Prologue

Legends Only
Please Subscribe to read the full chapter

Nung una, hindi rin makapaniwala si Yeosang. Totoo pala talaga na Legend High School ang pangalan ng eskuwelahan na pagta-transfer-an niya. Kung anu-ano na lang inaaprubahan ng DepE- anyway. Inisip na lang niya na for naming purposes lang, siguro trip nung may-ari. Private-owned kasi kaya malamang desisyon ng private owner ang nasunod. Kaya lang, napapansin ni Yeosang, one week into his transfer, may kakaibang vibes ang school na ito. Pilit niyang iniaalis 'yun sa isip niya, pero the more he tried to ignore it, the more intense the feeling has gotten. May mga ilang contributing factors sa pakiramdam niyang ito, so he tried to analyze the data.

First contributing factor: may kakaibang lore ang school na sa sobrang obscure at unfounded by facts ay napaghahalo na ng mga chismosa ang balat sa binalatan. Hindi na diretso ang kwento. May mumu ba? Nothing new. Lahat naman ng school may White Lady o demonyo sa CR. It's either fiction na pinanindigan ng school kaya it became intertwined with the rest of its history, o katotohanan na pinagpasa-pasahan through a game of telephone kaya hindi na ma-straighten 'yung facts. Kung alinman sa dalawang 'yun, isa lang ang sigurado: may sikreto ang eskwelahang ito.

Secondly, may kakaiba sa EIC ng school newspaper at ang Head Photojournalist nito. Laging napapansin ni Yeosang na nagi-stay ang dalawa kahit lagpas after school hours na sa campus grounds. Okay... not weird enough...until maabutan niya ang dalawa sa isa na naman sa mga after school hours escapade nila. Na-curious siya to the point na tiniktikan niya ang mga ito kung saanman sila patungo nong hapon na iyon. Habang naglalakad malayo sa dalawa, at sinisipat-sipat sila mula sa likod ng pinakamalaking puno sa campus, hoping and praying na hindi eskandalo ang masaksihan niya—dahil nun lang pumasok sa isip niya na what if mag-jowa lang 'tong dalawang 'to at siya lang pala ang may malikot na isip, ayan tuloy, baka kung ano pa ang malaman niya ngayon na hindi niya naman ginustong malaman—napansin niyang huminto sila sa harap ng estatwa ng founder ng school na nakatirik sa tapat ng flagpole, kaharap ang malawak na quadrangle, ilang metro mula sa kinatatayuan niya.

Palubog na ang araw at unti-unti na ring dumidilim ang paligid na mukha na lang mga aninong nakasuot ng puting blouse at puting polo ang EIC at Photojourn. Makalipas ang ilang segundo, napansin ni Yeosang ang flash ng camera na sinundan ng tunog ng shutter. Gulat man, pero mas nangibabaw ang lito n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Lakanamihan
SHAMELESS PROMOTION: BLACKMOUTH — a mystery-thriller crime fic starring Minghao and the rest of SVT https://www.asianfanfics.com/story/view/1551959/blackmouth

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet