Chapter 4 - Fated

Jeepney Love Story - A Jobseeker's Journey
Please Subscribe to read the full chapter

MJ got accepted into Ning's company. When she informed Ning about it, alam na pala ng kaibigan kaya pala nilibre siya nito nong gumala ulit sila. 

 

Ning's delighted more than anyone else. She wanted to help her bestfriend so bad, hindi lang para magkatrabaho ito pati na rin sa buhay nito. Pakiramdam niya kasi, purpose in life niya ay ang tulungan si MJ.

 

Of course, MJ’s grateful to Ning. Hindi niya din kasi alam kung ano na lang ang nangyari sa kanya without her bestfriend's help. Even in college, Ning never left her side. There were times na MJ was at fault, although Ning scolded her she never tried to let MJ handle it all alone.

 

MJ spent her days processing her requirements before she can officially start as a trainee. Ning kept on pestering her too, bilisan niya na daw as she can't wait to see MJ in their company. As if MJ can expedite her requirements that easily, especially the ones that she needs to transact with government agencies. Scheduled din naman ang start ng training niya kaya hindi niya din maintindihan ang kaibigan.

 

After a week, MJ officially starts her training. Ning offered na sunduin siya but MJ declined, gusto niya daw mag-commute para malaman niya din kung gaano katagal ang byahe papuntang trabaho. MJ felt proud, may trabaho nadin siya sa wakas. 

 

Umabot ng halos isang oras ang byahe niya, considering na medyo maluwag pa ang daan dahil maaga siyang umalis ng bahay. If MJ would leave their house at 6:30, makakarating siya ng 7:30. Okay nadin yun para sa kanya since kailangan lagyan ng allowance lagi para hindi siya ma late sa 8am shift.

 

“Maxipeel!” Sigaw ng kung sino ng nakapasok na si MJ sa kompanya. 

 

“Oi MJ! Si Yunjin to!” Napaisip si MJ kung siya ba yung tinatawag ni Yunjin na Maxipeel.

 

“Ikaw ba tumawag sakin ng Maxipeel?”

 

“Ah, oo. Nickname mo na yun sakin.” Sa lahat ng pwedeng nickname, yun pa talaga ang naisip niya. Napabilib talaga si MJ sa utak ng taong to.

 

“Close ba tayo? Desisyon ka sa nickname ko ah?” Panunumbat ni MJ sa kanya. Ang pangit naman kasi ng nickname na yun. Ginawa ba naman siyang skin care product. Mukhang maii-stress na naman si MJ nito, ang gulo-gulo kasi talaga ni Yunjin. Hindi niya din alam bakit siya nakipag kaibigan dito.

 

“Wala ka ng no choice. Tara na, naghihintay na yung kambal mo.” Sabay hila kay MJ sa training room nila. 

 

“May kambal ako? Bat di ko alam?”

 

“Magkahulma kasi kayo.” Si Chaewon ang tinutukoy ni Yunjin na kambal ni MJ. Magkahulma nga kasi sila ng mukha kaya parang pinagbiyak ang mga ito.

 

“Ewan ko sayo teh.”

As they entered the room, marami-rami na din ang nandoon. MJ counted, siyam sila and it's 8:06 already. Wala naman na sigurong dadagdag pa.

 

To confirm her hunch, a woman appeared entering the room. Naka simple white collared long sleeves lang ito partnered with a khaki pants but you can feel the aura of confidence. The instructor situated herself sa gitnang harapan ng mga trainees. 

 

“Hello everyone. Wow, it's really a pleasure to meet you gorgeous and handsome people. I think, maraming ga-ganahan magtrabaho kung ganito ka ganda at kagwapo ang mga employees natin.” Pagbibiro ng instructor nila habang malawak na ngumingiti. MJ thought it's part of the instructor’s way of being friendly. Magaan naman ang loob ni MJ sa babae kaya hindi siya mahihirapan sa training na ito. 

 

“Okay, before anything else I'll introduce myself first.” The instructor cleared . “My name is Aseul Gimlee Trinidad. You can call me Ms. Seulgi or Seulgi sunbaenim.” Ms. Seulgi laugh at her own joke at sumunod naman ang tatlong magkakaibigan, Yunjin being the loudest of course.

 

“Seulgi sunbaenim! Annyeonghaseyo!” Bigla namang tumayo si Yunjin at yumuko pa ng 90 degrees. Hindi alam ni MJ kung saan siya titingin sa kahihiyan. Si Chaewon naman na nasa tabi niya lang ay parang susunod pa yata.

 

“Seulgi sunbaenim, Naneun Chaewon-imnida.” At sumunod nga siya, nag 90 degree bow din ang babae. Nagtago na lang si MJ sa mga palad niya at yumuko dahil halos lahat ng nasa loob ng room ngayon ay nakatingin sa direksyon nila. Ayaw niya din tumingin sa kanila at baka makita niya sa mga mata nito na nagtatanong kung bakit hindi siya sumusunod. 

 

“Maxipeel, ikaw din!” Pabulong na sigaw ni Yunjin na nakayuko padin.

 

“Go na Max!” Udyok naman nitong si Chaewon. Pero dahil mahiyain siya, binalewala niya ang mga ito.

 

“HAHAHAHA! I like the enthusiasm! Ganyan dapat sa opisina, yung good vibes lang. Thank you Chaewon and…?” Seulgi dragged as if asking the name of Yunjin.

 

“Naneun Yunjin-imnida!” Hindi naman na kailangan na korean din ang i-sagot ni Yunjin, pero dahil bida-bida ito, sinunod niya din si Chaewon. 

 

“HAHAHAHA okay Yunjin.” Tawang-tawa lang ang instructor nila sa dalawang kaibigan ni MJ. Pati na din ang ibang trainees, hindi na mapigilan ang mga tawa nila.

 

“Umupo na nga kayo! Nakakahiya!” Pinagkukurot na ni MJ ang dalawang kaibigan at saka pinaupo ang mga ito. Hindi pa sila ganon ka close pero hindi niya mapigilan ang gigil sa mga ito. Umaga palang kasi ay parang drained na siya sa mga nangyayari.

 

“Bakit ko ba kinaibigan mga to.” Bulong niya sa sarili. Pakiramdam niya ay maaga talaga siyang tatanda pag itong dalawa palagi ang kasama niya araw-araw. Hinihiling niya na sana ay wala ng dumagdag pa.

 

“Okay, serious na guys. So, before we start let's know each other's name first. Para naman alam natin kung ano ang itatawag sa isa’t isa. I'll also be distributing these name tags, please write your preferred name na itatawag sayo.” 

 

“Start muna sayo.” Nagsimula ang pagpapakilala sa first row and so on. After ng pagpapakilala ay nag start nadin si Seulgi sa mga konting paalala. They instructed na ilagay ang mga bag nila sa kanilang locker. Binigyan din ang mga ito ng kanya-kanyang susi. 

Their training can last up to 20-30 days depending on their performance. Hindi pa din guaranteed na tanggap ka na, kailangan mo munang makapasa sa training. That made MJ a bit nervous. Akala niya kasi guaranteed na talaga na magkakatrabaho na siya. But the good thing is, paid training naman ito. She just needs to do her best para makapasok na talaga siya sa kompanya.

 

After ng ilas oras, lunch break na nila. Pumunta na sila sa kanya-kanyang locker para kunin yung mga bag nila. Nararamdaman na din ni MJ ang gutom pero mas gutom pa ata ang mga kasama niya. Parang lantang gulay ang dalawang kaibigan habang naglalakad.

 

“Gutom na talaga ako. Saan tayo kakain?” Sabi ni Yunjin habang binubuksan ang locker niya. 

 

“May cafeteria ba sila dito? Pwede kaya tayo dun?” Sabat ni Chaewon na ngayon ay inaayos ang mga laman ng bag.

 

“Teka lang. Tanong ko.” Sagot naman ni MJ. She tried na tawagan si Ning kung available ba ito ngayong lunch break o hindi. Mabuti na lang at nasagot nito.

 

“Hello”

 

“Ning! Lunch break namin. San ka?”

 

“Ay sorry! Nasa labas ako ngayon. May important matters lang to attend. Pwede naman ata mga trainees kumain sa cafeteria.”

 

“Oh okay. Tatanong ko pa sana.”

 

“Ano daw?” Chaewon mouthed.

 

“Sige Ning. Thank you, ingat ka.” 

 

“Pwede daw tayo sa cafeteria nila.” Binaba na din ni MJ ang tawag at naglakad na sila papuntang cafeteria. The other two cheered. Ayaw din naman nilang mapalayo pa tapos ang init-init pa sa labas. 

 

 

 

Habang pumipili ng kakainin, napansin naman ni MJ na nagtutulakan ang dalawa sa likod niya kaya lumingon ito. At ang mga anteh, parang luluwa na ang mga mata sa kakatingin ng mga employees. 

 

“Kita mo yun Jin? Ang ganda niya!” Chaewon squealed. Amused naman na nakamasid si MJ sa kanila. Mukhang ka federasyon niya din ata ang mga ito.

 

“Chae! Tignan mo, sa 10 o'clock. Maganda!” May nalalaman pang 10 o'clock si Yunjin. Natatawa na lang si MJ sa mga pinaggagawa ng mga kaibigan. 

 

“Mga anteh, order niyo. Puro kayo magaganda, pag na late tayo makikita niyo talaga ang tunay na maganda.”

 

“Sinong maganda?” MJ grimaced. Yun lang talaga ang naintindihan nila. 

 

“Yung kaltok ko, maganda siya sa mga ulo niyo.” Pagbabanta niya sa dalawa. 

 

“Ah hehe. To naman, gagalit agad eh.” Sumunod na din si Yunjin ng order sa kanya, Chaewon too.

 

After makuha ang mga pagkain nila, naghanap na sila ng vacant table. Mabuti na lang at nakakita sila, sa gitna nga lang. Ipinapanalangin na lang ni MJ na sana, walang kababalaghang gagawin ang mga kasama niya. Kung hindi, literal na sila ang magiging center of attention.

 

Nakahinga naman ito ng natapos sila ng matiwasay. After kumain, nag libot-libot na muna sila sa kompanya. Pinayagan naman sila ni Ms. Seulgi, kaya sinulit na nila ang natitirang oras ng break. 

 

“Alam niyo, nagagandahan talaga ako sa name ni Ms. Seulgi sunbaenim. Aseul Gimlee. Tapos ang cool lang nong nakaisip ng nickname niya.” Biglang pag-open ng topic ni Yunjin. Nasa cr sila ngayon, nag aya kasi si Chaewon at need niya daw mag retouch. 

 

“Totoo teh. Bet ko din yung aura niya, yung friendly na may authority pa din. Favorite ko na siya.” Sagot naman ni Chaewon habang naglalagay ng face powder sa mukha niya. 

 

“Oh, akala ko ba favorite mo yung maganda kanina sa cafeteria?” Banat naman ni MJ, pertaining to the girl na laging sinusulyapan ni Chaewon sa cafeteria. 

 

“Ay! Gags. Oo nga pala. Si Miss Poganda pala favorite. Sorry, Seulgi s

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
laloyal
Hiii! (⁠~⁠‾⁠▿⁠‾⁠)⁠~

Comments

You must be logged in to comment
stillintoyu
199 streak #1
Chapter 5: halaaa nakakalungkot naman po.. but thank you for giving us this fic.
howdoyouknowmee
548 streak #2
🥲😭
catarinabluu #3
Chapter 5: thank you, dearest author!
jmjenjoyer
#4
Chapter 4: waiting na po sa next chap
stillintoyu
199 streak #5
Chapter 4: mj is weirdly cute 😭
master_siomai #6
Chapter 4: Thanks sa update 😅
shajanie
11 streak #7
Chapter 3: Wow! Nice story… excited na ako sa next chapter..
master_siomai #8
Chapter 3: Ganda 😅
stillintoyu
199 streak #9
seated ho 🤩
ryujinie__
703 streak #10
#seated