MIX AND MATCH
Description
MIX AND MATCH
a winrina one-shot au
kung saan si winty ay isang baguhang kupida na ipinadala galing sa itaas para gawin ang kaniyang unang misyon. pero ayon nga ba talaga ang rason kung bakit?
Foreword
hindi alam ni winty kung bakit kailangan na siya pa ang ipadala sa lupa para gawin ang trabaho ng mga kupida at kupido.
unang-una sa lahat, wala siyang ideya tungkol sa pag-ibig kaya bakit siya pa ang naatasan para gawin ito?
para sa kaniya, ang pag-ibig ay isang sugal lamang, na kung tumaya ka ay maaaring manalo ka o matatalo ka.
pero paano kung siya mismo ang makakilala sa isang taong makakapag-pabago sa pananaw niya sa pag-ibig? susugal ba siya, o hahayaan na lang?
"ang trabaho ko ay paibigin ang isang tao na nababagay sa kaniya, pero hindi ka dapat mahulog sa akin."
" i thought you're a cupid? is this the love that i deserve?"
hello hello again! it's me, chi! nandito po ulit ako para sa isa na namang one-shot. it's my third story na po, and honestly i'm having fun na magsulat dito. although this might be the last one (for now) kasi magiging busy na po talaga ako sa ojt next week.
this story is actually in my draft na (sa notes) for a long time, eme. almost one year na. naisip ko 'tong story na 'to for my friend.(kami rin nag-isip ng title, ayan kasi nanalo sa spin the wheel) bday gift sana kaso tinamad ako magsulat, and originally ay soc-med au ito. pero unpublished.
anyway sorry po sa aking tagalog, paki-intindi na lang po ha. and i changed their name a little bit.
as usual, it's just a fanfiction, soooo separate it from reality. enjoy reading pooo!
ps. if ever may nakakaoffend dito, don't hesitate na sabihin sa akin ha? i'm willing to correct my wrongdoings. and also your subscriptions and comments are much appreciated!
Comments