36th Chapter.
Lover?WYNONA.
Kakatapos lang ipakilala ni Rylie itong childhood friends niya daw. Kaberg ang itsura pang Runways. Etong si Maxine ay katabi ko dahil may free seat sa akin. Nagdagdag lang din ng isang upuan pa si Rylie para makaupo itong si Mia. Mia looks young, habang etong si Maxine ay parang ka-age lang namin.
Napapansin kong panay tingin sakin ng asawa ko kaya naman ngumiti lang ako sakanya. "Oh my gosh.. Did she just smiled at me?" Naririnig kong bulong ni Maxine. Huh? Sino ngumiti sakanya? "Uhm.. Do you know if Kleir is single?" Halos pumitik ang leeg ko sa pagkakalingon ko kay Maxine. Is she asking me if single ang ASAWA KO?!? Malamang. Di naman nila alam na asawa ko 'yan eh. :( One of my wife's friends heard it yata dahil napatingin sila sa gawi namin.
"Why don't you ask her yourself, Max?" Parang nang-hahamon na tanong nitong si Jaz kay Max. Tumingin lang ako kay Kleir. She looks serious but still looking at me. "Ay. Did you hear my question kay Wynona ba? Was it too loud? Sorry." She awkwardly smiled at them. "Sakto lang, wala naman masama sa tanong mo. It's fine." Sagot ni Alli. Will she really ask Kleir? But we're strangers lang FOR NOW.. I wonder what she'd say.
Itutuloy na sana ni Maxine ang tanong niya nang biglang tumayo si Kleir. "Uhm, excuse me. Mag-cr lang ako saglit." Silence. Walang sumagot sakanya kaya naman umalis na rin siya agad. Sundan ko ba? "Grabe, ang init. Wala bang aircon dito, Rylie?" Medyo awkward ang paligid. Napansin din siguro ni Nads kaya nag-tanong si bakla.
"Ang arte mo teh, lagi ka ngang nasa bilaran dati eh." Pang-aasar ni Clauds kay Nads. "Ay talaga? Ako rin dati eh, sarap kaya mag-laro sa initan." Biglang sabi ni Mia. HAHAHAHAHAHAHA. Hindi ko alam kung sarcasm ba 'yun or se
Comments