cant think of a proper title :p

The Irony of Love

“Hi Honey.”

“What are you doing here?”

“This is a public place so we can come here whenever we want.” Sagot ng kasama ng naunang nagsalita, hindi naman sumagot pa ang babae.

“Uhmm, this is JT. You already know him right?”

“Of course I know him. Siya ang siyokoy na ipinalit mo sa akin.”

“Ganyan ka ba talaga kabitter dahil mas pinili ako ng boyfriend mo kaysa sa iyo?” Iritableng banat ng tinawag ng kanyang suki na si Honey ng siyokoy.

“Oo, bitter ako. Bawal?”

“Nakaawa ka.”

“Thank you, but I don’t need your sympathy. Kuntento na ako sa awa ng mga tao, hindi ko na kailangan pa ng awa galing sa isang siyokoy na nakapalda.”

“Ang malditang ito-“

Kitang kita ni Ivy kung paanong inambaan ng sampal ng bading na mukhang siyokoy ngang bagong lalaki ng ex ni Honey. Maigi na lamang at mabilis siyang nakagalaw at nasangga niya ang kamay nito.

“What do you think you are doing? Wag ka ngang makielam.” Mataray na angil sa kanya ng kaharap.

“I’m sorry pero hindi namin tinotolerate dito sa café namin ang gulo.” She sarcastically responded.

“That girl just insulted me.”

“I know but you can just insult her back. You cant hit her.”

Awtomatikong tumaas ang kilay ng kanyang kausap matapos marinig ang kanyang mga sinabi.

“I want to talk to your manager.”

“I own this place.” She smiled. “And sorry but I’m gonna have to ask you to leave. You know where the door is right?”

Padabog na kinaladkad ng siyokoy ang jowa nito palabas ng establisyimento.

“Thanks Ate Ivy.” Honey uttered.

“You’re welcome.” She smiled. “Are you okay?” Tanong niya, napansin kasi niyang namumuo na ang mga luha sa mga mata ng babae.

“I’m fine.” Pilit itong ngumiti pero bakas pa rin sa mga mata nito ang kalungkutan. “I have to go. Salamat ulit.” Tinanguan na lamang siya ng babae bago ito mabagal na nagmartsa palabas ng café.

Hahabulin pa sana niya ang dalaga kung hindi lamang niya nakilala ang lalaking sumunod sa lalaki. Nakakapagtaka, dahil malamang na hindi naman nito kilala si Honey pero hindi na niya iyon masyadong inisip dahil mas namayani sa kanyang utak ang isang bagay.

“Bad vibes! Bad vibes!” Natatarantang bulong niya sa sarili habang mabilis siyang bumalik sa loob ng café but she was too late, nakita na siya ng taong tatlong buwan din niyang tinaguan.

“Ivy.” Bati nito sa kanya.

“Leeteuk.”

“Long time no see.”

Hindi niya alam kung tatakbo pa siya palayo sa lalaki o kung sasalubungin niya ito ng yakap; kahit naman kasi ginusto talaga niyang lumayo rito ay hindi pa rin niya maikakailang namiss niya ang lalaki, but she couldnt do anything, she just stood there..frozen.

“Ate Ivy.” She heard another familiar voice that she also didn’t hear for quite a while. “We need to talk.”

Biglang nilamon ng kaba ang kanyang buong sistema nang makita niya ang ekspresyon sa mukha ng nagmamay-ari ng boses. Minsan lang niya ito makitaan ng ganoong klase ng emosyon, seryoso.

“May problema ba?”

Imbes na sagutin ang tanong niya ay nilingon lamang nito ang lalaking nakamasid lamang sa kanila.

What an awkward situation: siya, ang isa sa pinakamatalik niyang kaibigan at ang lalaking pareho nilang itinatangi. The irony of life; the irony of love.

“Follow me.” Basag ni Lei sa panandaliang katahimikan sa pagitan nilang tatlo.

Alangan naman niyang sinundan ito papasok sa loon ng opisina niya.

“Anong ibig sabihin nito?”

Halos ipanalangin na niya n asana ay lamunin na lamang siya ng lupa nang makita niya ang larawang inihagis ng kanyang kaibigan sa kanyang harap.

The girl who stole my heart.

It was the photo Leeteuk took the night he confessed to her, the night she rejected him. It’s been three months pero malinaw pa rin sa kanyang alaala ang pangyayaring iyon and it still pierced her heart every time she thought about it.

“Where did you get that?”

“It doesn’t matter where I got that. Just explain that thing to me.”

She stared at the photo for quite a while, long enough to make her tears flow. Hindi siya sigurado kung para saan ang mga luhang iyon pero hindi talaga niya mapigilan ang sarili.

“Sorry Lei.”

“I’m not asking for your apology. I’m asking for your explanation.”

“I don’t have anything to explain.”

Lei smirked. “I cant believe you. Paano mo to nagawa?”

Heto na nga ba ang kinakatakot niya, nasaktan niya si Lei. She already knew that they shared the same feelings for the same man but she didn’t even do anything about it. Hinayaan lamang niyang lumalala ang sitwasyon. Hinayaan lamang niyang magkasakitan silang magkaibigan.

She gave her friend an apologetic look. She felt so helpless that time and it frustrated the hell out of her because she didn’t know what to do. She wanted to do what her friend was asking her to do. She wanted to start explaining things but she didn’t even know where to start.

“Don’t look at me like that.” Wala pa ding emosyong pahayag ng kanyang kausap.

“I’m really sorry Lei. You are my friend, and I already know that you love him pero wala akong ginawa. I don’t want to hurt you. Hindi ko ginusto ang lahat ng mga nangyari. Pinilit kong iwasan ang lahat ng ito that is why I kept everything.” She walked towards Lei and grabbed her hand. “Pero wala namangnangyari eeh. I didn’t accept his feelings. You still have a chance with him.”

She wasn’t sure what just happened or if here was anything funny about what she just said and did but Lei just bursted out laughing.

“What the heck are you talking about? Me? Having a chance with Leeteuk? Are you kidding me?”

“But you told me that you love him.”

“Oo, mahal ko nga siya.” Lei smiled. “And I bet that is the reason why you rejected him. You don’t want to hurt my feelings, tama ba ako?”

Tango na lamang ang naisagot niya dahil masyado siyang naging abala sa pagiisip kung bakit bigla na lamang naging ganoon kabilis ang pagbabago ng atmospera sa pagitan nilang dalawa.

“Ate Ivy naman, sa ginawa mong iyan parang gusto kitang ipabaril sa Luneta. Masyado kang nagpapakadakila. Ang dapat mga martir kinakatay eeh.”

“I don’t get you are trying to imply.”

Lei led her to the couch and motioned her to sit down. She held her hand and continued talking. “Ate Ivy, do you think I’m that selfish? Na mas gugustuhin kong agawin sa kaibigan ko ang lalaking wala namang interes sa akin?  If you don’t have the heart to hurt me, I also don’t have the heart to watch you and Leeteuk waste your love. I’d rather see you and him happy together than letting you sacrifice your love just for me.” Lei’s smile widen as a droplet of tear fell from her eye. “I know you love him very much, matagal na and I’m sorry for causing this rucus.”

“Wala kang dapat ipaghingi ng tawad Lei. You just fell in love, and shared it to me. Ako lang naman itong praning na kung ano ano ang pinagiiisip.” Wika niya habang pinupunasan ang mga luha ng kaharap.

“Buti alam mo!” Pabirong wika nito. “So are you gonna talk to him? You should fix this kung ayaw mong tuluyan na talaga kitang ipabaril.”

“If he’s still gonna accept me.”

“Trust me, he will.” She chuckled. “You should’ve seen him in the last three months. All he did was stare at that freaking photo, muntik na nga daw nilang ipadala sa mental eeh. The boys tried to call you but you were avoiding them so they just decided to call me and when I saw Leeteuk, I ran out of patience. Ako na mismo ang kumaladkad sa kanya rito para kumprontahin ka.”

“ Sa tingin mo tatanggapin pa niya ako?”

“Of course.” Lei excitedly stood up. “Now let’s go.” Pagkasabi niyon ay hinatak na siya nito palabas pero halos malaglag ang puso niya nang walang Leeteuk na nagaantay sa kanila.

“Asan na ang magaling niyong leader?” Asik ni Lei sa tumpok ng mga lalaking nagkukumpulan sa isang sulok ng café.

“Kasama ni Heechul-hyung, sinundo si Henry. Naligaw sa mall ang mokong.” Sagot ng isa sa mga lalaking abala sa pagtitig sa monitor ng laptop nito.

“Antayin-“ hindi na niya pa hinayaang makatapos magsalita si Lei at kinaladkad na niya ito patungo sa parking lot.

“Samahan mo ako. Manliligaw tayo.”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
julgium
#1
haish ateh naman teukie na pakakawalan mo pa? okey n ke best eh
FanFicLoverz #2
uwah ~ dakilang kuwento dito, mahal ang masamang balak!