chapter 1

all the lies - seulrene
Please log in to read the full chapter


"This train is arriving at the Legarda Station. Ang tren na ito ay paparating na sa Legarda Station."

Umayos ako ng tayo nang marinig ko ang announcement sa train. Itinago ko na rin ang phone at earphones at sinuot ang bag sa harapan ko, para safe.

Nang maka-baba na halos lahat ng pasahero at wala nang nag-uunahan palabas ng tren, saka ako nag-simulang mag-lakad. Derederetso lang akong bumaba ng hagdan at tinap ang card ko para makalabas sa building. Hundred, if not almost a twice a hundred of people walking towards the main exit of the train station. Everyone's busy with their shenanigans, some were talking to their friends and some were even reading their reviewers.

Marami ang nag-mamadaling mga pasahero, a mix of students from different schools and universities, and there are also people wearing their office attires, and ones wearing casual clothes. Everyone's uniquely the same with each other.

"Tala!!" Someone shouted. Lilingon na sana ako but I realized my name isn't that unique, kaya baka may kapangalan ako rito, so I just kept my attention in front. Minding every step I take, baka kasi madapa pa ako.  I don't afford to embarrass myself.

"Huy! Hala, 'di namamansin. Ganda ka 'te?" A girl in a white blouse approached me tapping my shoulder. She was wearing her uniform same as me, the only thing was she's wearing an above the knee skirt while I was wearing black slacks pants. Nakasuot na rin ang red ribbon at ID ko, pero sa kaniya ay hindi. Naka-bukas lang ang jacket nito. 

"Uy." Walang gana kong bati. Ang ingay niya lang talaga, ang aga aga pa e. 'Sing taas na 'agad ng araw ang energy niya.

"Uy," she mocked. Inakbayan niya lang ako at umirap, mas maliit siya sa akin so I felt her struggle to put her arms around my shoulders. I subtly dropped my shoulders para maabot niya. "Same train pala tayo eh! Saan ka banda naka-upo?"

"Sa women's part train 'no!" Sagot niya sa sarili niya. "Sa may bandang gitna na nga ako, ta's alam mo ba, may maganda akong katabi. Siyempre si bakla a.k.a. me, kinilig malala be! 'Pag nakita ko ulit siya, ibig sabihin nun ay siya na talaga." Kinikilig niyang pag-kwento  sa akin. She clung on to my arms and walked with me.

The university was almost a  fifteen minute walk, but since I'm with Musika, hindi naging boring at parang mabilis lang ang nilakad namin. Marami siyang kwento, some were about what she saw in the train, at mayroon din siyang chika tungkol sa ginawa niya kagabi. Pati na rin ang mga naalala niya biglang memories niya noong elementary at high-school.

"Kaya nga t'wing uuwi kami sa Bicol, talagang minimake-sure ko na may dala na lagi akong extra battery pack at extra memory card sa camera bag eh! Grabe kaya stress ko n'on, n'ong nalaman kong malapit na kami sa may chocolate hills tapos low batt na pala 'yong camera, halos umiyak ako e!!" My only response are combination of nodding and "Ahh"s. I really have no energy for mornings! Nakikinig ako at inaabsorb ko lahat ng kwento niya, pero wala pa akong enerhiya para sumagot. Alam niya naman 'yun, kaya g na g lang siya sa pag-kwento.

We tapped our IDs on the machine para ma-log ang pag-enter namin sa university. And upon entering, ang sumalubong sa amin ang napaka-raming estudyante. May mga grade schoolers pang nag-lalaro sa lobby. "Sana madapa." I whispered nung may nag-sisisigaw na kinder student sa harapan ko.

"Kain muna tayo, please!" Ika said so I frowned. Dederetso kasi sana ako sa lib para ibalik 'yong librong hiniram ko last week.

"Dapat kanina mo pa sinabi, sa labas na lang sana tayo kumain." Mas mura at mas masarap kasi sa labas ng campus. Marami pang pag-pipiliiang menu, hindi tulad ng university canteen namin, medyo limited at nakaka-suya ang presyo. Masarap naman ang mga pagkain, and most of the time ay na sa mood akong kumain ng mga pagkain sa canteen, pero may pinagiipunan ako ngayon kaya kailangan kong mag-tipid.

I walked slowly, sinusundan lang si Ika. Habang binabaybay namin ang pasilyo papunta sa canteen, sa may Gastambide gate o second gate, ay biglang may tumapik sa likod ko ng tatlong beses. Paglingon ko, small Gift is smiling at me, kaya't nginitian ko rin siya pabalik. "Sa'n kayo pupunta?" She asked. "Sama!!" Hindi pa ako nakakasagot pero may kasunod kaagad ang tanong eh.

Nakipag-high five lang siya kay Ika, and clung her arms around mine. As an introvert who hates physical touch, the Creator gave me two extroverted and clingy friends to give me battle everyday.

"Sa canteen," Sagot ko, ni-ready ko na rin 'yung purse ko na nasa bulsa lang naman ng pants ko. "Ba't do'n!" She protested.

"E'di sa labas na lang, parang bet ko rin ng takoyaki or ramen?" Ika answered, naglakad pa ng patalikod— naka-harap sa amin. Kaya pinalo ko ito sa noo at inikot paharap, "Baka matumba ka naman, Ika."

"Baka mas matumba ako sa kakagawan mo 'teh!" She loudly fussed, may ilan pang nag-tinginan sa akin, "Cheerleader ako, remember!" Ika said, napa-buntong hininga na lang ako at tumango tango na siya namang tinawanan ni Gift.

"Cheerleader ng mga bangko!" Pang-asar ni Gift.

"Manahimik ka diyan, baka ibalot talaga kita, sis as a Gift ka naman!" Pag-iirap nito. Dahil sa bagal nilang mag-lakad sa pang-aasar sa isa't isa, inunahan ko na lang sila, 'tska, nakaka-hiya sila! Ang-iingay kasi.

Nag-tap ulit ako ng ID at direderetsong lumabas ng gate. Kamuntik pa akong nabangga nung isang babae na nagmamadaling naglalakad. Pag-tingin ko, parang may hinahanap siya sa bag niya. I just shrugged her apology since I didn't receive one.

"Takoyaki o ramen?" Tanong ko nang makahabol sila sa akin, naiwan pa nga si Gift dahil ayaw mag-scan ng ID niya. May mga laman pa kasing photo-card ng mga paborito niyang K-pop idols at sticker ang ID case niya kaya mahirap mag-scan.

"Sisig!"

"Hepa! Gusto ko 'ata ng calamares." Sabay nilang sigaw kaya't napa-irap ako nang wala sa oras. Parang kanina ang gusto lang ni Ika ay Takoyaki at Ramen, bakit naiba na naman!!

Hindi na ako nag-salita at hinayaan silang bumili ng kaniya kaniyang pagkain, pumunta na lang ako sa milk tea shop na malapit sa paboritong sisigan ni Ika nang sinuggest ni Gift na mag-kita na lang kami doon sa café.

I just ordered a regular winter melon flavored milk tea, sour-cream cheese, fried siomai and nuggets. Mga paborito n'ong dalawa. Sure kasi ako na kahit may mga pagkain na sila, maghahanap pa sila pag-ubos na ang pagkain nila habang nagke-kwentuhan.

"May quiz ba tayo sa Stats ngayon?" Tanong ni Ika habang nag-lalagay ng calamansi sa tinake-out niyang sisig, hinalo na rin niya ang mayonnaise at toyo. Nagreklamo naman si Gift dahil hindi raw Java-rice ang in-order nitong pares ng sisig. "Bakit, sa'yo 'to sis?" Gulat na tanong ni Ika.

"Eh, hihingi nga 'ko!!"

"Ayoko!! Bumili ka ng iy—"

Umiling ako, "Kakatapos lang ng quiz doon. Sa Tech-write, meron." Pag-puputol ko sa dalawa, dahil baka umabot na naman sa bangayan! Nakakahiya.

Tinulungan ko na rin si Gift buksan ang sachet ng hot sauce na galing sa isang fast food chain. 'Yun kasi ang trip niyang sawsawan ng calamares niya. Weird, but she said it taste good so hinahayaan ko na lang siya. Siya naman ang kakain eh.

"Tech-write? Sinungaling!!" Hindi makapaniwalang tanong ni Ika. Sunod-sunod tuloy siyang sumubo ng kanin. Sinabihan ko na lang na bagalan niya, "Mabilaukan ka."

I looked at Gift when I felt she was tugging my left hand. "Tungkol saan 'yung quiz, Tala?" She asked innocently. Ang cute!!

Gift has a small face, and pouty lips. Pero medyo malaki ang iris ng mata niya than normal. We actually call her pearl, sometimes, because her eyes resembles black pearls from the milktea.

Samantalang si Musika, chinita na may eye glasses. Inaasar pa minsan ni Gift na 'wag daw itong pumikit, kaya parati rin silang nagbabatukan. Malabo kasi ang mata nito since highschool kaya't hanggang ngayon, naka-prescription glasses siya. 'Saka lang siya nagsusuot ng contact lenses kapag training or competition na sa cheerdance. Hindi kasi pwede ang eyeglasses sa sports.  She's smaller than me and almost taller than Gift.

Before I answer Gift, nginuya ko muna ng mabagal 'yung kinakain kong siomai para asarin sila. Titig na titig kasi sila sa akin!!

"Teh, masasapak kita— tungkol sa'n?" Ika asked, minsan nagtataka talaga ako kung bakit kaibigan ko 'to eh— o kung kaibigan ko ba talaga siya? Kung hindi kasi siya nag-hahamon ng suntukan at away, ay puro lang chismis ang ginagawa!

"Di kayo nakikinig kay Prof. Santos, ha!"

"Nakikinig ako," Sagot ni Gift nang naka-pout. Ang cute talaga!! Para siyang manika!!

Bago sumagot, I smiled and moved my left pinky finger up and down na nakapatong sa lamesa— kaya binatukan ako kaagad ni Ika. "Sinungaling!!" She exclaimed, "Sinungaling 'to oh! Nafeel ko, kanina pa lang— Grabe ka na, Tala! Nakita mo ba, Gift?" She rapped, kinalabit pa si Gift.

"Huh? Ano 'yun? Wala akong nakita eh,"

I scratched my head, na-huli na naman ako ni Ika??

"Fine, walang quiz." I sighed. Paano ba nalalaman ni Ika!! Ang hirap naman mag-joke sa kaniya!

"Yes!!!" She howled and laughed, "Buti na lang, 'di ako nag-review eh. Nanood lang ako ng black swan movie kagabi." Nag-happy dance pa siya habang nakaupo. She had her fists closed and rhythmically moving it around. Parang nag-hahalo. She called it the halo-halo dance before. Hindi nga lang ako sigurado kung 'yun pa rin ang tawag niya ngayon.

"So, walang quiz?" Tanong ulit ni Gift. Tinawanan lang namin siya dahil sa pagka-slow nito. The world is too fast for her sometimes.

"Wala," I smiled.

"Bilisan niyo na. Ilang minutes na lang, class na." Pag-aya ko sa kanila after naming mag-kwentuhan ng tungkol sa kung anu-anong kabaliwan at mga trip nila Ika at Gift sa mga buhay nila. Buti na lang ay paubos na rin nila ang mga pagkain nila.

"Tara, tara!!" Tumayo na si Gift, dala dala ang milk tea nito. She clung her arms around Musika this time. Looking at them made me laugh, kaya't kinuha ko ang phone ko at pinicturean sila. "You guys look like mom and daughter." I joked, aggressive namang napatingin sa akin si Gift.

"Oo nga 'no!!" Ika said, kaya't hinawakan niya ang wrist ni Gift at dahan dahan itong sinabayan sa paglalakad, "Dahan dahan, anak. Mabigat ba bag mo?" Pang-aasar nito kaya't lalo akong natawa!

"Yes, mommy!!" Pagsakay ni Gift sa trip, "Buhatin mo nga po ang bag ko!" Sabi bito at biglang inabot ang peach colored backpack kay Ika.

"Kapal mo

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
iamriou_
1166 streak #1
😶
RVSone0105
895 streak #2
Chapter 2: Ang hyper mo naman Musika 😂 sobrang opposite kay Tala na sobrang tahimik 🥺