LBMS 2

LOVED BY MY SWEETHEART || CATNIPZ || MINJI X HAERIN
Please log in to read the full chapter

🐻MINJI

Sa buong week na ito maraming nangyari, like magkakaroon kami ng acquaintances party para sa mga new students pero pwede rin naman daw kami pumunta basta may pang bayad kami.

Sa totoo lang gusto lang naman talaga kumita ng school namin kaya may paganto tsk, pero sabi nga nila once a year lang naman at hindi naman masamang pumunta.

"Oy! Min, Sama ka ba sa acquaintances party? Samahan raw natin si Haerin" Saad ni Dan.

Sus, Gusto mo lang naman niya makasama si Haerin. Dadamay niya pa ako/kami.

Btw nandito kami sa open area ng school dahil napagusapan naming magkita since wala raw ang professor nila Anne at kami naman ni Seb ay vacant.

"Oo nga lahat kami pupunta since last year na natin ito at si Haerin sasamahan namin kasi first time niya ito" dagdag pa ni Eunchae.

"Ano ba raw theme?" sabi ko.

"Masquerade ball daw e" bangit naman ni Hyein na kanina pa picture nang picture.

"Korni naman, wala ba silang maisip na iba? Pag iisipan ko muna talaga"

Tumingin sa akin si Haerin na para bang nagpapahiwatig na sumama na ako.

"Sumama ka na lang pag nag release na ng CrossfireX bibilhan agad kita" sabay sabi ni Danielle.

Napaisip naman ako dun, may pera naman ako kung tutuusin kaso mas maganda na sigurong maka libre, para may pang bili pa ako sa iba.

"Deal!" Sabay tayo ko habang nilalahad yung kamay ko.

"Nu bayan Kim Minji umupo ka nga bigla bigla kang tumatayo" Biglang sabi ni Eunchae.

Na excite lang naman ako, first time manlibre nitong si Dan kaya grab agad.

"Okay! Deal" pag abot naman ni Dan sa kamay ko. Sabay best friend handshake with matching tawa.

"Nako itong mag bestfriend na ito, maupo nga kayo nakakahiya kayo kay Haerin"

Napaupo naman ako bigla at itong si Dan may pa ngit ngiti pa. Mapunit sana yang labi mo.

"It's fine. They are fun to watch. By the way, Minji, sasama ka ha, I'm looking forward to seeing you, uhm, I mean all of you. I'd like to see everyone since you are all my friends here." She said with her low tone.

"Yes, attend ako!"

pagtapos ay pinagpatuloy pa namin ang aming chikahan.

after nun ay nagsimula na akong magligpit dahil may next class pa kami.

"Guys una na kami, baka ma late pa kaming dalawa" Tumayo naman na ako at sumunod na rin si Dan at nag simula na kaming maglakad.

===============🐻😸================

"Minji, May lakad ka ba ngayon? Tara mall!" Pag aaya naman saakin ni Dan.

Tapos na ang class namin at wala naman rin akong gagawin ngayon, hindi naman siguro masama mag lakwatsa kahit wednesday pa lang ngayon?

"Sige basta libre mo!" Sagot ko naman dito, napakamot na lamang siya ng ulo.

"Bakit libre ko nanaman? Ginagawa mo na akong sugar mommy ha!"

"Syempre niyaya mo ako, may bayad ang oras ko" Biro ko naman dito.

"Fine, basta sama ka na may kasama rin tayo!" Sabi naman nito at nagsimula na maglakad palabas ng aming room.

"Huh? Akala ko ba tayo lang dalawa? May ka date ka ba?" Takang tanong ko naman dito.

Bakit kasi kailangan pa akong sumama sa ganto eh dalawa naman na sila, ginagawa lang talaga ako nitong thirdwheel.

"Baliw, syempre nakakahiya naman kung ako lang nandun. Dapat andun ka rin, support mo ako" Lingon naman nito saakin sabay tawa.

Amp ginawa pa akong supporter, kakandidato ka ba? Hays sarap batukan.

"Hays ano pa nga ba magagawa ko? Edi go alis na tayo, baka inaantay kana nung sasamahan mo"

"Sige tara, saka matutuwa ka kung sino kasama ko" ngisi naman nito.

Nakakaintriga naman, kung sino ka man sana kayo na lang dalawa umalis sinama niyo pa ako.

"Hindi na ako sasabay sayo, kita na lang tayo sa mall. Text kita"

Agad naman na ako pumunta kung nasaan nakapwesto ang aking motor at pagtapos ay nag simula na rin akong paandarin ito.

===============🐻😸================

To: Nielle 🐶

Asan ka na? Andito na ako!

From: Me

From: Nielle 🐶

Wait malapit na, ambilis mo kasi naka motor ka. Wait mo ko sa food court dun sa lagi natin kinakainan.

To: Me

Hindi na ako sumagot at pumasok na rin ako. Nagsimula na rin akong maglakad papunta dun sa food court na sinasabi niya.

Nang makarating ako, agad naman akong umupo. Ayaw ko naman mag antay nang nakatayo, kilala ko rin yun pagsinabi niyang malapit ibig sabihin hindi pa.

===============🐻😸================

Sa sobrang tagal nila napabili na ako ng inumin at nakatapos

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Nyasken #1
Chapter 8: Lol
Jiyoo_7 #2
Chapter 7: when new chapters??🥺
Nyasken #3
Chapter 5: I'm waiting for new chapters‼️
Nyasken #4
Chapter 4: continue this fan fiction! He's very interesting
Nyasken #5
Chapter 1: Hey! This is a good fic, keep it up!! 👏