ELDN — fighting!

for lovers who hesitate
Please Subscribe to read the full chapter

Winter’s

Ayoko pa

Lord ayaw ko pa

Lord ‘wag muna

Tinatamad pa ako pumasok! Bakit! Bakit 1 week nalang summer vacation Lord! Bakit?

Hindi naman sa bobo ako, sadyang tinatamad lang talaga ako bumalik sa pag-aaral every after summer vacations pero don’t me ha honor student since kindergarten ‘to!

Tamad pero may pangarap!

Pangarap ko maging doctor pero kung hindi papalarin, mag-aasawa nalang ako ng doctor. Pero kung hindi talaga papalarin magko-konduktor nalang ako sa Bus. Oh bakit wala namang masama sa trabahong ‘yun, marangal at masisipag ang mga konduktor ng mga Bus o ‘yung mga nasa terminal ng jeep.  Ang hirap kasi sa mga tao ngayon minamaliit ‘yung mga minimum wages na trabaho, lalo ‘yung mga taong ang tataas ng tingin sa sarili e ang papangit naman ng ugali!

Mabalik sa pagbibida-bida ko,

Dentistry ang kinuha ko as pre-med ko, hindi ko alam kung bakit kaya huwag niyo na ako tanungin. Besides top performing school naman ‘yung in-applyan ko kaya sana hindi ako tamarin kasi balita ko grabehan daw educ system ‘don. Pamatay kung pamatay.

Halloween ata them ng University na ‘yun or The Walking Dead, bungad pa lang ng campus makikita mo na ‘yung mga pagod na students. Pero may fun-fun din naman siguro sa SMU, kahit naman mga ibang University na kilala sa pagiging mahigpit sa teaching system nila may mga sikat at masasayang events for students to enjoy.

Ewan ko ba, gustong gusto ko pinapahirapan sarili ko. Wala namang nag doctor sa angkan namin pero ito, si Winter Minjeong Kim naliligaw sa dentistry.

Si mama may restaurant tapos si papa naman ay ‘yung chef ni mama. Oh ‘di ba hindi mapaghiwalay, minsan inggit na inggit lang inaabot ko kapag naglalampungan sila. Shakit sa mata teh kakaunti nalang baka magkaroon ulit ng bagong set ng triplets.

Ay!

Speaking of triplets, yes may mga kawangis ang ganda kong ‘to! Ako ‘yung panganay, sumunod si Minju at ang bunso ng tres marias ay si Minji.

Kami ang kmjs, kapuso mo jisika suho!

charet labyu mareng jess

Mahilig siguro manood si Boss Taeyeon ng kmjs nung nasa sinapupunan niya kami. Ang ganap naming tatlo ay, lumipad ang aming team palabas sa bahay bata ni Boss Taeyeon habang ang asawa niya ay kasalukuyang nasa sahig at nahimatay sa mga pangyayari…

Man down, I repeat man down!

Ang funny lang ng paglabas namin dito sa mundong ibabaw, lagi ba naman kinukwento ni mama ‘yong itsura ni papa, mula sa akin raw hanggang kay minji nahihimatay si papa, mas natataranta pa si mama sa kalagayan ni papa kaloka!

Okay enough na sa family ko, ako ang bida rito pwera nalang kung isa pala akong leading lady at meron akong leading woman.

Huyy kimii

Pero sino ba ako para tumanggi sa blessing lord, basta siguraduhin mong blessing lord. Sawa na ako sa puro lesson lang lord ang dami ko nang natutunan sa mga ex kong nakaka-jirits.

“Kim Minjeong! Babangon ka now na o ibabaon kita diyan sa kama mo!” Ayan na sumisugaw na si Boss Tae Armalite MAMA89 SMAX Supreme.

“Coming na mhiemasaur, when I say rawr you say RAWR” asar kong pagbungad kay mama na tutok na tutok sa kaniyang laptop.

Bigla naman siyang napatingin sa’kin at biglang nag-iba ang expression ng kaniyang mukha, from iritable to gulat. Alam kong maganda ako ma hindi mo na kailangang magulat no!

“WINTER TABI!” Sigaw ni Minji mula sa aming bakuran. Huh bakit tatabi? Layo layo mo sa’kin para dumaan. Akmang palingon na ako mula sa pagkakaharap ko kay mama patungo sa likod ko kung saan naandon ang malaking pintuan palabas sa aming bakuran.

Pero mukhang nagulat din ang buong pagkatao ko nang biglang nag slide pababa ang view ko.

*BOOGSH*

“WINTER ANAK!”

Wow parang sa mga movies lang, may scene na pa-slow mo ‘yung view ng mga artista habang bumabagsak.

Dumilim ang paligid, may tumawag sa pangalan ko~

Ang ganda pala ng pangalan ko pag sinisigaw no? Like go, scream my name pero not in this way. Bigla akong namilipit sa sakit nang may biglang tumama sa braso ko. Sa sobrang sakit literal na dumilim ang paligid ko.

Lumiliwanag, may naliwanag na ilaw, palaki nang palaki ‘yung sinag.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
keijeo
wait lang huhu busy pa me sa acads

Comments

You must be logged in to comment
yujjiman
#1
Chapter 4: kabitin huhu
stillintoyu
206 streak #2
Chapter 3: panis kay minju may dilig
stillintoyu
206 streak #3
Chapter 2: may history si doc yu at boss tae 🤨
kordeisty
#4
Chapter 3: ang cute nito omg looking forward sa next chapters 🙇‍♀️
TaeSunshine
#5
I wish this was in english so i could read it
AhnWony
#6
Chapter 3: walanjo naman Minjoo HAHAH kala ko kay chaewon bagsak mo. anywaysss, yown! nagkita na din sila pugo at mandu. kalmahan mo lang Winterrr HAHHA
winminwin #7
Chapter 4: Si middle child may dilig na agad simula pa lang? #Minjoo1stWin 😎🙌
shiro11 #8
Chapter 3: Ang cute ng pagkakasulat. Looking forward for the next update 🥰
Kael_neo #9
Chapter 1: damn, it's so well written and captivating.
Kael_neo #10
even the foreword is captivating