chapter 2

all the lies - seulrene
Please log in to read the full chapter

 

Dumadagundong na tunog ng isang hindi pamilyar na musika ang bumungad sa akin sa umaga— si Ika, may hawak na bluetooth speakers. "Gising na!!" Sigaw nito at pinalo ako sa ulo gamit ang unan ko.

"Ugh!!!" Sigaw ko pabalik at hinablot ang hawak niyang unan para ipantakip sa mukha at tainga ko. "Ano ba, Ika!!" Sigaw ko uli, hindi niya pa rin pinapatay 'yung music. She was laughing maniacally, and even whispering some things I couldn't understand, like she's cursing me or something. Probably random words from her hometown— Masbate. "Ititigil mo 'yang music o ikaw mismo patitigilin ko habambuhay?" I glared at her. Huwag niya akong bina-badtrip ngayon ha! Dahil naniniwala ako sa kasabihang, lokohin mo na ang lasing, huwag lang ang pagod na bagong gising!

"Nye nye." She mimicked my facial expressions even, and throw the pillow again on my face. "Bumangon ka na, mahal na princesa! Nakahanda na 'yung almusal. May pasok pa tayo!" She said annoyed.

"Sabado ngayon."

"Pasok sa shop niyo. Bilisan mo! Batugan!!" Bago siya tumayo sa pagkakaupo sa kama ko, ay hinampas muna niya ang braso ko. "Aray!" I yelled, so she laughed and stuck her tounge out bago tumakbo papalabas ng kwarto.

Grabe lang mature ng isang college student.

Wala na akong choice kung hindi bumangon since hindi ko pwedeng pabayaan ang bwisit-a ko sa bahay mag-isa. Most likely, na sa shop na sila Mama at Papa, pero baka andito pa rin sila at inutusan si Ika na gisingin ako. Si Ate naman, maaga ang alis papunta sa Batangas para mag-swimming kasama ang pamilya ni Kuya Kaze, boyfriend niya. Sa pagkakaalam ko, walong taon na rin ang tagal ng relationship nila. I can't see myself in that position, to be honest. Being with someone that long? I don't think I can handle it— the commitment.

I never tried being in a relationship, because I never try. Hindi ako nakikipag-kilala o nakikipag-usap unless it's school related. Wala akong ibang kaibigan bukod kay Ika, at Gift na ka-klase ko ngayong college, at sina Dyanne at Jaye na naging ka-klase ko naman noong high school. If it's between life and death situation, and I need to have five friends, I'd count Gift's girlfriend— Sarai. But this is not a life and death situation so, just the four noisy, dumb and stubborn ones this time.

Kung hindi nga nila ako kinausap noon, I probably still have a peaceful life now.

A little lonely life, but peaceful. That's for sure.

"Hoy!" Ika yelled as I step inside the dining area. Tinatali ko ang buhok ko in a ponytail dahil kakain ng breakfast, ayoko namang sabog sabog at magulo ang buhok ko na naka-harap sa hapag-kainan.

I roamed my eyes around to find no one but me and the insufferable loud machine named Musika in the house. Kaya naman pala napaka-lakas ng loob na i-hoy ako, wala na ang mga magulang ko rito.

Naka-eyeglasses na pala ulit si Ika at naka-bun ang buhok. Bakit kaya kahit magulo ang buhok niya, ay mukhang maayos pa rin? Should I ask her for a hair advice? Kaso, baka katarantaduhan na naman ang sabihin niya. Huwag na lang.

"Problema mo?" Sagot ko, hinila ko na ang chair ko at umupo sa seat ko. "Kumain ka na!" Padabog pa niyang nilagay 'yung sunny sideup sa plato ko, napangiwi na lang ako sa inis. Kung ayaw mag-luto, aba 'wag mag-luto! Buti hindi nabasag 'yung yolk sa plate ko.

"Galit ka na niyan?" Sarkastiko kong tanong, nag-salin din siya ng fresh milk sa isang baso para sa sarili. "Hindi. Ako? Magagalit?" Mas sarcastic niyang sagot kaya inirapan ko siya. Nakarinig lang ako ng malakas na tawa galing sa kaniya pagkatapos.

"Ikaw nag-luto?"

Sakto namang sumubo siya ng tocino at kanin bago ako sagutin kaya napangiti ako. Paano, she's trying to speak e may laman ang bunganga niya. "Ika, mabilaukan ka naman!"

Parang nagiging habit na niya ang pag-salita habang may kinakain. "'Yung tocino lang. Si Tita 'ata ang nag-luto nung iba." She pointed at the sautéed corned beef, chopsuey at sunny side up eggs.

"Bakit nagluto ka pa ng tocino? Ang dami na nito." Kumukha ako nun at tinikman kaagad. Nice, the sweet burnt taste! Just like what I like.

"Wala, pake mo."

"Pake ko talaga, e tocino ko 'yan eh."

"Shhh, let people enjoy things." Sagot nito habag papikit pikit pang nginunguya ang niluto nitong tocino. Mukha naman siyang nag-eenjoy talaga kaya hinayaan ko na lang.

Pagkatapos naming kumain at ayusin ang kusina, nag-ready na rin kami para pumunta sa shop dahil mag-aalas otso na. Kung tutuusin nga, late na. Pag-dating namin sa shop, agad kong inayos ang kaha. Si Ika naman, naka-upo lang sa tabi ko. "Bagger ako!!" Excited niyong sigaw. Hawak hawak niya ang isang paper bag habang nag-aantay ng customer.

"Ilan 'yan, Ika?" Tanong ko nang matapos kong asikasuhin ang bayad ng customer sa mga pinamili nito.

"Alin?" Nagtataka nitong sagot.

"'Yung items." Turo ko sa paper bag na hawak nito na ngayong puno na ng mga grocery. "Ay! Hindi ko nabilang. Ten 'ata?" Pag-tawa nito kaya inirapan ko na lang siya at napakamot sa ulo. Parang instead na maka-tulong siya ay mas lalo lang akong ma-stress.

Dahil maaga pa, iilan pa lang ang mga namimili kaya nag-aya si Ika na mag-laro muna ng jengga na dala dala niya galing sa kwarto ko. Baka raw kasi ma-bore siya rito kaya dinekwat niya 'yun. Tinawag niya na rin si Kiefer na feeling close kay Musika pero pinaalis ko rin kaagad. "Mag-aayos pa nga kasi siya ng bagong deliver na softdrinks sa ref!" Singhal ko nang paluin ako ni Ika. Ang dami pang boxes na hindi nakaayos sa aisle. King pwede lang akong umalis sa pwesto ko hahayaan ko naman silang mag-laro.

"Epal. Ikaw na lang mag-ayos don. Mas maganda kalaro si Kief eh! 'Di ka naman kasi marunong." Ika pouts. Aba, ako pa talaga ang inutusan.

"At sino ang mag-ccashier?"

"Ako! Ako na 'to oh, best in math n'ong high school. Uno pa sa Algebra." Pagmamayabang nito. May pag-taas baba pa ng kilay na 'kala mo naman ay ikinaganda niya.

Well, oo. Pero hindi ko sasabihin 'yun.

"Oo, pero tres sa Statistics." Pang-aasar ko, na siya namang hampas sa braso ang natanggap ko. Ang sakit, napapangiwi na lang ako habang hinihimas ang kaliwang braso ko. Talagang magkakapasa ako dahil kay Ika eh.

Pasa pa kaya 'to? Baka maputol na 'yung buong braso ko. Halos oras oras sa araw araw, hinahampas ako kapag may klase, pati ba naman ngayong sabado.

"Ikaw ba naman pumasok sa 7 AM class!" Reklamo nito at nag-irap pa mg mga mata. Tusukin ko 'yan e.

"O, 7 AM class ko rin 'yun, at uno ako."

"E'di, ikaw na mayabang." Pang-asar nito. Tinapunan ko lang siya ng candy sa mukha bilang ganti. Muntik pa nga akong hampasin ulit, buti na lang ay may customer na mag-babayad kaya napatigil siya.

"Bilangin mo items." Pasimple kong bulong sa kaniya bilang paalala. Tinanguan lang niya ako at hindi na nag-reklamo ulit. Buti naman.

That's three minutes of peace.

Talagang nag-effort at naka-tuon din ang pansin ni Ika sa ginagawa niya. Pero, minsan ay pati mga customer chinichika niya dahil hindi talaga kaya ng attention span nito. Also, wala si Gift na kausap niya buong araw. Napapagod ako 'pag lagi akong nagsasalita kaya customer at si Kief ang inaabala niya. Buti nga at naiintindihan niya rin ang wave ng energy ko. At sa ngayon, ubos na 'to.

"Ay, masarap 'to, Ma'am!" Sabi nito nang nilagay niya sa paper bag ang isang brand ng Indonesian instant noodle. "Favorite ko 'to eh."

"Naku, pareho kayo ng anak ko. Kaya lagi rin akong bumibili niyan dito kasi paborito niya." Sagot ng customer kay Ika. Nginitian ko lang 'yung customer at nag-pasalamat si Ika dito sa pag-bili. Nang-engganyo pa ito na bumili ng dried seaweed sheet na naka-sale ngayon. Good thing, they obliged.

Napa-wow na lang ako sa galing ng salesmanship ni Ika! May silbi rin talaga siya rito sa shop.

May ilan pa itong sinabi tungkol sa mga grocery ng customer pero hindi ko na pinansin at hinayaan ko silang mag-usap. Nag-pasalamat na lang ako dito pagkatapos kong maibigay ang resibo.

Dahil sabado ngayon, maaaga kaming nag-sara ng shop para makapag-pahinga naman ang mga magulang ko, at may oras kami para gawin ang mga gusto naming gawin. Halos alas sais pa lang ata ng gabi nang pauwiin kami nila Mama. Sila na raw ang mag-sasara habang inaantay ang huling delivery truck ng condiments.

"Oh, Ika, sahod mo!" Pag-tawa ni Mama nang nag-paalam ako na aalis na kami. Inabutan niya ito ng puting envelope kaya sobrang laki ng mga ngiti ng loka-loka kong kaibigan.

"Hala, Tita!! Nag-abala pa kayo!!" Pangiti-ngiti nitong sagot, kinikilig. Tawa lang ng tawa ang nanay ko kaya't alam kong may kalokohan din itong ginawa. Malakas din kasi trip nya minsan.

Dahan dahan at maingat na binuksan ni Ika ang envelope only to find a twenty peso bill inside. I was expecting her to frown or get annoyed but she still smiled widely na para bang nakatanggap ng isang milyon. "First paycheck ko 'to tita!!! Ihh!! Kinikilig ako!" She squeaked. What a simpleton.

"Bente? Kinikilig ka sa bente??"

"Tala, sabi ko sa'yo, let people enjoy things!" Masaya niyang sagot at kinuha ang phone para picturean ito. "I will post this on my IG." She said, widely smiling. She really knows how to appreciate little things, huh. Even if her family's capable of things, she's still one of the humblest people I know. Maldita siya sometimes, yes, but she's humble and nice.

Ang nanay ko naman ay sobra sa tuwa kaya binigyan niya ito ng limang daan dahil baka napagod daw si Ika sa pagiging bagger. "E naka-upo lang 'yan!!?" Ako naman ang nag-reklamo dahil ang laki naman ng binigay sa kaniya? Instead nga na tulungan ako ay mas ginulo pa ang supposedly peaceful shift ko!!

"Okay lang 'yan, 'nak. Minsan lang naman."

"Balik ako ulit dito next week, Tita!!" Singit ni Ika. E kung ibalik ko siya sa sinapupunan ng nanay niya nang matuwa ako sa kaniya. Inirapan ko lang silang dalawa dahil tuwang tuwa sila sa isa't isa. "'Wag na mag-chelos ambebi Tala na 'yan! Libre kita ng palamig, lika naaaa, may bente ako oh!" Pa-bebeng asar sa'kin ni Ika, pasimple pa akong tinatapik sa mukha kaya tinapik tapik ko rin ang braso nito ng mahina... Palakas nang palakas.

"Thank you." Nakangiwi na 'to ngayon habang masaya akong nasasaktan ang braso nito. Now, she knows what I feel ha!!

Nang nakapag-paalam kami, dumeretso kami ni Ika sa may park malapit sa simbahan para makapag-foodtrip. Gusto niya raw ng kwek-kwek at prinitong isaw. Nilibre niya na rin ako ng sago't gulaman dahil baka mag-tampo ako. Mayaman na raw siya dahil sinahuran siya ng nanay ko. Huh, talaga lang ha?

"Ika, 'di ka pa ba uuwi?" Tanong ko sa kaniya nang maka-hanap kami ng mauupuan. Medyo marami na rin kasi ang tao sa park lalo na't Sabado ngayon. "Bakit, gusto mo na ulit maging malungkot?" Sagot nito habang subo ang isang buong kwek-kwek. Inalalayan ko ito at tinapat ang tissue sa baba niya, baka kasi tumulo 'yung suka, ako rin ang mahihirapan dahil maamoy ko 'yun hanggang pag-uwi ng bahay. Ayaw ko nun.

"Gusto ko na ng matahimik na buhay."

For real.

"Lolo mo tahimik. Sinungaling!"

"Dinamay mo pa Lolo ko, nananahimik eh."

"Gagi, buhay pa Lolo mo 'di ba?!

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
iamriou_
1165 streak #1
😶
RVSone0105
895 streak #2
Chapter 2: Ang hyper mo naman Musika 😂 sobrang opposite kay Tala na sobrang tahimik 🥺