Chapter 3

FALL ?
Please Subscribe to read the full chapter

Chaewon Pov

 

Nakaupo kaming dalawa ni Yena ngayon sa labas ng isang tindahan habang hingal na hingal. Ikaw ba naman habulin ng aso!

 

"Ikaw kase bakit hinawakan mopa yung aso yan tuloy hinabol tayo!" Pagrereklamo ko.

 

"Ang amo ng mukha kaya kala ko mabait" Pagdedefend nya sa sarili nya.

 

"Ibili mona lang ako ng tubig walang hiya kang pato ka" I said.

 

"Eto na. Sorry na nga e" Sagot nya at bumili ng tubig sa tindahan kung saan kame nakatambay.

 

Papunta dapat akong school ngayon para lumangoy pero lumabas muna kaming LVU para magbreakfast tapos tong patong to sasama daw at manonood.

 

Kaso while we peacefully walking pabalik ng school may nakitang aso to at hinawakan tapos nagalit yung aso kaya yun hinabol kami.

 

"Gago hindi kona kailangan ng warm up! Grabe na yung paghabol nung aso sa atin" Sabi ko pagkaabot nya ng tubig.

 

"Langoy ka din pala para may kasama ako" Pag aya ko sa kanya.

 

"Hindi na. pupuntang school si Yul kaya pupuntahan ko lang din hehehe" Sabi nyang nakangisi.

 

Nak ng!

 

"Sabi mo sasamahan moko don! Si Yuri naman pala habol mo!" 

 

Yuri. Pinopormahan ni Yena since last year. Magkabatch kami ni Yuri at mas ahead ng isang taon sa amin si Yena. Kaibigan ko si Yuri nung highschool at napakilala ko naman sya sa mga bestfriend ko, si Yujin at Yena and then Yena and Yuri clicked kaso last year lang nagkalakas loob manligaw tong bestfriend kong pato.

 

"Sorry na nga! " Sabi nya.

 

"By the way magdodorm ba sya?" Tanong ko

 

"Hindi. May bahay daw sila dito." Paliwanag nya.

 

Tumango na lang ako.

 

After namin tumambay sa tindahan dumeretso na kaming school.

 

Hindi na kami bumalik ng dorm kasi malayo sya mula sa Pool gym.

 

Pero bago ako pumuntang pool gym nagpasama muna tong pato sa Building ng mga Business majors kase andun na daw si Yuri.

 

"Yul!" Sigaw nya ng makita nya si Yuri na may kasamang babae.

 

Napalingon naman agad si Yuri kung asan kami.

 

"Yena! Chaewon!" Pag ngiti nyang sabi at hinila ang kasama papunta sa amin.

 

"Kamusta Scholar namin?" Pang aasar nya ng nakalapit na sila sa amin.

 

"Ayos naman Yuri tsk. Ako lang to" Pabiro kong sagot habang itinataas at baba ang aking kilay.

 

"Loko ka talaga" Sabi nya.

 

"Nga pala pinsan ko, Minju" Pagpapakilala nya.

 

"Minju this is Yena and Chaewon" Pagpatuloy nya.

 

"Sya ba yung galing ibang bansa?" Bulong na tanong ni Yena.

 

"Oo basic lang na tagalog naiintindihan nya at hindi sya marunong" Pagsabi nya napatingin ako sa kasama nya. 

 

Mukhang hindi nga talaga nya alam ano pinagsasabi namin kase she looks confused while frowning.

 

Napaiwas ako ng tingin nung nagtagpo ang aming mga mata.

 

Umubo ako ng bahagya para maagaw pansin sa dalawa.

 

"Mauna nako Yuri at Yena, lalangoy pa ako" Pagpapaalam ko. Tumingin ako sa kasama nyang babae "Nice to meet you Minju" Pagpatuloy kong nakangiti.

 

Pumunta nakong Pool gym at dumeretso sa mga lockers.

 

Chineck ko yung paper na binigay ng President kasi nakalagay don Locker number ko dito.

 

25.

 

Hinanap ko yung 25 at bi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ssamyen
#1
Chapter 11: AAAAAAA OMG!!
Ssamyen
#2
Chapter 10: Ack 2kim😭🥺