Chapter 04

Into You
Please Subscribe to read the full chapter

One week had passed nanaman at hindi parin mawala sa isip ko hanggang ngayon ang pagtatapat ko nang nararamdaman ko kay Karina, hindi naging malinaw sa'kin ang gabing 'yon dahil wala naman siyang sinabing pag-rereject pero wala ring acceptance doon.

 

sabi niya lang kasi..

 

“I--I don't know what to say, but..we're free to feel that” aniya bago ako iwan sa labas na nakatulala sa kawalan

 

Hindi agad na process ng utak ko ang sinabi niya para kasing nakalutang lang ako nun.

S

linggong dumaan na 'yon ay hindi ko na siya nakikita o naaabutan manlang sa apartment niya dahil locked o di kaya'y nandoon lang siya sa loob, gusto ko sana mag sorry baka kasi naging uncomfortable siya simula nung pag-amin ko kaso parang kapag ginawa ko naman baka sabihin niya pinagtitripan ko lang siya.

 

Inabala ko nalang ang sarili ko sa paglabas kasama sila Gi at iba pa naming mga kaibigan dahil nga nabitin daw sila sa inuman session namin dito sa apartment nung last week, okay narin pala sina Ryu and Yeji at napaliwanag narin nung Jiwon ang side niya.

 

ni-clear out niya narin sa aming lahat lalo na kay Ryujin na hindi niya gusto si Yeji at gusto niya lang raw makipag-kaibigan sa amin, sinabi niya rin na mataray talaga siya but when we starts to know her better masasanay naman daw kami, may pagka jolly at napaka hyper niya. 'Wag mo lang babanggain dahil hindi raw siya aatras.

 

Alam narin nila Gi at Ryujin ang tungkol sa nararamdaman ko kay Rina at sa pag-amin ko, pero wala silang dulot dahil inasar asar lang nila ako. Hindi manlang nag comfort, mga fake friends.

 

Natinag ako sa pagmumuni-muni sa bintana nang mag vibrate ang phone ko, hindi ko alam kung bakit bigla nalang pumasok sa isip ko na si Karina 'tong tumatawag pero napaka assuming ko naman, si dad lang pala.

 

“hello?” sagot ko sa mahinang boses

 

“how's life, anak?”

 

“okay lang dad hehe..” alam kong peke ang naging pagtawa ko pero sana hindi niya 'yon mahalata

 

“are you sure? kamusta ang pag-pafile mo nang resume's? any update?” tanong niya, oo nga pala isa rin 'yon sa pinagka-busyhan ko dahil nga balak ko nang magtrabaho kaya nagsesend ako ng resume's through online sa mga company.

 

“hmm, wala pa po..”

 

“matutulog kana ba?” kinusot ko ang mga mata ko at medyo inaantok narin, alas onse narin kasi ng gabi

 

“Medyo, kayo dad..you should rest na, i'm doing great here especially with my friends!”

 

“Okay, i just missed you and also zero..dadalaw nalang kami ng ate mo diyan kapag nagkaro'n ng free time.”

 

“sige po, goodnight dad..pa kiss nalang kay mama para sa'kin.” natawa siya nang mahina bago ibaba ang telepono.

 

kung sana nandito pa siya, meron pa sana akong pagsasabihan at siya lang ang nakakaintindi sa'kin pagdating sa mga bagay na involve sa'kin. Si mama 'yon, naaksidente siya three years ago at yun ang naging cause niya ng pagkamatay. Dad decided na i-cremate siya dahil ayun rin ang gusto ni mama para raw may maiwan sa amin na alaala niya kahit abo nalang.

 

Makatulog na nga lang, inayos ko na ang kama ko saka nahiga rito

 

Kinabukasan maaga akong nagising dahil sa ingay na nagmumula sa baba, sigurado akong sina Ryujin 'yon dahil sila lang naman ang kasama ko rito..

 

kaagad akong bumangon at bumaba para puntahan sila

 

“Anong nangyayari dito!?”

 

“Ang aga aga ang init ng ulo mo! kaya ka 'di lumalaki e!” bungad na asar sa'kin ni Ryu

 

Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin bagkus ay kay Giselle nalang na may busy sa phone niya, may katawagan ata siya at mukhang seryoso pa

 

Ilang minuto rin akong naghintay na matapos si Giselle sa katawagan niya dahil siya ang tatanungin ko, wala kasing kwenta kapag ang isa ang tinanong ko. Aasarin lang ako

 

“Gi, anong nangyayari? bakit ang kalat dito?” curious kong tanong dahil nga sobrang kalat sa sala at maraming damit sa lapag, pinapalayas naba kami dito sa apartment?

 

Mag-iisang buwan pa nga lang aalis na agad kami?

 

“May b-bisita kasi, winter!” si Ryu ang sumagot, tinignan ko naman siya at kaagad niyang nilihis ang tingin sa'kin

 

feeling ko may tinatago 'tong dalawa na 'to, ano naman 'yon? at sinong bisita ang sinasabi nila?

 

“Huwag kang magagalit win huh? ano kase..” hindi na natuloy ni Giselle ang sasabihin niya nang bigla nalang bumukas ang pintuan at niluwa no'n si S-Somi?? tama ba ang nakikita ko?

 

“ba't parang gulat na gulat ka babe?” babe? walang hiya talaga 'to, she didn't changed.

 

“What are you doing here?” hindi ko naman gustong magtinig na inis pero parang gano'n na nga

 

“you don't miss me?” she said while pouting

 

“hindi..” sagot ko sakaniya nang diretso saka binalingan ang dalawang kasama ko “Gi! Siya ba 'yung bisita?”

 

sabay naman silang tumango kaya sinamaan ko sila ng tingin, kaya pala parang wala lagi ang dalawa dito sa apartment kasi may nilalakad tapos makikita ko ngayon na may damit na nakakalat sa sahig habang si Somi naman bisita?

 

parang may hindi magandang mangyayari at hindi ko nagugustuhan!

 

“Ate?!” napasigaw ako nang lumabas siya bigla sa pinto na nakangiti ngayon sa harap ko, niyakap ko naman siya agad dahil miss na miss ko na talaga siya at last year pa ang huling pagkikita namin bago pa siya lumipad sa Paris.

 

Ginantihan niya ang yakap ko at napayakap ako lalo nang mahigpit, hindi parin siya nagpapalit ng perfume. “y-you miss me that much huh?”

 

Mabilis kong tinanggal ang mga braso kong nakayakap sakaniya nang maramdamang hindi na pala siya makahinga dahil sa higpit ng yakap ko “bakit hindi mo sinabi sa'king ngayon ka uuwi, ate?!” pag w-whine ko, sinimangutan ko pa siya

 

“surprise?” saad naman niya, lumingon ako sa likuran niya at nando'n parin pala ang bwisit na babae na yun

 

“what is she doing here, ate?”

 

“Oh hindi pa nasasabi sainyo ni Aeri? She's living with you here--”

 

“Ano?!” sabay na bulalas namin ni Ryujin dahil kung sino man ang may ayaw sakaniya ay kaming dalawa 'yon

 

“Ate Taeyeon..No!” pag dis-agree ko sa gusto niyang mangyari, baka gusto niyang maaga kong ikamatay ang pagbantay rito sa pinsan namin. Somi's our nearest cousin at napaka annoying niya saka maarte pa kaya hindi ko ito nagustuhan.

 

“Ate winter, you're bad!”

 

“'Huwag mo 'kong ma-ate..baka ipalunok ko sa 'yo remote!” iritableng sigaw ko sakaniya, sanay naman na siyang ganito ang trato ko sakaniya pero kahit gano'n hindi parin siya tumitigil sa kakalapit sa'min nina Ryujin kasi gusto niya raw makipagkaibigan rin sakanila

 

Nung una pumayag kami kasi siyempre lagi siya sa states at wala siyang alam dito pero first day palang ng hang-out namin nun, nag-away na agad silang dalawa ni Ryujin kase raw napakaarte nitong pinsan ko at hawak pa daw nang hawak sa kamay niya.

 

Actually, magkasing edad lang kami kung tutuusin pero mas matured naman ang ut

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
minatozakidubudubu #1
Chapter 11: NASA WATTPAD TO'DI BA, GRABE YUNG INIS KO KAY WINTER DITO THAT TIME. KUNG PAMANHIDAN PAPAMBATO KO NA SIYA 😭😭😭😭
bbiiWinkim #2
Chapter 8: aahh nasa wattpad pala to 😅😅 medyo ka jirits si winter dito ha
LuvlyTaeminty
#3
d
TakuyaKen
#4
Chapter 7: before you jump to new relationship i hope maayos muna past
buddy_gfriend
#5
ano po name niyo sa wattapad?
TakuyaKen
#6
Chapter 4: hoping na di naman experimental lang si Win ah?
howdoyouknowmee
529 streak #7
Upvoted and subscribed
w_wwinrina
#8
yes po, but still not edited so maraming errors pa.
TakuyaKen
#9
Chapter 2: haha check ko nlng din s wattpad tapos nb to dun?