Kabanata 1

Sweet Escape
Please Subscribe to read the full chapter

"Winter Cholo Lacson!" 

Napapikit ako sa sigaw ng nakababatang kapatid. Kakatapos ko lang gupitin ang buhok ko nang marinig ang maganda kong pangalan. 

"Good morning, Minji?" Ang ngiti ko ay nauwi sa ngiwi nang makitang may hawak itong sandok. Alam ko na ang kasunod neto... 

I started running for my life while shouting for help.

"Tulonggg!" Tumatawa lamang ang mga kapitbahay na nadadaanan namin. Traydor po kayong lahat! Pagkatapos ko kayong tulungan ito ang igaganti niyo sa'kin? hmpk! 

"Sumuko ka na, Cholo!" Rinig kong sigaw ni Ryujin o mas kilala sa palayaw na 'Duday' katabi nito si Giselle na tinatawag naming 'Geng'. 

"Bilisan mo, Patchoy! Bilis tumakbo ng ate mo! Snatschir siguro 'yan sa gabi!" Napahinto ako sa sinabi ni Geng. 

Bigla kong naalala ang nangyari kaninang madaling araw. Ang estrangherang napagkamalan kong magnanakaw. Napangiwi ako dahil ang lakas ng hampas ko sa likod niya paniguradong isinumpa na ako nun pati ang mga lahi kong hindi ko pa nailalabas sa mundong ibabaw. 

"Aray!" 

"Nagsumbong sa'kin si Ate Yeji! Anong kalokohan ang ginawa mo kanina, Ate Cholo?! Nakakahiya sa turista!" Namana talaga ni Patchoy ang machine gun na bunganga nang namayapa naming ina. 

​​Napakamot ako sa batok at alinlangin na ngumiti sa nakababata kong kapatid. Dapat pinapatahimik ang nag-iisang anak ng mga Izobel na 'yan eh. 

​​​​​​"Mukha kasi—" Kaagad kong isinara ang aking bibig dahil lalong nagsalubong ang mga kilay nito at nagmumukha na siyang angry bird. 

"Humingi ka ng paumanhin. Huwag kang uuwi hangga't hindi ka pinapatawad." Napamaang ako sa sinabi niya.

Nagpapasalamat ako kay bathala at nagmana ako kay Tatay Wylan. Mabait, maunawain at masunurin. Pinagbiyak na bunga raw nga kami ng tatay ko. Alangan naman kasing ang kapitbahay namin ang kamukha at kaugali ko, 'di ba? 

Kabahan na si tatay. 

Biro lang! Patay na patay ro'n si Nanay eh. 

Tila mga demonyo namang tumatawa sa magkabilang-gilid ko si Geng at Duday. 

"Bakit ka huminto? Edi sana hindi ka napukpok sa ulo." Masyado akong mabait kaya binigyan ako ng pang araw-araw na suliranin ng panginoon kaya heto ako ngayon at nagdudusa sa kamay ng dalawang diablo na padala ni satanas. 

Hingang malalim, Winter Cholo. 

Pagsubok lang 'yan. 

Sa langit ang punta mo. 

Sa langit...

"HAHAHAHAHA!" Hindi ko napigilan tumawa ng malakas nang mahulog sa kanal si Duday. 

"Tulungan mo!" Nagsikuan pa kami ni Geng kung sino ang tutulong kay Duday. 

"Teka," Inilabas ko muna lahat ng tawa ko bago tulungan si Duday na masama ang tingin sa'min ni Geng. Kung nakakamatay lang ang tingin ay baka pinaglalamayan na ako ngayon. 

Si Geng? Siyempre buhay pa 'yan. Masamang damo 'yan eh. Iniisip ko tuloy ngayon kung ilang buhay ang binigay sakanya ni satanas at ilan nalang ang natitira? lakas ng kapit sa diablo. 

"Salamat ha." Sarkastikong pagsasalamat nito. 

Napatakip kami ng ilong ni Geng dahil sa amoy ni Duday. Parang hindi naligo ng ilang linggo ang bruha. 

"Malig—" Naputol ang sasabihin ni Geng nang sumulpot sa gilid ko si Yeji. 

Mabilisan akong napalingon kay Duday at ngumisi, takip pa rin ang ilong. Nanlalaki ang mga nito at kumaripas ng takbo pauwi sakanila. 

"Ang baho ni Duday." Napatakip din ng ilong si Yeji dahil dumaan sa gilid niya si Duday. 

Nasa main road na pala kami. Napatingin ako sa makulay na karatula. Gawa ito ng pinsan kong si Chaewon. 

"Kailan uwi ni Chaewon? Masyado na siyang nawili ro'n sa siyudad at hindi na bumalik dito." Nagkibit-balikat ako. 

Hindi ko rin alam. Balita ko ay may hinahanap si Tatang Crisanto. Siguro ay hindi pa nila nahahanap ang babaeng 'yon o wala na silang balak bumalik pa rito. Nasa dalawa lang 'yon. 

Ah, bahala sila! Iisipin ko muna ang estranghera na namamalagi sa teritoryo ng mga Izobel. 

Naunang naglalakad sa harapan ko ang dalawa habang nahuhuli ako. Kinakabahan ako. Paano kung hindi iyon natulog at buong magdamag nag-isip kung paano ako babawian ng buhay? Ayoko po! Bad 'yon! 

Napanguso ako sa mga naiisip. 

Hindi ko naman sadya eh. 

Naririnig ko ang usapan ni Geng at Yeji sa harapan ko. Kinukwento ni Yeji ang nangyari kanina kay Geng na akala mo hindi nila ako kasama. Napahawak nalang sa noo ang kaibigan ko at tila mababaliw na lumilingon sa'kin. Nagpipigil ito ng inis sa ginawa ko. 

Tahimik akong nagdasal para sa buhay ko. 

"Naisip ni Tatang Ben na ilibot ng libre sa Pahuwayan ang estranghera bilang kabayaran na rin sa kahihiyang ginawa ng isa riyan." Ramdam ko ang nanunusok nilang mga ting​in. 

"Ano bang pumasok sa utak mo at hinampas mo 'yung tao?!" Ito na nga ba ang sinasabi ko. Napayuko ako at pinaglaruan ang mga kamay habang pinapakinggan ang sermon ni Geng. 

Mukha tuloy siyang bulkan na sumabog mula sa pinag-ipunang sama ng loob. 

"Eh kasi—" 

"Aba't sumasagot ka pa!" Hala! tinalo pa si Tatay Wylan.

Akala mo naman hindi kami magkasing-edad lang, tawagin ko siyang Lola Geng diyan eh! 

Hindi na ako sumagot dahil baka lalong mag-init ang ulo nito. Inosente po ako! Ako si Cholo, bait na tao! 

Tumigil kami sa tapat ng bahay nila Yeji katabi lang nito ang inn na pagmamay-ari nila. 

"Kausapin ko lang si Tatang Ben," Kaagad akong nagkunwaring interesado sa estruktura ng inn nang napadpad sa'kin ang tingin ni Geng. Napasipol ako habang pinagmamasdan ang hitsura ng inn mula sa kinatatayuan namin, katamtaman ang laki at maluwag ang loob. May dalawang palapag ito at

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
longgadog #1
update when :]
longgadog #2
Chapter 2: ang funny 😭
howdoyouknowmee
542 streak #3
Uyy may update!
howdoyouknowmee
542 streak #4
Uyy hala bet!!