Interlude

Ephemeral
Please Subscribe to read the full chapter

"My definition of love is being robbed in an alley eight times in a row and hoping that there’s something about today that makes all of this different."

— To The New Boyfriend, Rudy Francisco

 

If Tefi were to ask her what she truly thought, Winnie wouldn't have hesitated telling her that she understood. Her mentor and friend needed time to process her emotions; maybe going back to the place where she got hurt in the first place would help her cope. Still, Winnie couldn't help but wonder if exposure therapy is for everyone, especially if the point of said therapy is something akin to drinking poison in the hopes of building up the tolerance, only for the realization to set in two seconds too late, kapag naghihingalo ka na kasi nalason ka na nga nang tuluyan. Surely, Winnie ascertained, there is a reason why poison is poison.

That was what Tefi thought too, at first. Na dito sa resort nag-umpisa lahat ng sakit na pinagdurusahan niya ngayon. Na dahil kay Anne kaya siya nagkaka-ganito. When in reality, all of this have started long before the two of them met. Maybe meeting someone like Anne made the pain hurt more. Maybe Tefi thought she found her escape, only to find out that Anne would bring her a different type of misery she so blindly accepted—no, wholeheartedly embraced.

 

 

Hindi rin ganito ang idea ni Tefi ng game nila when she first suggested it, whatever the game was supposed to be anyway. She expected something else, something wild, maybe even something dramatic. Pero hindi—ito lang sila ngayon, nakaupo sa porch ng cottage na nirentahan niya, umiinom ng beer habang nagpapatugtog ng depressing music.

"Ito na 'yun? Boring ah," komento ni Barbiegurl.

"Ikaw lang naman 'tong paniwalain eh," sagot ni Tefi bago lumagok ng malamig na beer mula sa bote nito.

"So wala ka talagang balak panindigan ako, ganun?"

"Lakas."

"Ano nga? Paano ba maging girlfriend mo?"

"'Yan naman ang gusto ko sa'yo, hindi umaatras."

"Puro ka lang pala salita eh."

"Oo na, oo na. Ikaw na ang woman of her words. Gusto mo lang yata makalibre ng beer kaya ka sumama sa'kin eh."

Dumila lang si Ategurl kay Tefi, pilyang "belat" na itinumbas sa pang-aakusa niya. Ngayong natahimik sila ng kalahating segundo, napaisip rin si Tefi kung ano nga ba talaga ang point ng laro nila. At more importantly, paano ba nila uumpisahan 'yon? 

"Kung..." she started, weighing how the words felt in her tongue as she spoke. The girl's attention fell on her as she waited for her to continue. "Kung nag-break na kayo ng jowa mo, tapos naging kayo ulit, anong anniversary date ang susundin niyo, 'yung una niyong anniversay date o 'yung bago?"

"Ito naman, kabago-bago ng relasyon natin, break agad ang iniisip mo."

"Tange."

"Mas tange you."

"Ano nga?"

Tumikim muna ng beer ang kasama ni Tefi bago sumagot. Tila sabay na nilalasahan ang argumento at alak. Sabi niya, "Malamang, 'yung bago. Common sense naman, teh."

"Eh 'di ba, sayang naman 'yung luma? Tsaka, 'di ba kayo malilito nun, ang daming petsang tatandaan?"

"Siyempre, kakalimutan mo na 'yung una. Nag-break nga kayo, 'di ba? Ano bang mga tanong 'yan, pang-kinder?"

"Gaga ka! Pumasok ka na sa relationship, kinder ka pa lang?"

The girl shrugged, tapped the underside of her chin with the back of her hand and jokingly said, "Sorry ka. Ligawin."

"Mukha nga. Parang 'di mo alam magbasa ng map."

Despite Tefi's purposeful pang-iinsulto, just to get Ms. Ligawin riled up, all she got was a nonchalant huff and silence. They slowly settled into the atmosphere of Tefi's phone speakers blasting an indie-pop song about two lovers slowly drifting apart and the smell of booze wafting in the air. In an attempt to break the ice, the girl started again. "So? Pa'no na maging girlfriend mo?"

Napamuni na si Tefi. What does it mean to be her girlfriend nga ba? What does it take to be with her? Ang lakas naman maka-perfect ng mga tanong. Eh kung tutuusin, hindi ganun kahirap maging girlfriend niya. Low maintenance pa nga siyang jowa eh. Loyalty, faithfulness, and honesty, on top of love, would be enough to keep her committed. Siyempre, all in reciprocity. She's ready to serve up what she asks for. Hindi naman rocket science ang pag-ibig para sobrang maging komplikado. "Basta nandyan ka lang palagi for me," generic na sagot ni Tefi.

"Baliw," ungot ng kasama niya. "Pa'no tayo maglalaro niyan kung ang sabog mo kausap?"

"Sorry," Tefi said, suddenly flustered. "'Di ko naman in-expect na seseryosohin mo pala 'yun."

"Sabi na nga ba eh," the girl responded, may hint ng pang-aasar sa tono. She took a swig of her beer before she continued. "Iniwan ka 'no?"

Natigilan si Tefi. She let a strained exhale out of her lips. A wave of anxiety threatened to crash over her, and in fear of exposing herself, she absentmindedly leaned in to kiss the blonde-haired stranger. And even after realizing what she's doing, she didn't stop. To her surprise, the girl didn't make a move to distance herself either. Tefi could already feel the tears running down the sides of her cheeks, making it even harder for her to pull away. Unexpectedly—o baka naman naggugulat-gulatan lang siya—ay napansin ni Tefi na unti-unting lumalalim ang palitan nila ng halik. Nag-agaw ang confusion at umiinit na pakiramdam sa puso niya, sa may bandang ibaba, malapit sa tiyan, parang sa puson na nga yata 'yon. Biglang bumilis ang kanina pang malakas na kalabog ng dibdib niya, at parang hindi na siya makahinga sa halong lito, nerbyos, at umiigting na pakiramdam sa nagpupuyos na eksena. Naramdaman niyang hinawakan ng binibining estranghero ang mukha niya; halos sabay ang pagtatanto ni Tefi na nadampian ng kamay nito ang basa niyang pisngi at ang marahang paghila ni Ms. Straight Diumano sa kanyang mukha palayo sa sarili nito.

Nagkatitigan silang parang mga nakakita ng alien na nagmamaneho ng spaceship sa kahabaan ng trapik sa EDSA nang tanghaling-tapat. Bahagyang nakanganga at nakatulala kay Tefi si Ms. Ganda (wait, may tama na yata siya) habang siya naman ay mugto ang matang pilit inaagaw ang sariling mukha mula sa pagkakakulong nito sa mga malalambot na palad ng babaeng kasama niya.

"Hindi pa nga kita nasasampal, umiiyak ka na agad," mapagbiro pa rin pero may halong hinahon na ang pang-aasar nito. "Okay ka lang ba?"

"Ikaw?" tulirong sagot ni Tefi. "Sorry. Hindi ko sinasadya. I'm really sorry, Miss," dagdag niya, hawak ang babae sa braso ay bahagya niya itong hinawi para ibalik ang nawalng puwang sa pagitan nila. Bumitaw ang dalaga kasabay ng pag-usog ni Tefi palayo, mababa ang balikat at nakayuko ang ulo, pilit itinatago ang mukha sa kurtina ng kanyang bangs at mahabang buhok.

Nahihilo na siya. Nahihiya rin. Ewan niya ba kung anong maligno ang sumapi sa kanya at nagawa niya 'yun. Espiritu na siguro 'yun. Espiritu ng alak.

"Anne," tugon ng kasama niya. "Pangalan ko, Anne."

Tumingala si Tefi sa kanya, biglang nawala sa isip na nagtatago nga pala siya. Tinanguan niya ito sabay sabing, "Tefi."

"Sa totoo lang, na-basted ako," biglang sabi nito out of nowhere, throwing Tefi off guard. Upon seeing her reaction, the girl, Anne, explained, "'Yung dahilan why I wanted you to keep me company, kahit saglit lang. Malungkot din ako."

"So ikaw 'yung iniwan? Ano 'yun, nagpo-project ka lang pala sa'kin?" ismid ni Tefi. 

"Wow. Sorry ha," bira naman ni Anne. "Edi ikaw na ang pinipili," sabay irap nito.

"Hindi din."

"O 'ta mo," sabi ni Anne, dinuro pa siya. "E iniwan ka nga."

"Nasakal na eh," sagot ni Tefi. Natawa siya. Mapait. Pilit. "Ang stiff ko daw. Ang perfectionistic. Ginawa ko na lahat. Mali pa pala 'yon. Ano ba gusto niya, mag-effort pero konti lang? Magmahal pero medyo lang? Kapag sapat, nakaka-pressure. Kapag sagad, nakakalunod. Kapag buo, mabigat daw. OA daw. Feeling forever na daw. Nakakatakot daw, baka ma-disappoint ako. Baka gustuhin ko daw na mag-settle na tapos hindi pa pala siya ready. Baka daw wala nang room na magbago isip niya. Paano daw 'pag nagbago isip niya? Sobrang dami ko daw hinihingi sa kanya, eh kung ayaw niya palang mag-commit, bakit pa namin sinimulan 'yung relasyong 'yon? Nag-pusoy dos na lang sana kami, at least dun may mapapala pa 'ko!" 

Humahagulgol na pala siya at napalakas na nang tuluyan ang boses. Kung hindi pa niya nakita ang nanlalaking mata ni Anne, hindi pa siya titigil. Ang dami pa sana niyang gustong sabihin. Ang dami niyang hinanakit kay Jenna. Ang daming tanong na dumadagdag sa problema niya sa trabaho. 'Yung insecurities niya, humahalo na sa backlogs niya sa financial reports. 'Yung mga hinaing niya nagiging UTI at ulcer na dahil maghapon siyang tulala to the point na nalilimutan na niyang mag-take ng breaks. Kulang na lang ireklamo niya sa HR si Jenna just for making her days miserable and her life harder. Bakit ba ang unfair ng taong 'yon? Nagmahal lang naman si Tefi.

Magkakasabay na hikbi, singhot at pagpunas ng kanyang luha ang ginawa niya sa sumunod na segundo. "Sorry," sabi niya habang inaayos ang sarili. "Ang OA ko."

"Puro ka sorry."

"Sorry- I mean, hindi ko sinasadya- I mean, ewan. Hindi ko na alam."

Natawa si Anne. Mahina. Saglit lang kaya hindi na rin napansin ni Tefi. Nakatingin ito sa view ng papasikat na araw sa ibabaw ng payapang dagat. "Mag-uumaga na pala."

 

 

Nakataas na naman ang kilay ni Winnie. Ewan rin ba nito sa trip ng boss. Kanina lang, nagkukwento tungkol sa nakalipas niyang pilit binabalikan kahit wala naman siyang mapapala, prente silang nakaupo lang sa buhanginan, nakikinig ang Junior Managing Director sa mentor na nagmumuni-muni, pinaglalaruan na lang ang stick ng barbecue na kanina pa nito naubos, nang bigla na lang tumayo si Tefi at nag-ayang maglakad-lakad. Actually, hindi talaga siya nag-aya. Bigla na lang siyang tumayo't nagpagpag ng likuran bago walang direksyong naglakad palayo, at nagpatuloy nang baybayin ang aplaya, hinahayaang mabasa ng mahinang alon ng katig

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Lakanamihan
Tapos na po ang Ephemeral (finally)! Lmk your thoughts sa comsec, it would mean a lot 🤍

Comments

You must be logged in to comment
Highseul
#1
Chapter 3: authorrr huhuhu wala po bang sequel? ang lungkot lungkot naman fslsksjshsg grabe author, galing niyo po magsulat, feel na feel ko po yung sakit na nararamdaman ni tefi, nakiiyak din ako sa kanila ni winnie hahahahaha

pero author, sequel naman oh pls pls pls sana mapili fslsksjshsg i know this is an open ending but you write so well and the story is so good that i am yearning for a continuation author, i need to know what happened next… what happened to the sisters? especially anne, after 4 years? i’m certain she developed feelings for tefi too, that she loved her too, that’s why she ended it with her, right? right?? fslsksjshsg anyway, thank you for this story author!
mokimoki #2
Chapter 3: ang ganda neto, napaiyak ako
softforseulrene #3
FIRST ROWE SEATED
iodizedseult
#4
Chapter 2: okayyyy author i’m hookedddd
Etoile__
349 streak #5
óoOOOOooh interesting 🧐🤔
ryujinie__
695 streak #6
👀