Kabanata 3

Sweet Escape
Please Subscribe to read the full chapter
Tanggap ko naman eh. 

Lumaki ako sa isang pamilyang hindi perpekto kaya alam ko at nakatatak sa aking isipan na hindi patas ang mundo. Mayroong mga taong nakahihigit o nakalalamang. May sagana ang buhay, may kapos. May taong biniyayaan ng talento, meron ring display lang sa earth.

S'yempre hindi ako kabilang ro'n. 

May talent kaya ako! Dinidiscover ko pa lang. Huwag kayong atat. To see is to believe ika nga nila pero hindi ko rin alam kung ano ang connect no'n sa pinagsasabi ko. 

Joke. Lahat ay may papel sa mundong 'to. Ang bawa't isa sa mundong kinagagalawan natin ay may tungkulin at sigurado akong kontrabida ang napili ng aking animal na mga kaibigan at ako ang bida.

Baka anak talaga ako ng kapitbahay? Namana ko ata ang pagiging feelingera at delusyonada nila. Nakakatakot naman kung isipin 'yon, bakit ba sumagi pa ang ideyang 'yan sa'king isipan?

Balik ulit tayo sa hindi patas ang mundo. Hindi ko talaga tanggap! Bakit gano'n? May favoritism si Lord eh! 

Bakit parang binuhos niya lahat ng kagandahan kay Karina? Halatang pinag-isipan kung paano siya ginawa mula sa perpekto nitong mukha, katawan, at iyong nunal niyang nakadagdag lang sakanyang hindi maitatangging kariktan. Ang mahaba at malambot nitong buhok na sobrang bango. Nakakahalina. Tuwing siya'y nasa malapit tila ako'y isang semento at sinaniban ng kung anong elemento dahil hindi makausap ng matino.

Isang linggo na ang nakalipas mula noong inilibot ko siya sa buong Pahuwayan. Hindi naging madali dahil isinama niya pa si Choy​​, ang kuting na inampon niya. Oo, niya. Takot nga kasi ako sa pusa! 

Kaagad siyang nakahakot ng atensyon mula sa mga mamamayan at paniguradong umabot na sa kabilang bayan ang tungkol sa apo ng mga Aragon. Mabuti na lamang at wala namang gago at pinagtripan si Karina. 

Suntukin ko sila isa-isa kapag nangyari 'yon. Nag-enjoy naman siguro siya sa tour namin. Nang pagabi na ay dinala ko siya sa talampas. Isinuot ko sakanya ang jacket ko kahit na nilalamig din ako ng mga oras na 'yon. Nang gabing din 'yon ay sinipon ako. 

Wala talagang magandang dulot ang kalandian. 

Subali't ang kapalit naman no'n ay makita ang kanyang totoong ngiti ay hindi na ako magrereklamo pa. May inilatag akong tela para maupuan namin at may dala rin akong lampara dahil ready ako sa mga ganoong ganap. 

May campfire rin sa ganap namin, 'no. Mawawala ba 'yon sa ganitong mga eksena? Kaya dalawa na ang source of ilaw namin.

Tahimik lang kaming dalawa habang nakatitig siya sa kawalan. Iniwas ko ang tingin sakanya at itinuon ang atensyon sa buwan. 

"Bilog na naman ang buwan, Ilabas nyo na ang kalokohan~" Kanta ko habang may ngisi sa mga labi. 

"Baka umulan." Epal. 

"'Wag nyo ng pipigilan pa, ang toyo nyo'y lalabas din lamang~" Tinatawanan niya lang ako habang nagpatuloy ako sa pagkanta. 

"Okay, okay. Stop." Tinaas niya ang kanyang palad habang malaki ang ngiti sa mga labi. 

"Hindi pa tapos 'yung kanta, terorista." Kanina ko pa siya tinatawag na terorista. Naguluhan man siya nung una pero hindi niya na pinuna nang hindi ko talaga binago ang tawag ko sa'kanya. Hinayaan na ako. 

"You should really change your pet name for me. Others might misunderstand and mistake me for one. Umiiwas ako sa gulo, Winter." Oo nga pala. Galing siya sa isang kilala at mayamang pamilya. 

"Okay, browny." Napairap ito sa sinabi ko. 

"Bahala ka. Kung anong gusto mo. At least I have talent in singing." OKAY??? 

"Kwento mo sa buwan." My turn para magsungit. 

"Pikon?" Tumaas ang gilid ng kanyang labi at tumingin sa buwan. Umawang ang bibig ko sa sunod nitong ginawa. 

"Hey, moon. You already know how good I sing, but not this girl beside me. So allow me to sing a sing for her and for you." Inayos nito ang jacket nang gumalaw si Choy. 

Kasama pa rin namin ang alaga niya dahil ayaw niyang iwan ro'n sa malaking mansyon nila.

Bumuka ang bibig niya at nagsimulang kumanta. 

​​​​​​​​​​​​"Can we go where no one else goes?" 

Ang lalim ng boses niya kasing lalim ng itim na karagatan na puno ng walang kasiguraduhan at kalungkotan. Sabi ko nga marunong akong lumangoy pero mukhang ako'y nalulunod na at hindi iyon maganda. 

Straight ka, Winter Cholo! 

"Can I know what no one else knows? Can we fall in love in the moonlight? I wanna get lost with you, I wanna be lost in you." 

Kung kumanta siya ay tila ba siya'y nakikiusap. Doon ko lang naisip na kahit ang isang maligayang kanta ay maaari maging tunog malungkot. Nakadepende ito sa paraan kung paano mo ito ibabahagi. Na kahit masaya at ikaw ay mapapasayaw sa awit na pinapatugtog ay may posibilidad pa rin na makaramdam ka ng sakit at poot. 

Marahil ang awit na 'yon ay may nakakabit na alaala.

Mga ala-ala na iyong nais kalimutan ngunit ikaw ay hirap gawin dahil ito'y nakaukit na sa'yong memorya at ang hatid nitong emosyon sa iyong damdamin

Ang mga mata ko'y nakatutok lang kay Karina at sa kuting na yakap niya. Gumuhit ang isang kuntentong ngiti sa'king labi nang matapos siya kumanta.

Humiga ako at pinagmasdan ang kalangitan. Puno ito ng mga nagniningning na mga bituin. Ang kapayapaan sa kapaligiran at ang mahinang huni ng aking katabi. Wala ng papantay pa. Siguro ito na ang aking depinisyon ng isang perpektong gabi.

"Winter." Nagtama ang tingin naming dalawa. 

Kalmado lang ang tibok ng puso ko ngunit halos mapunit na ang labi ko sa ngiting binibigay ko sakanya.

"Thank you." 

Hindi ko man maintindihan kung para saan pero isang tango lamang ang aking iginawad. 

"Walang anuman." 

Napahawak ako sa batok ko dahil sa hampas ni Duday. 

"Nasa Earth pa ba 'yang utak mo?" 

"Oo, Duday. Specifically, nasa Padayon St. ang utak niyan." 

Nagmukha silang aso dahil sa ngisi nila pero ngumuso lang ako. Straight nga kasi eh. Nagandahan lang talaga ako ro'n sakanya. 

"Oo, nasa Earth pa ang utak ko. Mukha rin akong naninirahan sa earth kayo mukhang alien. Hatid ko na ba kayo sa tunay niyong pamilya?" Nakatanggap naman ako ng mura galing kay Duday at isang masamang tingin kay Geng. 

Kailan ako nagpaapi? No no no

Sabay kaming tatlo na napatingin sa sumigaw. 

​​​​​"Bili na po kayo! Dating mukhang maligno, ngayon mukha ng tao!" Sigaw ng isang binatilyo habang hawak ang iilan sa paninda ng kanyang ina. Mga cosmetics.

Grabe namang marketing strategy 'yan. May halong panlalait. 

"Mam! Ser! Uto-uto ho po ba kayo? Pahula na kayo sa'kin. Ayaw niyo? Bilhin niyo nalang po itong kwintas na ito! Totoong gold 'yan kasi sabi ko." 

Napahawak nalang sa noo si Geng. 

"Huwag tayo rito. Wala naman rito ang sadya natin." Hinil

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
longgadog #1
update when :]
longgadog #2
Chapter 2: ang funny 😭
howdoyouknowmee
542 streak #3
Uyy may update!
howdoyouknowmee
542 streak #4
Uyy hala bet!!