Chapter 2 - Playing with Chances

Jeepney Love Story - A Jobseeker's Journey
Please Subscribe to read the full chapter
  MJ woke up late the next morning. Mukhang pagod talaga siya sa ganap niya kahapon. No’ng pagkauwi niya kasi, nakipaglaro pa siya sa mga pamangkin niya dala nadin ang pagbabantay. Ang kukulit na kasi talaga nila ngayon.   “Tita! Gising na!”   At heto na nga, one of the kids is currently knocking at her door.    “Oh!” Sagot niya sa bata para lang tumigil sa pagkatok. Hindi kasi talaga titigil yun kapag di ka sasagot.   MJ adjusted her eyesight habang inaabot ang phone to check the time.   “8:03, late na nga” sabi niya saka bumangon na. Nag scroll muna siya sa notifications niya before deciding to turn on some music. Typical morning for MJ, listening to music while making her bed and preparing to take a shower. Nag stretch muna siya ng mga ilang minuto.   “Oh? Ano naman kaya kailangan neto?”   MJ was pertaining to an old friend who messaged her all of a sudden. She can’t deny naman na hindi talaga siya mahilig makipag feeling close lalo na to an old friend. Yung akala ng iba, nagbago na siya kasi hindi na siya yung dating MJ na kilala nila which is totoo naman. She matured and her personality changed too pero alam naman niya sa sarili niya na it's her better self.   “Ah, for a reunion? Eh ilang years palang naman ah?” She counted her fingers, almost 10 years.    “10 years na?!” She exclaimed. Nagulat tuloy yung mama niya na dumaan lang naman.   “Ang ano?”   “10 years na halin sang nag high school ko, Ma”   They suddenly converse using their dialect. It's 10 years since she entered high school but hanggang ngayon, wala pa siyang trabaho.   “Nakakahiya naman kung pupunta ako dun tapos wala naman akong maipagmalaki. I'll just embarrass myself. Tapos ano? Out of place ako kasi pag-uusapan nila about their respective work? Nope. Hindi ako a-attend.” She told herself determinedly.    Ilang beses niya na ‘to na play sa utak niya and she doesn't like the ending every time. For her, cutting ties is the best solution.   Upon mentioning work, she immediately checked her emails and found that the company already sent her the result.    “Hi, Ms. Maxi Javelino Villaruel,   At this time, we can let you know that you have been unsuccessful in the role you applied to.   Your qualifications are satisfactory; however, after reviewing all applications, yours was not selected for further consideration.”   Hindi niya na tinapos basahin yung buong nakasulat. Tama nga ang hinala niya, hindi siya matatanggap. Nagpakawala nalang siya ng malalim na buntong hininga and immediately informed her best friend about the news.   Hindi ako natanggap Ning. Aw. U did well🤗 At least may alam ka na about job interviews.   I think, they preferred ung may experience na.🥺   Ok lang yan. Focus ka nalang kaya muna sa CSE?   Mukhang yun na nga talaga ang ganap ko.   Or, pwede naman kitang refer dito sa work ko. Di ko alam bat ayaw mo eh.   Pag-iisipan ko.   After that, nagpaalam na si Ning dahil may trabaho pa siya. Iniisip din ni MJ ang offer ng kaibigan. Parang hindi kasi gusto ni MJ na may kakilala na siya sa workplace niya. Alam naman niya, other’s may prefer yung ganon pero kasi parang ayaw niya maging responsibilidad sa iba. Yung kapag may ginawa siyang mali, baka sisihin yung kakilala niya.    Or, it’s just MJ justifying her reasons again but the truth is, hindi talaga siya confident sa sarili niya.   Time passed by at wala namang ibang ginawa si MJ kundi mag-cellphone o magbantay sa mga pamangkin niya.   MJ’s casually scrolling through her phone nang nag-play ang Jeepney Love Story ni Yeng Constantino. Her ears perked up as her lips automatically tugged upwards.   Muntik niya nang makalimutan si LJ at napasapo nalang siya sa noo niya dahil dun. How could she forget someone that beautiful?    Dali-dali siyang lumabas ng bahay at naglakad papuntang kabila. (Dalawa kasi bahay nila, nasa kabila yung kwarto niya) She looked for the jacket na pinahiram ni LJ sa kanya at inamoy yun.   “Ang bango talaga.” She thought while still sniffing the article until natigilan na lang siya nang ma-realize niya ang ginagawa niya.   Blush evident on her cheeks, she cursed herself for acting like that.   “Bading, bakla, bakla, bading.” MJ kept saying this to herself as if it would stop her from smelling the jacket. But who is she kidding, bading talaga siya lalo na sa mga mababango at magaganda.   “Paano kaya kita maibabalik? Hindi ko nakuha kahit name ni ate girl LJ eh. Kung pwede nga sana akin ka na lang eh. Pati sana yung may ari. Jonks.” She’s talking to herself, thinking of ways kung paano niya ba maibabalik yung jacket. “Bahala na, kung meant to be na magkita kami, edi yun.”   A phone ringing was heard na nagpatigil sa pag-iisip ni MJ. May tumatawag sa messenger niya, mukhang emergency din.   Or, not.   Nag-aya lang naman kasi si Ning gumala after ng shift niya. Parang di niya din alintana na malayo yung bahay ni MJ. Hindi naman makahindi ang isa kasi ilang beses na din naman niyang na-cancel ang mga lakad nila.
  “Ma, aalis ako. Kasama ko si Ning.” Bago paman mag–protesta ang ina, sinabi na niya kung sino ang kasama which is ang very trusted best friend lang naman niya kaya tumango na lang ang kanyang ina.   Bumyahe na siya
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
laloyal
Hiii! (⁠~⁠‾⁠▿⁠‾⁠)⁠~

Comments

You must be logged in to comment
stillintoyu
200 streak #1
Chapter 5: halaaa nakakalungkot naman po.. but thank you for giving us this fic.
howdoyouknowmee
549 streak #2
🥲😭
catarinabluu #3
Chapter 5: thank you, dearest author!
jmjenjoyer
#4
Chapter 4: waiting na po sa next chap
stillintoyu
200 streak #5
Chapter 4: mj is weirdly cute 😭
master_siomai #6
Chapter 4: Thanks sa update 😅
shajanie
11 streak #7
Chapter 3: Wow! Nice story… excited na ako sa next chapter..
master_siomai #8
Chapter 3: Ganda 😅
stillintoyu
200 streak #9
seated ho 🤩
ryujinie__
703 streak #10
#seated