Chapter 2: New student

He's My Tutor

Chapter 2: New student

                                                                 

      Kim Jaejoong as Lance A. Greyson                       Wu Fan (Kris) as Jervie E. Lawrience

 

Late na ako, kainis. Palabas na ako ng room ko  at wala na akong time para magbreakfast. Kinuha ko yung bread na nasa table then kinagat ko tapos umupo muna ako sa couch  para isuot yung socks ko but still kagat kagat yung bread. Runner ako kaya may chance na hindi ako malalate.

 

“Sorry” Medyo masakit yung tumama sa akin.

“Ok lang yun” Kainis nakabangga pa ako. Palayo na sana ako ng marinig ko yung boses nung lalakeng nabangga ko kaya nilapitan ko ulit siya.

“Excuse me, can I ask you something?” I nodded. He was tall and he has the feature of being a model.  May hawak hawak siyang bags. Ngayon ko lang siya nakita dito sa street namin.

“Tama ba tong napuntahan ko?” Pinakita niya sa akin yung paper na hawak hawak niya.

“Oo, ito yun” Nagsigh siya. But still I cannot get my eyes on him, tinititigan ko lang siya habang kinakausap ako.

“Good, akala ko nawawala na ako” Nagsmile siya yung tipong  makalaglag underwear. 

“By the way thank you” Bigla niya akong nilapitan tapos pinat niya yung head ko.

“Nice meeting you, sige mauna na ako” Nagsmile siya. Nakatulala lang ako habang pinagmamasdan siyang umalis. Anong name niya? Gusto ko siyang makilala. Haliparot!!! Ang landi ko.

 

Ito na siguro yung great gift ko. I really want to know his name. Haliparot!!. This is not the right time para pairalin kalandian ko, malalate na ako. Speed ability increase, run!!!!! takbo!!!!! I know hindi ako malalate.

 

Hingal na hingal ako pagkarating ng school. Napatingin ako sa relo ko 5 minutes left, bad trip sa 4th floor pa classroom ko. Tumakbo ulit ako papasok ng school building, sana wala pa si ma’am sa room.

 

1st floor…

2nd floor..

3rd floor..

 

Isang floor nalang kaya mas binilisan ko pa yung pagtakbo ko. Wait madadaanan ko si Lance papasok narin siya ng classroom niya 3 rooms lang kasi ang pagitan ng classroom namin.

 

“Lance!!!!” Tinawag ko siya tapos lumingon naman siya.

“Bleh!!!” Bigla akong tumakbo ng mabilis. Nalagpasan ko na siya but still with my tongue out. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa yun, naiinis lang kasi ako sa pagmumukha niya.

“Ms. Ramirez!!!” 

“Ms. Ramirez!!!”

“Ms. RAMIREZ!!!!” Napalingon ako sa likod. Patay yung teacher ko. Tinawag niya ako but through hand gesture.

“Ms. Ramirez kanina pa kita tinatawag, why you cannot hear me?” Yumuko lang ako. Ito nanaman papagalitan nanaman ako ni ma’am. Napasilip ako sa room ng 4A andun pa siya. Nasasaksihan niya yung ginagawa ni ma’am ng pangsesermon.

“Why are you running here at the corridor? Hindi mo ba nababasa yang mga signs” Habang tinuturo ni ma’am yung signs na nakadikit sa wall na No running along the corridor. By the way pala siya yung teacher ko ng math si ma’am Constantino the monster. Na akala mo kung kumakain ng tao.

“Ano nanaman yang excuse mo?” Hindi ako umiimik pinapabayaan ko lang siyang sermonan ako.

“Ok, Ms. Ramirez pumasok ka na ng room dahil magclaclass na tayo” Una akong pumasok ng room kasunod ko lang si ma’am. Uupo na sana ako ng may napansin ako, may bagong mukha akong nakikita, nakaupo siya sa gilid tapos nakatitig lang sa labas.

“Ok class umupo na kayong lahat, we will start our lesson” Nagsilabasan ng notes yung ibang classmate ko.

“Ma’am” Napatingin kaming lahat sa nagraise ng kamay.

“Ano yun?” Tanong ni ma’am sa student habang nakataas ang kilay. Ilang taon na kaya si ma’am para kasing nagmemenopause.

“Sino po siya? New student?” Tinuro niya yung lalakeng nasa gilid. Kilala ko siya, alam ko nakita ko na siya.

“Ah oo nga, wait siya siguro yung new student” Biglang nilapitan ni ma’am yung lalake sa table niya “Tama ba ako?” nagnod lang yung lalake.

“Oh! What are you waiting for? Magpakilala ka sa harap” Habang tinuturo ni ma’am yung sa harapan. Sumunod naman yung lalake kay ma’am. He looks really familiar. Did we meet already? 

“Jervie E. Lawrence, new student, nice meeting you” Pagkatapos nun bumalik na siya sa upuan niya. 

“Ah! Naalala ko na!!” Tinuro ko siya.

“Ikaw yung nagtanong sa akin kaninang umaga” 

“Ikaw yun?” Tinuro niya rin ako.

“Wait Ms. Ramirez at Mr. Lawrence this is not the right time to talk about something kung gusto niyo lumabas nalang kayo” Tinuro ni ma’am yung door na nakaopen. Nagsitawanan yung classmate ko at ngayon ko lang narealize na nakatayo pala ako.

“Sorry po ma’am” Napatakip lang ako ng mukha at agad ding umupo. Nakakahiya.

 

Natapos yung class na puro ako yung pinagtritripan ni ma’am, lagi niya akong tinatawag para sagutin yung nasa board. Palabas na ako ng room,pigang piga na yung utak ko sa math. 

 

“Psst!” Paglabas ko ng pintuan nakita ko siya na nakasandal sa wall habang yung two hands niya ay nasa pocket niya.

“Saan ka pupunta?” Bakit niya ako tinatanong. Close na ba kami, hindi porket gwapo ka eh close na tayo. 

“Bakit mo ako tinatanong?” Bigla siyang  tumayo ng maayos tapos lumapit siya sa akin habang nakacross arm.

“Kasi ikaw lang kilala ko dito”

“Kilala? You even don’t know my name”

“Name ba sabi mo Ms. Merphyl Ramirez?” 

“Paano mo alam name ko?” Ngumite siya tapos pumunta siya sa likod at may binulong.

“Secret” Humarap agad ako sa kanya tapos lumayo ng unti.

“Secret, in your face!” Sira ulo pala to eh, sayang feel ko pa naman crush ko siya.

“Hahaha!! I’m just teasing you” Natahimik lang ako at hinayaan ko lang siyang tumawa.

“Tell me pano mo nalaman name ko?”

“Kanina kay ma’am, ikaw ba namang favorite ni ma’am na laging tinatawag yang name mo” Nagsmile siya

“Ok, I already answer your question and ngayon sagutin mo yung tanong ko kanina” Ano pa ba magagawa ko. Hindi ko sinagot yung tanong niya.

“You want me to answer your question?” He nodded.

“Sumunod ka sa akin” Nagstart na akong maglakad at sumunod naman siya sa akin. Papunta ako ng canteen naghihintay na dun si Casee. May napansin lang ako pinagtitinginan kami ng mga student.

“Hoy Merphyl sikat ka ba dito?” Nilingon ko siya sa likod.

“Bakit mo natanong?”

“Pinagtitinginan kasi tayo, oh baka may b.f ka at akala nila two timer ka. Kailangan mo pa ba ng unting distance”  Lumayo siya ng unti sa akin. Uurgh, nilapitan ko siya at hinila.

“Ok, first of all hindi ko alam kung bakit tayo pinagtitinginan and pangalawa wala akong b.f” I hope ikaw nalang sana. Ang landi.

 

Dinala ko siya sa canteen. 

 

“Dun tayo” Hinila ko siya papunta sa table kung saan nandun si Casee at hindi naman siya nagreklamo. Pinaupo ko muna siya at pinakilala ko sa isat-isa silang dalawa.

“Jervie” Nakipagkamay naman si Casee.

“Casee” Ang formal naman nilang magpakilala. T__T

 

Nagluch kami sa canteen pero pagkatapos naming maglunch umalis din lang si Jervie. Sabi niya may imemeet siyang friend niya. Nung classtime na hindi siya pumasok, escape siya first day palang niya dito escape agad.

 

“Hoy!!” Bigla akong ginulat ni Casee sa likod habang naglalakad ako sa hallway ng school namin.

“Hindi mo siya kasama?” Tinignan ko siya. Anong kasama, anong pinagsasabi niya.

“Huh?” Kumunot yung noo ko kasi hindi ko siya gets.

“Si Jervie?” 

“Oh ano tungkol sa kanya?” She rolled her eyes, kung hindi ko lang siya kaibigan kanina ko pa dinukot yung mata niya.

“Escape siya at bakit siya yung topic natin? Eh kakakilala palang natin sa kanya” Nagcross arm siya.

“Ow, bakit hindi mo ba siya crush?” Hindi ko alam kung bakit nagblush agad ako nung tinanong yun ni Casee. Ang landi ko naman kasi kung sasabihin kong crush ko siya eh ngayon palang kami nagkakilala.

“Hindi ah, who told you?” Bigla niya pinoint yung pointer finger niya sa mukha ko.

“Ok fine, if nalaman ko crush mo siya humanda ka sa akin” With hand gestures pa na parang susuntukin ka.

 

Nakauwi na ako sa bahay pero may gumugulo parin sa utak ko. Anong ibig sabihin ni Casee, bawal ko bang maging crush si Jervie?. Uurgh, wala akong pakialam.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
minchanhun #1
Chapter 4: emeygedd UPDATE NA POOOO asfdgbssmiwhxuwhzsus