LBMS 7

LOVED BY MY SWEETHEART || CATNIPZ || MINJI X HAERIN
Please log in to read the full chapter

🐻 MINJI

Asa room na ako ngayon at akaunti pa lang ang tao ngayon nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Danielle "Ang aga mo ata ngayon Nielle" Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa pwesto niya.

Problema nun?

Agad naman akong tumayo at lumapit sa kanya dahil bothered ako pag ganyan siya umasta pero bago pa man ako makalapit ay nag salita siya "Mamayang vacant mag usap tayo" Saad niya. Tumango na lamang ako at bumalik sa aking pwesto at naupo.

Galit ba siya saakin? Ano ba ginawa ko?? ni hindi niya man lang ako tinignan.

===============🐻😸================

2 subjects na ang nag daan pero hindi parin kami nagpapansinan, actually siya hindi ako pinapansin kahit anong manifest ko na tumingin siya saakin, pero wala.

"Okay class, Goodbye" Saad naman ng aming guro kaya agad agad namang nag silabasan ang mga classmates ko. Ngunit nagpaiwan pa ako at inaantay ko matapos magligpit si Danielle.

Pagtapos niya ay agad naman niya akong sinenyasan at sumunod naman ako dito at napadpad kami sa bandang likod ng building kung saan walang tao at puro puno lamang.

"Ano ba problema natin Danielle?" Tanong ko sa kanya dahil hindi na ako mapakali na yung kaibigan ko may galit saakin? o kung ano man.

"Anong problema? Ikaw ang problema, tsk" Sagot naman nito habang bakas sa mga mukha niya ang galit.

"Pwede ba sabihin mo muna yung dahilan, hindi yung ganto nagagalit ka agad" Paano ako makakapag explain kung hindi ko naman alam yung nanyari, bakit ba nagkakaganyan siya?

"So hindi mo alam??" Inis niyang sabi "Kahapon?? Bakit andun ka?? Ikaw ba yung sinabi niyang inantay niya??" Tumango na lamang ako sa kanya dahil totoo naman guilty ako and I felt sorry din dahil ako rin naman ang dahilan una pa lang.

"Bakit ano meron? So kaya pala hindi siya pumayag mag celebrate with me dahil ikaw yung pinili?" Sarcastiko niyang sabi habang natatawa.

"Alam mo bang niyaya ko rin siya, hindi ko alam nauna ka na pala" patuloy niya parin sa pagtawa.

Una sa lahat hindi ko naman alam na ginawa niya rin yun, kung alam ko lang rin naman hindi ko na itutuloy at cancel ko na lang sana.

"Minji, magkaibigan tayo! alam mo naman may gusto ako sa kanya diba?" nanatili lang ako nakatayo habang tinitigan at inaantay ang susunod niyang sasabihin "Imbis na ipush mo siya for me, bakit parang gumagawa ka rin ng move??" Napatikim naman ako sa sinabi niya, hindi ko alam ang sasabihin ko, natatakot ako pag nagsalita ako ay mawala yung pagkakaibigan namin.

"Nakita ko pa yung story niya sa Ig mukha siyang masaya, ikaw rin kasama niya dun diba?" tanong niya saakin "Malamang ikaw nga yun, ikaw huling kasama e" Tumalikod naman siya habang pilit tumatawa "Mangaagaw" mahinang sabi nito ngunit rinig na rinig ng dalawa kong tenga

" I'm sorry" Sagot ko naman dito at agad naman siyang humarap at tinitigan ako, halata naman sa mga mata nito ang galit at lungkot.

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Nyasken #1
Chapter 8: Lol
Jiyoo_7 #2
Chapter 7: when new chapters??🥺
Nyasken #3
Chapter 5: I'm waiting for new chapters‼️
Nyasken #4
Chapter 4: continue this fan fiction! He's very interesting
Nyasken #5
Chapter 1: Hey! This is a good fic, keep it up!! 👏