Sitio Kwangyalupe

Nene Bunene
Please Subscribe to read the full chapter

First Day. 



Bago kami umuwi kanina, dumaan muna kami sa tindahan ng kung ano-ano para bumili ng kalendaryo. I have to keep track sa mga araw. Mahirap na at baka lumagpas ako, edi unfair ‘yon for me.

 

Parang tahimik nga lang yung dalawa kanina. Well si Ningning medyo nabawasan lang yung pagka daldal pero yung isa natutulala. Baka napagalitan ni ate. Well deservedt!

 

Ngayon, nasa bahay lang ako at nag aayos ng gagamitin kasi maliligo ako. Dapat kanina pa pero pinili ko mag victory dance. Bakit ba? Wala namang makakakita. 

 

Ang brand lang ng shampoo rito ay sunsilk pink at conditioner ay cream silk na violet. Ayaw ko ng mga brand na ‘to pero no choice. Nakalimutan ko kasing dalhin yung ginagamit ko sa maganda kong buhok. Ang nadala ko lang ay sabon, skincare products, at toothbrush. Pati nga toothpaste naiwanan ko. Buti na lang may optical white dito. Not my brand pero pwede na. 

 

Sana lang hindi masira yung buhok ko. Isa kaya sa mga asset ko yung hair ko. Siguro mag oorder na lang ako sa online. Nakakapag deliver naman siguro sila rito ‘no? 

 

Marami naman akong cash na nadala, I think kasya na sa akin ‘to kahit na bili ako nang bili. Mamaya nga aask ko si Ningning kung gaano kalayo yung mga mall dito. Napansin ko kasi na bet niya yung mga suotan ko, paano ba naman tanong nang tanong kung saan ko raw nabili  at ang ganda raw ng tela. 

 

Baka bukas yayain ko siya mag shopping or someday kung malayo talaga. Ayaw ko sumakay sa bangka, nakakatamad.

 

Lumabas na ako habang bitbit ang lahat ng kailangan ko kasama yung tuwalya at damit. Alangang ibalahandra ko sa labas yung y kong katawan na nakatuwalya lang. 

 

Pagkapasok ko sa may banyo inayos ko muna yung mga gamit, bago buksan yung gripo. Sayang wala silang shower. Siguro papakabitan ko na lang ‘to ask ko rin kay Ningning mamaya kung kanino pwedeng magpakabit at saan pwedeng bumili ng shower. Hindi ako sanay sa patabo, much better kasi na shower yung gamit para hindi time consuming. Matagal pa naman ako maligo kasi maarte ako sa katawan. 

 

Ayaw ko talaga sa germs kaya nga ilag ako ron kay Nene.

 

After siguro ng mga one hour and a half natapos na rin ako. Hindi naman sobrang init dito sa Kwangyalupe dahil narin siguro sa dami ng puno. Maraming oxygen. Talino ko talaga sa Science. 

 

Pagkalabas ko bumungad sa akin ang nakabusangot na halimaw. “May balak ka pa palang lumabas? Akala ko diyan ka na titira.”

Sasagot na sana ako nang bigla niya akong tabigin. “Tabi nga kanina pa ako natatae eh.”

 

Yuck! Napakabalasubas talagang ininform pa ako na tatae siya?! Wala naman nagtanong!?

Mamaya ko na lang siguro babawian lakas ng trip makatabig wagas akala mo kung sinong malaki katawan eh napakaliit naman. Kapag yang Nene na yan na sumo wrestler ko, tikom talaga yan. 

 

Naglakad na ako bago ko pa maamoy yung pasabog nung kurimaw. Pagkapasok ko sa kubo ko inayos ko na yung mga ginamit ko. Gusto ko maging organized dito dahil wala lang. Medyo malakas maka independent sa feeling.

 

After ko ayusin lumabas na ako at nagtungo sa kubo nila Ningning. First day ko rito dapat naman hindi lang petiks sa kubo. Want ko maging productive. Despite of seeing Nene’s face kanina up close, fortunately nasa mood pa rin ako para gumawa ng mga bagay bagay.

 

Nakita ko si Ningning na gumagawa na naman ng basket. Tinawag agad ako nito at sinenyasang pumasok at maupo sa upuan kung saan siya nakatambay. “Ning naka isang daang basket ka na ata.”

 

Tumawa naman si gaga “‘Di pa nakaka dose pa ngalang ako oh.” tinuro nya yung mga basket na nakapatong patong sa may lamesa sa loob. 

 

Kanina pa ‘to nagawa nakaka twelve pa lang? Siguro mahirap talaga gumawa ng basket. Try ko rin siguro kapag nakabili ako ng gloves sa palengke.

 

Anyway, iba nga pala ang pinunta ko dito. 

 

“Gaano kalayo yung pinaka malapit na mall dito?” 

 

Tumingin ito sa akin na tila kabaliwan yung sinabi ko bago tumawa. Kanina pa ‘to tawa nang tawa baka gusto na niyang mag asawa?! “Mall yung maraming aircon? Dai walang ganon dito sasakay ka pa ng bangka mga dalawang beses tapos bus.” 

 

Sabi na malayo eh. Nakakapagod yon tamad pa naman akong magbyahe nang ganon katagal. Baka pagkadating sa mall matulog lang ako. “Ay sayang yayain sana kitang mag shopping.” 

 

“Luh dai wala akong pera.” umiling iling ito habang lumalaki ang butas ng ilong. Oa naman ni teh parang inaakusahan ng kung anong krimen.

 

“Malamang ililibre kita kaya nga ako nagaya ‘diba?” napairap ako. Obvious bang libre ko?

 

Saglit niyang inayos yung mga maninipis na kahoy at nagpatuloy na sa pag gawa. “Wag na, mag ukay-ukay na lang tayo.” 

 

“Anong ukay-ukay? Ano yan pagkain parang kwek kwek?” Ang layo naman sa topic. Naalala ko tuloy sila Chaewon na neon balls ang tawag dito. 

 

Bang aarte, sa aming magkakaibigan ako lang yung kayang magtagalog ng pagsasalita straightly. Enough na nga sa mga yon. Si Ning kasi Shopping ang sabi ko foodtrip naman ata ang bet.

 

“Hindi, mga damit din yon ukay-ukay lang tawag kasi hindi brand new.” paliwanag nya.

 

Hindi brand new? Edi luma na yon? Pwede pa kung vintage bag yun or valueable talaga pero kapag clothes like tshirt? Binebenta pa pala yon? Maybe limited version or may value, relate pa ako.

 

Sabagay uso nga pala yung mga garage sale. Never ako nag ukay-ukay. Kahit nga Shein hindi ko bet. Branded lahat ng mga damit ko ‘no matibay lahat ng yon at hindi fast fashion keme. Bakit ako magsesettle for less? I deserve the best.

 

“Ay okay pass na lang.” ‘Di ko talaga bet.

 

“Mura lang kaya mga damit don kaya tipid. Pagalingan lang talaga sa pagpili. Gusto mo sa linggo ukay tayo?” Pagaaya naman nito. 

 

Medyo malayo pa naman. Pag iisipan ko muna. For sure naman ‘di ko susuotin. Plus di naman ako nagtitipid, libre ko nalang siguro ‘to tutal mabait naman siya saakin.

 

“Pagisipan ko muna.” sabi ko at humingi ng tubig. Nakakauhaw naman kasi. Sana may malamig na water. Ako na sana yung kukuha kaso siya naraw kaya hinintay ko na lang. 



“Aah sakses~” napangiwi ako sa boses na narinig. Kailangan iannounce na success pag jebs niya don?

 

Papasok pa lang siya sa may kubo napansin niya na nandito ako. Nandidiring tumingin ako pabalik. Ikinakunot naman ‘to ng noo nya. I mouthed ‘ew’ lang. Bago pa siya makapagsalita dumating na si Ning habang may dalang pitchel at dalawang baso.

 

“Thanks Ning.” Nagsalin na ako ng tubig sa isang baso at uminom.

 

“Babalik ka na don?” umupo na ulit ‘to sa pwesto nya at kinuha yung gamit panggawa ng doormat.

 

“Oo eh sabay naman ako mag tanghalian mamaya.” sagot naman nung isa.

 

“Kahit wag na.” 

 

Nasabi ko ata yung nasa isip ko pero ‘di naman ako nahihiya. Napatawa kasi kaming dalawa ni Ningning. 

 

Saglit na lumingon lang sa akin si Nene bago pumikit (Na irap pala para sakaniya) at tumalikod. Umexit na rin sawakas.

 

“Satingin mo napagalitan yon ni ate kanina?”

 

“Irene? Baka pwede pero depende.” 

 

Parang tanga naman sumagot. Dapat lang pagalitan siya ‘no sinapak niya kaya ako. Yung mga selfies ko nga kanina puro nakalingon sa kaliwa para ‘di halata yung onting marka pa sa kanang pisngi.

 

Maganda ako all sides pero mas maganda kasi ako pag naka anggulo talaga sa kanan.

 

“Tanungin mo na lang mamaya.” Ako pa magtatanong don baka magbarda lang kami. Hindi sya rumebat sa akin kanina though. 

 

Wait.

 

What if sulitin ko ‘tong araw na ‘to na hindi siya rumerebat?




//




Tanghalian na at kumakain kami ngayon kasama yung ibang kamag anak ata or kapitbahay na super close lang nila rito. May pa fiesta na naman sa dami ng pagkain. Kaldereta yung ulam at hindi ko na alam yung isa. Basta masarap din.

 

Kanina kinukulit ako nung Totoy, tanong nang tanong tapos wala naman akong matinong sagot. Tinanong niya ako kanina kung kaano ano ko daw si ate Irene bakit daw ako nasa bahay non. Ang sinagot ko naman na inampon ako non. ‘Diba walang connect?

 

Si Ningning hindi nauubusan ng kwento nakajamming pa sa kadaldalan yung mga taong nandito. Minsan naman natatawa ako sa kwento niya kahit ‘di ko maintindihan madalas andami kasing names eh hindi ko naman kilala yung mga tao dito. Kaya tamang kain lang ako. Masarap kasi talaga yung mga lutong bahay.

May sarili kaming chef sa mansion but kapag nasa condo naman ako puro ako orders or kain yung dinadalang food sakin ng mga kaibigan ko. Madalas akong tamarin magluto lalo na kapag marami akong trip gawin like biglaang pag out of town during midterms.

 

Dedma ak

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
pencody
And.. finally an update na almost 5k words! Pinush ko talaga iupload kaagad pagkatapos kong isulat (haha sana walang typos) Hoping chapter 6 won't take long. Thank you for subscribing sa story na ito and to your comments as well they inspire my brain to produce ideas and words <3 xoxo

Comments

You must be logged in to comment
Eybrelros #1
Ne wag ka na magtampo beh miss na kita😔
asdfghjklmaeee
158 streak #2
Miss ko na si nene at ang kanyang number 1 hater hehe
Eybrelros #3
Chapter 7: Nene yuhoooo wer ka na ??
Kmjcentric #4
Gagi naeexcite na me sa next update MDNJDNDH
ohyo_ohyo319
#5
Chapter 7: Naeexcite tuloy ako kung ano yung turning point sa relationship nila😭😭 kawawa naman si nene HSHAHAHA BEH KEEP UP APING API SI ANTEH
stillintoyu
201 streak #6
Chapter 7: ang funny lang ni karina 😭 aping-api naman si nene sa dami ba naman ng nicknames na naisip niya sa kaniya HASHAHHAA gagu. kapag ito talaga mas nauna magkagusto kay nene, ewan ko na lang talaga XD
jaangwaang
902 streak #7
Chapter 3: Hahahaha grabi naman yan nene
Baenaevis #8
Chapter 7: Ano kaya magiging thoughts niya pag nagkakagusto na siya kay nene nuh? Hahaha sa tingin ko hindi naman ganun kadugyot or mabaho si nene. Sadyang hate niya lang tlaga. Nasapak ba naman 😅 Pero I think si nene mauuna mgkacrush! Kaexcite naman this story! We need more of this sa AFF. Refreshing yung mga love stories na ganito, tapos we see more of province life din! Good job author! Ang galing 🙌
Baenaevis #9
Chapter 7: Chapter 7: Yung character dito ni K 🤣 Yung conceited siya with a little humbleness (kasi sumasakay naman siya mga trippings ng mga taga probinsiya) Can't wait sa mga magiging character development niya. I understand kung bakit pinapatapon ung mga pasaway sa probinsiya 😆, kasi there ,they learn to appreciate little and simple things.
keijeo
#10
Chapter 7: Si Nene ay living Neneng B sa daming pwedeng maging meaning ng B HAHAHAHAHHA