Chapter 06

Into You
Please Subscribe to read the full chapter

 

“W-Winter, she's gone..” mahinang pagkakasabi ni ate pero kahit anong gawin nilang pangungumbinse sa akin, hindi ko kayang tanggapin o hindi ko pinaniniwalaan.

 

Hindi totoo ang mga sinasabi nila ngayon, they are just making excuses para hindi ko na siya makasama pa, ayun naman ang gusto nila e, hindi nila alam kung gaano kahalaga sa 'kin si Minju na mahal ko siya higit pa sa kaibigan. They only know that Minju is just my close friend because we didn't let them know about our secret relationship na meron sa aming dalawa at ngayong nalaman na nila ay basta nalang nilang sasabihin na wala ni si Min? what the hell!

 

 

“No..gumagawa lang kayo ng stupid excuses para hindi ko siya makasama, dahil gusto niyo kaming paghiwalayin..am i right?!” pigil hikbing sigaw ko sakanila, i'm mad right now at lahat ng galit ko ay nagmumula sakanila!

 

Kahapon ko lang nakasama pa si Minju tapos ngayon sasabihin nilang wala na siya? nakakagago naman 'yon! Mas naiinis ako lalo dahil lahat ng calls and messages ko sakaniya ay ni-isa wala siyang sinagot!

 

I'm not mad at her, or am i?

 

Mabilis akong inalo ni dad na pumantay pa sa pagkakaupo ko sa sahig, kakauwi ko lang sa bahay at nanggaling ako sa bahay nila Minju pero wala na raw tao doon.

 

Pati mga kaibigan namin ay pinagtanungan ko na rin and , pare-pareho lang sila ng sagot. ‘I don't know.’

 

 

“Anak, we're telling the truth..kanina lang bumisita kami sakanila and minju wasn't there, mga mukha pang kagagaling sa pag-iyak ng pamilya niya so we urged to know what happened..they said that minju got into accident last night after you two split together” bigla akong napatulala sa kawalan, pilit na hindi tinatanggap parin ang mga sinabi ni dad. Ramdam ko ang lungkot niya habang sinasabi niya 'yon

 

“Bumangga ang kotseng sinasakyan niya sa isang malaking truck and they didn't even recognize her nung malaman ng pamilya ni minju ang nangyari..at nahanap ang katawan niyang l-lumulutang sa isang ilog, i'm s-”

 

“Enough! That is not true! Nagsisinungaling lang kayo!” malakas na sigaw ko na ikinatigil ni dad sa pagsasalita, ayoko na! Hindi ko na kaya pang makinig dahil habang tumatagal ang pagpapaliwanag niya ay mas lalo lang akong naniniwalang wala na nga talaga si Minju, ang girlfriend ko!

 

 

 

 

 

Kakauwi lang namin at simula pa kanina ang naging pagtahimik, kahit kausapin ako ni Karina ay parang wala akong marinig kaya siguro hinayaan niya nalang akong makapag-isip. Until now binabagabag parin ako ng nakita ko kanina, almost 2 years na simula nung mawala si Minju at akala ko lahat ng sakit na naramdaman ko dati ay binaon ko na sa limot ng nakaraan pero hindi pa pala, mas masakit lalo na nang makita ko ang kamukha niya kanina doon, hindi ko rin maiwasang kilabutan dahil parang ang Minju at babaeng una kong minahal ang muli kong nakita kanina.

 

Masyado akong nanghinayang dahil ayon na yun e, may chance na 'kong makausap at makita talaga nang malapitan kung siya ba talaga 'yon pero dahil nga lumingon ako kay Karina kanina nang tinanong niya ako kung okay lang ako tapos pagkalingon ko bigla nalang siyang nawalang parang bula. I'm not blaming Karina kung bakit hindi ko nakausap ang taong kamukha ni Minju dahil alam kong nag-alala lang siya sa inakto ko.

 

At ang kanina ko pa pinag-iisipan ay ang mga kinilos ni Somi, siya lang ang nakakakilala kay Minju dahil hindi ko pa kilala sila Giselle and Ryujin nung panahon na 'yon.

 

Sa pagkakatanda ko naging close rin naman ang pinsan ko at si Minju and si Somi pa nga ang unang taong nakaalam sa secret relationship namin ni Minju pero wala naman siyang naging problema do'n.

 

Ang problema ko ngayon, bakit ganun ang naging reaksyon ni Somi nang makita niya si---ang doppelganger ni Minju?! Ang ineexpect ko ay dapat magugulat rin siya o 'di kaya'y matatakot pero sa mga ipinakita niya kanina ay nataranta lang siya!

 

Parang sasabog na ang utak ko dahil sa mga nangyari ngayong araw, nabalik ako sa reyalidad nang may kumalabit sa akin..

 

“Are you s-sure you're okay talaga, Winter?”

 

“O-Okay lang, Karina.” sagot ko saka siya nginitian ng tipid

 

Mga ilang minuto pa kaming naghintay sa mga kaibigan naming hindi pa dumadating sa village, at kating kati na ang bibig kong tanungin si Somi!

 

Napansin namin sa malayo na naglalakad na sila papalapit sa labas ng mga apartment namin, medyo ginabi narin kami dahil nga matagal ko ring hinanap ang babaeng kamukha ni Minju. Kanina ko pa pinipilit ang sarili kong huwag umasa dahil alam kong sa huli masasaktan lang ako dahil alam ko namang patay na siya.

 

“Are you hiding something from me, Somi?” ayan agad ang bungad ko nang makalapit sila, mga nagtataka naman ang mukha nila lalo na si Somi.

 

Nang wala akong marinig na sagot mula sakaniya ay bumuntong hininga nalang ako, nakalimutan kong may mga kasama pa pala kami.

 

Kaagad ko siyang pinukulan ng malamig na tingin “Mauna na 'ko, salamat.” pinilit kong pasiglahin ang tinig ko pero hindi ko magawa, parang nanghihina parin ako at natatakot.

 

Gusto ko pa sanang kausapin si Karina at magpasalamat sakaniya pero tinatraydor naman ako ng utak ko at hindi na siya nagawang tignan pa, nauna akong pumasok sa apartment at agad na dumiretso sa kwarto ko.

 

Upon entering the room I locked the door then quickly sat on the floor and leaned on the bed, the times I mourned the loss of Minju came back to me that I had been accustomed to sulking and not socializing with people for almost a year, even kila dad and ate.

 

Dahil nga sa pagmumukmok ko ay muntikan ko na ring saktan ang sarili ko, mabuti nalang at naabutan ako ni ate at sinigawan, sinampal para lang magising ako sa bangungot. Ayon din ang time na narealized kong hindi matutuwa si Minju kung sasaktan ko lang ang sarili ko, bumalik ako sa pag-aaral at nalate pa nga dahil 2nd sem na nang nag-transfer ako sa new university para raw sa pagsisimula ko at hindi ko na maalala pa ang mga lugar kung saan kami mayroong memories ni Minju.

 

Doon rin sa bagong university ko nakilala sila Giselle and Ryu dahil blockmate ko sila noon sa college at inaamin kong malaki rin ang nagawa nila sa pag-momoving forward ko nun.

 

Bumalik ako sa aking katinuan nang may tumulo na palang luha sa paa ko, umiiyak na pala ako. I promised to myself na kapag umiy

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
minatozakidubudubu #1
Chapter 11: NASA WATTPAD TO'DI BA, GRABE YUNG INIS KO KAY WINTER DITO THAT TIME. KUNG PAMANHIDAN PAPAMBATO KO NA SIYA 😭😭😭😭
bbiiWinkim #2
Chapter 8: aahh nasa wattpad pala to 😅😅 medyo ka jirits si winter dito ha
LuvlyTaeminty
#3
d
TakuyaKen
#4
Chapter 7: before you jump to new relationship i hope maayos muna past
buddy_gfriend
#5
ano po name niyo sa wattapad?
TakuyaKen
#6
Chapter 4: hoping na di naman experimental lang si Win ah?
howdoyouknowmee
536 streak #7
Upvoted and subscribed
w_wwinrina
#8
yes po, but still not edited so maraming errors pa.
TakuyaKen
#9
Chapter 2: haha check ko nlng din s wattpad tapos nb to dun?