MIX AND MATCH

MIX AND MATCH
Please Subscribe to read the full chapter

pinapatawag ako ngayon sa isang pagpupulong, mayroon daw kasing mahalagang anunsyo ang kaitas-taasan. panigurado magbibigay na siya ng misyon sa bawat isa.





 

ano kaya ang magiging misyon ko? sana naman ay hindi gano'n kahirap ang ibigay sa akin.





 

habang naglalakad ako ay nakasalubong ko ang aking kaibigan na si hyeju, pero ang gamit niyang pangalan kapag nasa lupa siya ay ang kaniyang ingles na pangalan, walang iba kundi olivia.





 

"mukhang magkakaroon ka na ng unang misyon, minjeong." ayan naman ang aking pangalan dito sa langit, sa ngayon ay wala pa akong pangalan na magagamit ko sa lupa.





 

"oo nga, sana nga ay hindi ito mahirap. baguhan palang naman ako rito." tinapik niya lang ang balikat ko, pahiwatig na huwag akong kabahan. nginitian ko lang siya pabalik.





 

hindi ko rin alam kung paano akong napunta rito, ang naaalala ko lang nung nagising ako ay hinahanap ko ang aking ina.





 

ngunit sabi nila, ito ay nasa lupa pa.





 

ibig sabihin ay iniwan ko na pala siya. ang kwento nila sa akin ay nasa sinapupunan pa lang ako ng aking ina ay nawala na ako sa piling niya.





 

hanggang sa lumaki na lang ako dito sa langit. hindi ko rin alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag naging tao ako, ano kaya ang pakiramdam?





 

oo nga pala, si hyeju ay aking matalik na kaibigan. kagaya ko, iniwan na niya ang magulang niya noong bata pa lamang siya. 





 

mayroon pa kaming isang kaibigan at ang pangalan niya ay yunjin, ngunit ang gamit niyang pangalan sa lupa ay jennifer. bagay na bagay sa kanila ang kanilang ingles na pangalan.





 

may kaibigan na nga silang mga tao, at sabi nila ay sobrang bait nila. hindi na tuloy ako makapag-hintay na maipadala ako sa lupa. 





 

magiging mabait kaya sila sa akin?





















 

nakarating na kami sa kwarto kung saan kami magpupulong, medyo nahuli pa nga kami ni hyeju kaya hindi namin naabutan kung anong naging misyon ng iba naming kasama.





 

"nais ko lamang sabihin sa inyo na hindi magiging madali ang mga misyon niyo sa lupa, ngunit alam ko na makakaya niyo itong lahat.



 

ako ang inyong ama na gagabay sa inyong paglalakbay, kaya huwag kayong mabahala dahil kasama niyo ako kung saan man kayo magpunta." 




 

siya nga pala ang tinatawag naming ama, pero ang tawag talaga namin sa kaniya ay 'father god'. hindi pa namin nakikita ang kaniyang mukha pero alam namin na makakaasa kami sa kaniya. 




 

ang tawag ng mga tao sa kaniya ay 'hesus', madalas ay 'lord' o 'panginoon'. kagaya nila, sinasamba rin namin siya. sinusunod ang bawat utos na inaatas niya para sa amin.




 

siya ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, kaya siya ay mapalad at sinasamba.





 

isa-isa na niyang sinabi kung anong mga misyon namin. ang mga anghel ay magiging taga-bantay ng langit at lupa. 





 

ang iba sa kanila ay ipapadala sa ibaba para gabayan ang mga taong naliligaw na ng landas, sila ang magtuturo sa tamang daan.





 

ako naman ay naatasan para paibigin ang mga tao na nababagay sa kanila. ngayon ko lamang narinig ito, at ang tawag sa isang katulad ko ay kupida. 





 

naalala ko, ito nga pala ang trabaho ni hyeju at yunjin. kakayanin ko kaya ito kahit baguhan pa lang ako?





 

wala nga akong alam sa pag-ibig.





 

at sa totoo lang, ayaw kong umibig. alam ko ang pakiramdam ng pagmamahal dahil ipinaparamdam sa amin ni father god ito.





 

pero, ano ba ang pakiramdam kung ikaw ang magmamahal? hindi ko alam.





 

naalala ko ang mga kwento nina hyeju at yunjin noong unang beses silang sumubok na magpaibig. para sa akin, ang pag-ibig ay isang sugal lamang. 




 

na kung saan kapag tumaya ka, maaaring manalo ka o matatalo ka.





 

ang mga taong umiibig ay makakaramdam lang nang panandaliang saya. narinig ko na rin sa aking mga kaibigan na tuwing umiibig ang isang tao ay nasasaktan rin sila.





 

kaya bakit ka pa iibig kung masasaktan ka lang rin naman?



















 

ngayon na ang aking unang araw sa lupa, at ang masasabi ko lang ay sobrang magkaiba talaga ang tahanan ko sa langit kumpara dito sa ibaba. 




 

maraming tao, ang iba sa kanila ay masaya at ang iba naman sa kanila ay may lungkot sa kanilang mga mukha. kaya kong basahin ang kanilang emosyon at ang pintig ng kanilang puso pero hindi ang kanilang isip. 




 

oo nga pala, sabay kaming nagpunta ni hyeju dito. mayroon din kaming isang bahay na maliit na kasya sa aming dalawa.




 

hinahanap namin ngayon si yunjin dahil sabi niya sa amin ay patapos na ang trabaho niya ngayong umaga. paano nga ba kami nag-uusap? ang gamit lamang namin ay ang aming isip. 




 

kung ang mga tao ay gumagamit pa ng mga bagay para lang makausap nila ang kapwa nila tao na nasa malayo, kami naman ay sa isip lamang. kaya rin namin silang kausapin gamit ang aming isipan.




 

mayroon na nga pala akong ingles na pangalan, at ito ay 'winty'. sumang-ayon naman ang lahat na ito na lang ang itawag sa akin dito sa lupa kaya naman wala akong nagawa kundi pumayag na rin. 




 

medyo hindi pa ako sanay na tawagin ang mga kaibigan ko sa kanilang ibang pangalan, pero susubukan ko ito lalo na't kung may kaharap kaming tao na kaibigan nila.




 

pero napag sang-ayunan namin na kapag kami lang ang magkakasama ay tatawagin namin ang isa't-isa sa totoo naming pangalan.




 

"minjeong, anong oras ka magsisimula sa iyong trabaho?" nakatingin sa akin ngayon si hyeju "gusto mo ba na samahan muna kita?" sobrang laking tulong talaga na kasama ko ang isa sa aking mga kaibigan dito sa lupa.




 

"maaari mo ba akong samahan at turuan muna?" hindi ko pa kasi alam kung paano ang gagawin kaya magpapatulong muna ako kay hyeju.




 

"oo naman. kaya ako isinama sa iyong paglalakbay ay dahil para turuan ka rin sa mga hindi mo pa nalalaman." 




 

sinabi niya sa akin kung paano ang gagawin ko. na kapag nakakita na ako ng tao na nababagay sa kanila ay papalakpak ako ng isang beses. hindi kasi kami katulad ng mga kupido na may pana sa kanilang likod at ginagamit nila para mag-paibig. 




 

hindi dapat mag padalos-dalos kapag gagawin namin ang aming trabaho. dapat ay kung pagtatambalin namin sila ay, maaaring magkakilala na sila o nagkita na sa kanilang nakaraan.




 

kahit pa kami ang mga anghel ng pag-ibig, hindi namin trabaho na pagtagpuin ang hindi pa nagkikita. dapat sila ay may koneksyon sa isa't-isa. 




 

sa totoo lang, para sa akin ay komplikado talaga na umibig ka. kasi paano kung hindi kayo ang para sa isa't-isa? sumusunod lang naman kasi kami sa mga gusto nila. 




 

hindi kami ang gagawa ng paraan para magtagal sila, dahil ang mga tao na ang gagawa no'n para sa kanila.




 

pagtatagpuin lamang namin ang kanilang mga puso at sila na ang bahala kung paano nila iibigin ang isa't-isa. 




 

may dalawang tuntunin nga pala ang aming trabaho. una ay, hindi dapat nila makita na kami ang may gawa ng kanilang pagkikita. pangalawa ay, hindi dapat nila malaman na kami ay isang anghel ng pag-ibig.




 

kapag hindi namin ito nasunod ay may parusa. ngunit hindi ko pa alam kung ano iyon, pero sigurado naman ako na magagawa ko ang tuntunin na ibinigay sa amin.





















 

ngayon ay magsisimula na kami sa aming trabaho, kasama ko ngayon si hyeju. nandito kami sa itaas ng isang abandonadong gusali at naghahanap ng tao na aming pagtatagpuin.




 

"tignan mo sa iyong kaliwa." turo sa akin ni hyeju kaya naman tinignan ko ito, at hindi nga ako nagkakamali na siya ang unang taong paiibigin ko, ngunit kanino? 




 

"tumingin ka sa iyong kanan, ayon ang ipagtatagpo mo sa kaniya." sinunod ko muli ang utos niya, kaya naman hindi na ako nag-aksaya ng panahon at ginawa na ang aking trabaho. 





 

isa.




 

dalawa.




 

tatlo. 




 

pagkabilang ko ng tatlo ay pumaklapak na ako ng isang beses at tinignan muli ang aking pinagtagpo. nakita kong nakangiti sila sa isa't-isa na para bang sobrang saya nila na nagkita na sila.




 

ah. ganito pala ang pakiramdam na paibigin sila.




 

"ano ang masasabi mo sa unang taong pinagtagpo mo?" pinaglalaruan niya ngayon ang kaniyang mga kamay. "lalo na't nakita mo silang nakangiti." 




 

magaan ito sa pakiramdam. sobrang gaan at bago lang sa aking damdamin. 




 

"masaya," huminga ako nang malalim. "parang gusto ko ulit-ulitin." tinapik niya muli ang aking balikat, ito ang isang bagay na aming nakasanayang gawin sa isa't-isa. 




 

sino pa kaya ang mga taong gustong umibig at makadama ng pag-ibig?

















 

dumating na ang gabi at napagpasiyahan namin na magpahinga na. oo nga pala, nakita na rin namin si yunjin kanina. medyo naninibago pa nga ako sa kaniyang pananamit dahil ngayon ko na lang siya ulit nakita.





 

kinwento niya sa amin na may kaibigan siyang tao, at ang pangalan nila ay chaewon at kazuha. pareho daw silang may kumplikadong sitwasyon kaya naman sinasamahan niya ang dalawang kaibigan niya. 





 

si hyeju naman ay nakita rin ang kaniyang mga kaibigan na tao, at ang pangalan nila ay jungeun at jinsoul. sila naman ay matagal nang nagmamahalan at may planong magsama sa habang buhay. 





 

ang sabi nila, ang tawag daw doon ay kasal. 





 

ikakasal na sila sa susunod na taon. ipinakilala rin ako ni hyeju sa kanila, hindi nila alam ang aming sikreto. akala nila ay kagaya lang nila kami pero kung malaman kaya nila, ano kaya ang kanilang magiging reaksyon? 





 

ako naman ay wala pang nakikilala. ang totoo nga niyan ay ayaw ko talagang makipag kaibigan, dahil nandito lang naman ako para gawin ang aking misyon.




 

hindi ko nga alam kung gaano ko katagal ito gagawin dahil wala naman sinabi sa akin, pero wala namang kaso sa akin iyon. medyo masaya naman ang magpa ibig.




 

ngayon ay nagkukwentuhan lamang kaming tatlo tungkol sa kanilang karanasan dito sa lupa noong unang beses silang ipinadala rito.




 

ang sabi ni yunjin, nahirapan siyang makibagay sa mga tao dahil kagaya nga ng sabi ko kanina, sobrang bago sa aking pakiramdam na madala ka sa lupa.




 

para bang ipinanganak kang muli sa ibang panahon. 




 

at saka isa pa, iba-iba ang ugali ng mga tao. kaya nauunawaan ko si yunjin na nahirapan siya. 




 

si hyeju naman ay hindi agad nakihalu-bilo sa mga tao, ginawa niya lang ang misyon niya hanggang sa makakilala siya ng dalawang tao na nahirapan talaga siyang pagtagpuin.




 

ayon nga ay ang kaniyang kaibigan na sina jinsoul at jungeun.





 

naitanong ko rin sa kanila kung naranasan na ba nilang umibig, ngunit wala silang maisagot kaya ang naisip ko ay hindi pa sila handa sa ganoong bagay.




 

o kaya naman ay may itinatago lang silang sikreto.




 

"osya, babalik na muna ako sa aking bahay." apat na bahay lang naman ang layo ni yunjin sa amin kaya madali lang na magkita kami ulit.




 

"sige, magpapahinga na rin kami ni hyeju. mukhang kanina pa talaga siya inaantok eh, tignan mo." tinuro ko si hyeju na ngayon ay nakapikit na.




 

baka magtaka pa kayo kung bakit natutulog kami, syempre. hindi naman kami robot, parang tao rin kami na may kapangyarihan. kung ayon nga ba ang tawag sa aming kakayahan.




 

umalis na si yunjin at naiwan na ulit kami ni hyeju na tuluyan nang nakatulog dito sa aming upuan. 




 

hindi ko na muna siya gigisingin kasi alam kong pagod din siya, at ganoon din naman ako. kaya mauuna na lang akong pumasok sa aking silid. 




 

sino naman kaya ang aking pagtatagpuin bukas? 




 

may makikilala rin kaya ako kagaya nila hyeju at yunjin? hindi ko naman hinahangad na magkaroon ako, pero kung pahihintulutan ako ng aming ama. tatanggapin ko na lang ng buong puso.







































 

apat na buwan na simula nang ipadala ako dito sa lupa, ganoon pa rin naman ang buhay ko at wala naman ipinagbago. siguro may isang tao lang na pumukaw ng atensyon ko.




 

nakalimutan ko ang kaniyang ngalan pero alam niyo ba noong binasa ko ang kaniyang damdamin, sobrang bigat nito.




 

parang nanggaling siya sa paulit-ulit na sakit dulot nang pagmamahal.




 

naikwento ko nga ito kay hyeju at ang sabi niya ang tawag daw sa kanila ay 'broken hearted' o 'di kaya naman ay mga taong sawi sa pag-ibig.




 

nais ko sana siyang tulungan kaso wala akong maitambal sa kaniya. sabi nga ni hyeju kaibiganin ko raw pero sabi ko naman na ayaw ko. 




 

ayaw ko makipag-kaibigan. 




 

mas gugustuhin ko na lamang na gawin ang aking misyon kaysa isali ang sarili ko sa buhay ng ibang tao.  




 

oo nga pala, sa loob ng apat na buwan ay naging matagumpay naman ang aking misyon. wala pa naman akong pagkakamali na nagagawa, siguro ay ipinagmamalaki na ako ni father god.




 

ang totoo nga niyan ay gusto ko nang bumalik sa langit, ngunit parang hindi pa maaari. siguro kasi masyado pang maaga? hindi ko rin alam.




 

ngayon ay nandito ako sa isang mataas na puno, nakaupo lamang ako dito at tinitignan ang mga tao. nagpasya ako na panoorin muna sila at pakiramdaman.




 

ang iba sa kanila ay masaya, ang iba naman ay nalulungkot, ang iba naman ay galit. 




 

ang galing nga, ang dami nilang emosyon. samantalang kami ay, isa lamang. ang makiramdam. 




 

hindi ko pa naranasan matuwa nang sobra, may mga pagkakataon na ako ay natutuwa dahil sa isang kwento. pero hindi pa ako dumating sa punto na naiyak ako dahil sa pagtawa. 




 

isa pa 'yan, hindi pa rin ako nakaranas lumuha. 




 

ibig sabihin ay hindi pa ako nasasaktan. ano ba ang pakiramdam? nakikita ko lamang kasi ito ngunit hindi ko nararamdaman. 




 

hindi naman ako perpekto, hindi rin naman ako isang robot ngunit bakit hindi ko alam ang pakiramdam na masaktan? 




 

nagambala naman ako sa aking pag-iisip dahil nakarinig ako ng taong umiiyak. 




 

hinanap ko ito at nakita kong muli ang taong tinutukoy ko kanina. mukhang may mabigat na naman siyang problema. dapat ba ay lapitan ko siya? nang sa gayon ay malaman ko ang kaniyang problema?




 

father god, bigyan mo po ako ng pahiwatig kung dapat ko ba siyang lapitan.




 

naramdaman ko bigla ang paghangin nang malamig sa aking pwesto kaya naman inisip ko na ito ang pahiwatig ni father god.




 

bumaba na ako sa puno at naglakad patungo sa isang babaeng nakaupo ngayon sa isang kahoy na upuan habang siya ay umiiyak.




 

"magandang araw sa'yo." pagbati ko sa kaniya, tumingin naman siya sa akin at natigil ang kaniyang pagluha. 




 

"who are you? why are you here?" ah. ito ang madalas kong marinig sa mga tao, ito ang wikang ingles. subalit hindi ako marunong gumamit nito.




 

naiintindihan ko naman siya pero ako kaya ay maiintindihan niya?





 

"pasensya ka na. hindi ako marunong magsalita ng ingles ngunit kaya kitang intindihin. ako ba ay naiintindihan mo?" nakatingin lamang siya sa akin.




 

mukhang hindi niya ako naiintindihan. 




 

"ako nga pala si winty, at nandito ako dahil napukaw mo ang aking atensyon. nakita kasi kitang lumuluha at naisip ko na baka may problema ka." 




 

ito ang unang beses na nagpakilala ako sa isang tao, hindi ko inaasahan na magagawa ko ito. 




 

narinig ko siyang bumuntong-hininga. 




 

"you look like a good person. i'm sorry if nakita mo pa akong umiiyak," pinaglaruan niya ang kaniyang mga kamay. "i didn't mean to look like i am weak." 




 

"ayos lang. huwag kang humingi nang tawad, wala ka naman kasalanan." inilahad niya naman bigla ang kaniyang kanang kamay. 




 

hahawakan ko rin ba ito? matagal akong nakatitig bago magpasya na abutin din ito. 




 

"there. you finally hold my hand. i'm katrina. it's nice to meet you, winty. ang deep mo mag-talk ng tagalog. i can't understand some of your words." bigla siyang natawa sa sinabi niya.




 

ang totoo nga niyan, hindi ko rin alam ang iba niyang sinasabi pero pinapakiramdaman ko na lamang siya.




 

hindi naman kasi ito tinuturo sa langit, paalala na anghel kami ng pag-ibig at ang tinuturo lamang sa amin ay kung paano magpaibig at magmahal.




 

kahit hindi ko talaga alam kung paano magmahal.




 

nagkwento lamang siya ng mga pangyayari sa kaniyang buhay. nalaman ko na kaya pala siya lumuluha kanina dahil nasaktan siya sa isang tao, iniwan raw kasi siya.




 

sabi niya sa akin pang-apat na beses na siyang nasaktan at naloko ng iba-ibang tao.




 

nagmahal lang naman daw siya pero bakit kailangan siyang saktan nang paulit-ulit? hindi ko nga alam ang aking sasabihin kaya ginawa ko na lang ang isang bagay na ginagawa ni yunjin kapag nalulungkot ang mga kaibigan niya.




 

niyakap ko siya nang mahigpit at sinabing makakaya niya rin itong lagpasan.




 

nagpaalam na siya sa akin at sabi niya ay may trabaho pa siya mamayang hapon kaya naman hinayaan ko na siyang umalis. 




 

sana rin ay nakatulong ako na mawala ang bigat sa kaniyang puso kahit na papaano.



























 

tatlong linggo na simula nung nakausap ko si katrina, hindi niyo naitatanong pero nitong mga nakaraang araw ay palagi kaming nagkikita. 




 

hindi ko alam kung bakit iyon nangyayari pero hinayaan ko na lang.




 

wala namang kaso kung makasama ko siya, mabuti na rin para mawala ang mga iniisip niyang mabigat.




 

naikwento niya nga sa akin na gusto niyang umibig muli pero hindi pa ngayon, gusto niya raw ibigin ang isang tao na para sa kaniya talaga. 'yung nakatadhana raw sa kaniya.




 

hinahanap ko nga ang taong iyon ngunit saang lupalop kaya siya naroon?




 

nakilala ko rin nga pala ang kaniyang ibang mga kaibigan, sobrang bait rin nila. hindi nila hinahayaang mag-isa si katrina, ramdam ko na masaya sila na makitang nakangiti na ulit ang kanilang kaibigan. 




 

ang natatandaan kong pangalan nila ay heejin at hyunjin, medyo nalito pa nga ako sa pangalan nila. 




 

nagulat ako nang marinig ko sa kanila na baka raw isang kupido o kupida ang may gawa ng kanilang pagtatagpo. siguro gawa nga ito ng isa sa mga kaibigan ko. 




 

mayroon pa siyang kaibigan na pangalan ay giselle at ningning, ngunit para raw silang aso't-pusa. hindi ko pa sila nakikita, pero baka magawan ko ng paraan na pagtagpuin ang kanilang mga puso.




 

ngayon ay nandito ako sa isang gusali na may limang palapag. nasa pinakataas ako at naghahanap lang ng tao na aking pagtatagpuin, nang biglang marinig ko ang aking pangalan gamit ang kaniyang isip.




 

hindi ko na kailangan isipin kung sino ang tumatawag sa akin dahil si katrina lang naman ang gumagawa no'n.




 

hindi ko pa nasabi sa inyo, pero may isa kaming kakayahan para makarating agad sa taong naghahanap sa amin. kapag kami ay pumikit at pinakiramdaman kung sino ang nag-iisip o 'di kaya naman ay humahanap sa amin, mapupunta na kami agad malapit sa kanila. 




 

kahit gaano pa sila kalayo sa amin, basta malaman namin kung saan sila naroroon, makakarating kami agad sa kanila.




 

ang tawag sa aming kakayahan ay teleportasyon o teleport raw kung tawagin nila sa ingles. 




 

at ito na nga, limang metro lang ang layo ko sa kaniya. kaya naman lumakad na ako papalapit sa kaniya, hindi niya dapat malaman na sinadya ko siyang hanapin. 




 

nakaupo siya sa labas ng isang malaking tindahan, ito ata ang tinatawag nilang coffee shop sa ingles.




 

mag-isa lamang siya habang iniinom ang kaniyang kape. lumapit na ako sa kaniya at mukhang nagulat pa siya dahil hindi niya inaasahang makikita niya ako.




 

"what the… do you have some sort of magic? i was just thinking of you and now you're in front of me." 




 

natawa siya sa kaniyang sinabi kaya nakitawa na lang rin ako kahit hindi ko siya gaanong naintindihan. 




 

"wala akong mahika, katrina." natawa siya ulit sa sinabi ko, may mali ba akong nasabi? "you really can't speak english 'no?" tinatanong niya kung hindi talaga ako marunong magsalita ng ingles, 'di ba?




 

tumango ako bilang sagot sa kaniya. 




 

"i haven't told you this but, you're cute winty." cute? anong ibig sabihin no'n? "cute? ano ang ibig sabihin no'n?" hindi niya ako sinagot at nginitian lang ako.




 

tatanungin ko na lang mamaya si hyeju tungkol dito.




 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chinisan
hi! this is so rush, i started writing this since 9pm and i just finished it. i hope you like my valentine gift with y'all! happy valentines day, everyone. i hope you enjoyed the day with your friends, fam or love ones. 💙

Comments

You must be logged in to comment
Eybrelros #1
Chapter 1: Ang kyutt🥹
httpdaniyoo #2
Chapter 2: Awe🥺🥺
bltro_
#3
Chapter 1: 💙🤍💙🤍
httpdaniyoo #4
Chapter 1: This story is so cute😭
minminread #5
Chapter 1: cutie 😭😭
Topkangseul
#6
Chapter 1: Kyutieee😭🥹
chippiee
#7
Chapter 1: you're so good at writing 'tor, wishing you a good luck on your ojt 💙
AhnJang_0304
#8
Chapter 1: awww hang kyottt
howdoyouknowmee
545 streak #9
Matic upvoted and aubscribed tayo diyarrn!
justsomeanimelover
#10
Chapter 1: omg seated! I’ll read this later