Foundation Day (Part 1)

Sa'yo Lang Ang Tingin
Please Subscribe to read the full chapter

“Anak ng tokwa naman, nasa’n ka na ba?!” iritang tanong ni Ryujin sa kaibigan niyang nasa kabilang dulo ng linya at kanina pang sinasabi na sa chat na “on the way” na raw siya.

 

“Teka, papunta na nga eh. Ito na nga oh, nakasakay na ‘ko sa jeep.” mahinahong sagot ni Minjeong at tsaka inabot ang kaniyang pamasahe sa drayber.

 

Ngayon ay Foundation Week ng kanilang school at siyempre marami-raming activities, booths, rides, at food stalls nanaman ang inihanda ng school para sa lahat. Kahit na required pumasok ang mga estudyante ay hindi naman sila masyadong mahigpit sa call time. At isa pa, isa ngang himala na pumayag na muli ang presidente ng school na magpapasok ng outsider ngayong taon.

 

“Teh, kanina pa ‘yang on the way mo. Bumiyahe ka ba galing Batanes? Naunahan ka pa ng mga outsider na nangngangalang Jimin at Aeri.” sabi ni Ryujin at natawa nang mahina si Minjeong nang marinig niya si Jimin na nagagalit kay Ryujin dahil tinawag silang outsider nito porke’t naka-graduate na sila sa school na iyon.

 

“Oo na, ito na, paliko na ‘yong jeep. Sunduin mo ‘ko sa main gate ah.”

 

“Ang kapal m—“

 

Binabaan ng tawag ni Minjeong si Ryujin bago pa man niya masabi ang gustong sabihin sa kaibigan. Kahit naman gano’n ang sagot ng isa ay alam niyang susunduin pa rin naman talaga siya nito sa may gate.

 

Pagbaba ni Minjeong ng jeep ay naglakad siya sa main gate habang china-chat si Ryujin na nando’n na siya sa main entrance. Binati siya ng guwardiya at bago siya papasukin ay tinignan muna ang kaniyang ID dahil mayroon palang mga outsider na dating nag-aral sa school na iyon na nagsusuot ng kanilang lumang ID. Ang patakaran pala ay dapat na sunduin sila ng kanilang kakilala upang sila ay makapasok.

 

Pinapasok na si Minjeong ng guwardiya ngunit hindi pa rin sine-seen ni Ryujin ang kaniyang message kaya’t naisipan niyang dumiretso na doon sa daanan sa gilid ng gymnasium. Ngunit huminto siya nang makita niyang may barricade na nakaharang at maraming taong kumakain na nakaupo sa mga lamesa at upuan na tabi-tabi doon sa daanan. Sa isang gilid naman ay may mga nakapuwestong tao na abalang magpinta sa isang napakalaking canvas na halos kasing laki na ng isang pader. Napagtanto niyang ito ay mga taga Arts & Design Track dahil nakita niya ang kaniyang kaibigan na si Yunjin na kasama rin na pinipintahan ang canvas. Wow, mural painting pala ang peg ng school. 

 

Nakita rin ni Minjeong na may makitid na daanan pala doon malapit sa mga ADT students. Hindi naman pala totally na hinarangan ng barricade ang daanan. Nagpasiya si Minjeong na dumaan na lamang doon para naman makapasok na siya kahit papaano at doon na lamang hintayin si Ryujin. Pinadaan niya muna ang mga taong papalabas at nang maglakad siya papasok ay napansin siya ni Yunjin at kinawayan siya. Kumaway naman si Minjeong pabalik at nginitian ito nang biglang may estudyanteng tumili at napahawak nang mahigpit sa kaniyang balikat. Mabuti na lamang ay mabilis ang reflexes niya kaya nasuportahan at nahawakan kaagad ni Minjeong ang baywang ng estudyante bago pa man ito tuluyang mahulog.

 

Nanatili ang gulat na ekspresyon sa mukha ni Minjeong habang nakatitig sa mukha ng babaeng nahulog mula sa hagdan na tinutung-tungan nito. Sakto ay dumilat na ang babae at pinagmasdan din ang mukha ni Minjeong habang nakaakbay pa rin sa kaniya. Nang marinig nila ang boses ni Yunjin, tinulungang bumaba ni Minjeong ang babae sa hagdan dahil ang isang paa nito ay medyo nasabit sa isang baitang ng hagdan habang ang babae naman ay tinanggal ang kaniyang braso sa balikat ni Minjeong nang ito’y makatayo na.

 

“Ning! Okay ka lang? Anong nangyari?” pag-aalalang tanong ni Yunjin sa kapwa ADT student pagkalapit niya sa dalawa.

 

“O-okay lang ako,” nahihiyang sagot ng isa dahil ang daming nakatingin na tao sa kanila. “Nawalan lang ng balance kasi hindi ko pala natapakan yung step ng hagdan.” pinaliwanag nito bago humarap kay Minjeong na tila bang naging statwa na sa kaniyang kinatatayuan.

 

“Thank you po sa pag-salo sa’kin at sobrang sorry po talaga.”

 

Napatingin si Ning kay Yunjin dahil hindi umiimik si Minjeong kaya’t siniko siya ni Yunjin at sinenyasan na kausapin ang babae.

 

“O-okay lang! Mag-ingat ka na lang next time.” sagot nito nang siya ay bumalik sa ulirat.

 

Tumango ang babae at nag-sorry ulit kay Minjeong bago siya magpinta ulit. Sa kabilang banda, tinapik naman ni Yunjin ang kaniyang balikat at in-excuse rin ang kaniyang sarili upang magpinta na rin muli. Pumunta si Minjeong sa kabilang sulok malapit sa barricade at pinagmasdan ang babaeng tinulungan niya kanina na ang pangalan siguro ay ‘Ning’. Sa sobrang focused niya sa babae ay hindi niya napansin na tinatawag pala siya ni Ryujin mula sa malayo nang bigla siyang ni-headlock nito at pinagsabihan.

 

“Bwiset ka! Sabi mo nasa main gate ka!” sambit ni Ryujin na may halong kaunting inis sa kaniyang boses.

 

Naubo naman si Minjeong kaya’t pinakawalan na siya ni Ryujin at dinepensahan naman ang sarili, “Ikaw nga ‘tong ‘di nagre-reply!”

 

Kumunot ang noo ni Ryujin sa sinabi ni Minjeong at sumagot, “Tanga, nag-reply ako sa’yo!”

 

Kinuha naman kaagad ni Minjeong ang kaniyang phone mula sa bulsa ng kaniyang pantalon at nakitang nag-reply nga talaga si Ryujin. Limang minuto nga lang ang pagitan. Nang tignan ulit ni Minjeong ang kaibigan ay nagsalita kaagad si Ryujin.

 

“Oh diba? ‘Yon pala busy kang nagsa-sightseeing dito. Nako, ikaw talaga~ Porke’t foundation week gumaganiyan ka na ah.” pang-aasar ni Ryujin at liningon ang mga ADT students para tingnan kung sino nga ba ang nakapukaw ng atensiyon ng kaniyang kaibigan.

 

“‘Wag mo ‘ko itulad sa’yo! Sumbong kita kay Yeji eh.” tinignan nang masama ni Minjeong ang kaibigan at binantaan ito.

 

“Luh! Fake news naman ‘yan eh!” pinalo nang mahina ni Ryujin ang braso ni Minjeong at pagkatapos ay hinila na ito para pumunta na sila sa gymnasium at sinabi, “Tara na nga, malapit na yung dance performance nila Chaeryeong.”

 

 

Pagpasok nila ay napansin ni Minjeong na napakaraming tao sa gymnasium at medyo masikip dito. Mahirap din humanap ng mauupuan dahil naka-allot pala ang mga upuan na nasa gitna sa mga elementary students na sa tingin ni Minjeong ay mga Grade 1. Buti nalang ay may ni-reserba na palang mga upuan ang tropa nila ngunit may kamalasan nga lang dahil hindi sila nahahanginan ng mga electric fan at hindi rin naman umaabot ang hangin ng dambuhalang ceiling fan sa kanila.

 

Kaya naman pala sa gitna pinaupo ‘yong mga bata.

 

Binati nina Yeji, Jimin, at Aeri si Minjeong nang makita ito. Tinanggal ni Jimin ang kaniyang shoulder bag na pansamantala niyang nilagay sa katabing upuan at tinapik ito upang paupuin si Minjeong.

 

“Wow, salamat. Talagang napagi-gitnaan ako ng mga mag-jowa.” sarkastikong sabi ni Minjeong at nagbuntong-hininga.

 

Natawa naman ang tatlo maliban kay Ryujin. Muling inasar nito si Minjeong at sinabing, “Sus! Kaya nga ako natagalan na hanapin ka kasi nakatambay ka pala do’n sa mga gumagawa ng mural painting. May crush ka ata do’n sa mga taga-ADT eh.”

 

“Weh?”
“Sino do’n?”
“Omg totoo ba?”

 

At ayan na nga, pinag-chismisan na ako.

 

“Ni hindi ko nga kilala ‘yung mga taong nando’n?” sagot ni Minjeong at humalukipkip.

 

“‘Wag ka ng magpanggap, pre.” patuloy na pang-aasar nanaman ni Ryujin at ngumisi.

 

“Ikaw nga, ang dami mong Grade 11 eh.” bawi ni Minjeong at pinigilan ang tawa nang makita ang gulat na ekspresyon ni Yeji.

 

“Ay hala! Iba-ibang strand ba?” tanong ni Jimin at bakas din ang gulat sa kaniyang mukha habang nakatingin kay Ryujin.

 

Natawa bigla si Aeri sa sinabi ng kasintahan habang si Minjeong naman ay yumuko at ibinaling na lang ang atensiyon sa kaniyang phone para hindi mahalatang siya ay nagpipigil ng tawa. Sa kabilang banda, dinedepensahan naman ni Ryujin ang sarili niya sa nagagalit niyang girlfriend na si Yeji habang natatawa naman ang magkasintahang si Jimin at Aeri sa maliit na away ng dalawa.

 

Maya-maya ay siniko bigla ni Ryujin si Minjeong at sinabing, “Taena naman kasi nito eh. Gawa-gawa ng kwento. Sabihin mo joke lang ‘yon.”

 

Pagtingin ni Minjeong sa mukha ng katabi ay para siyang aping-api kaya’t natawa ito sa kaniyang kaibigan at tumingin kay Yeji, “Joke lang, Yeji. Marami lang talagang nagkaka-crush diyan na mga Grade 11 na taga-ABM. Ayaw siyang lubayan kahit na sinasabi niyang may girlfriend siya. Eh pa’no, ‘di raw kapani-paniwala.”

 

“Famous pala ka eh.” isiningit ni Jimin at natawa sa paliwanag ni Minjeong.

 

“Wow, playgirl image naman pala.” komento naman ni Aeri kaya’t natawa lalo si Minjeong.

 

“Hayop kayo!” inis na sabi ni Ryujin sa tatlong kaibigan na nakaupo sa kaniyang kanan ngunit biglang umayos kaagad siya ng upo at tumingin na ulit sa stage dahil narinig at tinitigan siya ng isang elementary teacher.

 

Lumingon din ang tatlo sa kanilang kanan at nakatanggap ng ngiting para bang binibigyan sila ng warning mula sa elementary teacher dahil sa sinabi ni Ryujin. Humingi ng pasensiya ang tatlo at tumingin nalang din sa estudyanteng kumakanta sa entablado. Pagkaraan ng ilang minuto ay tinapik ni Jimin si Minjeong upang lumipat sila sa upuan ng mga bata dahil umalis na ang mga ito. Wala namang sumisita na mga teacher sa mga JHS na umupo dito kaya’t lumipat na rin sila sa may bandang unahan na malapit sa stage dahil lumabas na ang mga miyembro ng Dance Club kung saan kasama si Chaeryeong. 

 

Nagsimula na ang performance at naghihiyawan ang magkakaibigan para sa kanilang kaibigan habang ni-videohan naman ni Ryujin si Chaeryeong. Fancam lang ang peg.

 

Siniko naman nang paulit-ulit ni Minjeong si Ryujin at tumuro sa isang babae na sumasayaw para ito ay asarin, “Uy! Diba ‘yon yung may crush sa’yo na taga-HUMSS?”

 

Mabuti nalang ay napaka-ingay ng paligid dulot ng sigawan ng mga estudyante at hindi ito narinig ng tatlo, kundi lagot nanaman si Ryujin sa kaniyang kasintahan.

 

“Gago! Ikaw talaga ‘yung crush niyan! Hinihingi niya sa’ming dalawa ni Chaeryeong ‘yung number mo kasi ‘di mo raw pinapansin mga chat niya sa’yo sa Messenger.”

 

Nababanggit kasi ni Chaeryeong sa kanila na medyo naiinis na siya sa babae na ‘yon dahil laging dikit nang dikit sa kaniya ito tuwing may club meeting sila. Isa pa, buong akala din ni Minjeong na si Ryujin ang gusto ng babae dahil sa tuwing kasama niya si Ryujin na maglakad sa hallway ay lagi itong nagpapa-cute sa kaibigan. Siya pala talaga ang target nito. 

 

“Binigay niyo naman?”

 

“Malamang hindi! Alam naming study first ang motto mo sa buhay sa dinami-dami ba naman ng dinedma mong confession letters last year.” paliwanag ni Ryujin at ibinigay ang kaniyang phone kay Yeji para ituloy nito ang pagvi-video kay Chaeryeong.

 

“Sino ba ‘yan? ‘Di naman yata kami friends sa FB.”

 

“‘Di mo natatandaan? Siya ‘yung nagbigay sa’yo ng Jollibee na may kasama ring confession letter last year no’ng foundation week.”

 

Muling ipinaalala ni Ryujin ang nangyari noong foundation week no’ng nakaraang taon kung saan ang mga nagkakagusto kay Minjeong ay nagsulat ng confession letters o kaya naman ay binigyan siya ng mga pagkain sa pamamagitan ng confession booth na pinamahalaan ng student council na kinabibilangan dati ni Jimin. Talagang tanyag kay Ryujin ang babaeng mananayaw o tinatawag nilang ‘Miss HUMSS-B’ dahil siya lamang ang bukod-tanging nagbigay ng spaghetti with chicken joy kay Minjeong habang ang ibang admirer naman nito ay binigyan siya ng mga tsokolate at matatamis na snacks. At tanging ang Jollibee meal lamang ang kinain ni Minjeong bilang kaniyang pananghalian noong araw na iyon kaya’t buong akala ng magkakaibigan ay kilala nito si Miss HUMSS-B ngunit hindi pala.

 

Natapos ang pagku-kuwento ni Ryujin sa kaniyang kaibigan ngunit napakamot lamang si Minjeong ng kaniyang ulo at pinagmasdang mabuti ulit ang babae ng ilang segundo, “Ay okay… ‘Di ko nga talaga siya maalala.” sagot ni Minjeong at umiling.

 

Napa-buntong hininga na lamang ang isa sa sagot ng kaniyang kaibigan, “Jusko naman. Lagi ka nalang walang kilala na taga ibang section or strand. Kaya wala kang jowa eh.” komento ni Ryujin at nagpasiyang i-cheer na lang ulit si Chaeryeong dahil hindi na muling nagsalita si Minjeong. 

 

Natapos na ang performance nila Chaeryeong at nagpasiya silang kumain na rin dahil malapit na rin namang mag-lunch time. Ngunit bago sila pumunta sa food stalls ay hinintay muna nila si Chaeryeong na magpalit ng kaniyang damit. Patuloy na nagkwentuhan ang lima hanggang sa lumabas na ang kanilang kaibigan mula sa comfort room at sabay-sabay na dumiretso kaagad sa food stalls dahil pagkadating nila sa lugar ng kainan ay walang bakanteng lamesa at upuan dahil sa dami ng mga estudyante ngayong unang araw ng foundation week. Eh pa’no, required daw pumasok sa first day at um-attend sa opening program.

 

Naghiwa-hiwalay naman ang grupo dahil iba-iba ang gusto nilang kainin. Si Jimin at Aeri ay pumila sa nagtitinda ng mala-Japanese na pagkain habang si Ryujin at Yeji naman ay pumila sa nagtitinda ng chicken wings. Si Chaeryeong ay pumila sa nagtitinda ng egg drop sandwich habang si Minjeong naman ay pumila sa nagtitinda ng pizza. Inabot silang anim ng halos twenty minutes para pumila at bumili at nang matapos sila ay nagkita-kita sila sa gilid ng food stall ng shawarma dahil malapit ito sa mga table. Ngunit pagkakita nila ay occupied pa rin ang lahat ng table. Babalik sana sila sa gymnasium kaso narinig nila sa isang grupo ng mga estudyante na pinaalis daw sila sa gym dahil may panibago nanamang event na gagawin dito. Pinag-iisipan nila kung saan sila magse-stay nang biglang may tumawag ng pangalan nina Minjeong at Ryujin. Hinanap nilang lahat ang pinanggalingan nang boses at nakitang kumakaway si Yunjin sa kanila at sinenyasan na lumapit sa table nila.

 

Pagkalapit ng anim ay nagtanong kaagad si Yunjin, “Naghahanap ba kayo ng mauupuan?”

 

Tumango silang lahat at nagsalita si Ryujin, “Kaso bawal daw sa gym eh.”

 

“Ay, oo. May activity yata yung grade school department diyan,” paliwanag ni Yunjin at tsaka nag-alok. “Dito nalang kayo sa table namin. We’re done eating naman na.”

 

Tatayo na sana ang mga kasama ni Yunjin ngunit napahinto ito dahil ipinakilala sila nito sa kaniyang mga kaibigan, “Ay nga pala! Sila ‘yung mga kasama kong gumawa ng mural painting. They’re ADT students din,”. Tinuro niya ang dalawang babae sa kaniyang harapan at ipinakilala. “Grade 12 din sila,” at tinuro niya naman ang dalawang lalaki at dalawang babae na katabi niya. “Then Grade 11 naman sila.”

 

Nagpalitan silang lahat ng ngiti nang makatinginan si Minjeong at ang babaeng naka-tirintas na katabi ni Yunjin. Ito rin ang babaeng kaniyang tinulungan na muntik nang mahulog sa hagdan. Pagkatapos ng ilang segundo ay nilihis na rin agad ni Mi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
kingnyz
Hi, everyone! I'm sorry ngayon lang nakapag-update since sobrang busy lang talaga... Basta, I'll update if my schedule permits :> Salamat sa patience and for reading this story hehe. Enjoy the update!

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
#1
Chapter 3: Chapter 3: shadasdfgjslshdks rereading ulit, ganda talaga! dagdag pa yung update ni ning sa IG haha lakas maka good student vibes na dapat tularan at girlcrush ng lahat and perfect ang attendance and malinis record! ganda nya super dun kaya na imagine ko rito hshsjshihi
yurieldrafts
#2
Chapter 3: AAAA THABK YOU PO AUTHOR ISA TALAGA TO SA MGA INAABANGAN KO HUHUHU FINALLY UMUUSAD NA RIN SILA AHZHAHA
viviannning #3
Chapter 3: Yeyyy thank youuu, tagal ko rin naghintay
viviannning #4
Chapter 3: Yeyyy thank youuu, tagal ko rin naghintay
kwinminjeong
#5
Chapter 3: Chapter 3: AAAAAAAAHHH NAPA THANK U LORD AKO DUN NUNG NAKITA KO UPDATE NITO TOR !!!! Buo na araw ko 'tor! Araw araw ko tinitignan prof mo kung may update ba d2 eh kasi super ganda talaga ng plot ng story! kuhang kuha talaga ang kilig ko shet 🤪 Thank you so much sa update!! GRABE KILIG Q DITO SA DALAWA MGA NAGPAPAKIRAMDAMAN PA DHAIJSJSHSHWHW MINJEONG GUMALAW KA NAMAN BEH KOH ! SANA MAGKARON NG LABEL PLZ PLZ
Shiawasent
#6
Chapter 2: HSHSAHAH JELLY ACE PALA MINJEONG NIYO EH
Eybrelros #7
kwinminjeong
#8
Chapter 2: Chapter 2: HALA ATE KO KINIKILIG AKO PAK GAGO WHSKSBAJAAHAH KILIG TO DA BONES !!! MULA UNA HANGGANG D2 DAMANG DAMA KO ANG GANAP HA!?!? OTOR ANG GALING MO HA! 💋 BAHWJSNSKANAHA MJ GUMALAW KA JAN SOBRANG HIRAP BASAHIN NI AKLA, GUMALAW KANA BEH KOH!!!
viviannning #9
Chapter 2: Parang may part 3 🤭🤭💗
howdoyouknowmee
549 streak #10
Upvoted