Chapter 9

After March
Please Subscribe to read the full chapter

"Seul," She's a step away from me pero feeling ko ang lapit niya sa akin. Hindi ako makahinga. Tinignan ko siya saglit at bakat sa kanyang mukha yung pagkalito.
 

"What are you talking about?" Hindi ako makatingin sa kanya. Baka kasi pag tinignan ko siya ng diretso, mababasa niya lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Ilang minuto na rin ata ang nakalipas na tahimik lang ako. More on, wala talaga akong masagot sa kanya.

 

Think, Seulgi!

 

"S-sabi ko," hinga ng malalim. "Ako nalang— ako nalang sana yung niligawan n-ni Seungho." bwisit. Tinignan ko na siya at mas lalo lang siya nalito. I laughed, yung napaka shallow na tawa. Humorless.

 

Just let this one go, please lang. Kinakabahan ako.

 

"Huh?"

 

"Bakit kasi tinatanong mo ako?" I looked away, tumawa ng mahina. Siyempre yung walang laman na tawa. Kasi wala naman talagang nakakatawa sa mga nangyayari ngayon. Kairita lang.

 

Kumikirot na yung dibdib ko. Pwede bang umuwi nalang muna siya?

 

"I... just wanted to know your opinion." Sabi niya at umupo ulit sa kama ko. Ang manhid niya talaga.

 

I sighed and umupo na rin sa tabi niya. I faced her this time. Napakalma ko na rin naman sarili ko medyo.

 

"Alam mo, wala naman dapat akong opinion about diyan." Sa true lang ha. She just kept mum, waiting for me to continue.

 

"It's really up to you. Kung sa tingin mo deserve niya yung chance, then go for it." I reached for her hand this time. Tinignan niya yung kamay ko saglit at pinulupot niya yung mga daliri namin.

 

Hay, Hyun. Pwede bang wag ka ng bumitaw sa kamay ko? Akin ka nalang. Pwede ba 'yon hingin sa'yo? Pwede bang ako nalang yung bibigyan mo ng chance? Pwede ba ako nalang yung mag-aalaga sa'yo? Kahit habang buhay pa 'yan.

 

"I'll be here to support you kahit anong decision mo." Nginitian ko siya. Ang mature ko naman pakinggan. Eme. Kahit nasasaktan na ako, kaya ko pa rin mag paubaya para sa kasiyahan ng best friend ko, ng tanging mahal ko.

 

Mahal ko...

 

She smiled back sa akin at sinandal ang kanyang ulo sa balikat ko habang dinadagan niya yung thumb niya sa hinlalaki ko.

 

"Thank you, Seul. Always."

 

Duwag ka, Seulgi.

 

Napaka-laki mong duwag.

 

 

 

 

 

 

 

Ang init naman ng panahon. Parang ayaw ko ng sumali sa basketball ha. Nasa labas pa ng gym yung mga tournament. Bakit hindi nalang sa gym mismo? Ang aarte ng mga 'to. Ang laki ng binayad namin sa tuition tapos ibababad lang nila kami sa init? Hindi makatarungan. I think dapat irefund yung tuition. Chos.

 

Tapos na yung sayaw namin. Hindi ko alam na contest pala yung sayaw. Kita ko yung leader-slash-choreographer namin na medyo proud yung ngiti na kahit medyo na wiweirduhan kami sa na come up niyang choreo, nakapasok pa kami sa third place. Oks na din, mukhang malaki grades namin sa PE nito.

 

"Ang init ha! Gutom na rin ako." reklamo ni Joy. Pinupunasan niya si Wendy dahil sobrang pawis nito. Mukha niyang anak yung jowa niya huhuhu.

 

"How about kumain tayo sa mall sa baba ng condo ko?" pag suggest naman ni Wendy. Tinignan ko ang paligid namin. Marami namang food stalls ngayon since PE day naman. Parang intrams lang sa dami ng tao. Ang daming naka-line up sa lahat ng stalls. Mukhang matatagalan pa kaming makakain kung sumiksik pa kami dito.

 

"I'm fine with it." pag agree naman ni Irene.

 

"Okay. Tara na."

 

 

 

 

We ended up at Wendy's unit kasi ang dami ring tao doon sa food court ng mall sa baba ng condo. Nag take-out nalang kami at dito nalang kumain. At least hindi rin maingay.

 

"Ano oras yung game mo?" tanong ni Wendy sa akin habang nginunguya yung burger steak na inorder niya.

 

Linunok ko muna yung kinakain ko before sumagot. "2PM pa raw eh. Mauuna yung mga 1st years." sagot ko. Subo ulit sa kinakain kong fried chicken. Tumango lang si Wendy at nag-usap na sila ni Joy sa kung anong gagawin nila after ng event today. Mukhang mag dedate ata sila.

 

"Manonood ka ba ng game ko or sa gym ka lang?" tanong ko kay Irene na mukhang nahihirapan sa pag slice ng porkchop na kinakain niya. I let out a sigh and kinuha na yung plate niya at ako na nag slice nung karne. I saw her pout. Ang cute?!

 

"I'll be there to cheer for you." sagot niya after ko binigay sa kanya yung pagkain niya na tapos ko ng ma-slice lahat. Agad ko naman naramdaman ang pag init ng mukha ko.

 

Jusko yung mga choice of words mo, Irene, ayus-ayosin mo yan ha! Hindi mo alam anong magiging epekto niyan sa mga tao, especially me!

 

"Ang eme nito."

 

"Bakit na naman?" tinaasan niya ako ng kilay. As if naiinis sa akin. Teh hindi mo kaya. Wag kang trying hard.

 

"For PE day lang naman yung game? Hindi naman yun something big like Seungho's games." tinapos ko na yung chicken skin na sinet aside ko pa for the last part. And that's how you eat a fried chicken right mwahaha.

 

"Your point?" this time kumunot na ang kanyang noo. Yung mag jowa tapos na palang kumain at pumunta muna sa kwarto. Hindi ko na iisipin ano yung gagawin nila doon. Malaki na sila. Wag lang sila mag-ingay. Charot.

 

"I'm saying, sobrang init ngayon. Doon ka nalang sa loob ng gym at mag pahinga." sabi ko, chuckling.

 

"Nagtanong ka pa..." she resumed eating. I raised my eyebrow at her. "Big game or not, I'll be there for you. Ikaw na 'yan eh." at nginuya na niya yung last piece ng porkchop niya.

 

Hala siya.

 

Grabe naman bumanat?! Charot. Kinilig na naman ako. Tama ka na, Irene Joohyun Bae!!! Panagutan mo kilig ko.

 

 

 

 

 

 

Nasa court na ako sa labas. Second year din yung opponent namin ngayon for the first game. Ang init talaga jusko po. Baka pagkatapos ng araw na 'to eh mag mukha na akong inihaw.

 

Grabe lang yung pawis ko kahit hindi pa nagsisimula yung game. Nagsisisi na ako kung bakit pa ako sumali. Walang ibang dapat sisisihin dito kung 'di si Joy. Kung hindi dahil sa p

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
swoulrene
Hala hoy happy 102 subscribers sa story na 'to! a big win for a smol author like me 🥹 thank you sa mga patuloy na nagbabasa sa story na 'to hehe 🫶🏻 so, i hope you enjoy this chapter. don't forget to leave comments! i love every comments left here ☺️

Comments

You must be logged in to comment
Pristinemoon
43 streak #1
Chapter 9: Hala Irene pls lang i-mine mo na si Seulgi 😔😔
_rtempest
1037 streak #2
Chapter 9: Uyyy may update pala🥹 salamat po!
eunxiaoxlove #3
Chapter 9: Nicee
_rtempest
1037 streak #4
Chapter 8: Hahaha lagot umamin ka na seulgi 😂
carlaforniagirl #5
Chapter 8: Hooooooooy 😭 excited for the next update
ireadsrfics #6
Chapter 8: “Ako na lang magdedecide para sayo” pag yan yung sinabi ni seulgi nako talaga hahahaha
eunxiaoxlove #7
Chapter 8: Lol hahaha
RVSone0105
899 streak #8
Chapter 7: "Overthinker na nga. Delulu pa" I feel called out 😭😭 Haist bakit kasi hindi ka pa umamin Seulgi na you "swing that way" 🙄🤭
_rtempest
1037 streak #9
Chapter 7: mukhang may gusto din naman si irene haha🫢
BeMOO1 #10
Chapter 6: Sa retirement home pa kaya magkakakaminan Si Seulgi and Irene?