Kahoy Girl
Nene BuneneSecond day.
Ngayon ko lang naramdaman ang pagiging internet deprived ko. Parang mawawalan ako ng hininga sa tuwing nag eerror yung screen ng cellphone ko dahil wala ngang signal at internet.
Mababaliw na talaga ako. Parang nawalan na talaga ng silbe yung cellphone kong iPhone 15 pro max na kulay blue from Apple Store, Venice.
AAAAAAAAAH.
Ramdam ko na talagang parusa ito. I am a GenZ! Hindi ako sanay na hindi nakakapag online kahit isang minuto lang.
Kahapon, medyo okay-okay pa kasi nga una pa lang. Pero ngayon? Gusto kong maglupagi!
I mean, naglulupagi na ako ngayon sa loob ng bahay ko. Oo, bahay ko na’to kasi desisyon ako.
Pero ayun nga.
Sobrang bored ko, nagselfie na ako habang pinapakita yung pagkainip at irita ko dahil walang internet.
Uulitin ko pa ba? WALANG INTERNET.
Kasalanan ‘to ni Nene. Kung hindi niya ako sinapak? Edi sana hindi ako kukumbinsihin ni ate makipag deal sakaniya at nakauwi na ako sa Manila.
Edi sana mahimbing pa akong natutulog sa king-sized bed kong ubod nang lambot at hindi sa sobrang nipis na foam na’to!
Iritada akong nagpapajak na parang bata pero okay lang kasi mag-isa naman ako bago tumulala ulit sa kisame. Kisame ba’to eh diretso bubong na agad na kahoy at kawayan.
9 am pa lang. Sa ganitong oras, sleeping beauty pa rin sana ako sa Manila.
Nakakaurat na talaga. Paulit-ulit nalang din yung mga salitang ginagamit ko kasi yun talaga yung nararamdaman ko.
Tatlong oras pa bago magtanghalian. Labas kaya ako? Kaso baka nandun si Nene tapos may sapi pa rin.
Ayoko nga siyang makita, baka lalo lang lumala ‘tong araw na’to.
Pero baka naman wala na siya doon at nasa talyer na para magswimming sa grasa?
Kaso baka nga rin nandoon pa.
Hay.
Bahala na nga.
Aalis na lang ako mag-isa para maglibot-libot.
Oo, tama. Maglilibot-libot ako. Bakit naman hindi? Hindi naman ako natakot sa pananakot ni Nene sakin kahapon. Hindi ako apektado kaya, kayang-kaya ko maglibot sa Sitio Kwangyalupe, mag-isa.
Ako si Karina, isang independent beautiful woman.
Dala ang aking panyo, lumabas na ako nang bahay. Natanaw ko pa nga si Nene at Ningning sa may bahay nila. Buti na lang pala at hindi ako pumunta doon.
Patago akong pumunta sa ibang direksyon, doon sa hindi nila ako makikita. Magaling ako sa ganito, kaya nga nakakatakas ako sa mansion namin kahit na 1 am para lang gumimik sa BGC kasama sila Kazuha.
Hindi ko inexpect na mamimiss ko pala yung BGC dahil nga sa naging overrated at mas pipiliin kong gumala sa Alabang dahil may condo ako doon. Hay, ngayon tuloy miss ko na parehas. Miss ko na yung buhay ko sa Manila.
Dapat ba na kumuha na lang ako ng board exam? Pero ayoko talaga eh. Kahit na ganito na yung nangyayari sa akin ngayon, hindi ko pa rin pinagsisisihan yung hindi pagpaparehistro.
Bakit kasi kailangan ‘tong punishment? Titino ba talaga ako rito? Muhang hindi naman. Eh kung iisipin nga, kahit na walang deal. Pagkatapos na pagkatapos ng punishment nila sa akin na parang ewan, hindi pa rin ako susunod. I will probably just spend my time looking for something that I won’t get tired of doing.
Wow, englishera.
Tsaka I doubt na tatapusin ko talaga yung almost 100 days ko rito kung nagkataong wala akong makukuhang kapalit. Duh? I work wiser not harder.
Hay, namimiss ko rin yung mga kaibigan ko. Watak-watak pa more. Ang hirap talaga mag go through transition from teenage to adulthood. Ang hirap maging young adult.
is getting real and I’m..
Ewan. Bahala na talaga.
Buti na lang may deal, hahanapin ko talaga kung anong gusto kong gawin.
Hays. I really miss- kanina pa akong miss nang miss. Basta! Miss ko na magdrive ng mga kotse ko. Magshopping kahit na minsan hindi ako bumibili. Kumain ng pagkain kung saan-saan. Magtravel kapag trip ko. Magbabad sa Tiktok at Instagram reels. Speaking of the internet again. Paano na yung subscription ko sa Netflix, Disney+, Amazon Prime, at marami pang iba? Sobrang sayang!
“AAAAAAAH!!!”
At napasigaw na nga ako sa frustrations. Okay lang yan, wala namang makakarinig kasi ako lang mag-isa dito sa gubat.
Wait.
Gubat?
Mag-isa ako?
PUTA?
Lumingon-lingon ako sa paligid. Puro matatayog na puno parang walang hangganan kasi nga gubat at maraming puno.
Naliligaw na ako. NALILIGAW NA AKO.
What if totoo yung mga lamang lupa o kung anong elemento? Tapos ngayon na nila isinasagawa yung plano nilang kunin ako kasi ang ganda ko at perpek ako maging reyna nila?
Hindi pupwede ‘to.
HINDI PWEDE AYOKO MAGING ASWANG!
“Binibini ayo-”
“ASWAAAANG!”
Biglang na namang may tumawag sa akin kaya nagulat na naman ako. Bwisit, heart problems yata ang madedevelop ko sa mga nangyayari sa akin dito.
Lumingon ako sa lapastangang nanggugulat.
“Hala sorry nagulat ba kita? Narinig kasi kitang sumigaw akala ko may napapahamak.”
Okay.
Safe ako. Walang aswang o kung anong masamang elemento. Hindi na ako naliligaw mag-isa.
Okay, okay.
Pero sino ba ‘tong tila kabute na sumulpot? Tumalikod ako para makaharap siya.
Okay? Mukha naman siyang tao at hindi lamang lupa.
Bumungad lang naman sa akin ang isang b
Comments