Intro.2
Nene Bunene/-
Pero teka lang, paano nga ba na iba ang ihip ng hangin at from shadow character ay naging mismong main character in flesh ako?
Isang rason lang yung pinaka nagbunga at nagsimula ng lahat.
Noong sinapak ako ni Nene.
Yes. You read that right.
Sinapak ako.
Hindi sampal kung hindi ay sapak.
Sa mukha. Kanan na side.
Pak!
Lagapak malala. Instant blush on. Purple palette.
Taray.
Free merry go round na rin kasi literal na nag go around ang paningin ko.
Infairness ha, not gonna lie plakado yung suntok.
Enough para painitin yung ulo ko.
Natrigger ako mga dzai, ikaw ba naman sapakin ng taong nagngangalang Nene hindi ka pa mahiya para sa buong pagkatao mo.
Kaya ang nangyari naging revamped Karina ako pero buff.
Namumuro na ‘tong si Nene eh.
Malapit lapit na siyang bumingo.
Comments