Foundation Day (Part 2)

Sa'yo Lang Ang Tingin
Please Subscribe to read the full chapter

Foundation Week, Day 2

 

Abalang inilalagay ni Minjeong ang kaniyang mga gamit sa kaniyang crossbody sling bag nang biglang kumatok ang kaniyang kapatid na si Taeyeon at binuksan nang bahagya ang pintuan ng kaniyang kwarto. Sinabihan nito na bumaba na siya kaagad pagkatapos niyang ayusin ang kaniyang gamit dahil nasa ibaba raw ang kaniyang mga kaibigan at ihahatid niya raw sila sa school. Pagkatapos niya sabihin iyon kay Minjeong ay kaagad din naman na isinara ni Taeyeon ang pintuan kaya’t hindi siya nakapagtanong sa ate niya kung ano ang nakain niya at naisipan nitong ihatid sila ng kaniyang mga kaibigan school. Alam pa naman ni Minjeong na ayaw na ayaw na lumabas ni Taeyeon tuwing Sabado at Linggo dahil ito lamang ang kaniyang tanging pahinga mula sa pagta-trabaho.

 

Pagkaraan ng ilang minuto, bumaba na si Minjeong sa hagdan at kaagad na nakitang nakikipag-kwentuhan sina Aeri, Chaeryeong, at Ryujin sa kaniyang nanay habang sila ay nakaupo sa sofa sa sala. Makikita rin sa mukha ng kanilang ina na tuwang-tuwa ito na nakita niya muli si Aeri dahil napaka-abala nito sa kaniyang pag-aaral sa university. Nang mapansin siya ng kaniyang mga kaibigan ay masaya siyang binati ng mga ito at pinapa-larga na sila ng kaniyang nanay ngunit nagpaalam muna si Minjeong na iinom muna siya ng tubig. Dumiretso siya sa hapag-kainan at nakita ang kaniyang kapatid na kumakain. Tahimik siyang kumuha ng tubig mula sa pitsel at ng isang pandesal na nakahain sa lamesa nang bigla siyang sinenyasan ni Taeyeon na umupo siya sa upuan. Sumunod naman siya sa utos ng kaniyang kapatid at hinintay si Taeyeon na magsalita.

 

“Huy ikaw,” pagsisimula nito at tsaka nilunok ang kinakain bago magpatuloy. “May ka-date ka sa school niyo noh?” tanong nito nang mahina upang hindi sila gaanong marinig ng mga taong nag-uusap sa sala.

 

Napahinto sa pagkain si Minjeong at napakunot ang noo dahil sa sinabi ng kaniyang kapatid, “Anong sinasabi mo diyan?”

 

“Kala ko ba alas dos pa ‘yong start ng bingo?”

 

Habang kumakain kasi sila ng hapunan kahapon ay nagpaalam si Minjeong sa nanay nila na papasok ito ngayon para nga sumali sa bingo. Nabanggit din nito na ala una ng tanghali siya aalis ng kanilang bahay at doon na lamang sa school sila magkikita-kita ng kaniyang mga kaibigan. Ngunit hindi alam ni Taeyeon na nagkaroon pala ng change of plans ang magkakaibigan. Nagulat na lamang siya nang makita niya ang mga kaibigan ni Minjeong na nasa bahay nila nitong umaga at inutusan pa siya ng kanilang nanay na ihatid sila sa school.

 

“Oo nga. Pero gusto raw kasi nila mag-ikot ikot muna sa mga booths tsaka rides.” simpleng sagot ni Minjeong at tsaka kumain na muli.

 

“Weh? Halos buong araw nga kayong nasa school kahapon. Imposibleng ‘di niyo naikot o napuntahan lahat ng booths tsaka rides.”

 

Napa-buntong hininga naman si Minjeong bago sumagot sa kaniyang kapatid, “Ate, ang daming tao kahapon kasi nga first day. Ang haba kaya ng pila sa lahat ng booths at rides.”

 

Nagsasabi naman talaga ng totoo si Minjeong dahil pagkatapos nilang sumakay sa caterpillar ride kahapon ay nagsi-uwian din naman na sila kaagad dahil halos alas kwatro na sila nakasakay sa ride. Inabot sila ng halos isang oras na nakapila lalo na’t puro mga elementary at JHS students ang sumakay sa ride. May mga pagkakataon pa nga na pinauna ‘yong mga bata na pasakayin kaysa sa kanila na nauna naman na talaga sa pila.

 

“Okay, sige. Posible naman,” sumang-ayon naman si Taeyeon sa kaniya at tumahimik saglit bago siya magsalita nanaman muli. “Pero sus! Simula junior high pa nga kayo nag-aaral do’n pero ngayon lang kayo um-attend ng pa-bingo nila,” pangagatwiran ni Taeyeon at tsaka tinignan si Minjeong ng mayroong pag-aalinlangan. “Duda talaga ako eh.”

 

“Bahala ka diyan.”

 

“Alangan naman ‘yong mga kaibigan mo ‘yong pagdudahan ko eh narinig ko nga kanina kay Chaeryeong na wala raw siyang jowa o nagugustuhan sa school niyo. Si Aeri naman may Jimin na. Si Ryujin din, meron ng Yeji. Eh ikaw?”

 

“Magbi-bingo nga lang kami!” sagot ni Minjeong at tumayo mula sa kaniyang kinauupuan upang hugasan ang basong kaniyang ginamit bago pumunta sa sala upang yayain na ang kaniyang mga kaibigan para umalis.

 

Sinundan lamang ng tingin ni Taeyeon ang kaniyang kapatid na pumunta sa sala at tsaka natawa ng mahina dahil sa reaksyon ni Minjeong at kinausap ang sarili, “Hindi eh, duda talaga ako.”

 

Pagkatapos nilang mag-paalam sa nanay nila Minjeong at Taeyeon ay pumasok na kaagad ang magkakaibigan sa kotse. Habang nagmamaneho si Taeyeon ay nakikipag-kwentuhan siya kanila Aeri, Ryujin, at Chaeryeong habang ang kaniyang kapatid naman ay nananatiling tahimik sa passenger seat. Inabot sila ng halos thirty minutes bago makarating sa school at binaba naman sila ni Taeyeon sa tapat ng main gate. Bago sila lumabas ng kotse ay pinasalamatan nilang lahat si Taeyeon sa paghatid sa kanila at akmang isasara na ni Minjeong ang pintuan ngunit muli pang inasar ni Taeyeon ito bago umalis.

 

“MJ, uwi kaagad pagkatapos ng bingo ah. Mag-date nalang ulit kayo ng secret bebe mo bukas.” pang-aasar ni Taeyeon sa kapatid na narinig naman ni Aeri dahil siya ang huling lumabas ng kotse. 

 

“Ewan ko sa’yo.” sagot ni Minjeong at isinara ang pintuan ng kotse nang medyo malakas kaya’t nainis din nang bahagya si Taeyeon at tsaka umalis na. 

 

Sa kabilang banda, si Aeri naman na mag-isang hinihintay si Minjeong sa entrance (dahil pumasok na kaagad sina Ryujin at Chaeryeong) ay natawa nang makita niyang nakasimangot si Minjeong habang naglalakad papunta sa kaniya. 

 

 

Pagkapasok nina Aeri at Minjeong ay nakita nilang nagpipinta na kaagad sila Yunjin ng mural painting. Namangha naman sila nang makita nila ang painting dahil parang halos patapos na ito kumpara no’ng unang kita nila dito kahapon na wala pa sa kalahati ang napintahan. Nang madaanan nila si Yunjin ay binati lang nila ito nang saglit dahil napaka-busy at seryoso nito sa pagpipinta. Liliko na sana Aeri at Minjeong sa shortcut na papunta sa booths at rides nang biglang nakasalubong nila si Ningning sa daan na may dalang dalawang kahon na magkapatong na mukhang medyo mabigat. Kaagad naman siyang nilapitan ni Aeri at kinuha ang isang kahon tsaka sinundan si Ningning na dalhin iyon kanila Yunjin habang si Minjeong naman ay nanatili na lamang sa kaniyang kinatatayuan at pinanood ang dalawa na dalhin ang mga kahon. Nagpasalamat si Ningning kay Aeri at tinignan nang ilang segundo si Minjeong na nakatingin sa kanila bago ito magpaalam kay Aeri. Sa kabilang banda, hindi naman inalis ni Minjeong ang kaniyang mga mata kay Ningning at pinanood ang babae na alisin ang mga lata ng pintura mula sa kahon hanggang sa kinaltak ni Aeri ang kaniyang mga daliri sa harapan ng mukha ni Minjeong upang makuha ang atensiyon nito.

 

“Huy! Baka naman matunaw ‘yong tinititigan mo diyan.” saad ni Aeri sa kaibigan at hindi mapigilang mapangiti.

 

Tinignan lamang ni Minjeong si Aeri nang pandalian bago lumingon ulit kay Ningning. Hindi kumibo si Minjeong sa pang-aasar ni Aeri at biglang nalang umiling bago niyaya ang kaibigan na umalis. Naglakad kaagad ito papalayo kaya’t nalito si Aeri kung galit nanaman ba ito sa kaniya o hindi, hanggang sa nakita niya ang posibleng dahilan kung bakit gusto nang umalis ni Minjeong. Pagkalingon niya kasi kay Ningning ay nakita niya itong may kausap na lalaki at kaagad namang nakilala ni Aeri ang lalaki dahil iyon ang tinutukoy ni Ryujin na boyfriend daw ni Ningning.

 

Awit talaga.

 

Pinuntahan na ni Aeri ang kaniyang mga kaibigan na kaniyang natatanaw na nakatayo sa tapat ng confession booth ng student council at kinakausap si Heeseung. Wala pa kasing masyadong mga taong nakapila sa mga booths dahil kaunti pa lamang ang mga tao na nasa school kaya’t nag-gagala rin muna kung saan-saan ang mga estudyanteng nagha-handle ng kani-kanilang mga booth. Paglapit ni Aeri sa kanila ay narinig niyang pinag-uusapan pala nila ang mga admirers ni Minjeong na nagpadala nanaman ng confession letters para sa babae.

 

“Alam mo Minjeong, kaya ang dami pa ring secret admirers mo na nagbibigay sa’yo ng confession letters kasi dinededma mo sila. Type nila ‘yung pa-hard to get. Tignan mo, baka tumigil ‘yung mga ‘yon ‘pag pinansin mo na sila.” paliwanag ni Heeseung kay Minjeong ngunit binatukan naman siya ni Ryujin.

 

“Baliw! Nagpapapansin pa nga rin hanggang ngayon ‘yong taga-HUMSS-B na isang beses lang pinansin ni MJ last year eh. Nadamay pa nga kami ni Chaeryeong! Sa’min ba naman hinihingi ‘yung number niya.” pagpapaliwanag naman ni Ryujin sa lalaki.

 

Natawa naman si Heeseung sa sinabi ni Ryujin, “Sino? May mga kilala ako do’n eh. Malay niyo mag-dedicate naman siya ng kanta ngayon.” dagdag ni Heeseung at tinuro ang bagong booth ng student council na para bang pino-promote ito.

 

“Ayun oh.” sagot ni Chaeryeong habang nakatingin sa malayo.

 

Sinundan nila kung saan nakatingin si Chaeryeong at nakita nila ang babaeng kanilang pinag-uusapan na mukhang kadadating lang at kasama ang kaniyang mga kaibigan. Dahil nga kakaunti pa lamang ang tao sa quadrangle ay napansin ng babae na nakatingin ang buong grupo ni Minjeong sa kanila at bigla silang kinawayan nito bago pumunta sa song dedication booth.

 

“Ano, close mo ba ‘yon? Ba’t biglang kumaway sa’tin ‘yon?” sunod-sunod na tanong ni Ryujin kay Heeseung na ngayon ay parang hindi makapagsalita. “Huy! Baka ex mo pala ‘yon ah.” pinalo ni Ryujin ang braso nito upang bumalik ito sa ulirat.

 

“Gago, hindi!” pagtanggi ng lalaki kaagad at nagpaliwanag. “Kaklase ko ‘yon no’ng Grade 10. Ano ‘yon, break na sila ng jowa niya?”

 

“May jowa siya??? Kailan pa?”

 

“Grade 9 yata? ‘Lam ko nga parang sila pa rin hanggang ngayon eh.”

 

“Sila pa rin????” sabay na tanong nina Ryujin at Chaeryeong at natawa nang bahagya si Aeri dahil sa reaksyon ng dalawa.

 

Tumango nang marahan si Heeseung ngunit bigla rin namang binawi ang kaniyang sinabi, “Uy pero ‘di ko sigurado ah. Baka bre—”

 

“Napakalapitin mo naman ng mga may jowa, Minjeong. Baka ang calling mo talaga sa buhay ay maging kabit,” sabi ni Ryujin sa kaniyang kaibigan at tinignan lang siya nito na para siyang nawe-weirdohan dito. “Mamili ka nalang do’n sa dalawa. Pero mas boto talaga ako kay artist kaysa kay dancer eh.” dagdag pa nito at nakatanggap ng mahinang palo sa braso mula kay Aeri.

 

Hindi naman napigilan nina Chaeryeong at Aeri ang kanilang tawa dahil alam nila na ang artist na tinutukoy ni Ryujin ay si Ningning kahit na wala naman talagang interaksyon ang dalawa. Si Heeseung naman ay hindi na-gets ang context ng sinabi ni Ryujin kaya’t magtatanong na sana siya tungkol dito ngunit tinawag siya ng adviser ng student council dahil may ipapagawa siya sa lalaki. Maya-maya ay umalis na sila sa tapat ng confession booth at naisipan naman nila na tignan isa-isa ang mga booth habang kaunti pa lamang ang mga tao.

 

 

Pagkatapos mag-ikot ng mga magkakaibigan sa mga booths ng fifteen minutes ay nagpunta naman ang mga ito sa gymnasium dahil naisipan nilang mag-movie marathon sa phone ni Aeri sapagkat wala na silang magawa at matagal pa bago magsimula ang bingo. Umupo ang apat sa isang bleacher na nahahanginan ng electric fan at tsaka pinanood na ang kanilang napiling pelikula. Ngunit thirty minutes pa lamang ang lumipas ay tumigil sa panonood sina Ryujin at Chaeryeong at piniling matulog muna sapagkat hindi nila mapigilan ang kanilang antok dahil ang mga ito pala ay nagpuyat kagabi upang sabay na gawin ang kanilang parte sa kanilang research paper. Ang ni-set kasing deadline ng lider ng kanilang grupo ay sa Lunes kahit na ang pasahan ng chapter na pinapagawa ng kanilang research adviser ay sa Huwebes pa. Napakamot na lamang ng ulo si Minjeong nang makitang knock-out kaagad ang dalawang kaibigan.

 

Lintik na mga ‘to talaga. Sleep is life pero bingo is lifer.

 

Hindi namalayan nina Aeri at Minjeong na medyo lagpas na pala ang oras ng tanghalian dahil dalawang pelikula ang kanilang pinanood. Kaya’t nang matapos nila ang panonood ay kaagad nilang ginising ang dalawang kaibigan upang kumain dahil ala una y media na at thirty minutes na lamang ay magsisimula na ang bingo. Mabagal pa namang kumain si Ryujin. Natawa nalang din sina Aeri at Minjeong sa kanilang mga sarili dahil sa sobrang abala nilang manood ay hindi rin talaga nila napansin na marami na palang tao ang dumating sa gymnasium. Pagdating ng magkakaibigan sa food stalls ay naghiwa-hiwalay na sila para bumili ng kani-kanilang mga pagkain. Pumila si Minjeong sa bilihan ng siomai at nag-cellphone muna siya habang naghihintay. Maya-maya ay nagulat nalang siya nang biglang may humawak sa kaniyang balikat.

 

“Hi, Minjeong!” bati ni Yunjin sa kaniya pagkalingon niya sa kaniyang likuran. “Ba’t ngayon palang kayo magla-lunch? Malapit na mag-start ‘yung bingo ah.” tanong nito dahil nabanggit nina Ryujin at Chaeryeong sa kaniya kaninang umaga na sasali sila sa bingo.

 

“Ah… Nanood kasi kami ng Encanto pati Elemental sa phone ni Aeri. ‘Di namin namalayan ‘yung oras,” napakamot si Minjeong ng kaniyang batok dahil sa hiya habang si Yunjin naman ay natawa nang bahagya sa kaniyang paliwanag. “Ikaw ba, ngayon ka lang din kakain?” tanong naman nito kay Yunjin.

 

“Oo, tinapos kasi namin ni Ning ‘yung one side of the mural painting,” sagot ni Yunjin at inalok si Minjeong. “Oh by the way, let’s all eat together nalang kaya at one table? Sakto for six people ‘yung table na ino-occupy ngayon ng iba naming kasama. They’re done eating naman na, I just told them to stay there muna until Ning and I have bought our food already.”

 

Shet… Makakasama namin si Ningning na kumain sa iisang table?

 

Kinabahan bigla si Minjeong dahil makakasama nila nang matagal si Ningning. Hindi naman kasi ito kagaya no’ng kahapon na sumama ang babae sa kapwa ADT students para sa booth na lamang tumambay. Pakiramdam niya ay magiging awkward nga naman talaga kung nanatili siya doon lalo na’t kadalasan ay wala pa namang preno ang bibig ni Ryujin pagdating sa pang-aasar.

 

Teka, ba’t ba ako kinakabahan? Wala naman akong kasalanan sa kaniya ah.

 

“Minjeong.”

“...”

“Minjeong!”

“...”

“Huy MJ!”

 

“H-huh?” sambit ni Minjeong nang tinulak siya nang bahagya ni Yunjin dahil abala siyang kausapin ang kaniyang sarili.

 

“It’s okay lang din naman if you decline,” saad ni Yunjin dahil napansin niyang natulala bigla si Minjeong. “Sa gym nalang ba kayo kakain?”

 

“Um… Oo sana pero makiki-table nalang kami sa inyo. Chat ko nalang sila.” pagpayag ni Minjeong sa alok ni Yunjin kaya’t napangiti naman ito. “Do’n ba ulit sa table kahapon?” tanong niya at tumango naman ang kaibigan.

 

Kinuha muli ni Minjeong ang kaniyang phone at nag-chat sa group chat nilang tatlo nina Ryujin at Chaeryeong. Mabuti na lamang ay mabilis din naman nag-reply ang mga ito.

 

*****

 

[winjeong ☃️]:
San kayo?
Sabi ni Yunjin, dun nalang din daw tayo sa table nila
Kasama niyo ba si Aeri?

 

[Ryeongchae ganda]:
kasama ni rj si aeri
andito me sa nagtitinda ng burger

 

[ryuryu madrid 🐊]:
MASTER JENNIFER LANG SAKALAM 💪
ge sunod nalang kami
dun ba ulit sa table kahapon?

 

[winjeong ☃️]:
Oo

 

[ryuryu madrid 🐊]:
kasama natin yung ibang taga adt?

 

[winjeong ☃️]:
Hindi, si Yunjin lang tsaka si Ningning

 

[ryuryu madrid 🐊]:
UY 👀
ok sige this is noted!
hoy chaeryeong wag kang epal sakin ka tumabi mamaya ah
tabi tayong tatlo ni aeri 🥰

 

[winjeong ☃️]:
Taena mo ah 😠
Sana hindi ka pansinin ni Yeji ng isang buwan

 

[ryuryu madrid 🐊]:
hala bakit???
wag mong idamay ang mahal ko dito 😔👊
gusto ko lang naman katabi si chaeryeong?
sinabi ko bang tabi kayo ni ningning
unless gusto mo talaga 😏
ok lang naman sakin, ikaw ba chae

 

[Ryeongchae ganda]:
HAHAHAHAHA gago mo

 

*****

 

In-off na lamang ni Minjeong ang kaniyang phone dahil alam niyang mang-aasar pa lalo si Ryujin kapag ni-replyan niya pa ito. Sakto ay siya na ang susunod sa pila at bumili na siya ng kaniyang steamed siomai with rice. Pagkatapos niyang magbayad at kuhanin ang kaniyang pagkain ay hinintay niya naman si Yunjin nang biglang may narinig silang nagsalita mula sa kanilang likod.

 

“Ay, nakapagbayad ka na ba? Wait, ito na pala ‘yung pera ko.”

 

Lumingon ang dalawang babae sa nagsalita at inabot ni Ningning ang kaniyang pera kay Yunjin. Tinignan naman ni Ningning si Minjeong kaya’t inilihis niya kaagad ang kaniyang tingin sa babae. Nakaramdam siya ng kaba dahil malapit lamang si Ningning sa kaniya kaya naman nag-isip siya ng paraan upang lumayo muna sa kanila.

 

“Yunjin, bibili muna ako ng tubig. Susunod nalang ako do’n.” palusot ni Minjeong sa kaibigan at akmang aalis na ngunit hinawakan ni Yunjin ang kaniyang braso upang pigilan siya. 

 

“No need na, MJ. May tubig na do’n, galing sa adviser nila Ning. Libre lang ‘yon.” sagot ni Yunjin at nginitian siya nang bahagya.

 

Walang nagawa si Minjeong kundi tumango na lamang sa kaibigan. Pagkakuha naman ni Yunjin ng pagkain nila ni Ningning ay naglakad na ang tatlo papunta sa table. Nanguna naman si Yunjin kaya’t magkatabing naglalakad sina Minjeong at Ningning ngunit naglaan sila ng distansiya sa isa’t isa. Nang dumating sila sa table ay binati at nginitian si Minjeong ng mga ADT students na pinakilala sa kanila ni Yunjin kahapon. Nginitian naman niya ang mga ito pabalik at tinignan naman ni Minjeong ang iba pang mga tao na nakaupo rin sa mga upuan at napansin niya na nandoon pala ang boyfriend ni Ningning. Nagtama ang kanilang mga mata at ngumiti rin ito sa kaniya. Hindi naman naiwasan ni Minjeong na mag-fake smile sa lalaki at mas lalo pa siyang na-bad trip dahil hinawakan nito ang baywang ni Ningning bago sila umalis. Umupo kaagad si Yunjin sa pinaka-gilid na upuan at umupo naman si Ningning sa gitnang upuan na tabi ni Yunjin. Sa kabilang banda, umupo naman si Minjeong sa tapat ni Yunjin at nagsimula kaagad na kumain. Nagpasiya na lamang si Yunjin na tumahimik at kumain nalang din dahil napansin niyang wala sa mood ang kaniyang kaibigan. Hindi niya sigurado kung tama ang kaniyang iniisip na ang dahilan ng pagka-bad mood nito ay ‘yong ginawa ng lalaking kaklase ni Ningning ngunit pinagpalagay niya na lamang na ito ay tama.

 

Hay nako, Ning. Anong ginawa mo dito?

 

Napangiti si Yunjin at natawa nang mahina sa kaniyang naisip kaya’t nagtaka naman si Ningning sa gawi ng kaniyang katabi at tinanong siya kung ano ang kaniyang pinagtatawanan ngunit umiling lamang si Yunjin. Maya-maya ay dumating na sina Ryujin, Chaeryeong, at Aeri at umupo sa kani-kanilang upuan. 

 

Pagkaupo naman ni Ryujin sa tabi ni Minjeong ay siniko niya ito at bumulong, “Ba’t ka diyan umupo? Diba tabi nga kami nila Aeri.”

 

Hindi siya pinansin ni Minjeong at nagpatuloy lamang ito sa pagkain kaya’t tinignan niya si Yunjin at sinenyasan ito kung ano ang nangyari sa kanilang kaibigan ngunit nag-kibit balikat lamang si Yunjin. Napatingin naman siya kay Ningning na nakaupo sa tapat niya at nakitang tumingin muna ito kay Minjeong bago nagtama ang kanilang mga mata. Ngumiti si Ryujin kay Ningning at nginitian naman siya nito pabalik kaya’t natuwa si Ryujin dahil pakiramdam niya ay magiging ka-vibes niya ito. Pagkalipas ng ilang minuto ay sinubukang magsalita ni Aeri dahil wala pa ring umiimik sapagkat pare-parehas yata nilang nararamdaman na mala ‘me filling the room with negative energy’ naman ang trip ni Minjeong ngayon.

 

“Tatapusin niyo na ba today ‘yung mural painting? It looks great na!” sabi nito kanila Yunjin at Ningning nang pinagmasdan niya ang gawa ng dalawa.

 

Umiling naman si Ningning at siya na ang sumagot sapagkat puno pa ng pagkain ang bibig ni Yunjin, “Hindi po. Sabi po kasi sa amin na bukas nalang daw po ituloy kasi gusto po nilang isagad namin na three

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
kingnyz
Hi, everyone! I'm sorry ngayon lang nakapag-update since sobrang busy lang talaga... Basta, I'll update if my schedule permits :> Salamat sa patience and for reading this story hehe. Enjoy the update!

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
#1
Chapter 3: Chapter 3: shadasdfgjslshdks rereading ulit, ganda talaga! dagdag pa yung update ni ning sa IG haha lakas maka good student vibes na dapat tularan at girlcrush ng lahat and perfect ang attendance and malinis record! ganda nya super dun kaya na imagine ko rito hshsjshihi
yurieldrafts
#2
Chapter 3: AAAA THABK YOU PO AUTHOR ISA TALAGA TO SA MGA INAABANGAN KO HUHUHU FINALLY UMUUSAD NA RIN SILA AHZHAHA
viviannning #3
Chapter 3: Yeyyy thank youuu, tagal ko rin naghintay
viviannning #4
Chapter 3: Yeyyy thank youuu, tagal ko rin naghintay
kwinminjeong
#5
Chapter 3: Chapter 3: AAAAAAAAHHH NAPA THANK U LORD AKO DUN NUNG NAKITA KO UPDATE NITO TOR !!!! Buo na araw ko 'tor! Araw araw ko tinitignan prof mo kung may update ba d2 eh kasi super ganda talaga ng plot ng story! kuhang kuha talaga ang kilig ko shet 🤪 Thank you so much sa update!! GRABE KILIG Q DITO SA DALAWA MGA NAGPAPAKIRAMDAMAN PA DHAIJSJSHSHWHW MINJEONG GUMALAW KA NAMAN BEH KOH ! SANA MAGKARON NG LABEL PLZ PLZ
Shiawasent
#6
Chapter 2: HSHSAHAH JELLY ACE PALA MINJEONG NIYO EH
Eybrelros #7
kwinminjeong
#8
Chapter 2: Chapter 2: HALA ATE KO KINIKILIG AKO PAK GAGO WHSKSBAJAAHAH KILIG TO DA BONES !!! MULA UNA HANGGANG D2 DAMANG DAMA KO ANG GANAP HA!?!? OTOR ANG GALING MO HA! 💋 BAHWJSNSKANAHA MJ GUMALAW KA JAN SOBRANG HIRAP BASAHIN NI AKLA, GUMALAW KANA BEH KOH!!!
viviannning #9
Chapter 2: Parang may part 3 🤭🤭💗
howdoyouknowmee
548 streak #10
Upvoted