Knight in shining bills

Let it be summer
Please Subscribe to read the full chapter

“Dos, tubig.” Iniabot ni Dos ang tumbler niya at uminom naman dito si Uno.

 

 

Minju “Dos” Kim. Hindi sila magkaano ano ni Uno. They just happened to have met at a park when they were kids. At nang magpakilala sila sa isa't isa, they both used MJ, their former nicknames. At mula noon, Uno at Dos na ang nicknames nila. Madalas kasi kapag tinawag ang isa, lumilingon rin ang isa, which is super hassle para sa kanilang dalawa. They've become the best of friends after that kaya pati si Dos ay itinuring nang apo ni Lola Aurora.

 

 

“Pila na po! Maguumpisa na tayo!” Sigaw ng organizer at tumayo naman na sila.

 

 

“Akin na yung mga gamit mo, ilagay natin sa compartment ng tricycle para wala tayong bitbit.” Mukhang malayo pa naman ang lalakarin nila, marami kasing mga purok ang barangay nila at iikutin nila yun lahat. Marami rin ang mga tao dahil volleyball boys and girls at basketball for boys of different ages ang kasama sa parada, may mga kasama pa silang muse per team kaya talagang marami.

 

 

Nang mailagay na nila at mailock ang compartment ng tricycle ay hawak kamay silang pumila sa Purok Dos. Sila ang nasa unahan dahil si Uno ang napiling team Captain ng volleyball girls. Spin the bottle ang naging salarin kung bakit at paano siya naging captain kahit na libero ang posisyon nito. Habang si Dos naman ay napiling Muse dahil bukod sa maganda siya ay napagtulungan din ito dahil Dos daw ang pangalan niya, siya daw ang dapat magrepresent ng Purok nila.

 

 

Meanwhile.. Isabella and Vivian are now exploring the food stalls.

 

 

“Ate Isa, try mo to!” Binigyan ni Vivian ng isang baso ng kwek kwek ang pinsan na halatang hindi pa nakakatry nito. Naka kunot na naman kasi ang noo nito at parang kinukwestyon ang mga desisyon ni Vivian. Nang mapansin ito ni Vi ay kinuha niya nalang ang kamay ni Isabella para ipahawak ang baso ng kwek kwek.

 

 

“Is this even safe? At bakit siya neon?” Turo ni Isabella dito.

 

 

“Ano ka ba ate, tikman mo na lang kase. Promise masarap yan.” Nagaalangan pa rin si Isabella pero tumuhog na ito ng isang pirasong kwek kwek at kumagat ng kaunti. Unti unti namang lumiwanag ang mukha ni Isabella nang matikman ang kwek kwek na kasalukuyan pa rin nitong nginunguya.

 

 

“So? Masarap diba?” Naka ngiting sabi ni Vi sa pinsan niyang ayaw pa ring aminin na nasasarapan siya sa kinakain.

 

 

“Ito try mo next, ate.” Binigyan naman ni Vi ng isang stick ng isaw si Isabella.

 

 

“No, Vi. I don't eat worms, please..” Lumayo pa ito at talagang umiiwas sa inilalapit na isaw sa kaniya ni Vivian.

 

 

“Hahahaha! Ate anong worms? Intestine yan! Ano ba ansakit mo naman sa tiyan ate Isa!” Naka hawak pa ito sa tiyan niya habang tumatawa.

 

 

“No. Even if that isn't a worm, I still won't eat that.” Naubos na rin niya ang kwek kwek kaya nagtingin tingin na rin siya sa ibang stalls, baka ipilit pa ni Vi ang ‘worms’ kuno sa kaniya.

 

 

Naka sunod lang sa kaniya si Vivian dahil may kinakain pa ito. Nakakita naman ng shawarma stall si Isabella at lumapit dito.

 

 

“Vi, let's try this one.” Turo ni Isabella sa Shawarma. Inabutan lang siya ng pera ni Vivian at sumenyas lang ito na siya na ang umorder dahil kumakain nga naman si Vi at hindi siya makaka order ng maayos.

 

 

“Hi Vi! Ang ganda naman nitong kasama mo. Hi po miss ganda!” Bati ng nagbabantay sa stall ng shawarma.

 

 

“Manahimik ka dyan Cheez.” Pilit na sinabi ni Vivian kay Elizabeth aka Cheez. Kulay blonde kasi ang buhok nito, kulay keso kaya naging Cheez.

 

 

“Oo na! Damot!” Sabi nito at inirapan si Vivian bago bumaling uli kay Isabella at ngumiti.

 

 

“Ano pong shawarma ang gusto mo ate ganda?” Nagbeautiful eyes pa nga ito.

 

 

“Two of the spicy ones please.” Inabot naman ni Isabella ang bayad. May kasama din kasi si Cheez na magprepare ng shawarma, naka assign lang talaga siya sa counter. Mas hygienic rin kasi yun.

 

 

“Rein, bagal naman! Bilis mo, dumadami na customer natin!” Di naman siya sinagot ng kasama at patuloy lang na nagpeprepare.

 

 

“Cute niyo naman, bagay kayo Cheez. Kaso kawawa sayo yang si Rein kaya wag nalang.” Sumama naman ang tingin ni Cheez kay Vivian after siya nitong asarin sa bestfriend niya. BFF lang daw kasi sila, di lang natin sure kung naka premium.

 

 

“Two pieces of Spicy shawarma for ate ganda!” Inabot naman ni Cheez ang naka balot nang shawarma.

 

 

“Una na kami, magingat ka dyan Rein ha?” Tumango lang ito habang si Cheez naman ay nagaangat na ng sleeves na para bang aambahan niya ng suntok si Vivian.

 

 

Bumili pa rin muna sila ng inumin bago pumunta malapit sa entrance, pabalik na rin ang mga galing sa parada at saktong naabutan nila ang Purok Dos na papasok pa lamang. Nakita naman ni Isabella ang nanglibre sa kanya ng sim, hawak ang banner ng kanilang team habang nasa kabilang dulo ng banner naman ang babaeng nakita nitong kasama niya sa tricycle kanina, si Dos.

 

 

Pinagmasdan lang nila ang mga ito, at nang magkalapit si Uno at Isabella ay nagkatinginan sila saglit. Parehong walang emosyon ang mga matang nagbaling sa ibang bagay after magtama ang mga ito. Walang emosyon pero umiiwas? Hmm..

 

 

“Ate Isa, tara na. Doon tayo sa may bleachers banda. Maguumpisa na yung liga.” Hinila na naman siya ni Vi at naka hanap sila ng magandang pwesto. Syempre ay nasa side sila ng Purok Dos, dahil naroon ang mga kapitbahay nila para magcheer sa mga manlalaro.

 

 

Nagtawag na kaagad ang referee ng mga team captain ng bawat grupo para malaman kung aling side ng court sila uukupa at kung sino ang unang magseserve. Volleyball girls ang unang maglalaro kaya naman nakita nilang lumapit si Uno sa referee habang may isang matangkad din na babaeng lumapit. Sila ang unang dalawang grupong maglalaro ngayong gabi.

 

 

“Uy anong ginagawa niyo rito? Paano yung stall niyo sa labas?” Nakita kasi nilang papalapit sa pwesto nila sina Cheez at Rein. May bakante din kasi sa tabi nila.

 

 

“Sinara namin. Andito rin naman lahat ng tao sa loob, edi manonood na lang din kami.” Sabi ni Cheez at umupo sa tabi ni Vivian habang nasa kaliwa naman niya si Rein.

 

 

“Kaya pala walang tao sa labas eh, sila ate Uno at ate Eugene pala agad ang bungad. Talagang papasok ang mga tao niyan, ang popogi ba naman.” Napatingin naman si Isabella sa mga team captain na tinutukoy ni Cheez. And she agrees, ang pogi ni Uno..

 

 

But she frowns when she sees Uno coming back to the benches and taking the seat next to Dos. Hindi na pala siya pogi..

 

 

Nag-umpisa nang tumayo ang mga players. Ang parehong grupo ay nagform muna ng circle para magpaalalahanan at para maboost ang lakas ng loob ng bawat isa. 

 

 

“Let's enjoy the game, team. Let's go!” Sigaw ni Uno sa kaniyang team habang tinatapik tapik ang likod ng bawat isa.

 

 

At nagsisimula na ring maghiyawan ang mga residente ng bawat purok na inirerepresenta ng mga kalahok.

 

 

“Go ate Uno! Igulong mo!” Sigaw ni Cheez na tinawanan naman nila.

 

 

“Hahahahaha! Ano ba namang klaseng cheer yan Cheez?”

 

 

“Bakit? Alangan namang ‘Ihampas mo!’ eh libero nga si ate Uno.” Sabi pa nito. Wala na, lost cause na tong si Cheez.

 

 

“Go ate Eugene!” Narinig naman nilang sigaw ni Rein. Agad na napatingin ang tatlo sa kanya at nagtataka rin naman siyang tumingin pabalik.

 

 

“Uh.. May dumi ba ako sa mukha?”

 

 

“Sumisigaw ka pala Rein? Kaya mo yon?” Naka tanggap naman ng batok si Cheez galing kay Rein.

 

 

“Malamang!”

 

 

Nakapwesto na silang lahat at hinihintay na lamang nilang pumito ang referee. Grupo ni Eugene ang magseserve kaya naman ay alertong naka abang ang team ni Uno, lalo na siya.

 

 

“Uno!” Sigaw ni Asul nang makitang papunta sa pwesto ni Uno ang bola matapos magserve si Eugene. Agad agad namang pumwesto si Uno para saluhin ito.

 

 

“Nice receive!” Sigaw naman ni Sky matapos muling bumalik sa ere ang bola.

 

 

Asul waited and looked at her teammates. She's the setter kaya inaalam niya kung sino ang pagpapasahan ng bola. And there she saw two of their spikers running forward. Sinet ni Asul ang bola kay Harper at.. INSIDE!

 

 

“One point for Purok Dos by number 5 Dahyun Harper Kim!” Sigaw naman ng announcer.

 

 

“Nice one team! Isa pa!” Sigaw ni Luna nang maghuddle sila sa gitna after getting that one point.

 

 

Maxine was now the one who will serve. Pumasok.

 

 

“Autumn!” Eugene looked at their libero and she received it.

 

 

“Sorry!” Sigaw ni Autumn after hindi naipasa sa direksyon na gusto nito.

 

 

Agad namang pumunta si Jennifer para ipasa ang bola kay Eugene para maiset. Hussey and Eugene made brief eye contact and of course they knew what to do. The blockers on Uno's team saw two of the spikers running as well, mirroring their previous attack so Uno gestured their blockers to block one while some played offense at the back. And so, Hussey spiked.

 

 

“One touch!” Sigaw ni Luna after mahawakan ng kaunti ang bola.. but it seemed like its going way out of the cou

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
reesedrax
medjo obob yung otor nito ah so ano, sige ganon nga

Comments

You must be logged in to comment
bigboy123
143 streak #1
Chapter 7: Ay desisyon si ate mo 🤭 tatagan mo nalang siguro, Uno 😂
KhElLy17
#2
Chapter 7: 🤍🤍🤍
ohseobbang #3
Chapter 7: bro 😭😭😭 thankyou sa update.
iamriou_
1169 streak #4
Chapter 7: Uyy!!! May lapag!!! >:D
yujiwinteo
62 streak #5
Chapter 7: Si bella na yung nag decide for them both 😭 strong naman yan sha si uno kaya niya na yan
twentythreeee
#6
Chapter 7: Ty po sa ud! ❤️
triggeredace
#7
salamat sa ayuda po 🥰🥰🥰
kwinminjeong
#8
Chapter 7: totoong may himala 🥲 nag ud ng ang otor ko! ty for the ud! ^•^ please take a rest as much as you want po! wag ipilit kung di kebz otor,, lab u 🫰🏻
EzraSeige
#9
Chapter 7: arigathanks otornim sa pa ayuda ☹️😥😢😭💙❄️