38th Chapter.
Lover?WYNONA.
Andito na kami sa Villa. Infairness, medyo malaki siya. Grabe, extended ang celeb! Pero okay na din. Hindi kasi namin nabanggit 'yung tungkol samin ni Kleir dahil busy mag asikaso ng bisita 'yung dalawa. We plan to do it ngayon dito sa Villa. There are 7 rooms lang. Ewan ko pano ang hatian ng ka-roommate. Sana ang asawa ko nalang! Pero for sure di papayag sila Nads. Di naman kasi namin super close ang friends ni Rylie at now lang din nagka-kilala.
"7 rooms lang tayo guys, by twos ang kwarto. Ako na mag-pair para hindi kayo awkward! Okay lang ba?" Tanong ni Rylie. Umagree naman agad silang lahat. Mas goods 'yun. "Okay.. So.. First. Me and Marga ofcourse! Suntukin ko kayo kapag nagreklamo kayo!" Natatawa lang kami sa kanya. Malamang si Marga katabi niya. HAHAHAHA. "Eto na. Jaz and Alli, Kleir and Yves. Sorry, KC. Bawal ka tumabi sa ate mo. Gusto mo ba si Yves na lang katabi mo?" 'Yung tingin ni Rylie kay KC parang nang-aasar. May something?!??
"Leche ka. Okay lang sakin kahit sino! Kahit si Marga pa 'yan." Kindat pa ni KC kay Marga. Lakas talaga mang-asar neto. HAHAHAHA. Ang asawa ko naman ay nakangiti lang sa kalokohan ng kapatid niya. "Heh! Anyways.. Mia and Maxine. Yas and Clauds. Wyn and Nadia. Si Kleir na lang ang mag solo ng kwarto. Sanay naman 'yan mag-isa!" Sabi ni Rylie. ABA!!?? Inaapi niya ba ang baby ko?!?? "Okay ba?" Nag thumbs up lang kami sakanya. Oks na rin, atleast comfortable kaming makakatulog
Comments