HINDI AKO OKAY. OKAY?

Pangarap Lang Kita

Halos manlambot na ang mga tuhod ko nang biglang hawakan ni Suho ang kamay ko. Kagulat-gulat ang kanyang ginawa at halos maihi na rin ako sa kilig. Hinila nya ako papunta sa van nila at sumunod na lang sila Tao at Kris. Hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si Tao. Iyakin talaga siya, noh? Kinocomfort sya ni Kris at nakatitig lang ako sa kanilang dalawa, napansin siguro yun ni Kris kaya tumingin din siya sa akin. Nagkaroon kami ng eye contact at ang puso ko, OMG. Anong nangyari, bakit tumalon?

Iniwas ko na agad ang tingin ko, tumingin na ulit ako sa dinadaanan namin ni Suho. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng van nila...

 

At bumungad sa akin ang mga umiiyak na members ng EXO.

 

"Anong mangyayari na sa atin? Si hyung lang ang kasama natin dito sa lugar na ito. Wala tayong kaalam-alam dito." Mas lalong humagulgol si Sehun. Yakap-yakap siya ni Luhan na umiiyak din.

 

"Guys, this is..." Ipapakilala na sana ako ni Suho sa kanilang lahat pero kahit pala ako, hindi ko pa napapakilala ang sarili ko kay Suho.

 

"Jinyi. I'm Lee Jinyi." Nagbow ako kay Suho, Kris, Tao at sa iba pang members.

 

"Huhu. We are one. We... we are EXO." Kahit umiiyak na sila, nakuha pa rin nilang magpakilala ng ganun. Hahaha! Bakit natatawa ako?

 

"Hello Jinyi. Ako si Suho, leader ng EXO. Okay lang ba na sumama ka muna sa amin? Ikwento mo lahat ng nangyari habang papunta tayo sa ospital." Ngumiti na naman siya sa akin. Huuuu. Tama na Kim Joonmyeon, mamamatay ako ng di oras nang dahil sa iyo e.

 

"S-Sige po." Nagnod ako. Pinapasok niya na ako ng kotse nila. Sa harapan niya ako pinaupo... katabi siya.

 

Umandar na ang van at nagsimula na rin ako magkwento. Simula sa pagkakita ko ng pagkabangga hanggang sa kunin na siya ng ambulansya.

 

"Sa tingin mo, sino ang may kasalanan nung pagkakabangga ni hyung?" Tanong ni Chen sa likod.

 

"Masyado bang mabilis ang takbo ng kotse ni hyung?" Tanong naman ni Luhan.

 

"Hindi ba nakapagpreno yung nakabangga?" Nagtanong na din si Xiumin.

 

Gusto ko sagutin lahat ng tanong nila pero hinawakan ni Suho ang kamay ko at pinisil ito.

 

"Wag mo na muna sila sagutin sa mga tanong nila. Hayaan na lang nating si hyung ang magkwento ng iba pang detalye."

 

Ngumiti na lang ako at ngumiti din siya. Nagngitian kaming dalawa. Hahaha!

 

Nagring bigla ang phone ko at tinignan ko kung sino ang tumatawag.

 

Si Haneul, ang best friend ko.

 

"Hello?"

 

"Jinyi, pauwi na ako. Hindi na lumabas ang EXO sa concert... Hindi na rin nila tinuloy yung buong concert. Imomove na lang daw yung date. Totoo bang naaksidente talaga si Manager Oppa?"

 

"Oo nga, ayaw mo pa maniwala sa akin e."

 

"Eh nasaan ka na ngayon?"

 

"Nandito sa loob ng van ng EXO, hawak ang kamay ni Suho."

 

"Hawak mo kamay ni Suho?"

 

"Oo."

 

"HAWAK MO KAMAY NG BIAS MO?"

 

Napatigil na ako at nanlaki mata ko, hawak pa din ni Suho ang kamay ko AT HINDI LANG YUNG SIMPLENG HAWAK...

 

KUNDI ISANG HAWAK SA KAMAY NA PARANG AYAW NIYA NA AKO PAKAWALAN...

 

 

 

 

 

 

"JINYI, NARIRINIG MO BA SARILI MO? HAWAK MO KAMAY NG BIAS MO. HAWAK MO KAMAY NI SUHO NGAYON. OKAY KA LANG?"

 

"HINDI, HINDI AKO OKAY. OKAY?" Napasigaw na ako. Tumingin lahat ng members sa akin at nabitawan ni Suho ang kamay ko. Hinaplos niya ang likod ko.

 

"Okay ka lang, Jinyi-sshi?" Kalmado niyang tanong.

 

"HINDI AKO OKAY. OKAY?" Pasigaw kong sagot sa tanong nyang napakaobvious naman ng sagot.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HaneulJung
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
avisdawn #2
Autor? Alam kong selfish ako....request? Please update mo tong story mo :)
avisdawn #3
Update po kung may time po kayo ^^
yijuuu
#4
Chapter 5: asdjashdfkadjkaksjdfdf. midyu nabitin aku T.T huhubelssss
avisdawn #5
Chapter 4: Yey! Nag-update na si author-nim :)........update pa po para lahat masaya^___^ syempre kung may time ka
kayepop #6
Chapter 4: update update XD grabe swerte ni ate!
avisdawn #7
Chapter 3: Please update ....inaabangan ko talaga to eh
kayepop #8
Chapter 3: ohh my~ kris and suho xD
RiCa1826 #9
Chapter 3: UNNIE ANG KYUT NG BABY. HAHAHAHAH. XDDD
RiCa1826 #10
Chapter 2: SAGUTIN MOOOOO. SI FAFA SUHO YAN ANO BAA. LOL