Chapter 1: School president

He's My Tutor

Chapter 1: School president

 

*****Tik Tok****

 

“Hoy, Merphyl wala ka bang balak pumasok?” Mas nilakasan niya yung pagkakatok sa pintuan ko. Halos magiba na dahil sa ginagawa niya.

“Uugh!!!Wait just give me 5 minutes, please inaantok pa ako” Tumalikod ako sa bed tapos tinakpan ko ng unan yung ulo ko para hindi ko siya marinig.

“Hoy!!!” naramdaman kong pumasok siya ng room ko.

 

Lately I've been thinking about what I can do
I've been stressing to fall back in love with you
I'm so sorry that I couldn't follow through
But I can't go on this way.

 

Mas nilakasan pa niya yung volume ng c.p niya tapos tinapat niya  sa ears ko. Nang dahil sa ginawa niya nagpaikot-ikot ako sa kama habang tinatakpan ko yung teynga ko.

 

“Ito na babangon na” Poor eardrums. Kung niyugyog nalang sana niya ako keysa mabingi sa music.

“Sabi mo I will wake up you ng maaga para ikaw maunang makakuha ng grades mo and then tatamad tamad ka” Bumangon ako pero half sleep parin.

“Anong oras na ba?” Still my eyes are not open.

“Wag ka nang magtanong. Tumayo ka na dyan” Inalalayan niya akong tumayo pero binitawan niya rin ako agad. Papunta ako ng c.r ng pagewang gewang, guys take note hindi ako lasing hah tinatamad lang talaga akong bumangon.

 

Pagkatapos kong makapag-ayos ng sarili ko hinatak agad ako palabas ni Casee.

 

“Hey!! Wait” bigla kong tinanggal ang kamay niya.

“Ano?”

“Bakit mo ako kinakaladkad?” She rolled her eyes.

“We’re late alam mo ba yun so bilisan mo” Bigla niya ulit akong hinila. Hindi pa ako nakapagmirror kaya hindi ko alam kung anong itsura ko. Baka mamaya nagmumukha na akong sabog o gurang dito.

 

Papasok na kami ng school gate.

 

“Wait mauna ka na”

“Ok then maiwan na kita. I will go first” She left me. Susunod nalang ako sa kanya mamaya. Tingin sa right, tingin sa left kainis walang bang mirror dito. Napadpad ako sa parking lot ng school, wow may black Ford car kanino kaya to? Uugh never mind. Nilapitan ko yung sasakyan at nanalamin ako sa salamin ng driver side. Smile dito, smile doon, suklay dito , suklay doon.

 

O_O Nagulat ako dahil biglang gumalaw pababa yung mirror. T__T  “Anong ginagawa mo?” napanganga lang ako. Kay Lance itong sasakyan. Crap, nakakahiya. “Ah-eh, bye bye” para akong flash na nagdisappear.

 

I cannot move on, nakakahiya. It’s embarrassing si Lance pa yung nakakita imagine para akong weirdo na smile ng smile sa salamin ng sasakyan niya. Hinanap ko si Casee at nasa receiving ng grades na siya kaya sumingit muna ako.

 

Nang marecieve ko na yung grades ko para akong nabagsakan. T__T kanina ko pa to tinititigan at gaya nga ng inaasahan,yung grade ko sa math hindi naman sa bagsak kaso panira. Hindi naman ako bobo siguro sa math lang and I admit it. 

 

Maybe at this time kung hindi lang talaga panira yang subject na yan I can have the chance to receive some honors.

 

“Let me see your grades” Bigla niyang siniksik yung ulo niya sa tabi ko para lang masilip yung grades ko.

“Ok lang yan” May gana pa siyang ngitian ako.

“Hindi to ok lagi nalang ganto. Is this my birthday gift?” beep***** Tinignan ko yung phone ko kung sino yung tumatawag.

“Wait lang tumatawag si mama. Patay!” Ano sasabihin ko?

“Sige just answer it” Bigla siyang tumalikod sa akin at naglaro ng games sa phone niya.

“Hello Ma”

“Musta?”

“Ok naman po” Nasa Davao kasi yung parents ko and mag-isa lang akong nandito.

“How was your grades?” Natahimik ako ng ilang minutes. I cannot answer my mom, please can someone help me. I blink my eyes several times pero kahit anong gawin ko hindi nagchachange yung grades ko.

“Hello you’re still there?OK you don’t need to tell me, I think alam ko na”

“Sorry I can’t really make it”

“Ok lang yan by the way this Friday uuwi kami dyan ng papa mo”

“Hindi po kayo pwedeng umuwi unless you don’t have gift” Narinig ko si mama na tumawa sa kabilang line.

“Ok then sige bye bye” She hang up the phone.

“Merphyl anong sabi ng mom mo? Pinagalitan ka ba niya?” Still playing games habang kinakausap ako.

“Hindi naman” 

 

By the way Merphyl S. Ramirez, save it that’s my name. 15 years old and I will turn 16 this coming Friday (August 15). Pano ko ba to i-start? Well 4th year student ako ngayon. Baka ang marerecieve ko lang dito sa school is Loyalty award. Dito na ako nagstudy simula 1st year. Malayo ako sa parents ko and mag-isa lang ako sa boarding house. Gusto ko talagang matry ang maging independent.

 

Nasa canteen kami ngayon ng school kasama ko si Casee. She was my friend since 1st year, gaya ko nagboboard din siya. Halos magkalapit lang yung boarding house namin kaya lagi kaming magkasama. 

 

“Oy Merphyl” Siniko niya ako.

“Bakit?” Nagchange yung expression niya na parang nagmamakaawa.

“Samahan mo naman ako” Tapos yung two hands niya magkadikit yung parang nagprapray.

“Saan?” 

“Sa program gusto kong manuod”

“Si Lance lang naman ang gusto mong makita. Sige na nga” Bigla niya akong niyakap.

"Tara na" Hinila niya ako palabas.

 

Pagkarating namin dun nagstart na yung program. His Lance A. Greyson yung nasa stage siya yung nakakita sa akin sa parking lot ng school. He was our school president and crush siya ni Casee not only Casee marami ring nagkakagusto dyan. He was a perfect ideal guy; he has the brain, face, height, in other words he was almost a package. Why almost lang? hindi ko kasi alam kung ano yung ugali niya. I never have an interest on him. Tama na nga I keep on describing him. Sino ba siya sa buhay ko?

 

Dumaan kami sa gilid para makahanap ng upuan.

 

“Bakit tayo pinagtitinginan?” Tanong ni Casee sa akin. Napatingin din ako sa stage nakatingin rin sa amin si Lance. Hindi ko alam ano bang meron at bakit sila nakatingin sa amin? Suminyas si Lance sa stage kaya napatingin lang ako sa tinuturo niya.

“Yung saksakan natanggal” Patay ako nakatanggal. Kaya pala sila nakatingin sa amin kasi hindi gumana yung mike at natanggal ko yung saksakan. Bumaba ng stage si Lance at naglakad papalapit sa amin. Nagstop siya sa harapan ko.

“Watch your step” Ewan ko, feel ko napahiya ako. Naglakad na ulit siya at inayos niya yung chord ng saksakan. Humarap ako sa kanya.

“Sorry” Hindi niya ako pinansin. Busy parin siya sa pag-aayos. Hinintay ko siyang matapos pero instead na harapin niya ako hindi niya ako pinansin basta dinaanan niya lang ako. It’s not my intention to ruin this program. Ako na si tanga hindi kasi tinitignan yung dinadaanan niya.

“Merphyl ok ka lang?” Tumingin ako kay Casee. Tinitignan niya ako habang kumakain ng v-cut. 

“Nakakahiya” Bigla siyang lumapit sa akin sabay subo ng v-cut.

“Ok lang yun buti ka pa nga nakausap mo si Lance” Bigla ko siyang binatukan.

“Mabuti ba yun sa tingin mo?!! I hate that guy” 

 

Pinatapos namin yung program and now nasa harap ako ng corridor ng room namin. Busy akong kumakain ng candy. Napansin kong papunta siya dito. Tumalikod ako para hindi niya ako mapansin at hinintay ko lang siyang makadaan. Nung nakadaan na siya humarap ulit ako. 

 

Mamaya-maya pa ay lumapit sa akin si Lance and he pick something on the floor. Then he shows me a wrapper of candy.

 

“Sayo ba to?” Nilapit niya sa face ko yung candy wrapper.

“Hindi” bigla niya akong tinignan ng masama. Even though his wearing glasses gwapo parin siya. Wait did I  say gwapo. Uurgh T_T

“Open your mouth” Instead of doing what he have said. Tinakpan ko yung mouth ko with my two hands. He pouted. Kinuha niya yung isang kamay ko tapos plinace niya dun yung candy wrapper. Ang sarap ibato.

“Don’t try to throw it” Kainis! na sense niya yatang ibabato ko sa kanya. This crap sana matisud ka.

 

He makes my day miserable. Curse this day puro kamalasan.

 

“Sorry ngayon lang ako dumating” Habang humihingal.

“Ok lang yun”

“Oh ano tara na” Inakbayan ako ni Casee tapos nagstart na kami sa paglalakad.

 

Sa wakas makakauwi narin. I hate this day. Please malapit na yung birthday ko can you give me something that will make me happy.


                                                                                     

  Park Chorong as Merphyl S. Ramirez                                      Park Sunyoung as Casee J. Jarviz

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
minchanhun #1
Chapter 4: emeygedd UPDATE NA POOOO asfdgbssmiwhxuwhzsus