Postlude

Ephemeral
Please Subscribe to read the full chapter

"Maybe it was not something important to you, but it was my heart."

— Mahmoud Darwish to his lover Rita

 

As much as it pained her to admit it, sa ayaw o sa gusto niya, alam naman niyang hindi rin naman talaga siya perfect. Hindi perfect na anak. Hindi perfect na boss. Hindi perfect na girlfriend. Kahit ano pang sabihin ng ibang tao, kahit pa anong puri nila sa kanya, at kahit pa anong pilit niya, hindi plausible na maging laging palabigay, laging available, laging patient, laging perfect ang performance. Sa totoo lang, Tefi is the kind of person to hold grudges. She resented the people she claimed to love dahil lang kailangan niyang gawin ang lahat para lang mapasaya sila palagi. In the end, without really intending to, she ends up becoming controlling, overbearing, bossy, and sometimes even neglectful and callous. May times naman talaga na tarantado rin si Tefi. Pero mas tarantado pa rin si Jenna. 

 

 

Nagdadabog na naman ang girlfriend niya sa sala; pinipilit magpaka-busy sa laptop nito kahit alam naman ni Tefi na after what happened earlier ay hindi na ito makakapag-concentrate sa kung anumang pagpapanggap ang inaatupag nito. Imposible namang tadtad siya ng trabaho, eh hindi naman 'yon sineseryoso ni Jenna. Puro bulakbol lang naman ang nagpapaikot sa mundo ng girlfriend niyang 'yon. Hindi na nga alam ni Tefi kung anong klaseng pakiusap pa ang dapat niyang gawin para lang tumino si Jenna.

"Ang dali kasi ng buhay 'pag tatay mo rin ang boss mo eh," pagalit na bulong ni Tefi sa sarili.

"Kung may sasabihin ka, diretsahin mo ako. Hindi 'yung puro ka parinig," angal ni Jenna.

"Binulong ko na nga para wala nang away, gusto mo naman pala meron."

"Ano ba, Tefi? Pangangaralan mo na naman ba ako? Parents ko nga hindi ako dinidisiplina nang ganyan eh."

"Hindi ko rin naman nga obligasyon eh," palakas na nang palakas ang boses ni Tefi na napupuno na nito ang condo nila. Umaabot na yata sa neighboring units ang sigaw niya, but she couldn't care less. "Kaso naman, Jenna, 'wag mo namang ipagmalaki pa sa iba 'yang parentless behavior na 'yan, hindi naman 'yan magandang bagay eh! Tsaka mahiya ka rin naman sa'kin. Ano, ako aayos ng buhay mo? Hindi mo pa rin kaya kung kelan ang tanda mo na?!"

"Ano ba 'ko dito, Tefi? Palamunin?! Kung kausapin mo ako parang pabigat ako sa buhay mo ah!"

"Hindi ka pabigat sa buhay ko pero, my god, you're still dead weight in this relationship. Ano mo ba ako, Jenna? Babysitter? Yaya? Bakit puro ka lagalag, wala namang ambag 'yan sa trabaho mo sa kompanya ng papa mo! Ano, bayad rin ba 'yung oras mong kakainom kasama ng friends mo?"

"Is it my fault I have friends! Tangina naman, Tefi. Eh kung makipag-kapwa-tao ka rin minsan para hindi lang ako ang napagdidiskitahan mo? Ako lang kasi laman ng mundo mo kaya puro ako ang nakikita mo!"

"Ano, gusto mo matulad ako sa'yong walang direksyon ang buhay?!"

"I was just having fun with my friends! Issue na naman ba 'to?! Lagi na lang, Estefania? Ganyan ba kalungkot 'yang buhay mo!?"

"Wala ka kasing matinong inambag! Sana pala hindi ko na lang tiniis 'yung pangmamata sa'kin ng matapobre mong parents nung naglakas-loob akong magpakilala sa kanila. naman, Jenna. Iyan ba 'yung pinaglaban ko, ha?! Worth it ba 'yan? Para kang bata. Gusto mo ikaw lang ang importante!"

"Eh kung pinagsisisihan mo din naman palang naging girlfriend mo ako, eh bakit hindi ka pa umalis?"

Their discussion was so heated that they failed to realize na magkaharap na pala silang nagpapanggulo sa living room. Halos nagduduruan na sila sa mukha, ilang masasakit na salita na ang pinaulan nila sa isa't isa, pero sa sobrang dalas ng mga ganitong pangyayari ay parang wala na ring epekto sa mga damdamin nila. Parang typical Tuesday na lang for them ang magsigawan at magsumbatan.

"'Yan. Diyan ka magaling. Akala mo naman kasi makakatulong 'yang ganyang mentality. Mark my words, kahit sino pang ipalit mo sa'kin, hindi rin mapagtitiisan 'yang ugali mo!"

 

 

Okay naman sila sa una. Ganun naman talaga nag-uumpisa ang mga bagay kadalasan eh. Tanggap naman nila ang mga pagkakaiba. 'Di ba nga, minsan, 'yung mga usually ay nakakainis na ugali ng mga taong minamahal natin ay 'yun pa 'yung endearing. Pero Tefi failed to realize that maybe things like that gave her a bad feeling for a reason. Maybe blaring signs at ringing alarms pala 'yun, at instead of taking it as a challenge to overcome to prove how much she loved Jenna, she should have taken it as a cautionary warning. Unfortunately for Tefi, character flaw niya na yata talaga na tanggapin ang mga hamon ng buhay in stride, although, more accurately yata na siya ang humahamon at may gustong patunayan.

Simply put, she became Jenna's fixer-upper.

 

Jenna was lazy and self-centered. That was definitely not the best first impression anyone could have on someone, but Tefi knew right away what Jenna was like. For that reason alone, she became curious. Not that she was interested agad, but she was definitely intrigued. 

She first met her at a local cafe. There wasn't an interaction between them yet. Jenna was simply another customer sa pinagtatrabahuan ni Tefi, pero madalas ma-overhear ng huli kung paano magreklamo sa kausap sa phone nito si Jenna. Ang hirap naman ng lessons. Hindi niya daw ma-gets. Paturo naman daw. And in the end, ipapagawa na lang nito sa kausap 'yung trabaho, babayaran niya na lang or in exchange for other favors. Nung panahon na ng thesis, halos hindi nagalaw ni Jenna ang word document na naka-open sa laptop nito. Nag-uusap 'yung mga ka-grupo niya sa tabi while she's busy on her phone, swiping left and right sa isang dating app.

Tefi didn't usually go for the easy-go-lucky type. Sa opinyon niya ay mahirap talagang pakisamahan 'yung mga taong hindi nagseseryoso kapag kailangan na. Minsan pa, may mga taong hindi alam kung kailan kailangang magseryoso. As in, walang pake sa kahit ano at kahit kanino. Samantalang si Tefi, bilang iskolar at working student, kahit gusto niyang magpaka-carefree, hindi niya magawa. Bugbog sa obligasyon at banat sa responsibilidad si Tefi. 

Pero she took the risk with Jenna, because she had this notion na stepping out of her comfort zone would broaden her horizon. But there are comfort zones for a reason. Limits are set in place, not necessarily to trap you, but to help you avoid situations that would jeopardize you. Hindi lahat ng pagsubok, dapat tine-take on. Minsan kasi, kakapilit natin, ang resulta ay gumagawa lang tayo ng problema para sa sarili natin kahit hindi naman dapat.

 

"Hi," said the girl with the long black hair, prominent red lips, and a mesmerizing eye-smile.

"The usual?" sagot ni Tefi sa pagbati nito.

"Yeah," natatawang sagot ng customer.

Alam na alam na ni Tefi kung ano ang kukunin nito. Pagkagawa niya ng caramel macchiato ng dalaga ay agad niyang isinulat ang pangalan nito sa cup—nakabisado na niya sa dalas ng pagtambay nito sa cafe.

"One tall caramel macchiato for Jenna."

The girl went back to the counter upon hearing her name. "Thank you," sabi nito kay Tefi pagkaabot niya rito ng order.

"You're welcome."

Hindi sinasadyang narinig na naman ni Tefi ang pamilyar na tunog ng dating app notification sa phone ng customer na agad naman nitong tinignan. Hindi rin sinasadyang napabuntong-hininga si Tefi dala nito. 

"Okay, weird," bulong ni Jenna nang mapansin ang ginawa ni Tefi.

Feeling like she needed to defend herself, nagkusa nang mag-explain si Tefi. "Um, sorry. Lagi ko kasing naririnig 'yan eh." Medyo naririndi na ako, she wanted to add, but she knew better than to meddle with other people's business.

She knew that principle, until she could no longer uphold it. Kasi hindi niya inasahan na magiging daan pa 'yon para lalong ma-entangle sa isa't isa ang buhay nila ni Jenna.

"Hi," bati na naman sa kanya ng pamilyar na customer. Patay-malisya lang itong tinanggap ni Tefi. Simpleng ngiti, matipid na pagtungo ng ulo bilang greeting, tapos tapos na. Hindi naman sila dapat nagkikita sa library. Dapat nananatili sa cafe ang interactions nila, pero pinagtagpo na sila ng universe sa second location at mukhang paliit na nang paliit ang mundong ginagalawan nila.

"You're Tefi, the barista from Reverie Coffee, right?"

"Yes," matipid na sagot niya at bumalik na ulit sa inaatupag niyang readings. Hindi natinag si Jenna despite Tefi's obvious attempt at cutting the conversation short.

"Ang seryoso mo naman," pabirong saad ni Jenna.

"Hindi naman, nag-aaral lang," pilosopong tugon ni Tefi nang hindi iniaangat ang tingin mula sa bulto ng papel na hawak niya. Bahagya siyang nagkamot ng kilay to show discomfort but it seemed like Jenna doesn't do subtleties like that. "Try mo rin paminsan," Tefi added almost in a whisper tone para naman makuha na ng kausap 'yung hint.

"Ganun ba? Mukhang busy ka yata. Um, manghihiram lang sana ako ng...um, calcu," sabi ulit ni Jenna.

"...Creative Writing po ang course ko, miss," she lied. Actually, Business Ad ang course ni Tefi, pero para lang lalong obvious na sa lahat ng tao sa lib ay siya ang pinaka-imposibleng mangailangan ng calcu, nag-imbento na lang siya ng course.

Halata rin namang nag-iimbento lang ng dahilan si Jenna para makausap siya.

"But you're reading business stats."

Hindi na natiis ni Tefi at napatingin na rin siya kay Jenna. Binabasa na pala nito ang readings niya at walang bahid ng interes sa mukha nitong ini-scan ang iba pang notes ni Tefi na nakabulatlat sa mesa. May libro pa siya sa economics na hindi niya maikakaila pa rito. Isa pa, 'yung calculator niyang ginawa niyang bookmark ay mas visible kay Jenna na nakaupo sa harap niya kaysa sa kanya na book cover lang ang abot ng tingin.

"Gagamitin ko kasi, miss," peke ang ngiti na sinadyang paabutin ni Tefi sa mga mata niya. "Sa iba ka na lang siguro manghiram. O kaya bumili ka na lang ng sarili mo."

"Alam mo, I thought initially, you're smart. Medyo dense ka pala," pang-aasar ni Jenna sa kanya, na agad namang ikina-init ng ulo ni Tefi.

"Ay wow," Tefi scoffed. "Sa lahat ng nanghihingi ng pabor, ikaw pa 'yung matabil 'yung dila, 'no?"

"I was hitting on you, Ms. Barista. God," irap ni Jenna. 

"What?"

"Kung hindi lang ako nakukyutan sa'yo, baka kanina pa ako umalis."

Just like before, Tefi got curious. Hindi siya nadala agad sa pagtawag-tawag sa kanya ni Jenna ng cute at 'hot lalo kapag seryoso'. Hindi siya nabingwit agad ng madalas nitong paghanap sa kanya sa campus at pagsadya nito sa kanya sa cafe. Ang mas nakapukaw ng atensyon ni Tefi ay kung paanong seemingly ay napapadalas ang pag-aaral ni Jenna sa cafe, at totoong aral na, hindi 'yung nagpapaubos lang ng laptop battery habang nagce-cellphone.

"Bakit ka ba tanong nang tanong kung pwede kitang i-tutor?" Hindi na nakatiis si Tefi. Paano, lagi siyang kinukulit ni Jenna tuwing nakikita siya nito.

"Honestly," umpisa nito, napaisip nang malalim bago sumagot. "You inspired me. I didn't mean to follow you talaga, Tefi. Pero nung sinabi mo that one time na lagi mong naririnig 'yung tunog ng notif sa phone ko, na-conscious ako bigla. Eh honestly, ikaw lang naman ang dahilan kung bakit ako nasa app na 'yun whenever I'm at the cafe."

"Ha?"

"Ine-expect kong maka-match kita," parang sapilitan pa ang pagkaka-explain na 'yun ni Jenna. Si Tefi naman tuloy ang n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Lakanamihan
Tapos na po ang Ephemeral (finally)! Lmk your thoughts sa comsec, it would mean a lot 🤍

Comments

You must be logged in to comment
Highseul
#1
Chapter 3: authorrr huhuhu wala po bang sequel? ang lungkot lungkot naman fslsksjshsg grabe author, galing niyo po magsulat, feel na feel ko po yung sakit na nararamdaman ni tefi, nakiiyak din ako sa kanila ni winnie hahahahaha

pero author, sequel naman oh pls pls pls sana mapili fslsksjshsg i know this is an open ending but you write so well and the story is so good that i am yearning for a continuation author, i need to know what happened next… what happened to the sisters? especially anne, after 4 years? i’m certain she developed feelings for tefi too, that she loved her too, that’s why she ended it with her, right? right?? fslsksjshsg anyway, thank you for this story author!
mokimoki #2
Chapter 3: ang ganda neto, napaiyak ako
softforseulrene #3
FIRST ROWE SEATED
iodizedseult
#4
Chapter 2: okayyyy author i’m hookedddd
Etoile__
350 streak #5
óoOOOOooh interesting 🧐🤔
ryujinie__
695 streak #6
👀