Sasagutin ko ba o hindi?

Pangarap Lang Kita

Hindi ko na sana papansinin pero mas nangibabaw ang konsensya ko. Tumakbo ako papunta sa kotse na yun at tinignan kung kamusta ang driver nito.

Duguan siya at wala nang malay. Unti-unti akong lumapit at unti-unti ko rin nakilala kung sino siya...

 

"MANAGER OPPA!" Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa nakita. Manager ng EXO itong driver at wala na syang malay. Tumingin ako sa orasan ko.. Malapit na magsimula ang concert! Saktong-sakto nang tumawag bigla ang best friend kong si Haneul.

 

"Jin Yi, nasaan ka na? Hindi pa rin nagsisimula yung concert kasi wala pa si Manager Oppa! Dali~ Punta ka na dito~"

 

"Ha--Haneul.. Si Manager Oppa.."

 

"Anong meron? Nakita mo? Sabayan mo na  tehh! Para makapunta ka na dito!"

 

"Si.. Si Manager Oppa... naaksidente..." Halos maiyak na ako habang sinasabi ko ito sa kanya. Pero imbes na magulat siya, natawa pa siya na parang akala mo eh nagloloko ako.

 

"'Wag ka ngang magjoke ng ganyan. Di nakakatuwa." Sabi niya sa akin. Wala na, naiyak na ako nung marinig ko sa kanya yun. Sana nga joke lang 'to, pero hindi eh. Totoong naaksidente si Manager Oppa at nasa harap ko s'ya ngayon.

 

"Hindi ako nagjojoke. Totoong naaksidente siya."

 

"Ewan ko sa'yo. Basta pumunta ka na dito ha." Binaba niya na ang telepono. Hindi pa rin siya naniwala sa akin. Mas lalo akong naluha dahil hindi ko alam ang gagawin ko.

 

Nanginginig ako habang tinitignan si Manager Oppa.. Pagkalipas ng ilang minuto, dumating na ang ambulansya at binuhat na nila si Manager Oppa. Habang nakahiga siya sa stretcher, dahan-dahang dumilat ang mga mata niya. Tumingin ako sa kanya at bigla niyang hinawakan ang braso at kamay ko.

 

"E..EXO.. Concert..." May inabot siya sa akin at hinigpitan niya ang kapit niya sa kamay ko. May gusto pa siyang sabihin pero hindi niya na natuloy ito dahil nawalan na ulit siya ng malay.

 

Gusto ko pumunta sa concert pero paano si Manager Oppa? Iiwan ko na lang dito at pupunta ako sa concert?

Nag-iisip pa ako kung ano ang dapat ko gawin nang biglang tumunog ang cellphone na inabot niya sa akin. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at nagulat ako ng makita ko ang pangalan...

 

O___O

O_____O

O_______O

 

O____________O

 

 

Sasagutin ko ba o hindi?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HaneulJung
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
avisdawn #2
Autor? Alam kong selfish ako....request? Please update mo tong story mo :)
avisdawn #3
Update po kung may time po kayo ^^
yijuuu
#4
Chapter 5: asdjashdfkadjkaksjdfdf. midyu nabitin aku T.T huhubelssss
avisdawn #5
Chapter 4: Yey! Nag-update na si author-nim :)........update pa po para lahat masaya^___^ syempre kung may time ka
kayepop #6
Chapter 4: update update XD grabe swerte ni ate!
avisdawn #7
Chapter 3: Please update ....inaabangan ko talaga to eh
kayepop #8
Chapter 3: ohh my~ kris and suho xD
RiCa1826 #9
Chapter 3: UNNIE ANG KYUT NG BABY. HAHAHAHAH. XDDD
RiCa1826 #10
Chapter 2: SAGUTIN MOOOOO. SI FAFA SUHO YAN ANO BAA. LOL