sehun abala nanaman sa harap kakasulat ng mga class agenda for this week, class president kasi namin siya na may lihim na pagtingin kay Ji Yeon. Si Areum at si Hwayoung, ang mag-step sisters, mukhang may tampuhan nanaman sila kasi pareho nanaman silang hindi pinapansin ang isa't isa at hindi pa sila sabay na pumasok kanina. Teka, sino pa nga bang kulang? Ay, si Dani, ang mayama't nag-iisang tagapagmana ng Shinhwa Corporation, absent nanaman. Napapansin kong parati siyang wala sa klase nitong mga nakaraang araw baka siguro dahil sa sinabi niya sa akin last week sa CR na mag-mimigrate na daw sila sa US para dun na lang muna niya ipagpatuloy studies niya.

5 minutes bago magbell, napatingin ako sa side windows ng classrom na kita ung hallway sa labas... Napalunok ako sa nakita ko dahil unti-unti papalapit ang familiar na silhouette sa pintuan ng aming classroom. Mula sa aking kinauupuan, nakita kong dahan-dahang umikot ang doorknob at bumukas ang pinto... Lahat napatigil sa kanilang pinagkakaabalahan pati ako...

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ExoticBeaSehunnie #1
Author.... Edited po ba yung photo na medyo pangit si Seohyun??
pikaseo
#2
Chapter 3: WTF?!! ang sama nilang dalawa! wait and see chanyeol, kapag gumanda si seohyun parang lumang bayo ka nalang!
pikaseo
#3
Chapter 2: :0........... CHANYEOL U FREAKKK!!! MAHAL KA NI SEOHYUN!!!!!!!!!!!!!!!! DAPAT MAHALIN MO DIN SIA!!
marisa88 #4
Chapter 1: Omg, I can't understand what its mean, please translate to english soon....
pikaseo
#5
Chapter 1: Hi kapwa filipino! Ang galing ng 1st chapter mo! Update more nxt time :)