Chapter 3: Basketball gym

He's My Tutor

Chapter 3: Basketball gym

 

“Happy birthday!!” Napabangon agad ako sa kama. O__O Sila mama andito. Oo nga pala Friday ngayon birthday ko na.

“Blow!” Nilapit ni mama yung cake na hawak hawak niya. Hindi pa ako nakatoothbrush kasi kagigising ko lang. Lumapit rin si papa tapos may inabot siya sa akin.

“Thank you po”

“Sige tumayo ka na dyan at mag-ayos baka malate ka school” Sinunod ko yung sinabi  ni mama. 

 

Pagkatapos kong makapag-ayos nagbreakfast ako. Luto kasi ni mama, namiss ko tuloy. 16 na ako ngayon, bata parin ako. Ako lang kumakain mag-isa dito sa table kasi busy si mama sa ginagawa niya, ewan ko ba kung ano ginagawa niya kanina ko pa siya sinisilip kasi kitang kita yung sala namin at andun siya. 

 

“Merphyl” Sinilip ko ulit siya sa sala. Inaayos niya yung vase.

“Mmm” Habang may laman ang bunganga ko at lumalamon.

“May gift pa kami sayo and I think it will help you a lot” It will help me a lot. Anong klaseng gift yun. Ano ba yan nakakatrill . Nilonok ko muna yung kinakain ko, hindi ko na nga nginuya eh.

“Anong gift?” Sabay subo ulit.

“Math tutor”

“Ay” Sige lang ako sa paglamon buti hindi ako tumataba kahit gaano karami yung kinakain ko. Wait, ano sabi ni mama? Tama ba yung narinig ko Math tutor?. Bigla kong binitawan yung spoon na hawak hawak ko tapos nilapitan ko si mama.

“Math tutor?” Tinignan ko ulit si mama at tumango siya.

“What!! Uurgh!! Ma naman eh” 

“Hay naku don’t worry he will help you a lot” Tama ba ulit yung narinig ko? He? Ibig sabihin lalake. Wala akong nagawa kundi bumalik sa upuan at pinagpatuloy ko yung kinakain ko.

“Mabait na bata yun and you know what iisang school pa yung pinapasukan niyo” Natigilan nanaman ako sa pagsubo. Same school? Edi mas nakakahiya yun, imagine my tutor ako. I’m sure parang si Vhong Navarro ng Betty Lafea yung itsura niya. Payat na apat ang mata tapos yung damit ang baduy baduy masyadong colorful. Sa tingin ko mas lalo akong hindi makakaconcentrate niyan eh. Tinapos ko muna yung kinakain.

“Ma sige po alis na ako” Tumayo agad ako sa kinauupuan ko tapos kinuha ko yung bag ko sa kabilang upuan.

“You must be early ok, we will have our dinner and imemeet mo yung magiging math tutor mo” Nagnod lang sabay umalis hindi ko pinahalata na naiinis ako. 

 

Uurgh!! Ano ba yan. I don’t have time to deal with nerd student. Puro library and then makakapal na work book with problems that is indicated. 

 

“Boo!!” 

“Anak ng patola!! Sino ba yan---” Tumingin agad ako sa likod.

“Good morning!” Dazzling, ang bright ng smile niya bagay pangpawala ng inis. He is a mood maker with his own simple smile.

“Jervie?” Nagnod siya.

“Bakit ka nandito?” Lumapit siya sa akin and then tinaas niya yung pointer finger niya at nilapit sa mukha ko.

“Remember this place?” Tumango ako. Ito yung unang place nung nakita ko siya na parang batang nawawala sa lansangan.

“Malapit lang kasi yung bahay ko dito at same street lang pala tayo” Nakikinig lang ako sa kanya and daldal niya kasi. 

“So, tara na malalate na tayo” 

 

Pagkarating namin sa school pinagtitinginan kami. Anong meron pangit ba ako ngayon. Tinignan ko rin si Jervie up and down, there’s nothing wrong. Ano problema nila mga psychos. Murmur along the corridor, nakakarindi sa teynga. Nasa hallway na kami ng 4th floor.

 

“Wait lang, mauna ka na sa room” Nagnod lang ako. Pumasok siya sa room ng 4A, ano naman kaya gagawin niya doon.

“Merphyl good morning!” Bigla niya akong niyakap.

“Casee, kakarating mo lang” She nodded.

“Ano ginagawa mo pala dito sa tapat ng room namin?”

“Kasabay ko kasi kanina si Jervie tapos pumasok siya sa room niyo”

“Room namin?” Tinuro niya yung sarili niya . Tumango lang ako.

“Wait lang sisilipin ko kung anong ginagawa niya sa room namin” Lumapit siya sa pintuan ng room nila tapos sumilip. Tumingin ulit sa akin si Casee at tinawag niya ako pero hand gesture lang. Nang makalapit na ako pinasilip niya sa akin yung loob ng room nila.

“Magkakilala sila?” Nagkatinginan kami ni Casee pero bumalik din agad yung tingin namin sa kanila. Nakaupo sa table as in table hindi chair si Jervie tapos nakaharap siya kay Lance. Nag-uusap silang dalawa. Magkakilala ba talaga sila?. Biglang nagring yung bell kaya tumakbo na agad ako papasok ng room.

 

Sino? anong name ng magiging math tutor ko. Bakit pa kasi naisip ni mama yun for 3 yrs of my studies alam niya naman na may pagkashonga ako sa math bakit ngayon niya lang naisip, To be honest ayaw kong magkaroon ng tutor that is younger than me or kasame age ko. Palabas na akong ng room, puro lessons lang ang ginawa namin.

 

“Ok ka lang?” Naramdaman kong may umakbay sa akin kaya napatingin agad ako kung sino yun.

“O-ok lang” Tapos tinanggal ko yung pagkakaakbay niya sa akin. Pero ngayon pumunta naman siya sa harapan ko medyo yumuko siya kasi maliit ako.

“If you have a problem andito lang ako” He smiled then he pat may head.

“Sige mauna na ako” Pinagmasdan ko lang siyang umalis at pumasok ulit siya sa room ng 4A kung saan yun yung room nila Lance. Murmur, napatingin agad ako sa likod ko. I’m sure ako nanaman yung topic nila.

 

“Merphyl!!” Napansin kong kumakaway si Casee tapos palapit siya sa akin. Bigla niyang hinawakan yung kamay ko at hinila.

“Hoy saan tayo pupunta?”

“Ssh, wag kang maingay!” Napadpad kami sa likod ng school.

“Anong sinisilip mo dyan?” May sinisilip siya sa bintana. Curious ako so I also check it. >_> Gym yung nasa loob may mga nagprapractice ng basketball. =__=

“Ito ba pinunta natin dito?” Tumingin siya sa akin at nagsmile.

“Hindi kasi pwedeng pumasok at manuod sa loob, so mag-aala-spy tayo” Bumalik ulit yung tingin niya sa bintana ng gym.

“Ang pogi niya, nosebleed!!” =__= Pinapanood namin yung mga nagprapractice. Tama kayo ng iniisip player si Lance ng basketball.

“Sorry late ako” May pumasok na lalake sa gym at mukhang pagod na pagod. Napayuko  yung lalake tapos napahawak pa siya sa tuhod niya habang yung isang kamay nakahawak sa dib dib niya.

“Si Jervie yun ah!” Napatingin ako kay Casee pero bumalik din agad yung tingin ko dun sa lalakeng nasa gym. ^__^ siya nga, ngayon ko lang narealize na siya pala yun ,naka jersey shorts siya. Biglang siyang naghubad ng pang-itaas O__O abs!!! nakakita ako ng abs!!. Syeeeet, dudugo ilong ko nito ng wala sa oras. Nagpalit siya ng jersey na shirt, dapat kasi nagcomplete jersey uniform nalang siya para hindi ko makita yung nakakaseduce na abs niya.

 

Nanuod lang kami ng practice nila. Para kaming tuko na sumisilip sa bintana buti nalang hindi nila kami nakikita.

 

“Sige, time out muna” Sigaw ng coach nila. O___O palapit dito si Jervie pero wait habang naglalakad siya hinuhubad niya yung pang-itaas niya and then sinampay niya sa balikat niya. Kita ko nanaman yung mapang-akit niyang abs!!. Bigla akong hinila ni Casee pababa para yumuko. Naramdaman namin na may nag-open ng bintana. Tumingala ako para masilip kong sino yun. O=O dumungaw siya sa bintana, si Jervie. Pagtumingin siya sa baba siguradong kita niya kami.

“Good game” O__O Boses yun ni--- Tumingala ulit ako, sabi ko na nga ba eh si Lance yung nagsalita. Wait topless din siya. Kawawa yung mata ko, ano ba naman to wag nga nilang ipublic display yung topless nilang katawan. Pigil na pigil ako sa pagsasalita baka kasi makita nila kami.

 

***teeek***

 

May nahulog sa harapan namin. Ano yun? Sabay kaming napatingin ni Casee kung ano yung nahulog. Eyeglasses!! kay Lance to for sure, pag nalaman niyang nahulog yung glasses niya sigurado akong mapapaaga kamatayan namin ni Casee.

 

“Ano hinahanap mo?” Boses yun ni Jervie. Ito na finger cross.

“Yung glasses ko, saan ko ba nilagay” O__O Hinahanap na ni Lance. Utang na loob wag kayo titingin sa baba.

“Baka nahulog” O , O   O!O

T__T

Nakita kami ni Jervie, bigla kasi siyang tumingin sa baba. Patay!! Anak ng patola hindi pa ako nakagawa ng last will testament.

 

“Baka nasa bag mo” Naramdaman kong umalis silang dalawa. Jervie you’re my hero, pag nakita kami ni Lance siguradong pinaglalamayan niyo na kami ngayon.

“Psst!!” Tumingala ulit ako. Si Jervie.

“Akin na!!” He stretch his hand tapos nakaopen yung palad niya na parang may hinihingi.

“Huh?!”

“Yung glasses” Ay oo nga pala. Nataranta akong inabot ko sa kanya. Phew muntik na yun, napahawak lang ako sa ulo ko.

“Tara na!!” Bigla akong hinila ni Casee. Kasalanan niya kasi to, wew nakakita ako ng dalawang nakatopless on the same day.

 

I will never stalk someone especially Jervie. That abs +__+ waAaH dazzling. Ang landi ko.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
minchanhun #1
Chapter 4: emeygedd UPDATE NA POOOO asfdgbssmiwhxuwhzsus