7 days a week (foundation week)

Sa Botanical Garden
Please Subscribe to read the full chapter

minjeong's (day 1 of foundation week)

alam mo yung pakiramdam na kaliligo mo lang pero gusto mo uli maligo sa sobrang init?

ang init! sobra! kasumpa sumpa yung init sa bansang 'to!

*ding*

may chat.

siguraduhin lang nito na hindi iinit ulo ko, sa sobrang busy kasi namin the past week para ma finalize ang mga kailangan for foundation week, sandamakmak na group chats ang laman ng messenger ko for better communication and updates na required "daw" according sa seniors namin.

kaya naman hindi na natahimik ang phone ko simula last week, dagdagan mo pa ng mga private messages kesyo nahihiya daw sila mag chat mismo sa gc kaya naman sa akin na muna dumadaan which requires me a lot of work dahil kailangan ko pa i-relay yung message nila sa mga naka assign per task accordingly to their concerns.

stress

at nang binuhay ko na nga ang phone ko, hindi departmental or org ang display picture na nakita ko sa notification ko.

kundi isang babae na nag ngangalang karina yoo at mensahe na "nasa campus na ako, don't even try to ditch me : D."

stress

seryoso pala talaga siya sa sinabi niya, na kailangan mag kasama kami this foundation week as compensation. wow.

after kasi ng araw na yon, hindi na kami masyado nag kikita bukod sa mga klase na mag kakasama kami, sobrang busy talaga namin, ako na may kaliwa't kanan na meeting habang hinahabol ang oras sa pag attend ng klase, sila rina naman busy rin sa pag tulong sa iba naming ka block na sumali at syempre mag review na rin dahil patong patong ang quizzes.

kaya mukhang hindi halata na umiiwas ako sa kanila dahil occupied kami lahat.

blessing in disguise siguro

kaya naman minabuti ko talaga na ilaan na lang yung oras ko sa pag tulong sa mga representative ng bawat block at majors, pati na rin ang maging alila sa mga seniors para may silbi naman yung pagiging batch representative ko.

nag react na lamang ako ng like sa chat ni rina at nag ayos na ng gamit dahil papasok pa lang ako.

7:10am pa lang naman at 8:00am ang call time namin para sa first meeting at 8:30am naman ang parade to officially start the foundation week.

nag chat na muna ako kay somi na paalis na ako ng dorm at mag kita na lang kami sa tapat ng office ng student org namin.

ni lock ko na ang pinto at nag double check sa gamit ko bago bumaba para naman wala na akong balikan dahil sure akong gabi na naman ako makakauwi.

nang masigurado ko na wala na talagang nalimutan, bumaba na ako at nag lakad papuntang campus, hindi naman kasi kalayuan itong dorm ko sa pinapasukan kong university. yung main gate lang ang malayo, kaya kailangan kong mag lakad for 5 minutes.

medyo marami akong dala ngayon dahil na assign ako as photographer ng college namin, hindi ko naman matanggihan dahil mukhang decided na sila buti namin camera mismo ng department namin yung pinagamit dahil hindi ko dala yung dslr ko. may tripod at ibang equipment pa akong dala na pinagamit nila sa akin kahapon pa para daw makapag test shot na ako. so far ay okay naman ang lahat, kailangan ko na lang ihanda sarili ko na this will be a long day.




nang makarating ako sa office nakita ko na si somi na madaming clip boards na hawak.

"para saan yan?" tanong ko sa kaniya at ibinaba ko muna yung gamit ko sa couch dito sa loob ng office.

"after lunch pa raw makakarating si yoon, so im the one assigned sa tally at attendance sheet." naka busangot naman niyang sagot. marami rami naman talaga yung attendance sheet kasi it's a must.

habang inaantay namin ang ibang members at seniors ay sinimulan ko na ilabas yung dslr at yung tripod para ready na ako mamaya pag labas namin.

"hey! take a picture of meeeee!" nag pose naman si somi at todo ngiti kaya pinag bigyan ko na.

test shot na rin uli if may problema ba sa settings na nilagay ko dito sa camera.

"let me see!" ang excited naman, pinakita ko na rin sa kaniya at mukhang tuwang tuwa naman siya.

maganda naman si somi, photogenic din talaga siya.

"send ko na lang sayo mamaya after the event." banggit ko bago pa niya ako kulitin na i-send ito sa kaniya.

maya-maya pa ay dumating na ang mga members ng org at nag simula na ang meeting namin, brief meeting lang uli at roll call for the tasks kaya natapos din kami.

isa-isa na lumabas ang mga kasama ko sa office pati na rin si somi dahil siya nga ang naka toka sa attendance.

lumapit naman sa akin si ate wendy, siya ang president ng organisation at currently 3rd year na siya.

"minjeong, please be present at all times na kakailanganin ang college natin okay? i need those pictures for our board and department news paper." ngumiti siya sa akin tinapik ako sa balikat at naunang lumabas ng office.

inayos ko na rin ang mga bitbit ko pati ang camera.

okay minjeong!

let's go!

you can do this-

"are you trying to make me wait so much?"

AY ANAK NG TUPANG-

napa hawak ako sa strap ng camera ko sa sobrang gulat, muntik ko na mabagsak yung dslr!

matalim kong tinignan ang gumulat sa akin na naka tayo lang naman sa tapat ng pinto nitong office.

"kailangan ba talagang gulatin mo ako?" uso naman siguro yung kumatok sa pinto?

"you're not replying, sabi ni ate wendy you're still inside and you look like you're spacing out." at inirapan pa ako.

ito ba yung nag insist na kailangan mag kasama ka buong foundation week?

gusto ko hilutin yung sintido ko.

"tara na, kailangan ko mag take ng photos sa parade at sa opening." nauna na ako mag lakad sa kaniya dahil baka ma late kami lalo kung sasabayan ko pag iinarte nito.

diyos ko! long day nga!

sasabayan pa ng sungit ni rina. oh lord, gabayan mo ako!

nang masabayan na ako ni rina sa pag lalakad, inaabot niya yung strap ng bag ko na may camera equipments.

"let me help you with your stuffs na, you'll take photos diba?" tumango naman ako.

pero hindi ko binigay ang bag, mabigat ito ayoko naman mahirapan at ma haggard siya sa pag dala.

she looks well presented today at nag make up din sya, light make up lang naman pero kahit naman walang kolorete ang mukha niya ay pihadong aangat ang ganda niya. oo, maganda siya. na aamoy ko yung perfume niyang nakaka relax. ano kayang brand ng perfume niya?

"ito na lang muna hawakan mo." inalis ko yung strap ng camera sa leeg ko dahil naka suot ito sa akin.

saka ko naman ito sinuot sa kaniya para safe and secured na hindi mahuhulog ito.

binalik ko na rin muna ang cap nito para hindi magasgasan ang lens.

"there, ako na bahala dito sa bag just keep the camera safe muna habang nasa pila tayo mamaya." bilin ko dito at chineck kung maayos bang naka suot yung strap sa kaniya.

mahirap na, baka mahulog niya wala akong pang bayad sa org namin, baka magalit pa si ate wendy.

"a-alright, thanks." namumula yung tenga ni rina nung tinignan ko siya.

ang init nga talaga siguro.

"mainit ba masyado?" tanong ko rito.

"huh?" okay lang ba 'to? parang wala sa sarili.

"namumula ka, yung tenga mo rin oh, may mini fan ako sa bag." offer ko naman dahil baka nababanasan na ang prinsesa.

"no, im okay! mainit lang talaga!" pasigaw niya naman sa akin.....

okay! okay!

no need to be aggressive okay?

pms ba 'to? ang sungit talaga diyos ko!



after namin mahanap ang pila ng college namin dito sa labas ng gym, nag behave na rin itong kasama ko sinimulan na niyang kalikutin yung camera. mukhang alam niya naman mga pinipindot niya dahil hindi niya naman ako kinukulit.

nag check muna ako sa paligid namin kung saan maganda pumwesto para maganda yung angle ng shots ko.

mukhang okay if doon ako tatayo malapit sa guard sa bandang unahan, hindi ako maiipit at medyo mataas din yung pwesto.

hindi ko alam if may sinusumpa ba itong katabi ko dahil bumubulong na lang mag isa at naka kunot pa ang noo habang naka tingin sa camera.

nako po.

baka may napindot 'to, baka nabago niya setting nung camera, hay nako naman rina.

"may problema ba sa camera, rina?" tawag ko dito.

"yes." still, naka focus siya sa screen nito.

ito na ang sinasabi ko.

"akin na, aayusin ko na lang-" akmang aabutin ko yung camera nang hawiin niya ang kamay ko.

"im not done, minjeong" pag susungit na naman nito at inilayo pa ang camera sa akin.

"akin na, aayusin ko para hindi-" again, inilayo niya na naman ang camera.

"you can't fix it, ang pangit." what?

I looked at her questionably and she does the same.

inabot niya na ang camera sa akin at inirapan ako.

I checked the camera kung anong problema, tinignan ko yung setting and okay naman. same as earlier, kaya tinignan ko rin yung test shots baka may problema nga.

mukhang okay naman, okay naman mukha ni somi dito.

maganda naman.

anong pangit-

pangit?

pangit si somi?

"rina." i called o

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
minjeong03
update oh, ayaw niyo? di wag! (jwk! xD) gumawa pala ako ng cc acc, baka gusto niyo makipag interact : )

https://curiouscat.live/minjeong_03

Comments

You must be logged in to comment
oofiee 1052 streak #1
Chapter 5: angclueless nya LOL
TYTFshipper
268 streak #2
Chapter 12: hwaiting otor!! 🥰
ryujinie__
700 streak #3
Chapter 11: Will be waiting for the next update, tysm!
gomtokkim
2158 streak #4
Chapter 9: Ingat po authorr, will be waiting for the next update!!
hotpinkMIMI #5
Chapter 8: sanaol po may pangjapan yown haha. salamat nalang sa lahat sa friends mo po tor. ingat po alwayyys!
Pengseul
#6
Saved
TYTFshipper
268 streak #7
Chapter 8: Ayun lang. Sino ba yang mga friends mong yan tor at matambangan nga sa kanto CHAR HAHAHAHA waiting sa update otor! Enjoy siguro sa vacay! Nawa'y marami ka pasalubong na update 😌 eme haha see you next chap!
GreasyNamIdiot
#8
Chapter 7: Sa bahay namin
TYTFshipper
268 streak #9
Chapter 7: Letter A po ang sagot ko tor. Thanks! CHAR HAHAHAHA pero A nga talaga 😎 see you next chap! 🥰
cleofierayne #10
Chapter 6: Oks lang mabitin hahaah 🥺