Magkaibigan

Sa'yo Lang Ang Tingin
Please Subscribe to read the full chapter

Alas onse na ng umaga at ngayon pa lamang nag-umpisang maghanda at mag-ayos si Ningning upang pumasok sa school. Simula noong natapos kasi nila ang mural painting ay hinayaan na sila kung ano mang oras nilang maisipan na pumasok. At dahil wala rin naman siyang gagawin doon kundi maghintay ng mga dedication requests at kumanta sa hapon ay nagpagpasiyahan niyang tuwing tanghali o hapon na lamang siya pupunta sa school.

 

Habang nasa banyo si Ningning ay naririnig niyang walang tigil ang pag-ring ng kaniyang phone kaya’t binilisan niya ang pagligo dahil maaaring ito pala ay emergency o napakahalagang tawag. Paglabas niya naman ay huminto ang tawag at nakatanggap siya ng message mula sa kaniyang kapatid at tinatanong siya nito kung siya ba ay mayroong klase. Kaagad niya namang ni-replyan si Joy na wala siyang klase at pagkaraan ng ilang minuto ay tinawagan muli siya nito.

 

“Grabe, dekada bago sumagot ha.” saad ng kapatid ni Ningning na si Joy nang sagutin na nito ang kaniyang tawag.

 

“Naliligo kasi ako kanina!” sagot niya sa kapatid at in-on ni Ningning ang speakerphone bago ilapag ang kaniyang phone sa bedside table at nagpatuloy na magbihis. “Ano ba kasi ‘yon?” tanong nito dahil naka-limang missed call ang kaniyang ate.

 

“Nandito kasi ako sa Haji Lane, baka may gusto ka—buksan mo nga ‘yung camera mo! Parang timang naman, profile pic mo lang nakikita ko dito.”

 

“Teka lang! Nagbibihis ‘yung tao eh.” sagot naman ni Ningning at in-on na ang kaniyang camera pagkatapos niyang magbihis. Dinala niya naman ito sa dressing table upang makipag-usap at makita siya ng kaniyang kapatid habang naglalagay siya ng kaunting makeup.

 

“Hoy bata! Ba’t ganiyan ‘yong ayos mo ha? Makikipag-date ka ba?” tanong kaagad ni Joy nang makita niya si Ningning sa kaniyang screen. “Baka niloloko mo lang ako na wala kang klase kasi makikipag-date ka lang ha. Umayos ka, Ningning.” dagdag niya at pinagsabihan ang kaniyang nakababatang kapatid.

 

Sinamaan lamang ng tingin ni Ningning si Joy dahil sa mga sinabi nito kaya’t mas lalo siyang sinaway nito. Napa-buntong hininga na lamang siya at nagpaliwanag sa kaniyang ate, “Wala akong klase kasi nga Foundation Week namin. Porke’t naka-makeup, may ka-date kaagad?”

 

“Aba, syempre! Tignan mo nga ang pula-pula ng pisngi mo! Tsaka may pa-eyeliner ka pang nalalaman diyan,” sagot ni Joy nang obserbahan niya ang mukha ng kapatid. “Oh, tsaka cardigan ko ‘yan, diba?” tanong ni Joy nang makita niya ang suot na damit ni Ningning.


“‘Di mo naman na sinusuot eh, edi ako na ang magsusuot.” sagot ni Ningning at nag-hair flip upang mas lalong inisin ang kapatid.

 

“Edi wow. Sumbong pa kita kay mama na may ka-date ka na eh,” sagot naman ni Joy bago ibalik ang usapan sa kaniyang nais sabihin kanina. “Anyway, nandito nga kasi ako sa Haji Lane, may gusto ka bang ipabili?”

 

Tinignan ni Ningning ang mga ipinapakita sa kaniya na mga accessories, souvenirs, at kung ano-ano pang mga kagamitan na alam ni Joy ay gusto ng kaniyang kapatid. Maya-maya ay nagsalita si Ningning nang mayroong nakapukaw ng kaniyang atensiyon, “Ay ayan, maganda ‘yang necklace na ‘yan. Ililibre mo ba ako?”

 

Ini-switch na muli ni Joy ang camera at nakita nanaman ang inis na ekspresyon sa kaniyang mukha bago pinagsabihan ang kapatid, “Aba! Binibigyan kita ng baon minsan kaya ang dami mong ipon ah! Ginamit mo na ba pang-date ‘yon?”

 

“Ate naman, wala nga akong ka-date! Ang kulit naman,” saad ni Ningning sa kapatid at umirap. “Nagtatanong lang kung libre eh. Babayaran naman kita kung hindi.” dagdag nito.

 

Natawa si Joy sa itsura ng kapatid dahil mukha itong pikon na pikon na dahil sa kaniyang pang-aasar dito. Ini-switch niya muli ang camera sa mga kwintas at tinanong muli kung ano ang natipuhang kwintas ni Ningning. Nang mapagpasiyahan na ang bibilhing kwintas ay nagtungo na sa cashier si Joy at binayaran ito. At bago niya ibaba ang tawag ay sinabihan ni Joy si Ningning na hindi na niya kailangan na bayaran siya dahil sagot niya na ito. Napaka-hilig lamang asarin ni Joy ang bunsong kapatid ngunit lagi niya naman ibinibigay ang mga nais ni Ningning.

 

Pagkaraan ng ilang minuto ay natapos na ring mag-ayos si Ningning at siya’y bumaba na upang kunin ang susi ng bahay bago umalis. Habang siya ay nag-aabang ng jeep ay tumunog ang kaniyang phone nang sunod-sunod kaya naman kinuha niya kaagad ito mula sa kaniyang bulsa.

 

Ano bang meron ngayong araw? Ba’t parang hinahanap ako lahat ng tao ngayon?

 

Pagkatingin niya sa screen ng kaniyang phone ay nakita niyang nag-message pala si Sunoo sa group chat nilang mga ADT students na assigned sa mural painting at booth. Natawa siya nang bahagya nang mabasa niya ang mga message ng kaibigan dahil nagra-rant ito na muntik nanaman raw siyang mahuli ng mga bantay ng jail booth. Noong mga nakaraang araw kasi ay laging hinahabol si Sunoo ng mga bantay ng jail booth dahil laging natataon na tugma ang lalaki sa kategorya o “wanted” na kanilang hinahanap. Maya-maya ay may narinig siyang bumubusina na jeep at pagkakita niya sa karatula nito ay muli niyang inilagay sa bulsa ang kaniyang phone bago siya sumakay sa jeep.

 

Pagkadating niya sa school ay kaagad siyang dumiretso sa mga food stalls sapagkat hindi pa siya kumakain ng umagahan at tanghalian. Habang naghihintay sa pila ay nagmamasid-masid siya sa kaniyang paligid at nagbabakasakali na makita niya ang bukod-tanging tao na hindi maalis sa kaniyang isipan sa mga nagdaang araw. Sinubukan niyang tumingkayad upang tignan kung ito ay kasama ni Yunjin sa booth ngunit ang nakita niya lamang ay sina Yunjin at Sunoo na abalang nakikipag-usap sa kanilang ibang kasama. Nga naman, bakit naman pupunta ang tatlong magkakaibigan sa booth nila eh walang ibang ginawa si Sunoo kundi pagselosin si Minjeong nitong mga nakaraang araw. Nahalata rin naman nila na ayaw nang lumapit ni Minjeong sa booth nila ngunit pinipilit at hinihila lagi siya ni Ryujin. Sinubukan niya namang lumingon sa mga hapag-kainan ngunit wala rin dito sina Minjeong.

 

Naisipan pa nilang hindi pumunta kung kailan last day na?

 

Ibinaling na lamang muli ni Ningning ang kaniyang atensiyon sa food stall na kaniyang pinipilahan. Nang siya ay nakabili na ng kaniyang pagkain ay dumiretso siya sa kanilang booth at nagpasiyang doon na lamang siya kakain.

 

“Ang arte ni bakla! Sa’n ang date, ate?” bati sa kaniya ni Sunoo nang makita niya ang suot ni Ningning habang ito ay papalapit sa kanilang pwesto ni Yunjin.

 

Hindi sumagot si Ningning at pinalo na lamang ang braso ni Sunoo sabay inirapan ito. Pagkaupo ng babae sa gitna ng dalawang kaibigan ay nag-komento muli si Sunoo, “Shuta! Girl, naligo ka ba ng pabango? Bwiset, parang nalasahan ko tuloy. Pwe!”

 

“Napaka-OA talaga! Sakto lang naman ‘yung nilagay ko tsaka mabango naman ah!”

 

Umuubo pa rin si Sunoo dahil natapangan siya sa amoy ng pabango ni Ningning kahit hindi naman talaga ito ganoon katapang. Dahil dito ay natawa si Yunjin at binatukan si Sunoo bago tanungin si Ningning, “Pero really, what’s the occasion ba? May Valentine’s dinner ka ba with your family later after this?”

 

“Ampota, ang random ng family dinner. Sa’n mo napulot ‘yan, teh?” tanong pabalik ni Sunoo at hindi naman napigilang matawa ni Ningning.

 

“Bakit ba, ang dami kayang families na kumakain sa labas every Valentine’s Day.” saad ni Yunjin at umiling lamang si Sunoo sa kaniya.

 

“Oo nga pala, nagdi-dinner kayo taon-taon ng pamilya mo tuwing Valentine’s,” saad ni Sunoo at tumango naman si Yunjin. “Edi okay. Malay mo naman kasi nagpapapansin lang ‘to kay Minjeong.” dagdag ni Sunoo sabay turo sa kaniyang katabi.

 

Sinamaan siya ng tingin ni Ningning at ipununas ang wet wipes na ginamit niyang pang-punas sa lamesa sa pisngi ni Sunoo kaya’t napasigaw ito, “Tangina mo! Ang dugyot!” sinaway naman ni Yunjin ang dalawa at muling nagsalita si Sunoo. “Guilty ka noh? Nako po, patay tayo diyan. ‘Di pa namin nakikita ngayon ni Yunjin ‘yung tatlo eh.”

 

“Eh pa’no, parang kinareer mo naman ‘yung agenda mong to make her jealous and be Ning’s fake boyfriend,” sagot ni Yunjin kay Sunoo at sinabunutan ito. “Ayan tuloy, ayaw nang lumapit.”

 

“Hoy grabe! Edi na-prove nga ‘yung point ko na type niya si Ning. Tapos na ang mission ko dito, mabubuhay na ang love life mo, Ning.” sagot ni Sunoo at tinapik ang balikat ni Ningning ng dalawang beses.

 

Lumayo nang kaunti si Ningning sa lalaki at tinignan ito nang masama sabay sabing, “Dami mong alam.”

 

“Oh, bakit ka nagagalit? Ayaw mo ‘yon, crush niyo ‘yung isa’t isa.”

 

“Huy, never assume unless otherwise stated.” singit ni Yunjin at tinignan naman siya ni Sunoo na tila bang mali ang kaniyang sinabi.

 

“Wow ha, eh kung sabihin mo kaya sa kaibigan mo na umamin na siya. ‘Wag siyang totorpe-torpe diyan kamo. May chance naman siya kay Ning eh.”

 

Tumigil si Ningning sa pagkain at kinurot ang braso ng kaniyang kaibigan ngunit wala itong reaksyon at naisipan pang mang-asar pa lalo, “Tsaka sabihin mo pala, ngayon na umamin. Sayang ‘yung fit at pabango ni Ning para sa kaniya eh.”

 

Hindi napigilan ni Yunjin ang kaniyang tawa habang si Ningning naman ay akmang ipupunas ulit kay Sunoo ang gamit na wet wipes ngunit nahawakan kaagad ni Sunoo ang braso ng babae at napigilan niya ang nais na gawin nito.

 

“Pakyu!” sambit ni Ningning ngunit hindi niya rin naman itinanggi ang sinasabi ng kaibigan na nag-ayos siya para sa babae.

 

Sa kabilang banda, sinitsitan at pinandilatan ni Yunjin ng mata si Sunoo upang tumigil na ito at buti naman ay sumunod ang lalaki. Sakto ay dumating sa booth ang adviser ng section nina Ningning at Sunoo at tinawag sina Yunjin at Sunoo dahil mayroong ipapagawa ito sa kanilang dalawa. At dahil doon ay naiwan si Ningning na kumain mag-isa sa lamesa ngunit ayos lang din naman sa kaniya dahil hindi siya aasarin ng dalawa.

 

 

Abalang mag-phone si Ningning habang wala pa masyadong gaanong estudyante na lumalapit sa kanilang booth. Halos thirty minutes na kasing wala ang kaniyang dalawang kaibigan kaya’t naiwan siyang mag-isa na nagbabantay ng kanilang booth at nag-aabang ng mga song requests ng mga estudyante sapagkat naglilibot din ang iba niyang mga kasama na kapwa ADT students. Napa-buntong hininga na lamang siya at ibinaba ang kaniyang phone sapagkat wala na siyang ibang ginawa sa kaniyang phone kundi magpalipat-lipat sa Facebook, Twitter, at Instagram. Natulala siya sa kaniyang kinauupuan hanggang sa bigla siyang mayroong narinig na nagsisigawan kaya’t bigla siyang napalingon sa mga ito at nakitang tumatakbo papalayo ang mga grupo ng mga JHS students mula sa mga bantay ng jail booth na ngayon ay nanghuhuli. Pinagmasdan niya pa ang ibang mga estudyante na tumatakbo at nagulat siya nang makita niya na tumatakbo rin papalayo sina Ryujin at Chaeryeong. Sinundan niya ng tingin ang dalawa dahil umaasa siyang kasama nila si Minjeong ngunit ang nakita niyang tumatakbo rin kasunod ng dalawa ay si Jimin. Nakatingin pa rin siya sa dinaanan ng tatlo at maya-maya ay dumating ang kaniyang ibang mga kaklase na parang hingal na hingal din kakatakbo. Umupo ang mga ito sa upuan kaya’t naisip ni Ningning na umalis pansamantala sa booth upang tignan sana ang jail booth ngunit pinigilan siya ng kaniyang kaklase.

 

“Uy, Ningning! ‘Wag ka munang umalis baka hulihin ka nila. Bwisit na mga ‘yon talaga, nananahimik kami eh.”

 

“Ano na bang nakalagay sa ‘wanted’ nila?” tanong naman ni Ningning at hindi muna nagpatuloy na umalis sa booth.

 

“Ewan din namin eh. Naglalaro kasi kami do’n sa game booth tapos biglang may batang tumatakbo papalapit sa’min kaya naki-takbo nalang din kami,” uminom ng tubig ang kaniyang kaklase at nagpatuloy. “Mahirap na, baka mahuli pa kami. Ang mahal kaya ng piyansa. Tapos hindi ka pa pwedeng magbayad hangga’t wala pang 15 minutes unless ‘yung kaibigan mo ‘yung magbabayad para sa’yo. Eh pa’no na kami makakalabas nang mas mabilis kung lahat kami nahuli?” sagot ng kaklase niyang lalaki at natawa naman si Ningning nang bahagya dahil sa huling sinabi nito.

 

“Bakit, magkano ba ‘yung piyansa?”

 

“Kinse yata o bente? Pamasahe rin pauwi ‘yon noh!”

 

“Sabagay.”

 

Maya-maya ay nakarinig sila ng mahabang tunog ng pito na nangangahulugang tapos na ang panghuhuli ng mga “wanted” kaya’t may iba na ring mga estudyante na nagsisibalikan sa quadrangle upang pumila muli sa mga rides o kaya naman maglaro sa mga game booths. Lumapit naman si Ningning sa pinagtataguan nila ng kanilang mga bag at kinuha ang kaniyang pitaka at tinignan ang laman nito bago ilagay ito sa kaniyang bulsa. Pagkatapos ay nagbilin siya sa kaniyang mga kaklase na aalis muna siya saglit at sila muna ang magbantay ng booth at pumayag naman ang mga ito.

 

Nagpunta muna si Ningning sa dinaanan nina Ryujin, Chaeryeong, at Jimin noong sila ay tumatakbo papalayo kanina ngunit hindi niya natagpuan ang mga ito dito kahit sa mga hapag-kainan na malapit din sa daanan na iyon. Sinubukan niyang pumunta sa gymnasium at nagbabakasakaling dito nagtago ang tatlong magkakaibigan ngunit hindi niya pa rin ito nakita. Nagpasiya na lamang siya na bumalik sa quadrangle at magpunta sa jail booth. Huminto muna siya sa malayo dahil baka hindi pa pala tapos manghuli ang mga bantay ngunit napansin siya ng isang bantay at sinenyasan pa siya na lumapit siya sa booth at hindi siya huhulihin nito. Dahan-dahan siyang lumapit at tinignan isa-isa ang mga tao sa loob ng booth at nakita niya si Minjeong na nakatayo sa gilid habang nakatingin sa labas na tila bang mayroong hinahanap.

 

Lumapit siya sa isang bantay at sinabing magbabayad siya ng piyansa para sa kaniyang kaibigan na si Minjeong. Binigay niya ang pera sa lalaki at kaagad naman itong tinawag si Minjeong.

 

“Lapit na lang po si Minjeong Celestial dito para matanggal na po yung cable tie niyo. May nagbayad na po para sa inyo.” saad ng isang lalaki at sumunod naman si Minjeong sa utos ng lalaki.

 

Pagkatanggal ng cable tie na nakatali sa mga kamay ni Minjeong ay kaagad siyang lumabas at nagulat siya nang makita niya si Ningning sa kaniyang harapan. Nagtitigan ang dalawa ng ilang segundo hanggang sa inilihis ni Minjeong ang kaniyang tingin mula sa babae at tila bang hinahanap kung kasama nito ang kanilang mga kaibigan ngunit wala itong nakita. Natawa nang bahagya si Ningning nang na-obserbahan niya ang ginawa ni Minjeong at hinila niya nang marahan sa braso ang babae papalapit sa kaniya dahil mayroong nais lumabas mula sa booth at nakaharang pa rin si Minjeong sa labasan ng booth. Nagpasiya si Ningning na umalis na sila sa lugar na iyon at hinawakan niya ang braso ni Minjeong na hanggang ngayon ay hindi pa rin umiimik upang sila ay mag-umpisa nang maglakad papalayo at pumunta sa kung saan man sila dalhin ng kanilang mga paa. Binitawan din naman kaagad ni Ningning ang braso ni Minjeong dahil nararamdaman niya na parang hindi komportable ito at nag-desisyon na kausapin na lamang ang babae.

 

“Bakit ka nila hinuli?”

 

“H-huh?” napalingon si Minjeong sa kaniyang katabi at hindi alam ang isasagot dahil kanina pa siya kinakabahan simula nang makita niya ito sa labas ng jail booth at ang tanging nasa isip niya lamang ay napakabango ni Ningning.

 

Lumingon naman si Ningning sa kaniyang katabi at syempre ay inilihis kaagad ni Minjeong ang kaniyang mga mata mula sa babae, “Sabi ko, bakit ka hinuli no’ng mga taga-jail booth. Ano ba ‘yung mga qualifications no’ng hinahanap nilang ‘wanted’?”

 

Napakamot ng batok si Minjeong at sumagot, “Ah… dahil daw dito.” Ipinakita ni Minjeong kay Ningning ang nakasabit sa kaniyang bag na crochet keychain na maltese ang disenyo. 

 

Hindi naman napigilan na matawa si Ningning dahil sa rason kung bakit nahuli ang babae, “Seryoso, nahuli ka dahil diyan?” tanong niya kay Minjeong at tumango naman ito. “Grabe, madami bang may crochet keychain kaya ‘wanted’ na lahat ng may ganiyan?”

 

“Yata. Nabili ko lang ‘to do’n sa isang booth eh.”

 

“Ohhh… Ang cute naman. Try ko nga rin bumili mamaya.” saad ni Ningning at napangiti habang pinagmamasdan muli ang keychain.

 

Pinagmasdan din ni Minjeong ang mukha ng babae at hindi rin maiwasan na bahagyang mapangiti. Bago siya mahuli ni Ningning ay ibinaling na lamang niya muli ang kaniyang atensiyon sa kaniyang harapan. Huminto siya sa kaniyang paglalakad at hinawakan niya rin ang braso ni Ningning upang ito rin ay huminto sapagkat magsha-shout out nanaman ang student council at napakaraming tao sa harapan ng kanilang booth. Naghanap ng ibang madadaanan si Minjeong upang iwasan ang booth na iyon habang hawak niya pa rin ang braso ni Ningning. Napunta ang dalawa sa isang covered hallway at naisipan na dito na lamang dumaan dahil kaunti lamang ang mga tao na dumadaan dito at iwas na rin sa tirik na araw. Napagtanto ni Minjeong na hawak niya pa rin pala ang braso ni Ningning kaya’t binitawan niya kaagad ito at humingi ng pasensya sa babae. Tumango lamang si Ningning sa kaniya at nanatili nanaman silang tahimik habang naglalakad nang mabagal.

 

Maya-maya ay sinilip ni Ningning ang kaniyang katabi upang makita kung ano ang ginagawa nito at nakitang nakatingin si Minjeong sa booth ng student council. Nais niya sanang kausapin ang babae ngunit hindi niya alam kung paano dahil tila bang hindi ito interesado na makipag-usap sa kaniya (o sadyang tahimik lang talaga si Minjeong). Kahit na ganito ay sinubukan niya pa rin at nagkunwaring umubo upang makuha ang atensiyon ni Minjeong.

 

Napalingon naman nang saglit si Minjeong sa kaniya kaya’t nagtanong na siya dito, “Nga pala, kasama mo ba sila ate Jimin? Parang nakita ko kasi sila kanina no’ng nanghuhuli ‘yung mga bantay ng jail booth.”

 

Nanlaki ang mga mata ni Minjeong nang maalala niyang hinayaan nga pala siya ng kaniyang mga kaibigan na mahuli siya. Abala kasi silang apat na bumili ng crochet keychain sa isang booth kanina nang mayroong lumapit sa kanila na lalaki. Nang makita nina Jimin, Ryujin, at Chaeryeong na naglabas ito ng cable ties ay kaagad na tumakbo ang mga ito at iniwan si Minjeong sa booth. 

 

Tila bang naramdaman siguro ni Jimin na pinag-uusapan sila nina Ningning at Minjeong dahil biglang nag-ring ang phone ni Minjeong at nakita niya ang pangalan ni Jimin sa screen ng kaniyan phone. Sinabihan naman ni Ningning si Minjeong na sagutin niya ang tawag at tumango naman ito kaya’t huminto muna sila sa paglalakad.

 

“Uy! Buti sinagot mo ‘yung tawag. Kala namin hindi pwedeng gumamit ng phone kapag nakulong eh. Hindi na ba sila nanghuhuli?”

 

“Hindi.”

 

“Luh, ang cold mo naman. May pera ka naman, diba? Nakapagbayad ka na—ay, wait lang.”

 

Huminto sa pagsasalita si Jimin at narinig naman ni Minjeong na nagpapaliwanag si Ryujin na nabalitaan niya raw sa iba nilang kaklase na hindi pwedeng magbayad para sa sarili hangga’t wala pang fifteen minutes maliban na lamang kung mayroong nagbayad para sa iyo dahil mas makakalabas ka nang mas mabilis kung ganoon ang nangyari.

 

“Kami nalang pala magbabayad para sa’yo. Sorry, Minjeong~”

 

“Pangit niyo, ‘wag na. Nakalabas na ako.”

 

“Huh? Wala pang fifteen minutes ah. Sinong nagbayad para sa’yo?”

 

Napatingin naman si Minjeong nang ilang segundo kay Ningning na abala rin sa kaniyang phone dahil mayroon din yatang ka-text ito. Pagkatapos ay ibinaling na lamang niya muli ang kaniyang tingin sa booth ng student council bago sagutin si Jimin, “Basta. Nasa’n ba kasi kayo pumunta?”

 

“Ay, bakit confidential? Tinatanong lang kung sino eh. Mahirap ba sagutin ‘yon.” sagot sa kaniya ni Jimin at narinig ni Minjeong na sumasang-ayon din si Ryujin sa sinabi ng kaibigan.

 

Napa-buntong hininga na lamang si Minjeong dahil sa dalawa at sinabing, “Mahalaga pa ba ‘yon?”

 

“Medyo,” maikling sagot ni Jimin at binago na ang kanilang topic sapagkat nararamdaman niyang mas lalong nadagdagan lamang ang inis ni Minjeong sa kanilang tatlo.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
kingnyz
Hi, everyone! I'm sorry ngayon lang nakapag-update since sobrang busy lang talaga... Basta, I'll update if my schedule permits :> Salamat sa patience and for reading this story hehe. Enjoy the update!

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
#1
Chapter 3: Chapter 3: shadasdfgjslshdks rereading ulit, ganda talaga! dagdag pa yung update ni ning sa IG haha lakas maka good student vibes na dapat tularan at girlcrush ng lahat and perfect ang attendance and malinis record! ganda nya super dun kaya na imagine ko rito hshsjshihi
yurieldrafts
#2
Chapter 3: AAAA THABK YOU PO AUTHOR ISA TALAGA TO SA MGA INAABANGAN KO HUHUHU FINALLY UMUUSAD NA RIN SILA AHZHAHA
viviannning #3
Chapter 3: Yeyyy thank youuu, tagal ko rin naghintay
viviannning #4
Chapter 3: Yeyyy thank youuu, tagal ko rin naghintay
kwinminjeong
#5
Chapter 3: Chapter 3: AAAAAAAAHHH NAPA THANK U LORD AKO DUN NUNG NAKITA KO UPDATE NITO TOR !!!! Buo na araw ko 'tor! Araw araw ko tinitignan prof mo kung may update ba d2 eh kasi super ganda talaga ng plot ng story! kuhang kuha talaga ang kilig ko shet 🤪 Thank you so much sa update!! GRABE KILIG Q DITO SA DALAWA MGA NAGPAPAKIRAMDAMAN PA DHAIJSJSHSHWHW MINJEONG GUMALAW KA NAMAN BEH KOH ! SANA MAGKARON NG LABEL PLZ PLZ
Shiawasent
#6
Chapter 2: HSHSAHAH JELLY ACE PALA MINJEONG NIYO EH
Eybrelros #7
kwinminjeong
#8
Chapter 2: Chapter 2: HALA ATE KO KINIKILIG AKO PAK GAGO WHSKSBAJAAHAH KILIG TO DA BONES !!! MULA UNA HANGGANG D2 DAMANG DAMA KO ANG GANAP HA!?!? OTOR ANG GALING MO HA! 💋 BAHWJSNSKANAHA MJ GUMALAW KA JAN SOBRANG HIRAP BASAHIN NI AKLA, GUMALAW KANA BEH KOH!!!
viviannning #9
Chapter 2: Parang may part 3 🤭🤭💗
howdoyouknowmee
549 streak #10
Upvoted