Mensahe at aking Kabaliwan 8D

Problems with the Mind + Date + Special Fic

 

Mahal kong Ate Ron,

Kamusta Ate Ron! Maligayang Kaarawan sa iyo! (mas tumanda na naman po kayo, bwahahahahahaha!)
Nais kong hilingin na matupad sana lahat ng iyong mga hiling (wow paulit-ulit? XD) at makamit mo sana lahat ng kagustuhan mo sa buhay~ nais ko po humingi ng tawad dahil di ko alam kung paano ako makakatulong sa inyo kapag kayo ay may pinoproblema o dinadamdam (bukod sa Fighting Ate Ron). Para po tuloy napaka walang kwenta ko. Gusto po talagang tumulong at mapagaan ang inyong kalooban ngunit di ko alam kung anong gagawin at sasabihin para mapagaan ang inyong kalooban. Malaki ang pagpapasalamat ko kay Mom Bianca at nandyan sya para iyong maka-usap. Labis po ang kaligayahan ko na nakilala ko kayo ni Ate Den sa LJ at naging malapit tayo sa isa't-isa dahil parang tunay ko na po kayong mga Ate at kapamilya :) ang cheesy ko po no? Pero yun po talaga ang nararamdaman ko.
Ingat po kayo palagi! Mahal na mahal na mahal ko po kayo! (kahit na ganun ang nangyari sa HSR TT___TT)

Nagmamahal,
Rhen, pero tinatawag pa din nilang Rhenny...
Weird.

PS. Ang cute nyo po :3
PSS. Ang weird po ng fics na sinulat ko, sorry naman po.
At may extra pang mini tagalog fic.

"Mahal mo ba ako?" tanong ni Yesung. Umaagos ang luha sa kanyang mga mata, kasabay ng malakas na buhos ng ulan. Sa harap nya ay si Kyuhyun, ang kanyang sinisinta, na nakatalikod at nasa ilalim ng payong.

"Paano kung sabihin kong hindi?" tinanong pabalik ni Kyuhyun. Kasabay ng mga kataga nya ay ang kulog at kidlat. Hinawakan ni Yesung ang kanyang dibdib, nagbabakasakaling mabawasan ang sakit mula sa sinabi ni Kyuhyun.

"P-Pero," napahikbi si Yesung. Hindi na nya alam kung anong sasabihin nya. Tila dinurog ang puso nya ng pinong-pino. Bakit ba nya inisip na maaaring mahalin din sya ni Kyuhyun Cho kahit na ang mundo nila ay sobrang layo sa isa't-isa? Isang lamang syang pobre, si Yesung Kim ay isang dukha habang ang kanyang minamahal ay isa sa mga pinakamayang tao sa kanilang lugar. Paano magiging posible ang pagmamahalan sa pagitan nila? Lahat lang ba na pinakitang pagmamahal sa kanya ni Kyuhyun ay peke at di totoo? Para lamang sa isang pagpapanggap na kanyang sineryoso?

"Akala ko mahal mo din ako," napangiti si Yesung habang inaalala nya ang ala-ala kasama si Kyuhyun ngunit di pa din tumigil ang pagtulo ng kanyang mga luha. "Yung mga ngiti mo... Yung pag-aalala mo sa akin dahil sa napakalampa ko... Yung mga halik... Akala ko lahat yun tunay."

"Ang bilis mong maniwala," wika ni Kyuhyun habang lumakad sya palapit kay Yesung. Binitawan nya ang payong na pumoprotekta sa kanya mula sa ulan. Pagkatapos ng ilang sigundo ay basang-basa na din ang buong katawan nya. Ilang pang hakbang ay nasa harap na siya ni Yesung. Inangat nya ang kamao nya at napapikit na lamang si Yesung, inaasahan na susuntukin sya ng mas nakababata.

Kaysa sa malakas at masakit na suntok ay naramdaman nya ang kamay ni Kyuhyun sa kanyang pisngi, "Di ko pa din alam kung bakit ba minahal din kita."

Pagdilat ng kanyang mga mata ay nakita nyang nakangiti sa kanya si Kyuhyun, pinupunasan ang ang kanyang basang mata at mukha mula sa luha at ulan kahit na umuulan pa din. "Mahal kita. Mahal kita Yesung. Yan ang sagot ko sa tanong mo."

Hindi mapigilan ni Yesung na mapayakap kay Kyuhyun at tumulo na naman ang mga luha nya.

"Pina-iyak na naman kita?" tukso ni Kyuhyun habang niyakap nya ng mas mahigpit ang nakakatanda. Natawa silang dalawa.

"Tanga. Ang saya-saya ko lang," sagot ni Yesung habang unti-unti nang tumi-tila ang ulan.

"Tingnan mo, tinawag mo na naman akong tanga kahit na napakatalino ko," napangiti si Yesung ng makita nya ang ngiti sa mukha ni Kyuhyun. "Kung masaya ka, dapat di ka umu-iyak, iba dapat ang ginagawa mo."

"Hmm? Sige ano dapat ang gawin ko?"

"Eto," sabi ni Kyuhyun bago nya pagdampiin ang labi nilang dalawa ni Yesung habang may nabubuong bahaghari sa kalangitan.

Wakas~
Shocks... I can't believe I wrote that XD
But hey it's very fluffy (well for the people who actually understood it)!
Lol, di na mauulit.
Happy Birthday again Ate Ron! (I texted, tweeted and called you!!! ahahahaha!)

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TheFanFicHoeX
#1
Chapter 1: Wowowowow.. I love Sublimation!
Hewiuw
#2
I LOVE YOUR KYUSUNG STORIES<3<3<3<3<3<3<3
akirachan
#3
hahaha! loved the whole story lalo na yung last chap. ang cheesy. may rainbow pang naganap sa dulo. :) good job teh! ^.^
Anji_WantsTwiNKies
#4
Aww, this was too cute and I loved the stories, I mean all of them kekek, even though I don't know tagalog, I still bet it was good!!!xD Kekekekekek
angelye
#5
lol!
you're a really good writer so kudos to you. even though the tagalog one was too cheesy for my taste i liked it coz i can just picture kyu acting like that.
~salute~
kyusung fighting!
yuyumunaw #6
Cute T^T so fluffy <3
tifane
#7
Wonderful *o* Awww you really are the best at fluff! <3
I liked it all! Thank you so much for the stories sweety! :)
Yesung and Kyuhyun: the perfect couple! They are so cute, yet adorable and lovable! I love everything about them... ^o^
Thank you so much for writing such a beautiful fictions! :)

KyuSung Forever Fighting! <3<3<3<3<3<3
sachi_kim
#8
aaaaaaaaaaaaaa super cute...
but cliffhanger? T^T
SuperJunior713 #9
Amazing stories! So cute. >.< KyuSung <3~ Your stories are always so good. :)
midnight #10
Cuet Rhen:) You do fluff so well...I am jealous..lol...Great job!