Kabanata 2

Sweet Escape
Please Subscribe to read the full chapter

ANONG IPAPASYAL? SINONG IPAPASYAL? 

ISANG MALAKING AYOKO! NO! 

"Sinong Miss Yu? Hehe.." Napakamot ako sa batok dahil sa matinding kahihiyan. Nakalimutan ko na hindi ko nga pala kilala ang Miss Yu na 'yan. 

Sino ba 'yan? Bakit ko ipapasyal? Dapat may kita ako rito!

"Iyong hinampas mo sa likod ng kahoy." Kalmadong sagot ni Tatang Ben at sumimsim sa hawak na baso ng kape. 

Oo nga pala! Tinawag siyang Miss Yu ni Yeji. Ano ba 'yan? Ang tanga-tanga, Duday! 

Damay na si Duday na nanahimik lang sa gilid.

Biro lang pala sa big NO. Kahit pala abutin kami ng umaga kakalibot sa Pahuwayan ay ayos lang! Kung gusto niya ay i-uwi niya pa ako sa siyudad ay mas lalong ayos na ayos! Bet ko 'yon kahit kakalbuhin ako ng santong tatay ko kapag nalaman niya ang mga iniisip kong kalandian. 

"Good morning." Napatulala ako sa babaeng umupo sa harapan ko. 

Sa lahat-lahat ng bakanteng upuan bakit ayan pa ang napili niya?! Pakitawag ang albularyo at mukhang may na-engkanto na ho rito!

Hindi ko sinasabing ako dahil hindi naman talaga ako. 

​​​​​​"Leo." Seryosong tawag ko rito sabay abot ng baso na may lamang kape. 

Muntik pa itong mabuhos nang masiko niya ako buti na lamang ay naibalanse ko kaagad ang hawak. Kung saan-saan kasi ang atensyon. Nakaramdam ako ng inis dahil tila pumasok na ang utak nito sa ibang dimensyon. 

"Leo, 'yung kape mo." 

Napakurap ito bago namumulang tinanggap ang baso at uminom, hindi inaalis ang tingin sa babaeng kaharap namin. Katabi nito si Nanay Maria na tinatanong kung ano ang gusto niya sa mga pagkain nakahain sa lamesa.

"Gusto mo ba nitong itlog, hija?" 

"Ako, nay! Gusto ko po!" Lahat ay napatingin sa'kin ngunit hindi sila pinansin. Nakatuon lamang ang tingin sa itlog. 

Gutom na ako! Ayokong umuwi sa'min at baka tadtad na naman ako ng bala mula sa bibig ng kapatid ko. 

"Cholo, para kay—" Hindi ko pinansin ang sinabi ni Nanay Maria at kinuha ang itlog. 

"Ayos lang po. She looks starving, she can have it. Do you want some rice?" 

Nahiya ako bigla sa sinabi nito pero dahil makapal ang mukha ko ay tumango ako.

"Ang layo mo. Sit beside me." Para akong tuta na sinusunod lang ang sinasabi niya. 

Namalayan ko nalang ang sarili ko na katabi na siya at ang dami na niyang nilalagay na ulam sa plato ko. 

Taympers! Gutom lang ako hindi patay gutom! Teka! Kalmahan niya! 

Nanlalaki ang mga matang hinawakan ko ang kamay niya para pigilan pa siyang maglagay ng ulam sa plato ko. 

"Enough?" Tumango ako at nagsimulang kumain kahit pakiramdam ko ay busog na ako. 

Doon ko lamang napansin na kakaiba ang tingin sa'min ni Yeji habang nag-uusap ang mag-asawang Izobel sa tabi ni Miss Yu at ang hotdog na nakatingin nalang sa kapeng iniinom.

"I-Ikaw? Hindi ka kakain?" Nawala angas ko ro'n ah. 

Nay, nakikita mo ba 'to diyan up above? Hayaan mo akong magpaliwanag, nautal lang ako kasi kinakabahan ako sa magiging tour namin! Maniwala ka. Ako 'to magandang panganay mo. 

"Hindi ako nagb-breakfast."

Ang tipid naman netong sumagot. Anong pinag-iipunan niya? Ako na ang bahala basta usapang pera. Kaya ko siyang buhayin sa panaginip ko, huwag lang sa totoong buhay. Hindi pa ako ready.

Ano bang sinasabi ko? Ni hindi ko nga mabilhan ng cornetto ang kapatid ko.

Halos maibuga ko ang kinakain ko dahil sa tanong niya. 

"Alam niyo po ba kung nasaan ang Padayon St." Gago! Kanto 'yon ng mga mayayaman sa village namin. 

Napatampal naman ako ng bibig sa utak ko. Bad! Bawal ang bad words.

"May kakilala ka ro'n, Hija?" 

"Uhh.." Nagdadalawang isip pa ito kung sasagot ba sa tanong ni Nanay Maria o hindi, sa huli ay sinabi niya pa rin naman ang sadya. "Lolo ko po si Lorenzo Aragon."

Hala tangina

Napatampal ulit ako ng bibig sa isipan. 

Bounce na ako, mga kapahuway. Anak-mayaman!

Paano naman akong anak lang ni Wylan at Anima? Wala pa nga akong ginagawa ay pinanghihinaan na ako kaagad ng loob.

Ang daming balakid! Balita ko rin kasi ay homokojic? homosapien? homonyms? basta ayaw sa bading ng lolo niya. 

Buo na ang desisyon ko. Kung sakali man ay magbabakasyon siya ng matagal rito ay iiwasan ko siya pagkatapos ng paglilibot. Tama! Very talino mo talaga, Winter Cholo! Deserve mo ng matitinong mga kaibigan kaya palitan mo na sila Geng.

Hala, oo nga pala! Nasaan ba sila?

"Cholo." Napakurap ako at napatingin kay Tatang Ben. 

"Bilisan mo na kumain riyan at ihatid mo nalang ito si Karina sa mansyon ng mga Aragon." Tumango ako at tila nawalan ng gana kumain. 

"Busog ka na?" Rinig kong tanong niya. 

Wala sa sariling tumango lang ako at bumusangot. 

"Hala.." Napatingin ako kay Yeji dahil sa reaksyon niya. Ang mga mata nito ay nakatuon sa katabi ko kaya binalingan ko ito ng tingin. 

Halos mabilaukan ako sa sariling kong laway nang makitang siya ang umubos ng pagkain ko. 

"Tara na?" Napaubo ako dahil nakatayo na ito sa gilid ko. Ang bilis niya naman maubos 'yung pagkain?! 

"Susi ng van, Cholo. Huwag kang kaskera at isusumbong kita sa Tatay Wylan mo. Mag-ingat sa daan at siguraduhin mong wala 'yang ni-isang galos. Nagkakaintindihan ba t

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
longgadog #1
update when :]
longgadog #2
Chapter 2: ang funny 😭
howdoyouknowmee
542 streak #3
Uyy may update!
howdoyouknowmee
542 streak #4
Uyy hala bet!!