Expect the unexpected

Pangarap Lang Kita
Nagsimula ang lahat sa isang normal na araw. Araw na nagsisimula sa panonood ng EXO video. Oo, normal na ito sa'yo at sa pamilya mo. Ikaw ay nasa kalagitnaan na ng panonood ng showcase ng EXO ng bigla kang tinawag ng iyong nanay. Ipinause mo muna ang pinapanood mo at lumapit sa kanya.
 
"Anak, ibili mo nga muna ang kapatid mo ng gamot. Malapit nang maubos yung binili natin nung isang linggo e." Inabot niya ang pera sa'yo. Tinignan mo ang pera sa kamay mo at napansin na kulang ito.
 
"Ma, kul..." Natigil ka ng may sinabi ang iyong ina.
 
"Bawasan mo muna yung ipon mong pera para sa concert ng.. sino nga ba yun? AXO?"
 
Napakamot ka ng ulo at nagpout, "EXO po."
 
"Ah ayun! Basta babayaran ko na lang kapag nagpadala na yung tatay mong kuripot. Kung gusto mo, ako na lang bibili ng ticket mo. VIP ba?" Ngumiti siya at niyakap ka.
 
"Hindi nga, Ma?" Nanlaki ang mga mata mo sa narinig mo.
-----------

YOUR POV

Ibibili ako ni Mama ng ticket? At VIP pa? Woooooow! OMGGGG!
 
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko si Mama.
 
"Ma, I love you so much! Thank youuuuuuu!" Halos maiyak na ko sa sobrang tuwa. Niyakap ko siya ng mahigpit at ngumiti.
 
"Basta ipromise mo lang sa akin na matataas ang grades mo at walang mga bagsak, ha? Love you anak!" Niyakap niya din ako ng mahigpit.
 
-----------
 
Hindi ko pa rin talaga makalimutan yung sinabi ni Mama, grabe itong ngiti ko ngayon, abot hanggang EXO Planet.
 
♫ Jukgo, jugigo ssaugo oechigo igeon jeonjaengi aniyaaaaaa
 
Napatigil lahat ng tao sa paligid ko. Ano yun? Phone ko ba yun? O_O
 
Nanlaki mga mata ko at dali-dali kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa.
 
"Hello?" Sinagot ko agad. Sigaw agad ang narinig ko. Tengeneeeeee. Ano meron?
 
"JIN YIIIIIIIIIII! EXOOOOOOOO! CONCERTTTTTTTTT!" Sigaw ng kaibigan kong si Haneul.
 
"ANO?! SAAN? KAILAN?" Napasigaw na rin ako. Wala na akong pakialam sa paligid. EXO na usapan e, wapakels na dapat!
 
"NGAYON! AS IN NGAYON NA! ON THE WAY NA AKO SA VENUE! SURPRISE GUEST DAW KASI SILA SA CONCERT NG SUPER JUNIOR!"
 
"BAKIT HINDI SINABI? BAKIT NGAYON KO LANG NALAMAAAAAN?" Halos mangiyak-ngiyak na ako habang naglalakad.
 
"EWAN KO SA'YO! BASTA KUNG AKO SA'YO, PUPUNTA NA AKO DITO! MAY EXTRA TICKET AKO! BILIS!!!!"
 
"Pinapabili ako ng gamot ni Mama. Bibili muna ako." Sabi ko kay Haneul.
 
"Oh sige, basta pumunta ka dito ah! Chance mo na ito para makita ang labidabs mong si Suho!"
 
Binaba niya na ang telepono...
 
TAKBO JINYI! TAKBO! KAILANGAN MAABUTAN KO ANG SIMULA NG CONCERT!
 
Nakarating na ako sa pharmacy at binili ko kaagad ang gamot ng kapatid ko. Buti na lang at malapit lang itong pharmacy sa bahay kaya pwedeng tumakbo na ako para makaabot pa sa concert ng Super Junior. Baka EXO ang front act e.
 
Tatawid na lang ako at nasa bahay na ako.
 
Habang hinihintay kong magstop ang mga kotse, chineck ko kung tama ba yung binigay na gamot ng pharmacist.
 
"Teka lang. Mali itong binigay nung pharmacist ah! Tsk! Naman oh!"
 
Pabalik na sana ako sa pharmacy pero napatigil ako nang may makita akong kotse na nabangga ng isang 10-wheeler truck.
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HaneulJung
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
avisdawn #2
Autor? Alam kong selfish ako....request? Please update mo tong story mo :)
avisdawn #3
Update po kung may time po kayo ^^
yijuuu
#4
Chapter 5: asdjashdfkadjkaksjdfdf. midyu nabitin aku T.T huhubelssss
avisdawn #5
Chapter 4: Yey! Nag-update na si author-nim :)........update pa po para lahat masaya^___^ syempre kung may time ka
kayepop #6
Chapter 4: update update XD grabe swerte ni ate!
avisdawn #7
Chapter 3: Please update ....inaabangan ko talaga to eh
kayepop #8
Chapter 3: ohh my~ kris and suho xD
RiCa1826 #9
Chapter 3: UNNIE ANG KYUT NG BABY. HAHAHAHAH. XDDD
RiCa1826 #10
Chapter 2: SAGUTIN MOOOOO. SI FAFA SUHO YAN ANO BAA. LOL