Chapter 1

Legends Only
Please Subscribe to read the full chapter
Chapter 1: Transferee

Ang tema ng umaga ni Yeosang Del Kang ay ma-late. Hinahabol niya ang bus na na-miss niya by a few minutes, at ngayon ay nagda-dalawang-isip siya kung tatakbuhin niya na lang nang tuluyan ang daan papuntang school, o kung may chance pang huminto ang bus na ito. Totoo ba ang Diyos?, tinatanong ng Junior student sa kanyang isip. Kung totoo nga ang Diyos, gagawa kaya ito ng milagro para sa kanya? Tagaktak ang pawis na nagpapadikit sa mga buhok sa kanyang sentido at tela ng damit sa kanyang basang likod. Malagkit siyang mag-gu-good morning sa mga bago niyang kaklase sa bago niyang eskwelahan. Ay kainaman.

Awa ng Diyos, hindi nga huminto ang bus. Walang nakapansin sa estudyanteng nakasuot ng all-black boys' uniform na pilit humahabol dito. Namimitig man ang paa ay nilakasan na lang ni Yeosang ang loob—at bumalik ulit sa istasyon ng bus para hintayin ang susunod na bus. Male-late na rin naman siya, kalabisan ba kung hihilingin niyang ma-late nang hindi pagod? Pero sa 'di inaasahang swerte o malas, wala pang ilang segundo matapos ang desisyon niyang magpa-late ay dumaan sa harap niya ang isang magara at mamahaling sasakyan na lulan ang isang matipunong binata sa likod nito. Saktong nakababa nang kalahati ang bintana kaya namataan ni Yeosang ang pasahero. Nakasuot ng uniporme ng Legend High ang lalaki; sa kanan ng kanyang dibdib, kung saan malapit si Yeosang na pilit sumisilip sa loob ng kotse mula sa bintana, nakasabit ang nameplate nito, at ang kulay asul na accent sa bulsa ng jacket ng uniporme kung saan ito nakasabit ay tanda ng pagiging Senior ng estudyante. 

Bumabawi si Lord? Pasasakayin kaya siya ng yayamanin niyang Senior? Gayunpaman, hindi na kinailangan ni Yeosang na magtanong. Tinapunan siya ng tingin ng estudyante—nakaligtaan niyang basahin ang pangalan nito—bago nito isinara nang tuluyan ang bintana. Tinanguan lang nito sa rearview mirror ang driver ng sasakyan bago nagsimulang bumilis ang pagmamaneho nito, dahilan upang iwang kunot-noo at nalilito si Yeosang.

Shet! Oo nga pala. Hindi pa siya nakakabili ng uniform ng bagong school. Malamang hindi siya mukhang estudyante ng Legend High. Bwiset, mapipilitan yata talaga siyang takbuhin ang buong biyahe na ito.

Lunod sa tunog ng panenermon niya sa kanyang sarili, hindi niya namataang may bumubusina na sa kanya. Paglingon, napansin agad ni Yeosang ang isang lalaking naka-bike, nakaparada sa tabi niya. Humahangos ito na tila pagod na sa kaka-padyak sa bisikleta.

"Sorry! Nagulat ba kita?" tanong ng naka-bike kay Yeosang nang makita ang naguguluhan niyang eskpresyon sa mukha.

"Hindi," matipid na sagot ni Yeosang habang pinagmamasdan ang binatang siklista. Nakasuot na naman ito ng uniform ng Legend High, na hindi rin naman nakakagulat dahil school day iyon at oras ng pasukan, kaya hindi nakapagtatakang ito ang pangalawang estudyante mula sa lilipatan niyang school na nakadaupang-palad niya. Hindi niya lang maintindihan kung bakit ang hilig nilang ibalandra ang mga sarili nila sa harap ng super late at super inconvenienced na si Yeosang. What if mag-transfer ulit ako sa ibang school, magda-drive by din kaya ang mga estudyante dun sa harap ko gaya ng mga taga-Legend High?

"Napindot ko 'yung busina kasi nakaharang ka sa daan, muntik na kitang masagasaan. Ano ba kasi tinitignan mo diyan sa highway? Nakalagpas ka na sa sidewalk oh," patuloy ng estudyante.

"Late na ako eh," walang emosyong sagot ni Yeosang. Hindi rin siya sigurado kung anong tanong ang nasagot niya.

"Pansin ko nga," sagot naman ng kausap niya, tumatango pa nang may halong pagkadismaya. "Gusto mong sumabay? Malapit lang ba school mo sa Legend High?"

"Dun ako papunta, actually. Kaka-transfer ko lang."

"Weh?"

"Ba't ganyan ka maka-react, close ba tayo?"

"Ang suplado mo naman."

Akmang magpe-pedal nang muli ang lalaking natarayan, pero pinigilan siya ni Yeosang nang ma-realize niyang kailangan niya nga palang habulin ang oras.

"Teka! Ano. Pwedeng makisabay?" 

"'Yun nga 'yung sinabi ko kanina, bago mo 'ko artehan," pagdiin ng lalaking naka-bike.

"Sorry. Na-miss ko kasi 'yung bus kaya medyo badtrip ako," binasa ni Yeosang ang nameplate ng lalaki na may nakasulat na Cabixote, Felix, "uh...Felix? Sige na, pareho naman tayong Junior eh," dagdag niya nang makitang pula ang kulay ng accent sa bulsa ng jacket ng kausap.

Iling na may kahalong ngiwi ang isinukli ni Felix sa pamimilit niya. "O siya, siya. Sa susunod kasi 'wag kang masyadong badtrip para hindi ka nale-late."

"Hinusgahan pa 'ko neto," bulong ni Yeosang bago umangkas sa likod ng bike ng shoolmate.

Pagpe-pedal naman nang may added weight ang drama ng umaga ni Felix. Habang binabagtas nila ang kahabaan ng daan patungong Legend High; habang dinadaanan ang mga gusali at pinapaspasan ang mga tao, parang ibong lumilipad na may hangin sa ilalim ng kanyang itim na buhok si Yeosang. Hindi kasi siya makaupo nang mala-misis ng driver sa likod ng bike kaya patayo siyang naka-apak sa footrest habang nakakapit sa balikat ni Felix na pareho ring hinahangin ang kulay-mais na buhok nito. Takang napakunot ang noo ni Yeosang sa schoolmate, nagtatanong sa sarili kung pwede ba ang colored hair sa lilipatan niyang school. Hindi niya alam, isa lang 'yan sa mga kakaibang stuff na pinapayagan sa eskuwelahang iyon.

Base sa kanyang research, taong 1920s pa itinatag ang legendary Legend High. Kaya kung anumang history ang nakapalibot sa school na iyon ay history na talagang maituturing, dahil duda ni Yeosang, ginawa pang huling hantungan ng mga daang-libong namatay sa panahon ng pananakop ng mga Hapon, at mga na-martyr na mga taumbayan mula dekada '70 hanggang '80 ang kalakhan ng lupang kinatitirikan ng naturang campus. Whoops, lumalalim yata ang naiisip ni Yeosang. Nakalimutan niya yatang crack-fic 'to.

Ilang kilometro pa ang tinahak ng panay ang padyak na si Felix kasama ng backride nitong si Yeosang, na unti-unting natauhan na kung tinakbo niya nga ang daang iyon ay malamang inabot na siya ng tanghali sa dalawang kadahilanan—una at pinaka-obvious sa lahat, malayo pala talaga ang school mula sa sakayan; at pangalawa, sinong tungaw ang gugustuhing pumasok nang hulas? Sila na lang ang kausapin niyo, huwag na si Yeosang, dahil never siyang maha-haggard kahit patunugin pa ng mga anghel ang trumpeta ngayon.

Nang makarating sila sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Lakanamihan
SHAMELESS PROMOTION: BLACKMOUTH — a mystery-thriller crime fic starring Minghao and the rest of SVT https://www.asianfanfics.com/story/view/1551959/blackmouth

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet