how we met (and I like your sketch)

Sa Botanical Garden
Please Subscribe to read the full chapter

minjeong's 

august

prelims

1st year college. 

 

new school, new life and new environment. 

 

kailangan ko na naman mag adjust. 

 

so far kinakaya ko naman dito, nagulat na lang ako na biglang nagkaroon ako ng unwated attention from this girl in our block, kung hindi ako nag kakamali ay ryujin ang name niya. 

 

friends na daw kami, since wala akong time makipag talo hinayaan ko na lang, mukha naman siyang harmless. okay naman siya, may similarities kami in terms of gaming at music, medyo tarantado lang siya. 

 

PE namin ngayon at naiinis ako dahil ang tagal ni ryujin, sabi niya kasi antayin ko na siya dito sa bench ng gym dahil ilalagay daw niya muna sa locker yung ibang gamit niya. ayoko sa lahat ay ma late, at mukhang mahuhuli kami sa sobrang bagal ni ryujin. 

 

kapag talaga naka balik yon dito, hindi lang sermon aabutin niya sa akin-

 

"hi!" sino naman yun? 

 

lumingon ako sa harap ko at nakita kong naka ngiti sa akin itong si.... uhm... hindi ko alam ang name niya pero ka block namin siya ni ryujin. 

 

ako ba kausap niya? 

 

lumingon din ako sa kanan at kaliwa ko just to make sure na hindi siya nahihibang at may kausap talaga siya, pero wala namang tao dito kundi ako at itong si ate na naka ponytail at may salamin. 

 

"uhm, minjeong right?" huh? ako ba? 

 

"okay lang ba if sumabay ako sayo papunta doon sa court?" tanong niya naman. 

okay, so ako nga kinakausap niya. great, minjeong. 

nakaka distract yung pabango niya, kahit isang dipa ang layo namin e naaamoy ko yung perfume niyang sobrang bango. kahit wala sa wisyo ay sinagot ko siya. 

 

"ah okay, sige lang no problem!" hindi ko magawang tignan siya sa mata sa sobrang hiya. 

 

"thank you!" parang ang saya niya naman masyado. 

 

saktong dumating na rin si Ryujin. 

 

"uy minjeong! sorry natagalan bumili akong tubig natin." okay, acceptable kaya pala naman matagal. 

 

wala rin pala yung tumbler ko, naiwan ko sa apartment. 

 

napansin siguro ni ryujin itong babae na kausap ko kanina. 

 

"oh, si rina yan 'di ba?" rina pala name niya. okay. 

 

"sasabay daw siya sa atin." sabi ko na lang habang inaayos ang sintas ng sapatos ko, ayoko madapa mamaya. okay na yung isang kahihiyan kanina.

 

"wala ba sila yeji?" hindi ko kilala yung binanggit ni ryujin kaya kinuha ko na yung isang tubig na hawak niya. 

 

mahuhuli na kami if hindi pa kami lalakad papuntang court. 

 

nilapitan ko itong si rina. 

 

tinapik ko siya balikat. gulat yarn? 

 

muntik na akong matawa, pwede ko naman sanang tawagin sa pangalan pero nahihiya ako. 

 

"tara na, andito na si ryujin." 

 

tumango naman siya. 

 

"ryujin, iiwanan kita diyan kapag hindi ka pa bumaba!" bigla namang madali siyang bumaba at sumabay na sa amin. 

 

mukhang magka kilala silang dalwa kaya hinayaan ko silang lumakad ng sabay. 

 

at na distract na naman ako, kasi itong si rina, lingon ng lingon sa likod. checking me as if bigla akong mawawala. 

 

hanggang makarating kami sa court, lumilingon siya sakin. may dumi ba sa PE uniform ko? wala naman ata, chineck ko sarili ko if meron ba akong dumi sa mukha. wala naman. baka may tinitignan lang siya sa likod. 

 

"minjeong, tara na! group yourselves daw!" hinila na niya ako sa isang linya kasama yung ibang ka block namin. 

 

at nasa unahan ko si rina. 

 

matangkad siya ng kaunti sa akin. 

 

naramdaman kong lumapit si ryujin sa akin at bumulong. 

 

"may meeting pala sila yeji sa dance org na sinalihan nila, kaya pala sa atin siya sumabay." paliwanag niya naman. 

 

ah, yun siguro ang friends nitong si rina. 

 

tumango na lamang ako sa impormasyong sinabi niya at nakinig na sa unahan. 

 

tatakbo daw kami as warm up at mag sisimula na sa by pair activities. 

 

after 5 minutes of jogging sa court, nag by pair na kami kaso kulang ang bilang dahil may mga absent. 

 

"sir! okay lang ba 3 po kami nila minjeong? take turns na lang po kami!" turo ni ryujin sa akin at kay rina. 

 

mukhang thankful naman si rina sa idea ni ryujin. hindi ata siya komportable ma partner sa iba naming kaklase unless kilala or kaibigan niya ito. 

 

"sige, pa list na lang ako ng names niyo." inabot naman ni sir yung attendance sheet. 

 

"lagyan niyo ng bracket yung names niyo so I would know kung sino ang mag kakasama." remind sa amin ng instructor. 

 

nauna na silang dalawa nag sulat ng pangalan nila. inabot na sa akin ni ryujin yung sheet nung ako naman ang mag susulat. 

 

ryujin shin

yoo karina

 

ah, yoo karina ang full name niya. 

 

matapos kong mag sulat ay nag proceed na kami sa by pair activities. 

 

nakaka pagod at hindi rin naman ako sanay sa mga ganitong exercise. kailangan ko na talagang mag bagong buhay. 

 

after namin matapos yung 5 sets of exercises by taking turns, naupo na ako. nahihilo ako. 

 

"minjeong, okay ka lang ba? do you need water?" naka pikit ako sa sobrang hilo pero alam kong si rina yung nag salita. 

 

"uy, min! okay ka lang? punta tayong clinic?" clinic? no, instant no. 

 

"paabot naman ng tubig ko ryu-" naramdaman kong may humawak sa kamay ko. 

 

bottled water. may bottled water na akong hawak. 

 

"inumin mo na yan, malamig yan. are you sure you're okay?" ang lambing naman ng boses nito. 

 

minjeong, nahihilo ka na at lahat yan pa napansin mo

 

ininom ko na yung tubig habang pinupunasan yung pawis ko. 

 

"min, sabihin mo lang if dadaan tayong clinic ha baka sumama pa pakiramdam mo." bilin ni ryujin habang inaalalayan ako tumayo. 

 

tapos naman na yung exercises kaya inaantay lang namin mag dismiss si sir. 

 

nag thank you lang ako kay ryujin at sinabihan itong okay lang ako. 

 

tumingin naman ako kay rina na naka tayo pa rin sa harap ko. nag aalala ba siya? bakit naka kunot noo niya? galit ba 'to? 

 

"bakit? may dumi ba sa mukha ko?" kanina pa siya tumitingin sa akin e. 

 

"I told you ako na gagawa nung 2 sets with ryujin pero pinilit mong ikaw na lang." okay, kung kanina malambing boses niya bakit ang sungit niya pakinggan ngayon? 

 

sasagutin ko sana siya kaso biglang tinawag kaming lahat ni sir. mukhang dismissal na. 

 

nang matapos ang klase, kasabay pa rin namin si rina palabas ng gym at sa lockers para mag palit. 

 

nauna si ryujin sa amin sa rest room kaya nandito muna kami sa bench nakaupo, nag aantay. 

a long minute of silence e nag salit na naman siya. 

 

"sorry about kanina, nag alala lang ako, you already look pale kaya sabi ko ako na, but you keep declining." ah kaya pala. 

 

kanina kasi gusto niyang siya at si ryujin ang gumawa nung lower body exercise which includes on stretching our back and such pero kasi.... ang daming lalaki sa court kan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
minjeong03
update oh, ayaw niyo? di wag! (jwk! xD) gumawa pala ako ng cc acc, baka gusto niyo makipag interact : )

https://curiouscat.live/minjeong_03

Comments

You must be logged in to comment
oofiee 1052 streak #1
Chapter 5: angclueless nya LOL
TYTFshipper
268 streak #2
Chapter 12: hwaiting otor!! 🥰
ryujinie__
700 streak #3
Chapter 11: Will be waiting for the next update, tysm!
gomtokkim
2158 streak #4
Chapter 9: Ingat po authorr, will be waiting for the next update!!
hotpinkMIMI #5
Chapter 8: sanaol po may pangjapan yown haha. salamat nalang sa lahat sa friends mo po tor. ingat po alwayyys!
Pengseul
#6
Saved
TYTFshipper
268 streak #7
Chapter 8: Ayun lang. Sino ba yang mga friends mong yan tor at matambangan nga sa kanto CHAR HAHAHAHA waiting sa update otor! Enjoy siguro sa vacay! Nawa'y marami ka pasalubong na update 😌 eme haha see you next chap!
GreasyNamIdiot
#8
Chapter 7: Sa bahay namin
TYTFshipper
268 streak #9
Chapter 7: Letter A po ang sagot ko tor. Thanks! CHAR HAHAHAHA pero A nga talaga 😎 see you next chap! 🥰
cleofierayne #10
Chapter 6: Oks lang mabitin hahaah 🥺