PEACE (TO) BE WITH (YU)

PEACE (TO) BE WITH (YU)
Please Subscribe to read the full chapter

december na, ibig-sabihin malapit na naman ang pasko. magpapasko na naman akong mag-isa. eme, kasama ko pala sila mama at ate. akala mo naman loner talaga siya.

 



 

pero hindi lang naman pasko ang hinihintay ko kundi ang simbang-gabi din, kaso nga lang parang ayoko kumpletuhin ngayon kasi wala lang. tinatamad lang. 




 

sorry po lord, bawi na lang po ako next year.




 

nandito ako ngayon sa bahay ng kaibigan ko, si ning. bakit? kasi nag host siya ng christmas party para sa amin, lakas ng trip ‘di ba? 



 

ewan ko rin ba dito kay ning, ang daming oras para sa mga ganito. gusto pa niya mag exchange gift tapos worth 150, like saan ka naman makakahanap ng gift na aabot ng one hundred fifty? 



 

anyway, hindi pa nagsisimula ang party dahil hinihintay pa namin dumating si yunjin, isa, at monday. 



 

pati na rin pala ang jowa niyang si giselle. edi wow, sana all magpapasko na masaya. 



 

alam niyo bang pinapunta pa ako ni ning dito sa bahay niya ng alas-tres nang umaga? nasa iisang subdivision lang naman kami at konting blocks lang ang layo ng bahay nila sa amin, pero kasi hello? 3am? 



 

akala ko naman kung anong nangyari sa kaniya dahil ang alerting ng message niya, ayon pala magpapatulong lang siya sa decoration. bwisit. second day pa lang ng december pero hindi na ako natutuwa.



 

tapos naman na kami mag decorate at nakaupo na lang, nagpapahinga. nakatulog pa nga ‘tong si ning eh.



 

masyado kasing excited si sis.



 

inaantok na rin ako kaya naman nag nap muna ako, pinagod at pinuyat kasi ako nito ni ning. kaasar.



 

nang magising ako, narinig ko agad ang boses ni isa, ayan na si daldalita number one. sinigawan ba naman ako malapit sa tenga, baliw ‘di ba? 



 

“gising na sizzum, matutulog na tayo” tinignan ko lang siya nang masama. wala pa ngang fifteen minutes ata ang nap ko. 



 

bigla naman bumukas ang main door nila ning, hindi ko na kailangan tignan kung sino ang dumating dahil si monday lang naman ang ganiyan magbukas ng pintuan.



 

“hello madlang pipol mabuhay” nakisakay naman itong si ning at isa, “mini miss u, mini miss u” at nagyakapan na sila. akala mo mga hindi nagkita ng isang taon.




 

eh magkakasama lang naman kami kahapon.




 

and as usual, late na naman si yunjin. otw na siguro. on the water. ang lapit ng bahay nila dito sa subdivision namin pero palagi nalang siyang late kapag may ganap kami.




 

ay oo nga pala, dumating na si giselle kanina. hindi ko manlang kamo naramdaman ang presence ni sis. 



 

sabi ni ning ay lumabas lang daw siya para bumili ng cake at iba pang snacks. sugar mommy talaga siya ni ning, saan ba napulot ni baklita ‘to?



 

nagkukwentuhan lang ‘tong tatlong mga nakalunok ng speaker. ano ang pinag-uusapan nila? simbang-gabi.



 

sa totoo lang wala talaga akong balak magsimba ngayong taon, sorry na talaga lord. love naman po kita.



 

“ikaw ba winty bear hindi ka magsisimba?” ayan na naman si monday sa nickname niyang pang bata. “ewan. baka hindi, tinatamad ako eh” 



 

bigla naman akong kinurot ni ning sa tagiliran, nababaliw na naman siya.



 

“magsisimba ka” oh ‘di ba, desisyon si ante. “ayoko nga, ikaw na lang, huwag mo na ako idamay.” kinurot niya ulit ako, feeling ko tuloy may pasa na ‘yung tagiliran ko.



 

bago pa siya magsalita ulit ay narinig namin na may nagdoor bell nang paulit-ulit. si daldalita number four na ‘yan.



 

ubos na naman social battery ko nito. 



 

lord baka naman bigyan mo na ako nang makakapag recharge sa akin. charot. 



 

nang makapasok si yunjin ay sinalubong niya kami ng halik. ewan ko ba naman kasi sa mga kaibigan ko, ang clingy lahat. 



 

mahilig bumeso, mahilig yumakap. akala mo ‘yung mga tita mo lang na nanggaling sa ibang bansa eh.



 

nagkwentuhan lang ulit sila. ayoko muna magsalita kasi nagr-ready pa ako ng energy para mamaya. papagurin lang naman nila ako eh, mga mahihinang nilalang kasi kapag umiinom. lol.



 

ilang sandali pa ay dumating na rin si giselle na may hawak na isang malaking box ng cake, two layers siya pero mukhang three.



 

hawak niya ‘yon sa kaliwang kamay niya at sa kanan naman ay tatlong malalaking supot. paano niya kaya nakayanan na buhatin lahat ‘yon?



 

ang laman ng plastic ay mga naka stick na ice cream, pangluto ng pagkain. mga chichirya, noodles at soju.



 

sa totoo lang mukha siyang nag grocery. 




 

treat niya na raw ‘to sa amin lahat. ang bait ‘di ba? hindi katulad ni ning, mas masama pa kay satan at lucifer. oo magkaiba sila, hindi niyo ba alam? ngayon alam niyo na.



 

nagpaalam muna ako sa kanila na magpapahangin lang sandali, alam naman na nila kung bakit.



 

gaya nga ng sabi ko kanina, mag-iipon lang ako ng energy at ito na ‘yon.








 

pumasok na ako sa loob dahil raw mag i-start na ang pa mini christmas party ni madam ning. hayy lord ako ay iyong gabayan.



 

napag-isipan ng lahat na kumain muna bago mag laro or kung ano pa man. mabuti naman, kanina pa ako nagugutom.



 

puro nga dessert ‘yung pagkain namin eh. may salad, may graham, may gelatin, may buko pandan at syempre hindi mawawala ang paboritong pagkain ng lahat… ang spaghetti.



 

“ano ba ang laro natin for today?” tanong ni yunjin habang kumakain ng salad. favorite niya ‘yan eh.



 

“pass the mic” syempre ayan ang sagot ni ning, favorite game niya ‘yan eh.



 

“teh naman, not ka ba nagsasawa jan? everytime kamo naglalaro tayo ng ganiyan, napapaos ako” nagkunwari pa na umiiyak si isa, baliw talaga. eh gusto niya rin naman.



 

siya pa nga nangunguna. atsaka paano ngang hindi siya mapapaos eh kapag nasa kaniya ‘yung mic bumibirit kahit hindi naman kailangan. 



 

ay hindi ko pala nasabi paano laruin ang pass the mic. sa totoo lang, gawa-gawa lang ‘yan ni ning. nung first time kasi namin nag christmas party, nagkaroon kami ng brainstorming kung ano ang magandang laruin.



 

eh since sawa na kami sa truth or dare or kung ano pa man, nag-isip kami ng iba. 



 

madali lang naman ang mechanics nang paglaro ng pass the mic. mag-iisip ka lang ng song at kakantahin mo siya, tapos ipapasa mo ‘yung mic kung kanino mo gusto.



 

pero may twist, kailangan kapag napunta sa’yo ‘yung mic, hindi dapat katono nung mismong song. iibahin mo siya pero dapat tugma pa rin sa beat ng kanta.



 

basically, gumagawa ng sarili mong melody.



 

eh ito kasing si isa, kapag napupunta sa kaniya ang mic, binibirit niya ang kanta. malakas trip eh. edi ayan, ang consequence niya ay mawalan ng boses.



 

“hindi ako magsasawa jan, kasi ako ang nakaisip” tumatawa pa si gagang ning. 



 

hindi ko talaga alam paanong natitiis ni giselle ang kaingayan at kaguluhan nitong si ning eh. kung ako siguro jowa nito, papasakan ko nalang ng tissue ang bibig niya.



 

nakatapos na kaming kumain at nagsimula na ngang gawin ang pambansang laro namin.



 

si giselle ang may hawak ng mic. nako po, english ang kakantahin nito. madalang ko kasi siya marinig kumanta ng mga tagalog songs. hindi niya raw vibe eh.



 

nagsimula nang kumanta si giselle. “how can you see into my eyes like open doors?” at bring me to life nga po ang naisip niya.



 

huwag naman sana niyang iabot sa akin ang mic kasi baka biglang magaya ko si isa. 



 

ipinasa niya agad ang mic kay monday “leading you down into my core, where i become so numb” kinanta niya ito nang parang bass style. ‘yung mga katulad nung sa choir? 



 

ang galing, nagboses lalaki bigla si monday. lalaki siguro talaga siya tapos, nagp-pretend lang na babae. charr.



 

binigay niya bigla sa akin ang mic at wala na akong panahon mag-isip kung paano kakantahin kaya naman korean style na lang ang ginawa ko. para akong tanga, nakakainis.



 

inabot ko agad kay isa ang mic at ayan na nga po si ate mong mahilig bumirit. sobrang sakit na ng tenga naming lahat.



 

nagtuloy-tuloy lang ang laro hanggang sa bigayan na ng gifts.



 

may pa wishlist pa sila, akala mo naman aabot sa one-fifty ‘yung mga gusto nila. ang nabunot ko sa exchange gift ay si isa kaya naman niregaluhan ko siya ng mic. 



 

at nabunot naman ni isa si ning, at ang binigay niya ay speaker. jusko. p’wede na sila magcollab mamaya.



 

ang nakuha ko naman ay galing kay monday, dalawang pack ng rebisco at isang pack ng skyflakes. tarantado talaga eh. 



 

after magbigayan ng mga gifts ay nagsimula na sila sa main event. ano ‘yon? ang inuman. sila lang talaga mahilig uminom, ako kasi ay hindi. taga pag-alaga lang nila ako. kami ni giselle ang nagbabantay sa kanila.



 

kala mo mga nanay lang eh.



 

nakaka dalawang oras na simula nung uminom sila, at kagaya nga ng sabi ko kanina taga-bantay lang kami.



 

lasing na po sila.



 

si isa ay ginagawa ng suklay ang mic. si mo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chinisan
sumulat lang ako ng special chapter kasi ang daming nangungulit sa akin. ayan, last na po 'yan. ayaw ko na ><

Comments

You must be logged in to comment
chippiee
#1
Chapter 2: 💙
httpdaniyoo #2
Chapter 2: Awe🥺