Something Spicy

Nene Bunene
Please Subscribe to read the full chapter

Minju, huh? 

Kanina pangalan ng kapatid niya Minji sa cartoon network, ngayon siya naman na Minju. Anime representative yarn? 

Yung nasa Dragon balls na si Majinbu, shinortcut lang kaya naging Minju. 

Nilahad niya yung kanang kamay niya sa akin. “Ikaw ba anong pangalan mo?”

Dahil sa nakakahawa yung ngiti niyang hindi ko alam kung bakit hindi halos mawala-wala kanina pa, tatanggapin ko na lang yung kamay niya. Kawawa naman siya kung hindi.

“Ako si-”

 

“KARINA MALDITA!” 

 

And just like almost every moment I had sa Sitio Kwangyalupe since day one, a.k.a yesterday, Nene entered the picture out of nowhere para maging bwisit sa buhay ko. 

Paano ko nasabing ang dugyot na’yon ang sumigaw? Aba eh paanong hindi? Siya lang naman ang may boses na may kakayahang pataasin ang blood pressure ko in less than a second. 

Bwiset na bakulaw ‘to. Talagang pinagsisigawan pa sa buong Sitio Kwangyalupe yung pagtawag niya sa akin ng maldita. Napaka walang hiya! 

As far as I know, wala pa akong ginagawang masama sakaniya ngayong araw. Wala PA pero malapit na. 

Unti-unti akong lumingon sakaniya at sa bawat galaw ng leeg ko ay siyang pagbagsak ng mga labi kong kanina ay nakangiti. Ang magaling na bruha ay nananakbo, sana madapa siya. Nasa likod niya si Ningning at dalawa pang lalaki. 

“KARINAAA.” at siyempre hindi magpapatalo sa kaingayan ang OG daldalera. 

Ano na naman bang problema nila? Nagdala pa sila ng minions. 

Humagikgik ang katabi ko kaya napatingin ako sakaniya. “Anong nakakatawa?”

Umiling siya. “Wala, wala. Ang sakto lang ng dating ni Nene.”

Letche talaga yang Nene nayan. Ang lakas talaga ng boses, umagahan niya ata ay microphone eh. Mananakit na naman yung mata ko kakairap. 

“Karina pala ang pangalan mo pero hindi ka naman mukhang maldita.” malamang hindi naman ako maldita, ubod kaya ako ng bait. Sana hindi maniwala yung mga taong nakarinig sa sigaw nung bakulaw kanina. It’s balatant defamation!

“Ayun nga,” Teka nga  salita nang salita ‘to si Minju. ‘Diba halatang nahihiya ako sakaniya? I mean hindi ako pala ako nahihiya sakaniya nahihiya ako sa biglang pagsigaw nung isa ng pangalan ko.

“Medyo huli na ako pero..” 

 

??? 

 

Mabilis na nanlaki yung mata kong maganda at singkit nang hawakan niya yung kamay kong dapat naman talaga hahawakan niya kanina pa kaya dapat expected ko na pero nagulat pa rin ako kasi..

Ah basta! Madumi kamay niya! Ganon! (Kahit hindi.)

“Maligayang pagdating sa Sitio Kwangyalupe, Karina.”


 

Oh.my.god. 

 

Ito na ba yung tinatawag nilang makabayan rizz? Tagalog rizz? 

Talaga naman talaga oh!

But, nope. Hold-awn! Hindi pwede. 

Nuh-uh. 

Immune ako diyan, wala sa plano ko yang magpa rizz rizz sa mga probinsyana girls. Sino ba sila?! Hindi ko sila kilala!

Nalipat ang attention ko sa mga bagong dating. Pagkalapit ba naman ni Ningning, tuloy-tuloy ang pagbubunganga. 

“Nandito ka lang pala. Alam mo bang kanina ka pa namin hinahanap? Pagkapunta namin sa kubo mo wala ka naman doon grabe kinabahan agad kami at nag-alala. Muntik na nga kaming magpatawag ng mga baranggay tanod at pulis dahil nga bigla kang naglaho na parang bula. Akala nga namin kinuha ka na ng tikbalang para gawing asawa!”


Asawa ng tikbalang? What the hell? Grabe talaga napupuntahan ng overthinking nito.

“Ningning, ikalma mo.” hingal na hingal siya eh. 

Ang OA naman kasi. Ano ako bata? Malakas kaya sense of direction ko kahit na wala akong direksyon sa buhay.

Pero appreciated ko naman yung pag-aalala nila sa akin. 

Umismid si Nene kaya napatingin ako sakaniya. Si Ningning nalang pala yung appreciated ko. Napaka papansin talaga nito eh. Ano teh? Siya naman ang magbubunganga sakin? 

“Sa susunod kasi magsabi ka kung aalis ka, alam mo namang binilin ka sa amin. Kapag may masamang nangyari sayo, matik na damay kami.”

Sabi ko na eh. 

Na rerebat ‘tong si Nene. Nakakairita pero buti naman at bumalik na siya sa normal niyang anyo, isang dugyotin. 

Jusko, pawis na pawis tapos yung suot nanlilimahid. Ano siya, five years old na first time makalabas ng bahay para maglaro? Nakakadiri talaga. Buti medyo malayo ako sakaniya baka hindi rin siya nag toothbrush, geez. 

“Eto naman si OA.” maikling sagot ko sakaniya. Maikli lang para lalong mainis. 

Alangan namang sumabog siya ngayon dito at magsabi ng mga masasamang words eh hindi lang kaming tatlo nila Ningning? 

“OA ka diyan? Alam ko ibig sabihin niyan at hindi ako OA. Sinasabi ko lang sayo na mali yung ginawa mo.”

Luh? Nagsisimula yarn? 

“OA kasi yung pagkakasabi mo.” Ayan naglaliveshow na kami rito.

Hay ‘nako. Gusto ko na maupo, eto namang si OA panira. 

Pumikit siya bago magsalita. Kailan ba’to matututo umirap? Hindi ba siya nahihiya tuwing ginagawa niya yun? Halata namang mali yung pag-irap niya, tinutuloy-tuloy pa rin.

“Anong gusto mo? Tumalon pa ako sa saya?” natawa yung dalawang lalaki sa likod niya pero tumigil agad dahil inambaan sila ni Nene. 

Umirap ako, yung totoong irap hindi katulad ng irap niyang tila gusto niyang matulog. “Pwede bang kalmahan mo muna? Gusto ko na kasing umupo, ngalay na ngalay na ako oh.”

“Kalmado naman ako ah?”

Aba talagang ayaw tumigil ng Nene niyo.

Tinapik siya ni Ningning. “Tama siya ‘Ne, masiyado kang mainit ang ulo.” pero hindi agad nakinig. Sinamaan ba naman ako ng tingin? Siyempre ibinalik ko agad with taas ng kilay. 

Bakit ako magpapatalo sa taong hindi magkaterno ang suot na tsinelas?

“Totoo naman na kung nagkataon, kargo de konsensya natin yan.” sabi niya sabay iling sa akin.

Naunang sumagot si Ningning kesa sa akin. “Ang mahalaga naman ay nakita na natin si Karina kaya wag ka na mag alala sakaniya.”

Si Nene mag aalala sa akin? Impossible. Kanina pa nga niya pinopoint out na damay sila kapag napahamak ako kaya nila ginagawa ‘to.

Parehas tuloy nakakunot ang noo namin sa pinagsasabi nitong pinsan niya. Tumalak ang dugyot. “Hoy hindi ako nag-aalala diyan, ang laki-laki niyang tao ‘no kaya na niya sarili niya.”

Kaya ko talaga sarili ko. Ano bang point ng pag-uusap na’to? Ngalay na ngalay na ako. 

“Tapos na ba ang kamustahan?” singit na tanong bigla ng katabi ko. Buti naman napansin niya na wala na patutunguhan yung pag-uusap sa gitna ng kalsada. 

“Kumalma ka na Nene, ako naman yung kasama ni Karina kanina kaya wala kayong dapat ipag-alala.” agad na nagreact yung dugyot. “Hindi nga ako nag-aalala diyan.”

Kita ko na kinurot niya yung dalawang lalaki na balak yata tumawa sa nangyayari. Kanina pa sila tawa nang tawa, aasawahin na yata nila isa’t isa.

“Tara na nga sa bahay namin nang makapagpahinga ang lahat.”

Mabuti pa ‘tong si Minju, kalmado tapos pangiti-ngiti lang. Hindi katulad nung isa diyan. Humihinga lang eh nakakarindi na. 




//



Sawakas at nagpapahinga na rin yung mga hita ko. Pagkarating na pagkarating namin sa bahay nila Minju na malapit nga katulad ng sinabi niya, naupo na agad ako doon sa may tambayan na may silungan na nakahiwalay pa sa mismong bahay nila. 

 

Badtrip nga lang dahil kaharap ko si Nene sa upuan. Kanina pa nga nakasimangot kaya lalong pumapangit.

“Ne pakilala mo naman kami sa kapatid ni ate ganda.” At katabi niya nga pala yung dalawang lalaki kanina habang katabi ko si Ningning.

Gusto ko sana sabihing kahit wag na sila magpakilala kasi wala naman akong pake pero hindi ko sinabi kasi pagod ako at nagpapahinga. Kavibe kasi nila si Nene, halata naman na tropa niya kasi pare-pareho silang dungisin.

Sinabi ko na nga ba eh, si Ningning lang ang matino kahit na ubod ng daldal. Kanina pa siya daldal nang daldal tungkol sa tikbalang at pagkuha nito ng tao para gawing asawa. Umabot na nga sa mga iba’t ibang kwentong aswang ng lola niya.

Napansin ni Ningning na walang balak yung pinsan niyang ipakilala yung dalawa kaya siya na yung gumawa. Pero bakit kailangan may middle-woman, magpapakilala lang naman.

O posibleng gusto nilang asarin si Nene. Hmm, mukhang okay naman pala sila kung ganon.

“Karina yan nga pala sila Junjun at Renren. Kaibigan namin mula bata ni Nene.” Matchy matchy sila sa nicknames ah. Dinodoble lang. Si Minju kaya bakit hindi Minmin? 

Ngumiti at kumaway naman yung dalawa. “Nays to mit you, Miss Karina.” si Junjun yung nagsalita.

“Wow english pre ah.” si Renren naman ngayon. “Siyempre, florent na kaya ako sa english.”

Fluent ‘yon hindi florent. “Welcome nga pala sa sitio namin, hindi kami nakasama sa pagwelcome sayo rito nung nakaraan gawa ng nabusy kami sa talyer masiyado.”

“Sana magustuhan mo rito.” pahabol niya na sinang ayunan ng isa pang katabi niya “Oo, maganda rito. Marami-raming mapag gagalaan.” 


“Thank you.” Maikling sagot ko sakanila. Mukhang mabait naman itong dalawa kumpara sa kaibigan nilang si Nene na mukhang tangang ismid nang ismid at pikit nang pikit kanina pa. Mahipan siya diyan ng masamang hangin, ewan ko na lang.

“Mga ate at kuya, ito na pala yung tubig.” napatingin kami sa kararating lang na babaeng obvious naman na mas bata sa amin. May dala siyang pitchel ng tubig na may yelo.

Salamat naman at may yelo, finally malamig na tubig yung dadaloy sa lalamunan ko. 

“Yown, salamat Minji!” Inabutan ako ni Ningning ng baso. “Walang anuman mga ate at kuya.” Bumaling sa akin ang bata. “Siya na ba si ate Karina?”

Ay hindi, imagination mo lang ako.

“Ang ganda niyo po. Ako po si Minji, kapatid ni ate Minju.” Sa mga ganitong sitwasyon, masasabi talaga na hindi nagsisinungaling ang mga bata.

Hindi ko na pinansin yung pekeng ubo ng panget dito.

Nginitian ko siya pagkatapos taasan ng kilay yung panget ulit dito. “Naikwento ka nga ng ate mo kanina.”

“Mamaya na po ako makikipag kwentuhan sainyo, tulungan ko muna si ate sa kusina.” Mabait at hindi sinungaling na bata, Nene should learn from her.

Umalis na si Minji at bumalik sa bahay nila.

“Karina, alam mo bang naikwento ka sa amin ni ate ganda?” Ay hindi Junjun, hindi ko alam kasi never nabanggit ng mga tao rito yung kapatid ko.

“Tama, magkaedad nga tayo eh. Pinaka matanda sa amin itong si Junjun, 1999 siya eh.” agad na nagreact yung isa. “Pero wag mo akong i-kukuya, nakakatanda eh.” Wala akong balak magkuya.

Mga kuya ko nga hindi ko madalas i-kuya, kaya walang dapat ipag-alala. “Sige, sige.” Si Ningning naman yung sumingit. “Ay oo nga Karina, hindi ko pa naikukwento sayo kung ilang taon na ako.” tumingin siya sa kaharap ko.

“Huy pati ikaw Nene.” pumikit na naman ang gaga.

Tinatarayan ako eh hindi naman siya marunong, mukhang engot lang.

“21 na ako tapos si Nene naman 22 na.” Oh? Mas matanda pala ako sa kanilang dalawa tapos itong si Nene walang galang.

“Hindi ka namin tinawag na ate kasi naikwento ni ate Irene na ayaw mong tinatawag kang ate ng mga hindi gaano kabata sa’yo.” Itong si Claudia, naikwento na yata lahat ng tungkol sa akin sa mga tao.

Hindi naman ako galit na naikukwento niya ako. Sa totoo nga, nagulat ako somehow. Hindi naman kasi kami type of mag ate na super close talaga.

Hindi ko

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
pencody
And.. finally an update na almost 5k words! Pinush ko talaga iupload kaagad pagkatapos kong isulat (haha sana walang typos) Hoping chapter 6 won't take long. Thank you for subscribing sa story na ito and to your comments as well they inspire my brain to produce ideas and words <3 xoxo

Comments

You must be logged in to comment
Eybrelros #1
Ne wag ka na magtampo beh miss na kita😔
asdfghjklmaeee
154 streak #2
Miss ko na si nene at ang kanyang number 1 hater hehe
Eybrelros #3
Chapter 7: Nene yuhoooo wer ka na ??
Kmjcentric #4
Gagi naeexcite na me sa next update MDNJDNDH
ohyo_ohyo319
#5
Chapter 7: Naeexcite tuloy ako kung ano yung turning point sa relationship nila😭😭 kawawa naman si nene HSHAHAHA BEH KEEP UP APING API SI ANTEH
stillintoyu
200 streak #6
Chapter 7: ang funny lang ni karina 😭 aping-api naman si nene sa dami ba naman ng nicknames na naisip niya sa kaniya HASHAHHAA gagu. kapag ito talaga mas nauna magkagusto kay nene, ewan ko na lang talaga XD
jaangwaang
900 streak #7
Chapter 3: Hahahaha grabi naman yan nene
Baenaevis #8
Chapter 7: Ano kaya magiging thoughts niya pag nagkakagusto na siya kay nene nuh? Hahaha sa tingin ko hindi naman ganun kadugyot or mabaho si nene. Sadyang hate niya lang tlaga. Nasapak ba naman 😅 Pero I think si nene mauuna mgkacrush! Kaexcite naman this story! We need more of this sa AFF. Refreshing yung mga love stories na ganito, tapos we see more of province life din! Good job author! Ang galing 🙌
Baenaevis #9
Chapter 7: Chapter 7: Yung character dito ni K 🤣 Yung conceited siya with a little humbleness (kasi sumasakay naman siya mga trippings ng mga taga probinsiya) Can't wait sa mga magiging character development niya. I understand kung bakit pinapatapon ung mga pasaway sa probinsiya 😆, kasi there ,they learn to appreciate little and simple things.
keijeo
#10
Chapter 7: Si Nene ay living Neneng B sa daming pwedeng maging meaning ng B HAHAHAHAHHA